LIBERTY 2: FIRST MEETING‼️

1897 Words
SEVEN YEARS AGO.... PAGBABA ni Lib sa Bus Terminal sa Baguio City ay agad siyang nagtungo sa paradahan ng tricycle para sumakay at magpahatid sa isang lugar na gustong-gusto niyang puntahan. Nakita niya ang nakatigil na tricycle sa pinakaharapan ng mga nakapilang tricycle. Tinawag siya ng driver kaya lumapit siya rito. "Miss Beautiful! Sakay kana dito, aalis na 'to!" saad ng lalaking nasa early 30's ang edad. Lumapit si Lib, at pinagmasdan ang lalaki. Bahagya niyang ibinaba ang kaniyang sunglasses, upang makita niyang mabuti ang kabuohan ng lalaki. Pinasadahan niya ng tingin ito mula ulo hanggang paa. Tumango si Lib, nang masiguro niyang hindi manloloko ang lalaking kaharap. Muli niyang inayos ang sunglasses sa mata saka ngumiti. "Kuya, puwede mo ba akong ihatid sa Burnham Park?" magalang na tanong ni Lib sa tricycle driver na kausap niya. "Okay, Miss Beautiful! Sumakay kana at ihahatid kita sa Burnham Park!" naka ngiting sagot ng lalaki na tila nagpapa empress ito sa kaniya. Lalong lumawak ang pagkakangiti ni Lib, dahil sa ilang taon na pamamalagi niya sa Manila ay hindi na niya naranasan ang makasakay ng tricycle. Hindi bago kay Liberty ang pagsakay ng tricycle, dahil noon bata siya ay lagi siyang sumasakay sa tricycle ng mga tiyuhin at pinsan niya sa Mayantoc, Tarlac, kung saan naroon ang kanilang Hacienda na kapangalan niya. Lumaki siya sa simpleng buhay kasama ng kaniyang ama. Nagbago lang ang lahat nang dalhin na sila ng kaniyang ina sa bahay nila sa Manila, kung saan sila namumuhay nang marangya. Inilapag ni Lib, sa pinaka sahig ng tricycle ang dala niyang traveling bag, bago siya sumakay sa loob. Habang tumatakbo ang tricycle ay nakatingin lang siya sa mga nadadaanan nila. Hindi napuputol ang ngiti niya dahil sa sayang nadarama. Nang makarating sila sa may entrance ng Burnham Park ay patalon pa siyang bumaba ng tricycle. Iginala muna ang kaniyang paningin, upang pagmasdan ang ganda ng buong paligid, saka niya muling binuhat ang dala niyang travelling bag. "Kuya, magkano po?" magalang niyang tanong sa driver. Tinatanong niya kung magkano ang kaniyang ibabayad na pamasahe. "Isang daan, Miss Beautiful! Solo mo kasi ang isang biyahe, kaya babayaran mo ang pamasahe ng apat na tao." tugon ng lalaki. Agad na dumukot ng pera si Lib, mula sa bulsa ng kaniyang pantalon. "Ito, Kuya, keep the change!" saad ni Lib, sabay abot sa isang libong pesos. "Ang laki naman nito, Miss Beautiful! Baka naman maubusan ka ng pera dito sa Baguio niyan? Mukhang galing ka pa naman sa malayong lugar." saad ng lalaki. "Okay lang, Kuya!" tugon niya. "Pero ganito na lang. Ihanap mo ako ng maliit na bahay o kuwarto na mauupahan malapit sa PMA. Magbabayad ako kahit magkano, basta ang gusto ko ay kompleto ang lahat nang kailangan ko sa loob." sabi niya. "Tamang-tama, Miss Beautiful, dahil mayroon akong paupahang bahay malapit sa PMA. Kung gusto mo'y dalhin na kita roon para makita ko at makapag decide ka kung kukunin mo o hindi. Simple lang kasi ang bahay, kalahati ang ang semento. Puro kahoy na ang dingding nito at mga bintana. Pero maganda naman sa loob, Miss Beautiful, bagay na bagay sa isang napakagandang dalaga na katulad mo. May maliit na kuwarto, at banyo. Ang sala at kusina ay pinagsama na, pero maayos ang loob at kompleto ang mga gamit." tugon ng lalaki. "Sige, Kuya, kukunin ko. Balikan mo na lang ako dito mamaya, after two hours." saad niya sa lalaki. "Mag-aaral kaba sa PMA, Miss Beautiful?" tanong ng lalaki kay Lib. "Oo, Kuya! Mag-aaral ako sa PMA, kaya ako nagpunta dito sa Baguio, at naghahanap ng bahay na mauupahan ko malapit sa PMA." sagot ni Lib. "Mabuti pala at ako ang unang nakakita sa 'yo, Miss Beautiful. Hindi na mababakante ang isang unit ko, dahil ikaw na ang mangungupahan doon." tuwang-tuwa na sabi ng lalaki. " "Salamat din sa 'yo, Kuya, dahil hindi na ako mahihirapan na maghanap ng bahay na uupahan ko." nakangiting sagot niya, saka siya naglakad palayo sa lalaki. "Puntahan mo 'ko dito after two hours, Kuya!" pahabol pa niya bago siya tuluyang makapasok sa entrance. Naka taas pa ang kaniyang kamay, upang kawayan ang lalaking nakilala niya. Tuwang-tuwa na nag ikot-ikot si Lib, sa loob ng Park. Bawat parte ng Burnham Park ay kaniyang pinuntahan. Nag horse riding siya, boating, at nagbesikleta din kagaya ng mga tourista roon. Kahit may dala-dala siyang travelling bag at backpack ay hindi siya nagpapigil sa pagsasaya sa mga sandaling iyon. Hindi nito sinayang ang bawat sandali na naroon siya sa Burnham Park. Nang magsawa na siya sa pagsakay sa mga nakikita niyang puweding masakyan sa loob ng Park ay muli siyang naglakad-lakad. Nang magutom siya ay bumili siya ng kaniyang pagkain sa mga street food na nagtitinda sa mga gilid-gilid. Kumakain siya habang naglalakad. Bumili din siya ng mga souvenir items sa isang matandang nagtitinda roon, para makatulong siya sa kabuhayan nito. Kung titingnan si Lib, ay napaka bigat ng kaniyang mga dalang bag, ngunit tila wala lang ang mga iyon sa kaniya. Kaya pa niyang tumakbo at tumalon, kahit ang dami niyang dala-dalahan. Matangkad naman siya pero maliit lang ang kaniyang katawan. Payat siyang tingnan, pero kung sa mukha siya titingnan ay napakaganda nito. Maliit lang ang kaniyang mukha, may matangos na ilong, at mapupulang labi na tila laging nang-aakit na halikan ito. Natural ang kaniyang magandang kilay, at mahahabang pilik-mata. Kapag tumingin siya ay punong-puno ng buhay ang kaniyang mga singkit na mga mata. Patuloy lang siyang naglakad hanggang sa makarating siya sa isang garden. Nang makakita siya ng bakanteng upuan sa gilid ng daan, at harap ng mga halaman ay mabilis siyang lumapit roon para ibaba ang kaniyang mga gamit. Madilim na rin ang buong paligid, at tanging ang liwanag na mga ilaw at liwanang na nagmumula sa buwan na lang ang nagpapaliwanag sa buong paligid, pero napakarami pa rin ang mga touristang namamasyal roon. Nang maibaba niya ang kaniyang travelling bag ay bigla siya tumungtong sa upuan at itinaas ang magkabilang kamay, saka siya huminga ng malalim at nagbuga ng hangin. Sumigaw siya ng ubod nang lakas. "Wooooooh! Baguio City!!! Here I co----me!..." malakas niyang sigaw. Nakaharap siya sa malawak na damuhan sa likod ng upuan na kaniyang tinutungtungan. Kahit may mataas na halaman na tila naka bakod sa likod ng upuan, ngunit ngayon ay tanaw na tanaw niya ang malawak at malinis na green grass field. Para siyang nakawala mula sa isang malaking hawla, dahil sa sayang nararamdaman niya. Ang gaan ng pakiramdam niya dahil sa wakas ay makakalaya na siya sa marangyang buhay at laging may nakasunod na mga bodyguard. Ang klasi ng buhay na kahit sinong tao ay papangaraping maranasan, ngunit de numero naman ang kaniyang galaw. Naka pikit siya na naka dipa sa ibabaw ng bench, habang dinadama ang malamig na simoy ng hangin ng Baguio. Pakiramdam niya'y lumulutang siya sa hangin dahil sa lakas at lamig nito na tumatama sa kaniyang mukha. "Hoy! Bakit ka sumisigaw d'yan? Hindi mo ba alam na bawal sumigaw dito?!" Biglang nagmulat ng mata si Lib, dahil sa galit na boses ng isang lalaki na narinig niya. Nang buksan niya ang mga mata ay may nakita siyang lalaki na nakatayo sa likod ng halaman, paharap sa kaniyang kinaroroonan. Maliwanag ang ilaw sa katabi niyang poste, kaya kitang-kita niya ang mukha ng lalaki. Matangkad ito, maputi, maskulado ang pangangatawan at may nakaka akit na mukha. Ngunit dahil sa pagsasalubong ng makakapal na kilay nito ay nagmukha itong nakakatakot. Ngunit hindi naman natakot si Lib sa lalaki, dahil sa lahat nang pinaka ayaw niya ay ang sinisigawan siya ng ibang tao. Tanging ang kaniyang Mommy at Daddy lamang ang papayagan niyang manigaw sa kaniya. Kahit ang Presidente ng Filipinas ay kakalabanin niya kung magkamali itong sigawan siya. "Hoy ka rin! For your information, walang nakalagay sa saligang-batas ng Filipinas na bawal sumigaw, kaya huwag mo akong ma-hoy-hoy d'yan at baka ilunod kita sa gitna ng lawa!" malakas ang boses na sagot sa lalaking nanigaw sa kaniya. Pinagbantahan din niya ito kaya lalong nagalit ang lalaki, kaya lalo itong nagalit sa kaniya. "Aba't lumalaban kapa ha! Hindi mo ba ako nakikilala?! Alam mo bang kaya kitang dalhin sa Presinto at ikulong, dahil sa ginagawa mong pangbabastos sa akin?!" galit na turan sa kaniya ng lalaki. Naka turo rin ang isang daliri nito kay Lib. "Hoy! Kung may bastos man sa ating dalawa, ikaw 'yon! Basta kana lang susulpot sa harapan ko at mag hoy-hoy kapa sa akin. Sino kaba sa akala mo, ha?! At kahit sino kapang poncho pilato ka, hindi ako natatakot sa 'yo!" sagot ni Lib sa matinis nitong boses. "Hindi mo ba alam na Park ito? Malaman nagpapahinga ako rito, tapos ikaw naman ay bigla na lang sisigaw na akala mo ikaw lang ang tao sa lugar na 'to! Kababae mong tao, pero wala kang modo!" mataas na rin ang boses ng lalaki. Bigla namang nagsilapit ang mga taong namamasyal sa Park, dahil sa naririnig nilang sagutan ng isang babae at isang lalaki sa 'di kalayuan. "Nagpapahinga?! Bakit, wala ka bang bahay na puweding uwian, at dito ka sa Park magpapahinga?! Kung gusto mong magpahinga, umuwi ka sa bahay n'yo – huwag dito sa Park. Oh, baka naman wala kang bahay, kaya kung saan-saan kana nagkakalat? Ang Park na 'to ay para sa mga tourista na gustong makalanghap nang sariwang hangin, at maibsan ang pagod mula sa mahabang panahon nang pagtatrabaho. Pero ikaw, hindi naman pagpapahinga ang ginagawa mo dyan eh! Tumat@3 ka, kaya ka nagtatago sa likod ng mga halaman na iyan. Ang dami namang kubeta sa banda roon, pero dyan kapa talaga tųm@3!" nag e-echo ang malakas na boses ni Lib na litanya sa lalaking kaharap. Kung wala lang tao sa paligid nila ay baka tumalon na siya ng mataas patungo sa lalaking kasagutan para pilipitin ang leeg nito. Bigla naman nagbulungan ang mga tao sa paligid. May tumatawa at may nagbi-video pa sa kanila. "Hala, si Vice Mayor, tumat@3 sa damuhan!" "Si Vice 'yon ah! Bakit dyan kasi siya sa damuhan tumat@3?" "Si VM, nahuling tumat@3 sa damuhan dito sa Burnham Park!" "Kakasuhan kitang babae ka! Mabubulok ka sa kulungan dahil sa ginagawa mong pagpapahiya sa akin. Ako pa talaga ang napili mong sirain ang pangalan. Ako ang Vice Mayor dito, at Governor naman ang Daddy ko. Hinding-hindi ko hahayaang sirain mo ang maganda kong pangalan at repotasyon sa lugar na ito." naniningkit na banta ng lalaki, kay Lib. "Eh, ano ngayon kung Vice Mayor ka rito! Ikaw ang lumabag sa patakaran ng bayan mo, at dito pa talaga sa Park ka nagkalat ng baho mo! Nakakahiya ka! Vice Mayor na tumat@e sa damuhan ng Burnham Park!" palaban na sabi ni Lib. Nagtatawanan naman ang mga tao sa paligid, dahil sa naririnig nilang sagutan ng dalawa. "I'll call the Police, at ipapahuli kitang babae ka!" galit na sabi ng lalaki, saka niya ninilabas ang kaniyang cellphone. "Ako na ang tatawag para i-report ka sa ginawa mong pag-vandalized sa Park na 'to!" sigaw naman nama ni Lib, saka siya bumaba ng bench at binuhat ang kanyang mga gamit. "Excuse me, padaanin n'yo ako at pupunta ako sa Prisento!" saad niya sa mga taong nanonood sa kanila. Lalo pa niyang ibinaba ang kaniyang suot na sombrero para hindi siya makilala ng mga taong naroon. Nang makalampas siya sa mga taong nagkukumpulan ay kumaripas siya ng takbo patungo sa labas ng Burnham Park.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD