Nadapa ako. Oo at sa tingin ko rumami ang baling buto ko sa katawan. Naulirat naman ako nung marinig ko ang malakas na tawa nang mga kaibigan ko. Oo ni North, East, South, West. Agad naman akong tumayo at pinagpagan ang damit ko. Napansin kong yung mga malalapit lang sa pwesto namin ay tumatawa. Tiningnan ko ang paligid at nakitang madilim pala sa pwesto namin. Tiningnan ko ulit ang mga kaibigan ko na nauubusan na ng hangin kakatawa. Si West ay nakaupo na sa damong lupa. Si North ay nakasandal kay East habang hawak hawak ang tiyan. Si East ay nakatayo lang habang nakapikit na sa kakatawa. Si South naman ay nakaupo na mismo sa hood ng sasakyan niya at napatitig ako sa kanya. Jusko po di ko alam nawasak ata yung obaryo ko sa tunog ng tawa niya. Napaiwas ako ng tingin sa mga kaibigan kong

