LIBERTY-3: CALENDAR‼️

2053 Words
"Habulin n'yo ang babaeng 'yon! Hindi ako papayag na basta na lang siya makawala sa kasalanan niya sa akin. Magandang pangalan at repotasyon ko ang sinira niya sa mga tao, kaya magbabayad siya sa akin ng mahal!" Utos ni Vice Mayor sa mga taong naroon. Galit na galit ito sa babaeng iyon na naglakas loob na kalabanin siya. Hindi niya matanggap na sa unang pagkakataon sa kaniyang buhay ay mayroong isang babaeng kumalaban sa kaniya. Inis na inis din siya sa talas ng dila ng babaeng naka away niya, dahil sa galing nitong magsalita at mangatuwiran sa kaniya. Hindi niya minsan naisip na mayroong maglalakas loob na kalabanin siya at sa isang pampublikong lugar pa. "Hayaan mo na 'yon, Vice! Hindi mo na lang sana pinatulan, eh, mukhang bata pa iyong babae. Hindi man natin namukhaan dahil sa suot niyang sombrero at sunglass ay malakas ang kutob kong teenager ang batang iyon. Baka napag tripan lang kayo, Vice!" Tugon ng isang tauhan sa Park. Pilit nitong pinakakalma si Vice Mayor Maxwell Palmer. "Ano ba kasi ang ginagawa mo dyan, Vice? Bakit kasi sa dinami-dami mong pupuntahan para magpahinga ay dyan pa sa likod ng halaman mo napiling magpahinga. Napagbintangan ka tuloy na-." Natatawang sabi ng isang babae na namamasyal sa Park. "Wala kasing tao dito kanina kaya ako humiga sa damuhan. Naka idlip pa nga ako dahil sa pagod ko kanina sa isinagawa namin voluntary lake cleaning dyan mismo sa lagoon, pero bigla akong nagising dahil sa malakas na boses ng babaeng iyon. May speaker pa yata ang bunganga sa lakas ng boses niya." Naiinis na sagot ni Vice Mayor. Ngunit nagtawanan naman ang mga tao dahil sa sinabi ni Vice Mayor. Bagong halal si Vice Mayor Maxwell Palmer sa Baguio City. Kilala siya sa buong lalawigan dahil sa kaniyang ama na matagal nang nanunungkulan sa Baguio. Napaka active nito sa serbisyo at madaling lapitan. Masipag at matulungin ang batang-bata na Vice Mayor ng Baguio City. Kilala rin ang pamilya Palmer sa buong lalawigan hindi lamang sa matagal nang nanunungkulan sa Baguio ang kaniyang ama, kung 'di dahil sa mga kabuhayan nila na kilala sa buong lalawigan. Pag-aari ng mga Palmer ang isa sa pinamalaking Hotel sa Baguio City na dinarayo ng mga Tourista, dahil sa maganda nilang accommodation at masasarap na pagkain sa kanilang sariling Restaurant. Nagmamay-ari din sila ng isang napakalaking Mall doon at isang Ranch. May malawak na fruit and vegetable farm na dinarayo ng mga tourista para makita ang kanilang mga pananim na gulay at mga prutas. Nagsimula ang kaniyang ama bilang Vice Mayor sa Baguio City at umupo ito ng tatlong termino, hanggang mahalal itong Mayor at muling nanungkulan nang tatlong termino. Nang matapos na ito sa huling termino ay tumakbong Governador sa lalawigan si Mr. Palmer, at hanggang ngayon ay ito pa rin ang kasalukuyang naka upo bilang Governador roon. MABILIS na tumakbo si Lib, palabas ng Burnham Park para makalayo sa lalaking naka away, ganon din sa mga taong osyosero't osyosera. Nag-aalala siya na baka ma-upload sa social media ang video at mapanood ito ng kaniyang Mommy at Daddy. Siguradong pauuwiin siya sa Manila ng kaniyang ama at doon na siya paaralin. Muli na naman siyang babalik sa buhay na inaayawan niya. Ang buhay Princesa na para kay Lib ay nakakasak@l dahil wala siyang freedom. Paglabas ni Lib sa Park ay naroon nang naghihintay sa kaniya ang tricycle na minamaneho ng lalaking nag alok sa kaniya nang bahay na mauupahan. Diretsong sumakay sa loob si Lib, kaya nagulat ang lalaking driver. Naka higa ang lalaki sa mismong motor, at nakapikit ang mga mata para makapagpahinga, ngunit bigla siyang napa bangon nang maramdaman niyang mayroon sumakay sa loob ng tricycle niya. "Kuya, tara na po para makapagpahinga na ako!" Malakas ang boses na sabi ni Lib sa lalaki nang maka upo siya sa loob. Nagtatakang napasilip sa loob ng sidecar ang lalaki, upang siguraduhin na tamang tao ang kaniyang naisakay. "Oh, Miss Beautiful, bakit ka hingal na hingal dyan? May humahabol ba sa 'yo?" Nagtatakang tanong ng lalaki nang makilala nito ang dalaga. "Oo, Kuya! Nahuli ko kasi ang Vice Mayor n'yo na tumat@3 sa may damuhan sa loob ng Park, eh ako pa ang pinagalitan at pinagbantahan na ipapa-pulis!" Sagot ni Lib. "Ha?!" Gulat ang lalaki. Hindi ito makapaniwala sa sinabi ng dalaga. "Maniwala ka, Kuya! Nakita ko talaga siyang tumat@3 roon. Nagtago lang siya sa likod ng mga halaman para walang makakita sa kaniya, kaya nang tumungtong ako sa upuan – ayon huli!" Pagpapatotoo ni Lib. Tumawa naman ang lalaki dahil sa kuwento ni Lib. Agad din nitong pina-andar ang tricycle para maka alis na sila sa lugar na 'yon at makapunta sa kainyang paupahang bahay. PAGDATING nila sa tapat ng paupahang bahay ay nadatnan nilang bukas ang bahay at mayroon babaeng naglilinis rito na nasa mid 20's ang edad. Tumigil ito sa pagwawalis nang makita niyang may tumigil na tricycle sa harapan. "Miss Beautiful, siya pala si Leah! Kapatid ko siya at dito siya nakatira para malapit sa trabaho niya. Siya ang magiging housemate mo rito. Tag-isa kayo ng kuwarto at CR. Share na lang kayong dalawa sa Sala at kusina. Kagaya ng sinabi ko sa 'yo kanina, ay kompleto sa gamit itong bahay. Wala kanang poproblemahin dito. Kung gusto mong magluto ay mayroong kalan at Gasul. Stable ang linya ng tubig, at kung mawalan kayo ng tubig ay mayroong bombahan sa likod. Malakas ang tubig ng bombahan kaya iyon na rin ang ginagamit maglaba para tipid sa tubig. May ceiling fan sa kuwarto, pero walang aircon. Malamig kasi rito kaya hindi na uso sa amin ang aircon. Mababa lang ang monthly namin dito, kumpara sa ibang nagpapaupa sa lugar na ito. Kaya lang ay humihingi rin kami nang 1-month advanced payment, at 2 months deposit. Wala na rin kayong po-problemahin dito dahil malapit na sa PMA, at mga bilihan nang mga pangunahing pangangailangan ninyo." Mahabang pahayag ng lalaki, upang maintindihan ni Lib, ang lahat. "Sige, Kuya! Kukunin ko itong paupahan. Magbabayad na rin ako sa 'yo ng upa ko sa loob ng isang taon, para hindi kana mahirapan na maningil sa akin. Pero kailangan na may kasunduhan tayong dalawa at pepermahan para sa mas maliwanag na usapan." Tugon ni Lib. "Oo, Miss Beautiful! Pero may isang kondisyon lang ako at isa ito sa patakaran ko sa bahay." Muling sabi ng lalaki. "Ano 'yon, Kuya!" May pagtatakang tanong ni Lib. Sa isip-isip niya ay ipinagdarasal niya na sana ay magustuhan niya ang sasabihin ng lalaki, dahil kung hindi ay hindi siya magdadalawang isip na umalis sa bahay na iyon. "Bawal magpatuloy ng lalaki dito, kahit kaibigan mo lang. Pero kung ang Tatay mo o kapatid na lalaki na dadalaw sa 'yo dito ay puweding-puwede!" Sagot ng lalaki. Ngumiti si Lib, dahil sa kaniyang narinig. "Yun lang ba, Kuya? Akala ko kasi kung ano na!" Tugon niyang naka ngiti. "Don't worry, Kuya, dahil wala naman akong kaibigan na lalaki, o boyfriend, kaya okay na okay 'yan sa akin ang rule na 'yan. Wala tayong magiging problema dyan." Patuloy niya. "Mabuti naman kung gano'n, Miss Beautiful! Sige na, pumasok na tayo para makita mo ang magiging kuwarto mo." Pag-anyaya sa kaniya ng lalaki. Kinuha rin nito ang dalang travelling bag ni Lib na nakalagay sa pinaka sahig ng kaniyang tricycle. Hinila niya ito at binuhat. "Huuugh! Ang bigat pala nitong bag mo, Miss Beautiful! Paano mo ito nakayang buhatin kanina at namasyal kapa sa Burnham Park na mag-isa. Tumakbo kapa kanina nang sumakay ka dito sa tricycle." Nagtatakang tanong ng lalaki. "Mabigat ba iyan, Kuya? Bakit hindi ko naman maramdaman na mabigat pala ang bag ko?" Saad ni Lib. Agad niyang kinuha sa kamay ng lalaki ang kaniyang travelling bag at parang wala lang na isinampay sa kaniyang balikat. "Oh, ang gaan naman, Kuya!" Sabi pa niya sa lalaki, saka siya lumapit sa babaeng naghihintay sa kaniya sa may pinto. "Hi! I'm Liberty! Lib for short." Pakilala niya sa babae. Inilahad din niya sa harapan ng babae ang kaniyang palad upang makipag-kamay. "Hi, Miss Lib! Nice to meet you, po!" Nahihiyang sambit ng babae. Tinanggap niya ang pakikipag kamay ni Lib, at nagpakikila din siya sa dalaga. "Ako naman po si Leah Navarro. Isa akong Marial Arts Instructor sa PMA." Pakilala din niya. Natuwa si Lib, dahil sa tinuran ng babae. Alam niyang magiging Instructor niya ito sa loob ng Academy, kaya gusto niya itong maging kaibigan. "Ikinagagalak kitang makilala, Madam Instructor! Sana araw-araw akong may subject sa 'yo, para lagi kitang makasama sa loob ng Academy. Wala kasi akong kakilala dito sa Baguio, at ikaw po ang una kong nakilala at kaibigan na babae, at si Kuya tricycle driver naman ang kauna-unahan kong kaibigan na lalaki dito." Tugon ni Lib sa babae. "Tuloy ka, Miss Lib, para makita mo ang loob ng bahay." Pagyaya ni Leah sa kaniya. Agad namang pumasok si Lib at iginala ang kaniyang paningin sa loob ng bahay. Nagustuhan naman niya ang loob ng bahay dahil malinis ito at pink din ang kulay. Inilapag ni Lib sa sahid ang dalang travelling bag, at bahagyang inikot ang sala at kusina. "Ang ganda!" Naka ngiting sambit niya. "Oh, Leah, ikaw na ang bahala kay Miss Beautiful, at ako'y aalis na. Baka hinahanap na ako ng asawa ko ngayon. Malalim na ang gabi." Paalam ng lalaki kay Leah. Sa babae na niya ibinilin si Lib. "Sige, Kuya! Ako na ang bahala sa kaniya." Tugon naman ni Leah, at hinatid pa niya ito sa maliit na Terrace. Bigla namang naalala ni Lib ang bayad sa paupahan, Gusto na niya itong bayaran para hindi na maghanap ng ibang taong mangungupahan doon ang may-ari. "Ay, Kuya, ang bayad ko pala sa tricycle at sa bahay!" Pagtawag ni Lib sa lalaki. Mabilis siyang lumabas ng bahay para habulin ang lalaki. "Bukas ko na kukunin, Miss Beautiful! Masama daw kasing maningil kung gabi na sabi ng mga matatanda! Malas daw iyon sa kabuhayan." Tugon ng lalaki. "Ikaw ang bahala, Kuya! Puntahan mo lang ako dito nang maaga bukas, dahil maaga akong pupunta sa Academy. Baka hindi mo ako maabutan dito." Saad ni Lib. "Sige, Miss Beautiful!" Paalam ng lalaki. Agad itong sumakay sa kaniyang tricycle at pina andar, saka ito umalis. Muling bumalik si Lib sa harap ng bahay, para pumasok sa loob at makita ang kaniyang kuwarto. Ngunit bigla siyang napasimangot nang mapansin niya ang poster na naka dikit sa may wall sa terrace ng bahay. "Bakit may mukha dito nang lalaking iyan?! Ayaw kong makita ang pagmumukha ng hayop na 'yan!" Biglang nagalit si Lib, at pinang tuklap ang poster na naka dikit sa harapan ng bahay. Mga poster ng kandidato kasama si Vice Mayor Maxwell Palmer, noong nangangampanya pa ang mga ito. Isang calendaryo ang poster ni Vice Mayor Maxwell Palmer, kaya hinayaan lang doon na naka sabit para makita nila ang petsa at buwan. "Oh, bakit mo pinunit ang calendaryo?" May pagtatakang tanong ni Leah. "Dahil galit ako sa hayop na lalaking nasa calendaryo! Siya na nga ang nahuli kong tumat@3 sa damuhan sa Burnham Park, ako pa ang masama at pagbibintangan niyang naninira ng maganda daw niyang pangalan at repotasyon! Naturingan pa naman siyang Vice Mayor sa bayang ito, pero hindi marunong gumamit ng kubeta!" Malakas na sigaw ni Lib, habang pinipira-piraso niya ang calendaryo. Itinapon niya ang mga pirasong papel sa sahig at inapak-apakan pa ito at tiniris na parang langgam. Hindi naman makapaniwala si Leah sa nakikita't naririnig niya. Hindi siya nakakilos sa kinatatayuhan. Awang ang bibig dahil sa pagkabigla. Hanggang sa bigla na lang siyang tumawa dahil sa mga ginagawa ni Lib. "Eh, paano ka naman niyang sinabihan na sinisira mo ang magandang pangalan at repotasyon niya? Baka naman kasi ipinagsabi mo pa sa mga tao doon sa Park ang nakita mo?" Natatawang tanong ni Leah. "Eh, paanong hindi malalaman ng mga tao, e, sinigawan niya ako dahil sa ginawa kong pagsigaw roon sa bahaging iyon ng Park. Aba, malay ko bang naroon siya sa likod ng mga halaman na tumat@3!" Sagot ni Lib. Tumawa na lang ng tumawa si Leah, dahil sa dalaga. Hindi na siya nagsalita pa dahil sa nakikita niyang dilim ng mukha ni Lib. Kung nasa harap lamang nila si Vice Mayor Maxwell Palmer ay baka nilunok na nang buong-buo ni Lib, dahil sa galit niya rito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD