THRAIN'S P.O.V: "BAKIT HINDI maipinta ang mukha mo at bakit may sugat yang labi mo?" untag ni Kai sa akin nang makita niya ako rito sa labas ng bahau habang nakaupo malapit sa pintuan. Nagmukha akong bata na nagmamaktol habang binabato ang buhanginan. Nakasampay rin sa balikat ko ang damit ko at wala akong pakialam kung maglaway man sa akin ang mga babaeng makakakita sa katawan ko. "Paanong hindi magiging ganito ang mukha ko kung nakawala si Zephyr mula sa pagkakatali ko sa kanya sa kama? Ang babaeng yun, ginagalit niya talaga ako." "Una pa lang ay alam mo nang hindi basta-basta ang babaeng hawak mo kaya huwag ka nang magtaka kung lalabas ka mula sa kwarto mo na bugbog sarado. Nasaan na ang babae mo?" "Ayun, pinatulog ko ulit. Ang sakit sa tainga ng bunganga niya at ang hirap niyang p

