CHAPTER 1- SOPHIA ANDREA

1538 Words
"MOMMY!" bungad ng isang limang taong gulang na bata sa kararating lang na si Lenneth. Gumuhit ang isang matamis na ngiti sa labi niya at humanda para sa mainit na yakap ng kanyang anak. "How are you today? Did you enjoy playing with your momshie?" malambing na tanong ni Lenneth sabay pupog ng halik sa mukha ng bata. "Yes, mom! Momshie is really the best, we go to the Zoo and after, we go to Ocean Park and then to the Mall! Momshie and Tito Hance bought me too many toys! Do you want to see it?" bibong sagot ng kanyang anak. Magsasalita pa sana siya nang marinig ang pamilyar na boses na papalapit sa kanila. "Hi, mommy! How is your day?" Napangiti siya at tumayo upang salubungin ng yakap ang bagong dating. "Kailan ka dumating? Bakit hindi mo ako sinabihan nang nasundo kita sa airport," ani Lenneth. 'God! I missed this bastard a lot!' "Surprise?" Natatawang sagot nito at iginiya silang mag-ina sa kusina. Naglakad sila patungong kusina habang karga niya ang kanyang anak na hindi tumitigil sa pagku-kuwento sa mga pinuntahan nito kasama ang kanyang matalik na kaibigan at ni Hance. Pagkarating nila sa kusina ay nagulat pa siya sa dami ng pagkaing nakahanda sa mesa, lumabot din ang ekspresyon ng mukha niya nang makita niya ang isang pumpon ng tulips. "This is for the amazing and wonderful mommy who takes care of Sephy!" masayang wika ni Sephy nang iabot sa kanya ni Andrew ang mga bulaklak. "I love you, baby. And you are my amazing and wonderful baby, too." Hinalikan niya ang kanyang anak at pinagkiskis ang pareho nilang matangos na ilong. "Uh, group hugs?" nakangiting tanong ni Andrew sa mag-ina. "I love group hugs, Dada!" masayang wika ni Sephy na ikinawit ang isang kamay sa balikat ni Andrew. "O siya, tama na muna ang lambingan, mga anak. Kumain na kayo habang mainit pa ang mga pagkain," nakangiting wika ng mayordoma nila. Sabay-sabay silang nagsi-upong tatlo, magkatabi sina Lenneth at ang anak niya habang si Andrew naman ay nakaupo sa pinaka sentro ng mesa. Inalalayan ng mayordoma sa pagkuha ng pagkain si Sephy, French fries at lasagna ang agad na hiniling ni Sephy sa matandang mayordoma. "Dahan-dahan lang apo," paalala ni Manang na nilagyan ng maliit na piraso ng lasagna ang plato ng bata. "Thank you po, manang!" magalang na sabi ni Sephy. "Kumain na rin po kayo." Lumambot ang mukha ng matandang mayordoma at parang gustong pupugin ng halik ang bata. "Sephy, anak, you need to eat vegetables also, okay? Try the tuna salad when you finish your lasagna," paalala ni Lenneth, pagkatapos maglagay ng tuna salad sa kanyang pinggan. "So how's work?" bungad na tanong ni Andrew. Nagkibit lang ng balikat si Lenneth, at nagpatuloy sa pagkain wala pa naming bago simula nang huling tinanong siya nito. "Nothing new?" pangungulit nito. "Mm. Nothing new." sagot niya. "You sure about that? You know I have ears inside of the company, Lenneth. What happened between you and Logan? Someone saw him bleeding when he got out of the elevator," ani Andrew. Huminga ng malalim si Lenneth at nagpatuloy sa pagkain, hindi niya kailangang magtago sa binata ngunit hindi niya rin puwedeng makipag-diskusyon siya rito sa harap ng kanyang anak. "Lenneth, I know how you're dedicated to our company but the people whose working with you are not happy with how you handle them, take it easy, Len." "And then what? Magte-take advantage sila sa ipapakita kong kabutihan sa kanila? Andrew, you how I hate people who're taking me for granted. Besides, I really don't give damn care of what they're thinking about me. Gawin nila ang trabaho nila, then I will do mine." Ibinaba niya ang kanyang kubyertos at bumaling sa anak niya. "Sephy, finish your food, honey. Mommy will just upstairs, I love you." Hinalikan niya sa noo ang anak at pagkatapos ay umakyat sa kuwarto niya upang magpalit ng damit pambahay. Hindi niya na problema kung ayaw siya ng lahat ng tao sa kompanya niya. "Dada, what happened to mommy? Does the monsters disturb her again?" inosenteng tanong ng bata habang pinapakain ng nanny nito. Tipid na ngiti lang ang tanging naisagot ni Andrew sa tanong ni Sephy at hinabol ng tingin ang papalayong dalaga. Hindi naman niya gusting kontrahin ang dalaga sa pamamalakad nito, ang inaalala niya ay ang pagbabago ng ugali nito. It's been almost five years simula ng mangyari ang nakakagimbal na insidente sa hospital kung saan nagsilang ng kambal na sanggol si Lenneth. Five years had past since Sophy was gone at saksi si Andrew kung paano halos mabaliw si Lenneth sa kahahanap sa anak nito, ngunit walang nakakaalam kung sino at paano nangyari ang pagkawala ng bata. They've tried everything to find traces and clues but they are all failed. Hindi