CHAPTER 3 - DO YOU KNOW HIM, MOMMY?

2858 Words
MAAGANG NAGISING si Ace para tingnan ang kalagayan ni Lyca. Kagabi bago sila matulog ay sinabi ng batang nahihirapan na naman itong huminga. Kinailangan niya pang utusan si Nanay Esing na bumili ng nebulizer para may magamit si Lyca. Nang makitang okay na ang kanyang anak ay dahan-dahan siyang bumangon at pagkatapos kintalan ng halik si Lyca ay maingat siyangg lumabas ng kanyang kuwarto. Nang pababa na siya ng hagdan ay narining niya ang ingay na nagmumula sa labas ng kanyang gate. Nagsalubong ang kanyang kilay nang marinig ang pagmumura ni Samantha, agad siyang lumabas at isinara ang pintuan para kung sakali mang magising ang kanyang anak ay hindi nito maririnig ang eskandalosa nitong ina. "I told you to let me f*****g go inside! Gusto kong makita ang anak ko!" sigaw ni Samantha na nagpupumilit makapasok ng gate. "Kabilin-bilinan ni Ma'am Ceila na hindi ka papasukin hangga't wala siya. Natutulog pa ang mag-ama kaya bumalik ka na lang mamayang hapon," ani Nanay Esing na mahigpit ang hawak sa lock ng gate. "Wala akong pakealam kung natutulog pa sina Ace, papasukin mo ako at ako ang gigising sa kanilang dalawa. Hindi niyo basta-bastang mailalayo si Lyca sa akin, kaya ko kayong kasuhan ng kidnapping!" Malakas na kinalampag ni Samanta ang bakal nilang gate, nag-alala si Ace na baka magising si Lyca sa pag-iingay ng babae. "Nanay Esing, ako nah o ang bahala kay Samantha. Pakibantayan muna sa loob si Lyca, baka magising at hanapin ako," bilin niya sa matandang kasambahay nila at binuksan ang gate. "Ace! Ace, where is my daughter? I want to see her, okay lang ba siya? Sinumpong ba siya ng asthma niya ago siya matulog? Dinala ko pala ang nebulizer niya sa bahay para kapag—" "She's fine, pinainom ko siya ng gamut kagabi bago matulog at bumili din ako ng nebulizer, kaya huwag ka nang mag-abala pa," putol ni Ace sa sinasabi ni Samantha. "Ace, I'm sorry about what happened last night. Sobrang stress lang ako dahil sa pagod ko sa trabaho ko tapos pagdating ko pa sa bahay ay gano'n ang madadatnan kong kalagayan ni Lyca. Sinesante ko na ang Yaya niya at maghahanap na lang ulit ako ng bagong Yaya ni Lyca, ibalik mo na siya sa akin o," mahabang litanya ni Samantha. Tumigas ang anyo ni Ace, hindi na niya palalampasin pa ngayon ang babae. "I will file a case in the court, kukunin ko na sa'yo ang kustudiya ni Lyca. Hindi mo maalagaan ng maayos ang anak ko at wala kang sapat na pangtustos sa pangangailangan ni Lyca," mariing wika ni Ace sa kaharap. "What? Alam mong hindi pinapayagan ng korte mahiwalay ang mga bata sa poder ng ina hanggang sumapit ito sa pitong taong gulang. Hindi ka mananalo sa korte, Ace, sinasabi ko lang sa'yo," ani Samantha na parang sigurado sa sinasabi nito. "Are you sure? Paano kapag nalaman nila ang background mo at ang background ko? Would it be enough to let them change their minds? Hindi mo rin masasabing hindi ako nagsusustensto sa bata dahil maraming nakakaalam na kung hindi dahil sa akin, tiyak na wala kang bahay na matutuluyan ngayon," nakangising wika ni Ace. "Damn you, Ace! Damn you! You can't do this to me! Ako pa rin ang ina ni Lyca at kailangan niya ako!" asik ng babae sa kanya na kulang na lang ay duruin siya sa mukha. "Hindi ko sinabing hindi ka na magiging ina kay Lyca, puwede mo siyang dalawin dito sa bahay ko ngunit hindi mo siya puwedeng ilabas at dalhin sa kahit saan mo gustong pumunta. Simula ngayon, ako na ang magdedesisyon para sa anak ko," kalmadong wika ni Ace kay Samantha. "Wala kang puso, paano mo nagagawang maatim ilayo ako sa sarili kong anak?" puno ng hinanakit na tanong ng babae sa kanya. Tinawanan niya lang ito ng pagak. Sa tagal na nilang magkakilala ay alam na niya ang likaw ng bituka nito. Mahilig itong mangunsensya at magpaawa para lang makuha ang gusto nito. Ilang beses na bang ginawa nito iyon sa kanya? Hindi lang siya kumikibo dahil nakikita niya naming hindi nito napapabayaan si Lyca, ngunit bigla na lang itong nagbago at naging mas malala pa. "Hindi mo na ako madadan sa mga paggagaganyan mo. I've had enough of your bullshits, Samantha. Bumalik ka na lang dito bukas ng hapon kung gusto mong makita ang anak ko," iyon lang ang sinabi niya at isasara na sana ang gate nang makitang may gagawin na naman ito. "And one more thing, sundin mo na lang ang sinasabi ko kung ayaw mong tuluyan ko nang ilayo sa'yo si Lyca. Hindi sa tinatakot kita, pero alam mo ang mga kaya kong gawin." Tuluyan na niyang isinara ang gate, nanatili siya ng ilang sandali doon para tingnan kong may gagawin pa ang babae. "Arghh! That son of a b***h! Hindi niya ako mapapalayas sa buhay nila ng bata nang gano'n-gano'n lang!" dinig niyang wika ng babae sa labas ng gate. "Hindi pa tayo tapos, Ace! Hindi mo mailalayo si Lyca sa akin!" sigaw nito bago tuluyang umalis at paharurot na umalis sa harap ng villa niya. Bumalik siya sa loob ng bahay at nadatnan niya si Nanay Esing na pinapakain si Lyca sa kusina. Naramdaman siguro ni Lyca na papalapit siya kaya lumingon ito sa kanya. "Good morning, Daddy, saan ka po galing?" tanong ng anak niya. "Good morning, my angel. Are you feeling well? May masakit pa ba sa'yo?" malambing niyang tanong kay Lyca. Umiling si Lyca. "Okay na po ako, Daddy," magalang na sagot ni Lyca. Ginulo niya ang buhok nang bata at sinaluhan niya ito sa pagkain. "Tumawag ang Mama mo, hindi raw siya makakadaan dito ngayon dahil may pupuntahan sila ng Papa mo," saad ni Nanay Esing nang abutan siya nito ng pinggan. "Kung gano'n po, tatawagan ko si Doc Lasagas para sa check up ni Lyca. Napapadalas na naman po kasi ang pagsumpong ng asthma niya," ani Ace. Nakita niya nang biglang matigilan si Lyca nang banggitin niya ang pangalan ng Doktor nito. "Lyca, okay ka lang ba, anak?" hinagod niya ang likod ng bata sa pag-aakalang nahihirapan na naman itong makahinga. "Daddy, puwede po bang huwag na tayong magpunta kay Doctor Lasagas?" wika ni Lyca na hinawakan pa ang kamay niya. "Anak, we need to see Doc. Lasagas, kailangan ka niyang matingnan para malaman natin kung paano magagamot ang sakit mo, okay?" paliwanag niya sa limang taong gulang niyang anak. Tahimik na tumango lang si Lyca sa sinabi niya at bumalik sa pagkain nito. "Kapag nagging behave ka kay Doc Lasagas, mamasyal tayo sa Enchanted Kingdom, gusto mo ba iyon?" nakangiting saad niya kay Lyca. Kumislap ang mga mata ni Lyca at kitang-kita ni Ace ang biglang pagsigla ng bata. "Promise?" masayang turan ng kanyang anak. He smiled at his daughter and pinch the tip of her nose. "Promise." "Yes! Yaya pupunta kami ng Enchanted Kingdom ni Daddy!" masiglang wika ni Lyca kay Nanay Esing. "Oo nga, kaya ubusin mo na ang pagkain mo at nang makaligo ka na," masuyong utas ni Nanay Esing kay Lyca. Naging maliksi ang kilos ni Lyca, bigla itong nagkaroon ng lakas at sigla na hindi nakita ni Ace sa mahabang panahon. Naisip niya tuloy na palaging ipasyal ang anak niya, baka sa pamamagitan niyon ay mawala ang sakit nitong asthma. Habang inaasikaso ni Nanay Esing si Lyca ay tinawagan niya si Doc Lasagas upang ipaalam na magpupunta sila sa Hospital para ipa-check-up si Lyca. Walang sumasagot sa kabilang linya at ring lang ng ring, inakala ni Ace na tulog pa ang doctor hanggang ngayon kaya nag-iwan na lang siya ng mensahe para dito at nagbihis na din. Ngunit ang inaakala ni Ace na tulog pang doctor ay may ginagawa ng kamunduhan kasama ang babaeng kanina lang ay halos lumuhod na papasukin niya at makita ang kanyang anak. "MOMMY! MOMMY! HERE! HERE!" sigaw ni Sephy kay Lenneth na kinukunan ng video ang kanyang anak na tuwang-tuwa sakay ng carousel kasama si Andrew. Nakangiti niyang kinawayan si Sephy. Nawala ang matamis na ngiti sa kanyang ma labi nang makita ang pangalan ni Logan sa screen ng kanyang telepono. Lumayo siya sa stand ng Carousel at naghanap ng medyo pribadong lugar bago sagutin ang tawag. "Hello, nagawa mo na ba ang pinapagawa ko?" bungad agad ni Lenneth sa kausap. Nawala ang lambing sa tono ng pananalita niya at napalitan ng tuso at makapangyaring boses. "I told you, they won't agree. Umapela ang ilan kay Chairman at nagpapatawag sila ng meeting ngayon. They want you to drop out the proposal," walang paligoy-ligoy na saad ni Logan. Tumawa si Lenneth at hindi man lang kinabahan sa ibinalita ni Logan sa kanya. "I don't care if they won't agree, I will never do what they say. Sino ba ang dapat masunod, ako o sila?" ani Lenneth. "Ms. Morales, we both know that they can pull you down as the CEO of MSE Corporation. Ginawa ko na ang pinapagawa mo but they don't want to sign the contract. Ang gusto nila ay mag-report ka ngayon dito at pawalan ng bisa ang kontratang ginawa mo, or else—" "Or else what?" agaw ni Lenneth sa sinasabi ni Logan. "Pabababain nila ako sa puwesto ko? Mr. Fontanillas, I don't give damn care kung lahat kayo ay gustong pabagsakin ako. Kaya ko kayong palitan lahat at maghanap ng panibagong investors," mariing wika ni Lenneth. "Baka nakakalimutan niyong sa loob lamang ng apat na taon, the MSE Corporation is getting wider and bigger. I'm in an important event right now, don't call me again." Galit niyang pinatay ang kanyang cellphone at isinilid sa loob ng bag niya. Talagang sinusubukan siya ng mga stockholders, mukhang kailangan na niya talagang linisin ang mga mababahong basura sa loob ng kanyang gusali. Babalik n asana siya kina Sephy nang mamataan niya ang isang batang babaeng tahimik na umiiyak sa tabi ng ice cream booth. Halata sa mukha nitong natatakot ito at nawawala. Awtomatikong naglakad ang kanyang mga paa papunta sa bata. Mukhang nawawala talaga ito at hindi alam kung ano ang gagawin. "Hey there, little angel, okay ka lang ba?" masuyong tanong ni Lenneth sa batang babae. Tahimik na umiling lang ang bata at halatang natatakot sa kanya. "Huwag kang matakot sa akin, mabait ako. Anong pangalan mo?" Umupo siya sa harap ng bata at pinagmasdan ang kabuuan ng bata. Ilang sandali siyang natigilan dahil pamilyar sa kanya ang mukha nito. Ngunit imbes na magalit siya ay tila hinaplos ng malamig na kamay ang kanyang puso. "My name is Lenneth, you can call me Tita Lenneth, if you want," nakangiti niyang iniabot ang kamay sa bata ngunit tinitigan lang siya ng bata. "Ang sabi sa akin ni Mommy, huwag daw akong makipag-usap sa hindi ko kilala. Sasaktan lang daw nila ako't ibebenta para pagkaperahan," mahinang wika ng batang babae. Parang dinurog ang puso ni Lenneth sa sinabing iyon ng bata. Hindi niya alam kung bakit sumiklab ang galit sa kanyang dibdib sa sinabi nito. Napakawalang-hiya naman ng mga magulang ng bata! How could they tell her something like that? That's horrible! "Hindi naman ako masamang tao, kaya ako lumapit sa'yo para tulungan kang hanapin ang mommy't daddy mo," malambing niyang wika sa bata. "I'm with my daddy, pero hindi ko alam kung nasaan na siya. Ang sabi nya isasakay niya ako sa mga horse pero bigla na lang siyang nawala," nakatungo at nagsimula nang humikbi ang bata. "Huwag ka nang umiyak, gusto mo bang sumakay sa mga horses? Halika, ipapakilala kita sa baby ko at sabay kayong sumakay ng horses. Baka nandoon na rin ang daddy mo at hinahanap ka," pinahid niya ang munting luhang dumaloy sa maliit na mukha ng bata. "Talaga?" Nagliwanag ang mukha ng batang babae sa sinabi niya. Nakangiti siyang tumango. "Nakasakay sa mga horses ang baby ko, halika ipapakilala kita." Hinawakan niya ang kamay ng bata at dinala sa carousel. Kung totoo ang sinasabi ng batang babae na sa may carousel ito naiwan ng ama nito ay tiyak na nasa paligid lang ito. Eksaktong palabas na sina Andrew at Sephy sa carousel nang lumapit siya sa mga ito. Nasa mukha ni Andrew ang pagtataka kung bakit may bitbit siyang bata, kabaliktaran naman ni Sephy na halatang nasiyahan nang makitang may kasama siya. "Baby, do you want another ride with her?" tanong niya sa kanyang anak. Nasisiyahang tumango ang kanyang anak, nagulat siya nang bigla nitong hawakan ang kamay ng batang babae at igiya papasok sa loob ng carousel. "Who is that little girl?" tanong ni Andrew sa kanya. "I don't know, nakita ko lang nang pabalik na ako rito, ang sabi naman ng bata dito raw siya iniwan ng kanyang Daddy, naisip ko nang dalhin dito para mas madaling makita ng kanyang ama," sagot niya. Nagkatinginan sila nang makitang nagtatawanan ang dalawang bata at pumili ng magkatabing sasakyan. Inalalayan silang makasakay ng staff at tinawag sila upang alalayan ang dalawangg bata. Nasa tabi ni Andrew si Sephy at siya naman ang nasa tabi ng 'di pa niya kilalang batang babae. Lumambot ang puso ni Lenneth nang makita ang saya sa mga mga ng dalawang bata. Seeing this two kids together reminded her of Sophy. Kung sana kasama nila ang isa pa niyang anak ay siguradong ganito sila kasaya ngayon. "Sephy, hold tight, darling," paala niya sa kanyang anak nang hindi pa rin nito binibitiwan ang kamay ng batang babae. "No, mommy. Lyca wants me to hold her hand until the horses stop. She's scared and I promise to her that I will protect her," sagot ng kanyang anak. "Okay, litte superman, hold her tight," nakangiting wika ni Andrew kay Sephy. Tumingin sa kanya si Andrew at tinanguan siya para sabihing huwag mag-alala. Sa loob ng ilang minutong umikot ang carousel ay kakaibang saya ang naramdaman ni Lenneth habag tinitingnan ang munting tawanan ng dalawang bata. Gaya ng sinabi ng kanyang anak, hindi nito binitiwan ang kamay ng munting anghel sa kanyang tabi. Hindi na maramdaman ni Lenneth ang pagkailang at takot sa mukha ng batang babae na nakita niya sa mukha nito kanina. Ngayon ang makikita sa mukha ng batang babae ay purong saya, maging ang mga mata nito ay nagniningning. Lyca. Sephy call her Lyca and the way he call her name, para bang matagal nang magkakilala ang mga ito. Tiningnan niya si Lyca at napansin na para bang magkaparehas ang hugis ng mukha nila at mga mata. Kaya siguro ganoon na lang kagaan ang loob niya rito dahil may pagkakahawig sila. Nang tumigil ang carousel ay umungott pa ng isa ang kanyang anak ngunit hindi na niya ito pinayagan. Kailangan na nilang bumaba at kumain, mag-iisang oras na silang nag-iikot sa EK. "Honey, are you not hungry? Don't you want to it? Baka nagugutom na rin si Lyca, babalik tayo rito next time, okay?" ani Lenneth kay Sephy. "Okay. Puwede ba nating isama si Lyca?" tanong ng kanyang anak at bumalik sa tahimik nitong katabi. Nakangiti siyang tumango. "Sure, baby. Sa ngayon, kailangan muna nating hanapin ang Daddy ni Lyca. Her Daddy might be very worried now." Magkahawak-kamay ang dalawang batang lumabas sa booth ng carousel habang nakasunod silang dalawa ni Andrew. "Parang ayaw nang bitiwan ni Sephy ang kamay ni Lyca, I think he really likes her. Sabihan mo lang ako at kakausapin ko ang parents ni Lyca para sa isang pre-marriage arrangement," biro ni Andrew. Tinawanan niya lang ang sinabi nito. "Daddy!" Natigil sila sa paglalakad nang biglang sumigaw si Lyca at patakbong nilapitan ang isang nakatalikod na lalaki at tila may kausap sa telepono. Dahil magkahawak ang kamay ng dalawang bata ay napasunod si Sephy dito. Siya naman ay natigil at tila natuod sa kanyang kinatatayuan nang makilala kung sino ang nilapitan at tinawag ni Lyca. It was Ace! "Lyca! Thank God, you're here. Saan ka ba nagpunta at bigla kang nawala sa likod ko?" Niyakap ni Ace si Lyca at kitang-kita niya ang matinding pag-aalala sa mukha ng lalaki. Naramdaman niya ang marahang pagpisil ni Andrew sa nanlalamig niyang kamay. "Relax, huwag mong ipakita kay Sephy na ganyan ka," bulong nito sa kanya. "Are you the Daddy of Lyca?" Narinig niyang tanong ni Sephy kay Ace. Tiningnan ni Ace ang kanyang anak at halatang nagulat nang makita si Sephy. Nang akmang hahawakan nito ang mukha ng kanyang anak ay mabilis siyang lumapit sa mga ito at inilayo ang kanyang anak. "Sephy, I think we need to go now that Lyca is with her Daddy." "But, Mommy, ang sabi mo po isasama natin si Lyca," ani Sephy na sinulyapan ang tahimik na batang babae sa tabi ng ama nito. "Uuwi na raw kasi sina Lyca kaya hindi na siya makakasama sa atin, may susunod pa naming araw," pagsisinungaling niya sa kanyang anak. "Andrew, let's go." Pag-aaya ni Lenneth kay Andrew. "Neth..." Tuloy-tuloy lang ang lakad niya kasama ang kanyang anak. Kumukulo ang dugo niya at sa mga oras na iyon ay wala siyang ibang gustong gawin kun'di ang mailayo ang kanyang anak kay Ace. "Neth, mag-usap tayo, I want to to talk to my—" "Shut up, Ace!" galit na asik niya sa lalaki. Hinarap niya ito at hindi nakapagpigil na bigyan ito ng malakas na sampal. "Lenneth," awat sa kanya ni Andrew ngunit alam niyyang huli na. "Mommy, why did you slap him?" Nahimasmasan si Lenneth at nilingon ang kanyang anak, napansin din niya si Lyca na nasa mga mata rin ang pagkalito sa mga mata nito. "Sorry, nabigla lang si Mommy," sagot niya. Hinarap niya ang kanyang anak at pinilit na kumalma. "Baby, mommy is tired. Can we go home now, please?" malambing na pakiusap niya kay Sephy. Nagpalipat-lipat ang tingin ng kanyang anak sa kanya at kay Ace, gusto niyang batukan ang kanyang sarili dahil sa ginawang pananampal kay Ace sa harap ng kanyang anak. Nakalimutan niya ang isang bagay... "Do you know him, mommy?" Nakalimutan niyang nakakaintindi si Sephy sa mga bagay na nasa paligid nito, lalo na sa nararamdaman niya ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD