Gustong matawa ni Lenneth sa nakikitang mukha ni Kenneth habang papalabas sa Tower. Hindi totoong may kliyente siyang katatagpuin at hindi niya rin iyon ipinaalam sa kanyang sekretarya. Gusto niya lamang Makita ang magiging reaksiyon ni Kenneth kapag nalaman nitong gusto niya itong makausap, at hindi nga siya nagkamali, may nararamdaman pa rin sa kanya ang binata. Tumunog ang kanyang telepono at nang makitang tumatawag ang kanyang sekretarya ay sinagot niya ito. “Ma’am, nanggaling po dito si Mr. Kenneth Villanueva, mukhang hindi po siya nasabihan na hindi na matutuloy ang meeting niyong dalawa,” pagbaba;ita nito sa kanya. “Ganoon ba, nawala na din sa isip ko. Umalis na ba siya?” kunwang tanong niya. “Yes, Ma’am, pinapasabi po niyang next time po kapag nagpatawag ka ng me