nila makausap ng maayos si Lenneth at ang tanging sinasambit lamang nito ay ang pangalan ng anak nito. Lahat sila ay nag-aalala sa kalagayan ni Lenneth, lalo pa at hindi nito binibitiwan si Sephy noong mga panahong iyon. Kailangan pa siyang turukan ng sedatives para kumalma at makapagpahinga, doon lang nila nahahawaka si Sephy at naihihiwalay kay Lenneth. NANG makapagbihis si Lenneth ay agad siyang dumiretso sa study room upang magbasa ng mga dokumento. Simula nang maupo siya bilang Presidente ng kompanya ay itinutok niya na ang kanyang sarili sa kompanya at sa pag-aalaga sa kanyang anak. Kailangan niyang maging matatag at malakas para sa kanyang dalawang anak. Hindi man niya kasama ang isa pa niyang anak alam niyang buhay ito at hindi siya titigil hanggat hindi niya ito nahahanap. Itinigil niya ang pagbabasa nang maalala si Sophy, bigla ang pagragasa ng matinding sakit sa kanyang dibdib sa pagkakaalala sa munting anghel na ilang taon ng wala sa kanya. Kinuha niya ang isang frame picture na nasa ibabaw ng mesa. Mapait siyang napangiti habang tinititigan ang dalawang sanggol na nakatingin sa isa't-isa. "Sophy, mommy is missing you a lot. Be brave okay? Mommy will gonna find you kahit saang lupalop ka man dinala ng hinayupak na babaeng yun!" "Mommy," isang munting tinig ang narinig ni Lenneth galing sa likod ng pinto. Pinahid niya ang kanyang luha at nakangiting hinarap ang nakatingin sa kanyang bata. "Are you hurt? Do you want me to hug you?" Nakagat ni Lenneth ang kanyang labi at pinigilan ang mga luhang bumagsak sa kanyang mukha. "Come here, Mommy needs a super tight hug from her Mighty Prince." Lumapit sa kanya si Sephy at niyakap siya nang mahigpit. Pinigilan niya ang humagulhol sa harap ng kanyang anak. She needs to be strong for him. She needs to be tough for this little guy. Parang isang matandang tinapik pa ang likod niya ng bata. "Stop crying Mommy, Sophy will not be happy if she saw you crying. Papa God will bring her to us, di ba iyan lagi ang sabi mo sa akin?" Napasinghot si Lenneth sa sinabi ni Sephy. He was just a five years old boy pero kung makapagsalita na ito ay parang matanda na. Siguro dahil na din sa angking talino nito kaya hindi nito makalimutan ang mga nangyayari sa paligid nito. Kinarga niya ito at pinaupo sa lap niya. "Mommy loves you too much!" "I love you too Mommy! Too much! Too much! Too much!" bulalas ng bata at pinupog siya ng halik sa mukha. Parang bulang naglaho ang bigat ng pakiramdam ni Lenneth. Hinayaan niya ang kanyang anak na maglaro sa tabi niya, binigyan niya ito ng papel at lapis at magkatabi silang nagdrawing ng iba't-ibang bagay na naiisip ni Sephy. Nang mapagod ito at nakaramdam ng antok ay ipinatong ito ni Lenneth sa kanyang kandungan hanggang sa makatulog ito. Saka lang itinuloy ni Lenneth ang pagbabasa sa mga dokumentong naiwanan niya kanina. Iyon ang eksenang tumambad kay Andrew nang silipin niya ang mag-ina sa study room. "Sis." Tawag niya sa dalaga na nakatutok sa dikumentong nasa harap niya. Napabuntong hininga si Andrew nang hindi pa din siya pansinin ni Lenneth, nilapitan niya ito at inagaw ang papel na binabasa nito. "What are you doing?" nakasimangot na tanong ni Lenneth. "Sorry okay? Ayoko lang na may naririnig akong masama tungkol sa'yo," masuyong saad ni Andrew na nag-squat sa gilid ni Lenneth. "Alam mong wala akong pakealam sa kung anuman ang sabihin nila. I don't want to waste my time explaining myself to them. They can talk whatever they want behind my back huwag lang talaga nilang ipaparinig sa akin!" Walang emosyong saad ni Lenneth na tumingin pa kay Andrew. "Shh. That's enough. Time to get rest, huwag mong masyadong pagurin ang sarili mo. Alalahanin mong may anak ka pang aasikasuhin bukas," nakangiting saad ni Andrew at tumayo upang kargahin ang natutulog na bata. Tumango lang si Lenneth at magkasabay silang lumabas sa study room. Andrew is her half-brother, nalaman niya ito nung makilala niya ang kanyang tunay na ama. Maraming nangyari sa loob ng apat na taon na nagdaan, Eya and Hance got married. Ian, on the other hand, is hiding from an obsessed girl who's deeply in love with him. Ang huling balita niya kay Kenneth ay naupo na ito bilang Chairman ng kompamya nito. Si Ace? Simula nung araw na isumpa niya ito ay hindi na ito nagpakita pa sa kanya. From what she heard ay bumalik itong Canada at siya namang namahala sa kompanyang pag-aari ng pamilya nila. May kanya-kanya na silang buhay at pinagkakaabalahan. They began to move forward and forget the past. Tanging siya na lang ang hindi magawang magmove-on. Malalim ang sugat na iniwan ni Ace sa puso niya at hindi iyon basta-basta magagamot lang ng panahon. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD