LIBERTY-20: THE SETUP ‼️

1176 Words
"Maxwell! Ang aso mo, sinira na lahat ang gamit ko!" umiiyak na sigaw ni Joanna, dahil sa panghihinayang sa kaniyang mga nasirang gamit. "Dapat sa labas na lang tayo kumain, hindi dito sa bahay mong may nakatirang halimaw!" dagdag pa niya sa galit na tono. "Hindi halimaw si Libby, Joanna! Kaya galit sayo si Libby, dahil hindi niya ma-feel sa iyo na mahal mo siya. Alam mo bang mas matalino pa iyang si Libby, kaysa sa ibang tao?!" sagot ni Maxwell sa mataas na tono. "At alam mong hindi ako puweding lumabas ngayon dahil sa daming banta sa buhay ko. Hayaan mo't babayaran ko lahat ang mga sinira ni Libby!" dagdag pa niya. Si Libby naman ay tumahol ng tumahol at pilit nilulundag ang lamesa para muling lapitan si Joanna. Galit na galit talaga siya sa babae. Dati pa siyang galit kay Joanna. Mula nang unang pagkakataon na dalhin ito ni Maxwell sa bahay nila ay hindi na niya ito gusto. "Aso lang iyan, Maxwell! Bakit kung ituring mo ay parang tao? Ang dapat sa kanya ay nasa labas ng bahay, hindi dito sa loob. Guwardya ang papel ng aso, hindi ang gawing anak!" sagot ni Joanna. "Watch your mouth, Joanna! Ayaw kong sinasabi mong sa labas ng bahay patirahin si Libby, dahil mula nang i-adopt ko siya ay ito na ang bahay niya. Nakatira na siya dito sa bahay na ito, bago kapa tumuntong sa bahay bahay ko." nanggigigil na sabi ni Maxwell. Naningkit na rin ang kaniyang mga mata dahil sa inis kay Joanna. "Bumaba kana dyan, at ipapahatid na kita sa bahay n'yo! Umuwi kana lang at kumain sa inyo. Wala na 'kong ganang kumain." padabog na sabi ni Maxwell, saka niya binuhat si Libby. Agad naman na yumakap si Libby sa leeg ni Maxwell, habang naka labas ang buong gilagid na naka tingin kay Joanna. "Grrrrr! Grrrrrrf! Grrrrrrr! Aww-aww-aww!" -Libby. "Enough, Libby! Aalis na siya... Hindi mo na siya makikita." pang-aalo naman ni Maxwell sa kanyang alaga. "Hkk! Hkk! Hkk!" tugon ni Libby, saka niya dinilaan ang buong mukha ni Maxwell, pati sa labi nito. "Eww! Kadiri ka, Maxwell! Nagpapahalik ka sa aso?!" hindi naman makapaniwalang sambit ni Joanna. "Malinis ang alaga ko, Joanna! Karne, isda, gulay, at prutas lang ang kinakain niya. Hindi rin siya lumalabas ng bahay. Saka lang siya lalabas kung pupunta siya sa Grooming!" tugon ni Maxwell. Niyakap at hinalikan din niya si Libby, kaya lalong napa ngiwi si Joanna. "Ihatid n'yo na si Joanna sa kanila! Aakyat na kami ni Libby sa kuwarto, para mag-relax sa kuwarto!" utos ni Maxwell sa mga tauhan niya na nasa paligid. Nanonood lang ang mga ito, habang nagkakagulo sa loob ng bahay kanina. Walang nagtangkang umawat kay Libby, dahil alam nilang magagalit si Maxwell, kapag nasaktan ang aso niya. GALIT na galit naman si Joanna, nang tuluyan na siyang iwanan ni Maxwell sa dining table. Naiinis siya sa lalaki, dahil hindi man lang siya kinampihan nito, at ipinagtanggol sa alaga nitong aso. Nakita din niyang tumatawa ang kasambahay ni Maxwell, kaya inirapan niya ito. Bigla siyang nainis sa babae, dahil wala man lang itong ginawa para tulungan siya. "Tulungan n'yo nga akong bumaba dito!" masungit na saad niya sa mga tauhan ni Maxwell, pero hindi gumalaw ang mga ito. "Ma'am Joanna, bawal po kaming lumapit at hawakan kayo, bilang respito kay Mayor." tugon ng isang tauhan ni Maxwell. Lalo naman nainis si Joanna, dahil lumabas na nang tuluyan ang mga tauhan ni Maxwell. Muli din niyang nilingon ang kasambahay, pero wala na ito sa likuran niya. Walang nagawa si Joanna, kung hindi ang bumaba na mag-isa. Ibinaba niya ang kaniyang dalawang paa, saka siya umapak sa upuan, para makababa siya mula sa lamesa. Hinatid ng mga tauhan ni Maxwell, si Joanna sa bahay nila, habang sina Maxwell at Libby naman ay nasa loob ng kuwarto ni Libby at doon na humiga sa sofa si Maxwell, habang si Libby naman ay muli na naman siyang nanood ng paborito niyang Gymnastic show. Tuwang-tuwa naman si Maxwell, habang pinapanood niya si Libby na tumatambling-tambling sa carpeted na sahig. Bawat isang show na gagayahin nito ay may reward siyang snack, kaya lalo itong nagsipag sa pagsayaw. Kinaumagahan ay maagang naghanda si Maxwell, para magtungo sa munisepyo. Sumakay siya sa isang kotse niyang bago, para ito ang gamitin niyang pang pasok sa opisina. Puro tama ng b@l@ ang dati niyang sasakyan, kaya kailangan niyang gumamit ng iba. Habang nakasakay siya sa likurang upuan ay nagbabasa naman siya ng mga report sa kaniya mula sa kaniyang Laptop. Paglabas nila sa subdivision ay bigla na lang silang pinaulanan ng b@l@ ng nakasalubong nilang van. Mabilis naman na humiga si Maxwell sa sahig ng bagong sasakyan, para hindi siya mahagip ng b@l@. Pati ang driver at isang bodyguard niya ay nakayuko sa ilalim ng dashboard, para hindi sila matamaan ng b@l@. Nang tumigil ang putuk@n ay malayo na rin ang van na naka salubong nila. Bumaba ang dalawang tauhan ni Maxwell, para tingnan ang plate number ng sasakyan, pero malayo na agad ito sa kanila. Agad din na dumating ang mga police para imbistigahan ang nangyari kay Mayor Maxwell. Ang mga police na rin ang naghatid sa kaniya sa munisipyo, dahil nasira na naman ang isa niyang sasakyan dahil sa mga taong may masamang balak sa kaniya. Pagdating niya sa munisepyo ay agad siyang sinalubong ng mga empleyado roon upang kumustahin. Marami sa kanila ang nag-aalala sa kaniyang kaligtasan, dahil sa magkasunod na pagtatangka sa kaniyang buhay. Dumating naman si Joanna at nagmamadaling nagtungo sa opisina ni Maxwell, upang kumustahin ito. "Max, totoo ba ang sinabi sa akin ng mga empleyado na tinambangan ka ulit kanina lang?" nag-aalalang tanong ni Joanna. "Natamaan ka ba? May masakit ba sa 'yo? Sabihin mo sa akin, para madala agad kita sa hospital." natatarantang tanong niya sa binata. Kinapa din niya ang magkabilang braso ni Maxwell, para hanapin kung may sugat ito. "I'm fine, Joanna!" sabi ni Maxwell, saka niya binawi ang braso, saka ipinagpatuloy ang ginagawa. "Nag-aalala ako sa 'yo, Maxwell! Natatakot ako na baka isang araw ay tuluyan ka nang mawala sa akin dahil sa mga taong nagtatangka sa buhay mo. Hindi ko kayang mawala ka sa akin, Maxwell, dahil mahal na mahal kita!" umiiyak na sambit ni Joanna. Mariin naman na napapikit si Maxwell, dahil sa tinuran ng dalaga. Binitawan din niya ang hawak niyang pen, at seryosong tinitigan si Joanna. "Alam mo kung ano ang totoong relasyon natin, Joanna! Huwag mong kalimutan ang pinagkasunduhan natin. Pumayag ka sa gano'n setup, kaya huwag kang umasa na habangbuhay tayong magkakasama. Ikaw ang may gusto sa ganitong sitwasyon, Joanna!" deretsahan na sagot ni Maxwell. "Hanggang ngayon pa ba ay hindi mo pa rin nakakalimutan ang babaeng 'yon?" umiiling na tanong ni Joanna. Hawak din niya ang kaniyang dibdib dahil sa sakit na nararamdaman. "Alam mo kung ano ang sagot sa tanong mo, Joanna!" sagot ni Maxwell. " Bumalik kana sa opisina mo. Marami pa akong tatapusin na trabaho dito." dagdag pa niya, at muling ibinalik ang attention sa kaniyang mga binabasang papeles.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD