CHAPTER 5 - CALM DOWN, NOTHING BAD WILL HAPPEN

1309 Words

PAGPASOK PA LANG ng kotse ni Ace ay natanaw na agad niya si Samantha na nasa pool area at tila may kausap sa telepono. Agad na nagsalubong ang kanyang kilay at binato ng masamang tingin ang babae. "Princess, puwede bang sumama ka muna kay Nanay Iseng? Kakausapin ko lang si Mommy mo, okay?" nakangiting wika niya sa anak niya. Agad namang tumango ang bata at agad na sumama kay Nanay Iseng, hinalikan niya muna sa noo si Lyca bago tuluyang pumasok ang mga ito sa bahay. Dumiretso siya sa pool area, magsasalita na sana siya ngunit naudlot iyon nang marinig niya ang sinasabi nito sa kabilang telepono. "I know! Kaya nga nandito ako ngayon sa bahay ni Ace, di ba? Kailangan kong magpabango ulit sa lalaking iyon para hindi niya tuluyang ilayo sa akin si Lyca!" Naikuyom ni Ace ang kanyang kamao.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD