CHAPTER 2 - STOP CALLING ME BY THAT NAME!

2220 Words
TUNOG ng telepono ang gumising sa mahimbing nang natutulog na si Ace, pagtingin niya sa screen ng telepono ay nangunot ang noo niya't nagtagpo ang dalawang kilay nang makita ang pangalan ni Samantha. Ayaw niya sanang sagutin ang tawag nito ngunit sa huli ay sinagit niyabpa din. "Make sure na may sasabihin kang importante or else I will never talk to you," malamig na utas niya sa kausap. "Ace, thank God! Si Lyca inaatake na naman ng sakit niya, hinahanap ka niya at ayaw niyang uminom ng gamot kapag hindi ka niya nakikita!" puno ng pag-aalalang saad nito sa kanya. "I'm on my way," yun lang at agad siyang nagbihis at umalis ng bahay niya. Halos paliparin niya ang kanyang kotse para lang makarating agad sa bahay ni Samantha. Hindi niya alam kung ano na naman ang ginawa ng babaeng iyon at inatake na naman ang anak niya. Yes, Lyca is his daughter. Hindi niya sinasadya iyon at gulat na gulat siya ng malamang may anak siya kay Samantha, nung una ay hindi niya ito pinaniwalaan ngunit ng makita niya ay nawala ang pagdududa niya. Hawig na hawig sa kanya ang mukha nito at dahil na din siguro sa pangungulila niya sa anak nila ni Lenneth ay nagpakaama siya dito. Biglang sumikip ang dibdib niya ng maalala na naman si Lenneth, sa loob ng nagdaang mga taon ay hindi niya ito malapitan at makausap. Maging ang anak nila ay ni hindi niya pa nakikita sa malapitan, laging nasa malayo siya at tinatanaw ang batang masayang naglalaro kasama ito. Hanggang ngayon siya pa din ang sinisisi ni Lenneth sa pagkawala ng isa pa nilang anak at hanggang hindi pa nahahanap si Sophia ay alam niyang hindi siya mapapatawad ng dalaga. Ilang sandali pa ay inihinto na niya ang kanyang sasakyan sa tapat ng isang kulay pulang gate. Sinalubong siya ng isang katiwala at halata sa mukha nito ang pag-alala para sa bata. "Nasaan si Lyca?" tanong niya dito. "Sa kwarto po ni Ma' Samantha, ayaw pa din pong tumahan sa kakaiyak," sagot nito na hindi makatingin sa kanya. Tinanguan niya ito at agad pumasok ng bahay, dumiresto siya sa itaas na bahagi ng bahay at walang paalam na binuksan ang pinto ng kwarto ni Samantha. Nakita niyang nahihirapang huminga ang bata at pinapainom ng tubig ni Samantha. "Daddy!" bumunghalit ng iyak ang bata at patakbong lumapit sa kanya ay yumakap ng mahigpit. Agad niya itong kinarga at inalabas sa kwartong iyon, sumunod naman si Samantha na halata sa mukha ang pag-aalala. "Maghapon siyang naglaro kaya inatake na naman ng sakit niya, wala ako dito sa bahay kaya hindi ko nabantayan," sabi ni Samantha. "Kailan ka ba napirme sa bahay mo? Don't talk to me like you really cared about Lyca," malamig na utas niya dito. Natigilan si Samantha sa sinabi niya ngunit agad din itong nakabawi at matalim na tinapunan siya ng tingin. "And what do you want me to do? Maging personal na yaya niyang anak mo?! Ace alam mong kailangan kong magtrabaho para sa kinabukasan naming dalawa!" Sininghalan niya ito ng tingin at pagak na tumawa. "You know I can support my own daughter and you know that I will not let her suffer!" "Kaya mo siyang suportahan pero ako?!" malakas na sigaw nito at akmang kukunin ang bata sa kanya ngunit agad niyang tinabig ang kamay nito. "You can live on your own, kukunin ko na ang bata. Ilang beses na kitang pinagbigyan sa kapabayaan mo bilang ina ni Lyca," seryosong saad niya. Naramdaman ni Ace ang mahigpit na pagyakap ng aak niya sa kanya, kaya naman mas lalo siyang naging pursigidong kunin na ito ng tuluyan. "No!" tili nito na nagsimula nang mahisterikal. "You can't take away my daughter from me!" "Oh believe me when I say I can! Say you on the court," iyon lang ang sinabi niya at walang pasubaling tinahak ang pinto palabas sa bahay na iyon. Hindi alintana ang galit na pagmunura at sigaw ni Samantha. He had enough, sa loon ng tatlong taong mahigit na nasa pangangalaga nito ang bata ay wala siyang ibang narinig kundi ang palala ng palala ang sakit nito kahit pa sabihing pinapacheck up nila ang bata. Simpleng asthma lang sakit nito ngunit hindi iyon magawan ng paraan ni Samantha, parang sinasadya pa nitong palalain ang sakit ni Lyca. Masuyo niyang isinakay ang bata sa kanyang sasakyan at pagkatapos ay umikot siya at mabilis na umalis sa lugar na iyon. Habang nasa daan siya ay panay ang sulyap niya sa hindi umiimik na batang babae sa tabi niya, halata sa mukha nito ang pagkalito. "You're going to be okay, Daddy's gonna take care of you from now on okay?" puno ng pagmamahal na sabi niya dito. Tumingin sa kanya ang bata at ayon na naman ang pakiramdam niya na parang tinititigan siya ni Lenneth sa paraan ng titig nito. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon ang nararamdaman niya, minsan niya ng pinaghinalaang ito ang nawawalang anak nila ni Lenneth ngunit base sa resulta ng DNA ng bata at ni Samantha at walang dudang anak nga ito ng babae. "Daddy, are you mad at my mommy? Hindi ko na po ba makikita si mommy?" inosenteng tanong nito sa kanya. Huminga ng malalim si Ace at hinaplos ang buhok ng bata. "Makikita mo pa ang mommy mo pero sa akin kana titira, mommy can't take care of you very well and Daddy can do it. Kaya simula ngayon, lagi na tayong magkakasama di ba iyon naman ang gusto mo?" Tumango si Lyca at sumilay ang inosenteng ngiti sa munting labi nito. 'Lenneth..' ani Ace sa kanyang isip. Sobra-sobra na ba ang pangungulila niya at nakikita niya ang dalaga sa mukha ng kanyang anak? Itinuon niya na ang buong pansin sa pagmamaneho at hindi na nilingon pa ang bata. Kailangan niyang tawagan ang kanyang mga magulang upang ipadala si Nanay Esing sa bago niyang bahay. Simula ng iwan siya nang tuluyan ni Lenneth ay umalis na din siya sa kanilang bahay, puno iyon ng magagandang alaala nilangbdalawa kaya kapag nanatili siya roon ay parang pinapatay niya ang sarili sa pangungulila sa dalaga. Pagkarating niya sa bahay ay agad niyang tinawagan ang Mommy niya at pinakiusapang dalhin si Nanay Esing sa bahay niya. Ikinuwento din niyang tuluyan na niyang kinuha si Lyca sa ina nito, hindi nagtagal ay dumating nga ang mga ito at tuwang- tuwang kinarga si Lyca. "Are you okay, baby?" nag-aalalang tanong ng Mommy niya sa bata. Tumango si Lyca at tumingin sa kanya. Parang hindi ito komportableng kausap ang kaharap. "Lyca, I'm your Lola Ceila kaya huwag kang matatakot sa akin ah? Kung may kailangan ka sabihin mo lang at ibibigay iyon ni Lola sa'yo," malambing na saad ng matanda, halatang kinukuha ang loob ng bata. "Sabi po ni Mommy huwag daw akong magtiwala sa ibang tao. Sasaktan daw po nila ako at ilalayo sa kanya at kay Daddy." Inosente at magalang na sagot ng bata. Lahat sila ay nagulat sa sinabi ng bata, sa loob-loob ng mga ito ay nagsimulang bumangon ang matinding galit para sa ina ng bata. Gayunpaman ay hindi nagpagalata si Mrs. Ceila at ngumiti ng matamis sa bata. "Hindi ako ibang tao, apo. I'm your Daddy's Mommy kaya hindi kita sasaktan at ilalayo sa Daddy mo, okay? Mahal ka ni Lola at ng Lolo Diego mo, lagi mong tatandaan iyan." Ngumiti na ang bata at agad na yumakap sa matanda, napaluha naman ang Mommy niya sa mahigpit na yakap ng kanyang anak. Tahimik niya lang na pinagmamasdan ang mag-Lola, tinapik siya sa balikat ni Nanay Esing at nilingon ito ng magsalita. "Hindi ko alam kung bakit pero parang nakikita ko si Lenneth sa bata, maaaring sa unang tingin ay talagang kamukha mi si Lyca pero kapag tinitigan mo ng maige ang mga mata niya lalo na kapag nakangiti, mukha talaga ni Lenneth ang nakikita ko. Sigurado ka bang hindi siya ang nawawalang anak niyo ni Lenneth?" litanya nito na hindi inaalis ang tingin sa bata. Natigilan siya sa sinabi ni Nanay Esing, unti-unting bumabangon ang hinala sa puso niya ngunit agad din itong nawala dahil na din sa matibay na ebidensyang hawak niya. Umiling siya at malungkot na ngumiti sa Ginang. "Nanay Esing, ganyan din ang hinala ko dati pero may hawak akong papel na magpapatunay na wala siyang kaugnayan kay Lenneth. Dala lang siguro ng sobrang pangungulila niyo kay Lenneth kaya kahit kayo ay ganoon din ang tingin sa bata. Huminga ng malalim si NanaybEsing at may luhang sumungaw sa mga mata nito. "Maaaring ganoon nga siguro, sobra-sobra akong naskatan sa nangyari sa inyong dalawa, hindi kita masisi sa ginawa mo dahil alam kong nasaktan ka din sa mga nalaman mo pero sana naman hindi mo na sinaktan ng ganoon si Lenneth. Alam mong kagafaling lang nung tao sa ilang taon mong pagloloko." Natahimik si Ace sa sinabi ng matanda. Wala sa loob na naisara niya ang mga kamao niya at biglang dumilim ang kanyang anyo, labis ang kanyang pagsisisi sa ginawang pananakit kay Lenneth. Dahil sa galit niya noong araw na iyon ay hindi niya inintindi ang mararamdaman nito, naging makasarili siya at harap-harapang ininsulto ang dalaga. "Daddy, I'm sleepy, can I sleep with you tonight?"  Narinig ni Ace na tanong ng bata. Tumango siya at kinarga na ang bata, pagkatapos magpaalam sa dalawang matanda ay nagtungo na siya sa kwarto niya at inihiga ang bata. Ala una na ng madaling araw, makakasama kay Lyca ang pagpupuyat, pagkatapos niyang painumin ito ng gamot ay niyakap niya na ito at pinatulog. KINABUKASAN, isang munting kamay ang gumising kay Lenneth at pumatong sa ibabaw niya tsaka siya pinupog ng halik. "Mommy! Wake up, wake up! Dada told me we're going to the Mall! You will come with us, don't you?" excited na sigaw ni Sephy. Tinakpan niya ang kanyang mukha at niyakap ang kanyang anak at itinabi sa pagtulog. "Mommy still needs to sleep baby," mahinang saad niya. "But I want to go to the Mall! Mommy, kapag sumama ka sa amin ni Dada I will give you a reward!" pangungulit pa din nito sa kanya. "And what would be the reward?" tanong niya sa bata. "I will give you lots of kisses and hugs!" masayang sagot nito. Napahigikhik siya sa sagot ng bata, pinupog niya ito ng halik at kiniliti ng kiniliti. Sino bang ina ang hindi lalambot kapag ganito kalambing ang anak? "Okay you win, I will go with you and Dada to the Mall!" masayang wika niyang bumangon na sa kama. "Yes! We're going to the Mall!" masayang sigaw nito na nagtatalon pa sa kama. Naiiling na natatawang pinupog niya ulit ng halik ang bata at pagkatapos ay tinawag ang nag-aalaga dito para bihisan na. Nagsimula na din siyang mag-ayos ng sarili at nang matapos ay bumaba na. Nadatnan niya si Andrew na prenteng nakaupo sa sofa habang may kausap sa telepono, binati niya ito at nagtuloy siya sa kusina upang magtimpla ng kape. "Chairman is asking me to stay in the company for a few months, mukhang seryoso na ang ibang stockholders at pinag-iinitan ka na," ani Andrew na sinundan siya sa kusina. Tumaas lang ang kilay niya at tumawa ng pagak. "They can complain to death, hate me and curse me behind my back. Huwag lang talaga sila papahuli dahil kahit na sabihing matagal na sila sa kompanya kaya kong ipull-out ang mga shares nila." Napailing si Kenneth sa sinabi niya, nakabalatay sa mukha nito ang matinding pag-aalala at pangamba sa kanya. "Stop giving me that kind of face Andrew," nakasimangot na dagdag pa niya. "I'm just worried about you, what if gawan ka na nila ng masama sa sobrang paghihigpit mo sa kanila?" sagot nito. Nauubusan ng pasensyang hinarap niya ito. "I can take care of myself, baka nakakalimutan mo I am the one who made the company rise up. Dahil sa pagiging istrikto ko kaya naging maayos ang takbo ng kompanya, as I've said they are free to leave the company." "Neth-" Hindi naituloy ni Andrew ang sasabihin nang tapunan niya ito ng makamandag na tingin. "Stop calling me by that name!" "Mommy? Are you shouting at Dada?" natigilin siya ng marinig ang matinis na boses mula sa likuran niya. "Hey pards, I make your Mommy upset that's why she shouts at me," nagkakamot na saad ni Andrew sa bata. "You're bad, it's early in the morning you make my Mommy shout! Please don't do it again, I don't want to see her sad," ani Sephy. Lumambot ang ekspresyon ni Lenneth sa narinig na sinabi ng anak niya, huminga siya ng malalim at kinarga ang bata. "Don't worry, Mommy have you. Kahit na malungkot ako titingin lang ako sa prinsipe ko and then poof! Just like magic, Mommy will be happy again," nakangiting wika niya na hinalikan ang noo ng bata. "I'm sorry pards, hindi ko na gagalitin ulit ang Mommy mo." "Promise?" tanong ng bata kay Andrew. "I promise! At dahil nagkasala ako, iti-treat ko kayo ni Mommy sa EK!" masiglang saad nito na ginulo ang buhok ni Sephy. Natuwa naman si Sephy sa sinabi nito kaya naman masaya itong umalis sa kandungan niya at nagpatiuna nang lumabas kasama ang nanny nito. "I'm sorry," puno ng sinseredad na sabi nito. Nginitian niya lamang ito at sumunod na kay Sephy. 'Neth...' Mapait na ngumiti siya ng maalala ang pangalang iyon. How can she forget that damn jerk? Kung hindi dahil sa kanya hindi mawawala si Sophy, kung hindi siya nagpakita nung araw na iyon ay kasama niya sana ngayon ang kambal niya. 'I will never forgive you Ace! And be ready dahil magsisimula na akong gawing impyerno ang buhay mo at ng babae mo!' Isang ngiti ang pinakawalan niya bago tuluyang lumabas ng bahay nila at umupo sa tabi mismo ng anak niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD