KINABUKASAN ay nauna siyang pumasok sa kompanya, ayaw niyang makasabay si Andrew dahil tiyak na may sasabihin na naman ito sa nangyari lang kagabi. Hindi niya kasi mapigilang sigawan ito sa harap ni Sephy nang banggitin na naman nito ang kinamumuhian niyang pangalan. Hindi naman talaga iyon sinasadya ni Andrew, pero nagpapanting pa rin kasi ang tenga niya kapag naririnig niyang tinatawag siya nito sa ganoong pangalan. Pagdating niya agad sa opisina ay agad siyang nagpatawag ng agarang meeting sa mga board members. Gusto niyang magkaroon na ng aksiyon ang kanyang binabalak na pag-wipe out sa mga garapal at buwaya sa kanyang kompanya. Ginagawa niya ang lahat para malinis ang kompanyang ibinigay sa kanya ng Chairman, ayaw niya itong biguin at ipinangako niya rin sa kanyang sarili na hi

