LIBERTY-17: AKYAT-BAHAY‼️

2217 Words
PAGPASOK ni Maxwell sa loob ng bahay ay hindi na siya nag abalang magsindi ng ilaw dahil maliwanag naman ang mga ilaw na nagmumula sa labas ng bahay. Maraming mga streetlight sa labas, samahan pa ng ilaw sa labas mismo ng kaniyang bahay. Ibinaba niya sa sofa ang dalang bag at nagtungo siya sa kusina para uminom ng tubig. Hindi pa rin siya nag-abalang magbukas ng ilaw dahil maliwanang naman ang loob dahil sa sinag ng ilaw na nagmumula sa likod ng bahay. Naglakad siya patungo sa lagayan ng mga baso para kumuha ng magagamit niyang uminom ng tubig, nang bigla siyang nadulas sa sahig. "AAAAAH!" malakas niyang sigaw, habang mabilis siyang nag slide patungo sa lababo. Sinikap naman niyang hindi matumba para hindi siya masaktan. Nang malapit na siya sa lababo ay doon siya humawak para hindi tuluyan matumba, ngunit naontog siya sa hanging cabinet. "OUCH!" malakas niyang sigaw. Hinawakan niya ang kaniyang noo dahil pakiramdam niya ay mabibiyak ito sa sakit. Pati ang mga mata niya ay kasama rin na sumakit dahil sa lakas ng kaniyang pagkaka untog. "What the h*ll happen in my kitchen? Sino ang nagtapon ng mantika sa sahig?" malakas ang boses ni Maxwell na tanong sa sarili. Muli siyang gumalaw, pero muli na naman siyang nag-slide. Mabuti na lang at naka kapit pa rin siya sa lababo kaya hindi siya tuluyang bumagsak sa sahig. Dahil hindi siya makalakad dahil madulas ang suot niyang sapatos ay kumuha na lang siya ng baso sa lagayan at naghanda sa gagawin. Noong bata pa siya ay marunong siyang mag skate, kaya iyon ang naisip niyang gawin ngayon. Nagpadulas na lang siya patungo sa fridge, habang hawak nito ang baso. Naka taas pa ang dalawang kamay para ma-balance niyang mabuti ang katawan. Binuksan niya ang pinto ng fridge at kinuha ang lagayan ng tubig at nagsalin sa baso. Uminom siya ng malamig na tubig, saka muling isinara refregirator. Muli siyang nagpadulas patungo sa lababo para ibalik ang baso, at muli na naman siyang nagpadulas pabalik sa pinto, ngunit hindi niya na-balance mabuti ang katawan nang paliko na siya patungo sa bukas na pinto, kaya tuloy-tuloy siyang tumilapon sa sahig. Napahiga siya sa sahig ng dining room. Bago siya bumangon at umapak sa sahig ng dining room ay tinanggal muna niya ang suot niyang black leather shoe at iniwan sa kusina. Binuksan na rin niya ang ilaw para makita ang nangyari sa loob ng kusina. Muli niyang nasapo ang kaniyang noo, dahil sa nakitang nagkalat na likido sa sahig. Bigla rin siyang nakaramdam ng galit, dahil sa iniisip niyang ginawang pagpapabaya ni Solana sa kaniyang kusina. Malalaki ang hakbang niyang nagtungo sa kuwarto ni Solana, para tanungin ang kasambahay. Tila gustong magwala sa galit ni Maxwell. Kinatok niya ang pinto ng kuwarto ni Solana, nang malakas. Kulang na lang ay gibahin niya ang pinto. "Solana! Solana!..." malakas niyang sigaw, habang kinakalabog ang pinto. "Vice, bakit po? Bakit po kayo sumisigaw?" tanong ni Solana, habang kinukusot ang mga mata. Nasa kasarapan na siya nang tulog nang kalabogin ni Maxwell ang kaniyang pinto. Nagulat pa siya at biglang bumangon kahit tulog pa ang dugo. "Gusto lang kitang tanungin kung bakit mo binuhusan ng mantika ang sahig sa kusina? Galit ka ba sa akin, Solana? Nagsasawa kana ba sa pagtatrabaho mo sa bahay na ito? Kung ayaw mo nang magtrabaho sa akin ay magsabi ka lang para alam ko, at makahanap ako ng papalit sa iyo rito." tuloy-tuloy na sabi ni Maxwell. Nagulat naman si Solana, dahil sa mga narinig mula kay Maxwell. Biglang nawala ang antok niya, dahil sa mga sinabi nito. "Sandali lang, Vice! Ano bang sinasabi ninyong binuhusan ko ng mantika ang sahig sa kusina? Bakit ko naman gagawin iyon, ganon alam natin pareho na doon ako naglalagi sa kusina para magluto ng mga kakainin natin. Nag mop pa nga ako kanina roon bago ako natulog, kaya napaka imposibleng mayroong mantika ang sahig." tugon ni Solana. "Kung hindi ikaw ang nagbuhos ng mantika sa sahig ay sino? Alangan naman na si Libby ang gumawa? Tayong tatlo lang nakatira sa bahay na ito, kaya wala akong ibang pagbibintangan kung hindi ikaw. Pero sabi mo ay hindi ikaw, eh, sino? Ano pinasok tayo ng magnanakaw, ganon?" sabi ni Maxwell. "Tingnan mo nga ang nangyari sa noo ko, nagkabukol ako dahil nadlas ako at na-untog sa hanging cabinet, dahil madulas ang sahig." dagdag pa nito, saka ipinakita ang noo niyang namumula. "Hindi ko rin masasagot ang tanong mo, Vice! Pero mayroon naman CCTV itong bahay. Doon na lang ninyo tingnan kung sino ang gumawa. Pero hindi po talaga ako ang nagbuhos ng mantika sa kusina." saad ni Solana. Sandali nga at makapunta sa kusina para makita ko." dagdag pa niya, saka siya lumabas ng kaniyang kuwarto at nagtungo sa kusina. "Anak ng buwaya sa lipunan! Bakit puro mantika ang sahig? Kalilinis ko lang kanina bago ako matulog, eh!" parang gustong umiyak ni Solana, nang makita niya ang nagkalat na mantika sa sahig. Bigla din siyang nanghina dahil sa nakita. Isang tingin pa lang niya ay napapagod na siya, ano pa kaya kung linisan niya ito mamaya. "Sige na, bumalik kana sa kuwarto mo. Bukas mo na lang 'yan linisan. Buhusan mo ng mainit na tubig para mas madaling mawala ang mantika. Kunin mo na lang ang hose sa garden at iyon ang gamitin mo. Sa banyo mo i-konekta ang hose at purong mainit na tubig ang gamitin mong pangbuhos para maanod ang mantika bago mo sabunan." Bilin ni Maxwell sa kasambahay. "Aakyat na ako para makita ko sa CCTV, kung sino ang nakapasok dito sa bahay. Papaimbistigahan ko rin ang nangyaring ito, baka mayroong nakapasok na akyat-bahay." saad niya, bago tumalikod. Naglakad si Maxwell patungo sa hagdan. Tanging medyas na lamang niya ang kaniyang suot kaya hindi na maingay ang mga yapak niya. Hindi pa rin siya nag abalang magsindi ng ilaw nang umakyat siya sa hagdan. Nang nasa kalagitnaan na siya ng hagdan ay bigla niyang naapakan ang isang hinog na mangga. "F**k! Anong-" inis niyang tanong, saka tiningnan ang naapakan niyang malambot. "Oh, bakit may mangga rito sa hagdan?" nagtataka niyang sambit, nang pulutin niya ang napisang hinog na mangga. Ibinaba niya ang isang paa para tingnan ang hagdan, pero mayroon na naman siyang naapakan na matigas. Bigla rin itong gumulong, kaya nadulas siya. Ngunit mabilis siyang nakahawak sa railing ng hagdan, kaya hindi siya nahulog. "Solana!" malakas niyang sigaw, dahil naka bitin na siya sa railing. " Help me, Solana!" sigaw niya. Nang e-echo sa buong kabahayan ang malakas niyang boses, dahil sa lakas ng kaniyang pagsigaw. "Vice, bakit po kayo sumisigaw?!" sagot ni Solana. Mabilis siyang tumakbo palapit sa amo, ngunit may naapakan din siyang mansanas na gumugulong kaya natipalok din siya. "Solana, bakit nandito sa hagdana ng mga prutas?" tanong niya sa malakas niyang boses. "Nadulas pa ako nang dahil sa mga prutas na naka lagay rito." galit na tanon ni Maxwell. "Hindi ko rin po alam, Vice! Hindi ko naman inilagay dyan ang mga prutas. Nasa ibabaw ng malaking lamesa ang fruit basket, pero wala nang laman." sagot ni Solana. Hinihilot din niya ang kanyang balakang dahil sa sakit nito dahil sa pagbagsak. Tuluyan nang nawala ang antok ng babae dahil sa takot niya sa malakas na boses ni Maxwell, at sa malakas na pagkabagsak niya sa sahig. Nakikita na rin niya ang mga nagkalat na prutas sa sahig, kaya napa isip siya kung sino ang naglagay sa mga prutas sa hagdan. "Tumawag ka ng police at paiimbistigahan ko ang nangyari rito sa bahay. Ngayon ay sigurado na akong mayroong akyat-bahay na nakapasok rito at sila ang naglagay ng mantika sa kusina at naglagay ng nitong mga prutas dito sa hagdan." galit na sambit ni Maxwell. Agad naman na tumayo si Solana, para tumawag ng police. Hawak pa rin niya ang balakang dahil masakit pa rin ito. Sinindihan ni Solana ang ilaw, kaya nakita niya si Maxwell na naka bitin sa railing ng hagdan. Nagkalat din ang laman ng hinog na mangga sa sahig. Napakamot na lang ng ulo si Solana, dahil sa inis niya sa taong gumawa ng mga kalat sa loob ng bahay. Siya ang pinahirapan ng taong iyon, dahil siya ang maglilinis sa mga kalat na iyon. Agad na tumawag ng mga police si Solana, para ma-imbistigahan ang nangyari sa loob ng bahay ni Vice. Agad naman na dumating ang tatlong police. Tiningnan nila ang bawat sulok ng bakuran kung saan dumaan ang mga akyat-bahay na sinasabi ni Vice Mayor Maxwell Palmer. Ngunit wala naman silang makita na kahit anong ibedensya na mayroon nanloob sa bahay. Walang senyales na pinuwersa ang mga pinto o bintana para makapasok ang akyat-bahay. Kahit sa loob ng bahay ay wala rin silang nakitang mga palatandaan na mayroon pumasok sa loob. Nang silipin nila ang CCTV ay wala din silang nakitang tao na pumasok sa loob, ngunit kapansin-pansin ang pag-blackout nito ng limang minuto. Pero wala naman silang nakitang kakaiba, kaya wala din silang nakuhang lead, kaugnay sa panloloob sa bahay ni Vice Mayor Palmer. Maayos din ang loob ng bahay at hindi naman nagulo ang mga gamit ni Vice Mayor Palmer. Nang maka alis ang mga police ay saka pa lang pumunta si Maxwell sa kanyang kuwarto para magpahinga. Pumasok siya sa loob ng banyo para maligo. Nagtanggal siya ng mga saplot sa katawan at nag shower para matanggal ang nararamdaman niyang init sa kaniyang katawan. Kumikirot na din ang kaniyang ulo, dahil sa dami nang nainom niya sa party, samahan pa nang pagka untog niya sa cabinet. Nang matapos siya ay kinuha niya ang tuwalya sa sampayan at ipinunas sa mukha. Ngunit bigla siyang napangiwi dahil sa baho nito. "Whh! Ang baho!" malakas na sambit niya, saka itinapon sa sahig ang tuwalya, at muling naligo. Pakiramdam niya ay dumikit sa mukha niya ang amoy bagoong na amoy ng kaniyang tuwalya. Muli siyang nagtaka dahil sa amoy bagoong niyang tuwalya. Isang beses pa lang niya ito nagagamit, kaya napaka imposible na mag amoy bagoong ito. Nang matapos siyang maligo ay kumuha na siya ng bagong tuwalya sa loob ng cabinet at ito ang ginamit. Humarap siya sa salamin ng lababo at tiningnan ang mukha sa salamin. "Bukol talaga, eh!" sambit niya, habang pinagmamasdan ang noo. Kinuha niya ang toothbrush at toothpaste, saka niya piniga ang tube ng toothpaste at nilagyan ang kaniyang sipilyo at agad na dinala sa bibig. Mabilis niyang ihinagod sa ngipin ang sipilyo, ngunit agad din niyang inilabas sa bibig at agad na naghugas ng bunganga dahil sa kakaibang lasa at anghang ng kaniyang toothpaste. Tila pumasok pa sa ilong niya ang maanghan kaya inubo siya ng inubo. Nang matapos siyang ubuhin ay tiningnang mabuti ang laman ng toothpaste. "Bakit naging wasabi ang laman ng toothpaste ko?" nagtataka niyang tanong sa sarili. Muli niyang piniga ang tube para makita kung totoong wasabi ito. Muling sumiklab ang galit sa loob ni Maxwell, ngunit hindi naman niya alam kung kanino siya magagalit. Itinapon niya ang kaniyang toothpaste, ganon din ang toothbrush, saka naglabas ng bago at muling nag brush. Nang lumabas siya ng banyo ay nagtungo siya sa harap ng cabinet at kumuha ng brief sa loob ng drawer. Isunot niya ang kaniyang brief, saka tinanggal ang tuwalya sa kaniyang baywang. Ngunit nang makita ang suot na brief sa salamin ay nagulat siya. "Anong ginawa ni Ate Solana sa brief ko? Bakit puro butas na 'to?" inis niyang sambit. Bagong-bago pa naman ang mga ito dahil kapapalit lamang niya ng mga undergarments, kaya nanghinayang siya. Mga mamahalin pa naman ang mga brief niya. Muli siyang kumuha sa lagayan, ngunit butas pa rin ang nakuha niya. Tiningnan niya isa-isa ang mga brief niya at napagtanto niyang butas lahat ang mga ito. "Bakit puro butas? Alangan naman na may daga rito sa kahon?" sabi niya, habang isa-isang tinitingnan ang mga brief. Dahil wala nang natira na walang butas ay muli siyang kumuha ng bago sa loob ng kahon sa gilid. Isinuot niya ito, saka niya binuksan ang lagayan ng kaniyang mga pambahay. Ngunit muli siyang nagulat dahil may h*wa ang mga damit na naka tupi sa loob. Lahat ng mga nakasalansan ay may h*wa sa may tupi nito Binuksan din niya ang malaking cabinet, at tiningnan ang mga damit niyang panlakad na naka tupi roon. Puto h*wa rin ang kaniyang mga damit panlabas na naka tupi sa loob, kaya lalo siyang nagalit. "What? Are you kidding me?!" sambit niya na hinawakan pa ang ulo, dahil sa halo-halong imosyon na lumukob sa kaniya. Ang mga naka hanger ay maroon din h*wa. Halos matanggal na rin ang isang kamay ng kaniyang long sleeve polo shirt, dahil sa laki nang h*wa nito "Mahuli ko lang kung sino ang may kagagawan ng pagsira sa mga damit ko ay ipapakain ko sa kanya ang lahat ng sinira niya!" nanggigigil na sambit niya. Dahil wala nang natira na matinong damit ay nagsuot na lang siya ng T-shirt at shaorts na may h*wa. Nakasimangot siyang lumapit sa kanyang kama at humiga roon. Gumulong siya pa gitna sa kama at doon dumapa, ngunit muling umalis sa kama nang maramdama niya ang malamig. Tumayo at binuksan ang ilaw para makita kung ano ang bagay na iyon na nasagi niya. Malamig ito na matigas. "Oh, bakit narito sa higaan ko itong binili kong bangus kaninang umaga?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD