"Mommy, do you know him?" inosenteng tanong ng kanyang anak sa kanya at itinuro si Ace.
"No! I just thought he is a bad guy, that's why I... slapped him," pagsisinungaling niya at inilayo ang kanyang anak kay Ace.
"Say, sorry, Mommy. Look at Lyka, she got scared," ani pa ni Sephy.
"Let's go, Sephy, Andrew talk to that guy. I need to go," baling niya kay Andrew at akmang tatalikod na nang mabilis siyang hawakan ni Ace sa kanyang balikat.
"Lenneth... mag-usap muna tayo kahit saglit lang. I just want to meet my—"
"Stay away from him!" histerikal na wika ni Lenneth at malakas na itinulak si Ace palayo sa kanila ng kanyang anak.
Nagulat ang dalawang bata sa inasta ni Lenneth, ngunit hindi na niya iyon pinansin pa. Minsan na niyang hinayaan si Ace na makalapit sa mga anak nila ngunit may masamang nangyari pagkatapos niyon. Nawala sa kanya si Sophy at ayaw ipinangako niya sa kanyang sarili na hindi na niya hahayaang maulit iyon.
"Mommy..." mahinang usal ni Sephy sa kanya.
"Lenneth, nasasaktan na ang bata. Ang mabuti pa sumakay na kayo sa kotse at ako na ang bahala rito," ani Andrew na nakapansin sa pagbabago ng mood niya.
"Let's go, Sephy," iyon lang ang sinabi niya at nagmamadaling inakay ang kanyang anak papunta sa kanyang kotse.
Nang makapasok ng sasakyan ay saka pa lamang nakahinga ng maluwag si Lenneth. Hindi niya talaga akalain na magku-krus ulit ang mga landas nila. Hindi siya handa! At higit sa lahat hindi niya napaghandaan ang lahat!
"Mommy, are you okay?" tanong ng kanyang anak sa kanya.
"Yes baby, mommy is fine," masuyo niyang sagot sa bata.
"Do you know, Lyca's father? Is he a bad person?" inosenteng tanong ulit sa kanya ni Sephy.
Sa pagkakataong iyon ay hindi niya alam kung ano ang sasabihin sa kanyang anak. Ayaw niyang magsinungaling sa bata ngunit, ayaw din naman niyang sabihin rito ang totoo.
Sa angking talino ng bata ay tiyak niyang maiintindihan nito ang sasabihin niya.
Mabuti na lang at dumating si Andrew.
"Saan mo pa gustong magpunta, repa?" masiglang tanong ni Andrew sa kanyang anak.
"Dada, is Lyca, okay?" tanong ng bata sa binata.
Lenneth looks at Andrew helplessly. Minsan parang gusto niya na lang hilingin na sana ay isang ordinaryong bata lang si Sephy. Iyong tipong laro lamang ang kaya nitong isipin at itanong.
"Oo naman! She's very fine! Pinapasabi pa nga niya na sobrang thank you sa pakikipaglaro sa kanya," ani Andrew sa bata.
"Really? Then why her daddy makes my mommy mad?" inosenteng tanong na naman ng kanyang anak.
"It was just a misunderstanding, honey. Hindi lang sila nagkainitindihan kaya nagkaganoon, pero siyempre, dahil guwapo at very charming ang Dada mo naayos ko na lahat," masayang wika ni Andrew at pahapyaw siyang tiningnan nito.
Hindi nagsalita si Sephy pero para naming nahulog ito sa malalim na pag-iisip. Para bang tinitimbang nito sa isip nito ang sinasabi ng kanyang Dada.
"Do you want to go shopping? May nakita akong new edition of cars and superheroes," pag-iiba ni Andrew sa usapan.
Agad na lumiwanag ang mukha ni Sephy nang marinig ang mga gustong laruan. Maging siya ay napangiti na, siguro kung wala lang si Andrew baka may nasabi na siyang hindi maganda sa anak niya.
Balisa naman si Ace at hindi mapakali simula nang iwan siya ni Lenneth kanina. Kahit na ganoon ang nangyari kanina sa pagitan nila ni Lenneth, ay hindi niya maitatagong masaya siya.
Sa unang pagkakataon, nakita niya sa malapitan ang kanyang anak. Simula mangyari ang kaguluhan dati ay hindi na siya pinayagan pa ni Lenneth na makalapit kay Sephy. Hindi na rin siya nagpilit pang makalapit sa bata dahil sa banta ni Lenneth na magpa-file ito ng kaso sa korte.
"Daddy, kilala mo po ba ang mommy ni Sephy?" tanong sa kanya ni Lyca.
Malungkot siyang ngumiti at siniguradong nakakabit an seatbelt ni Lyca bago buhayin ang makina ng kanyang sasakyan.
"Yes, sweetie," sagot niya.
"Bakit ka po niya inaaway? Akala ko naman po mabait siya, tinulungan niya po kasi ako kanina tapos isinakay pa sa carousel," inosenteng turan ni Lyca.
"Did you thanked her?" nakangiting tanong niya sa bata.
Umiling ito.
"Bad siya, inaway ka niya," sagot nito at pinagkrus ang dalawang maliliit na kamay nito.
"Lyca, hindi siya bad. May kasalanan si Daddy sa kanya kaya ganoon ang nagging pagtrato niya sa akin," pagpapaliwanag niya dito.
"Ano po ba ang ginawa mo sa mommy ni Sephy?" tanong ulit nito. "Magkikita pa po ba kami ni Sephy? Ang bait niya po sa akin tas sabi niya pa hindi niya ako hahayaan pang matakot," pagku-kuwento ng bata sa kanya.
Lumambot ang ekspresyon ng mukha ni Ace. Mukhang sa pagkakataong ito may magandang naidulot ang pagkaka-kuha niya kay Lyca sa ina nito.
"Do you like Sephy, Lyca?" nakangiting tanong niya sa kanyang anak.
"Yes, Daddy! Ang bait-bait ni Sephy, daddy. Tapos alam mo po? Ang sabi niya ipapakilala niya pa raw ako sa mga ibang friends niya! Tapos isasama niya rin po ako sa bahay nila at maglalaro kami sa playground niya! Hinawakan din po niya iyong kamay ko para daw po hindi ako matakot kanina habang nasa horses kami!" Tuwang-tuwang saad pa ng kanyang anak.
"Talaga, sinabi niya iyon sa iyo?" ngiting-ngiti na tanong naman niya kay Lyca.
Maya-maya niya itong nililingon dahil gusto niyang makita ang masaya nitong mukha habang nagku-kuwento nang tungkol kay Sephy. Halatang gustong-gusto nitong kasama si Sephy, hindi mapagkakailang magkapatid nga ang mga ito.
"Puwede ko po bang makita ulit si Sephy?" tanong ni Lyca.
Ngiti lang ang naging tugon niya sa tanong na iyon ng kanyang anak. Hindi niya alam kung ano ang isasagot niya rito dahil maging siya ay hindi alam kung may pagkakataon pa bang makita niya si Sephy.
Naalala niya ang huling sinabi ni Andrew kanina bago siya tuluyang iwanan nito sa amusement park.
"P're okay na si Lenneth, huwag mo nang tangkain ulit na guluhin ang buhay niya dahil sinasabi ko sa'yo malaking tao na ang makakabangga mo. Stay away from her and Sephy."
Huminga siya ng malalim at tahimik na nagmaneho, kailangan na naman niyang mag-isip ng paraan kung paano malalapitan ang anak niya na hindi mamasamain ni Lenneth.
Natigil lang ang pag-iisip niya nang tumunog ang kanyang telepono. Nagsalubong ang kanyang kilay nang mabasa ang pangalan ni Samantha sa screen, ayaw niya sanang sagutin iyon ngunit alam niyang hindi siya titigilan nito hangga't hindi niya kinakausap.
"Hello?" walang ganang sagot niya rito.
"Ace! Where are you? Nasaan ka? Kasama mob a si Lyca? Nandito ako sa bahay mo at wala kayo dito!" sunod-sunod na tanong sa kanya ni Samantha.
"Pauwi na kami, may kailangan ka ba?" aniya. Hindi niya pinag-aksayahang sagutin ang mga tanong nito.
"Saan kayo galing? Bakit hindi mo sinabi sa akin na aalis pala kayo? Di sana napuntahan ko kayo at—"
"No need, pauwi na kami," agaw niya sa sinasabi pa ni Samantha.
"Okay, hihintayin ko kayo dito sa bahay mo. I need to see my baby, I missed her so much," anito.
Gusto niyang matawa sa sinasabi ni Samantha. Ang akala siguro ng babae ay makukuha siya nito sa mga paglalambing nito at pagpapakitang nag-aalala talaga ito sa kanilang anak. Minsan na niyang nahuli itong may kausap sa telepono o mas tamang sabihing kalandian habang ang anak naman niya ay nagpipigil lang sa pag-iyak at sobrang pula ng mga mata.
May isang pagkakataon din niyang nakitang may pasa ang bata sa likod nito nang aksidenteng nalihis ang suot nitong damit.
"May sasabihin ka pa ba?" tanong niya.
"Wala na, mag-iinga—"
"Bye." Ibinaba niya ang kanyang telepono at hindi na hinintay pang matapos ang sasabihin nito.
Tinapunan niya nang tingin ang nakamasid at tahimik niyang anak.
"Baby, puwede bang secret lang natin ang pagkikita niyo ni Sephy? Huwag mo na lang sabihin sa Mommy mo," aniya.
Tumango ang bata.
"Okay," wika ni Lyca.
Ginulo niya ang buhok nito at nginitian. Ayaw niyang gumawa na naman ng panibagong gulo si Samantha, baka kapag nalaman na naman nitong nagkita sila ni Lenneth ay kung ano na naman ang maisipan nitong gawin na magpapahamak kay Lenneth at sa kanyang dalawang anak.