THRAIN'S P.O.V: "TANDAAN mo, Zephyr Aethera, ako lang ang kakampi mo." "Kwento mo sa pagong." Biglang nadulas ang aking kamay mula sa pagkakasandal sa upuan at hinila ng marahan si Zephyr paupo sa tabi ko. "Alam mo, little muffin, mabait pa ako sa lagay na ito," wika ko na ngunit ang totoo ay gusto ko na siyang ibalibag sa kama at pagsawain ang sarili ko habang pareho kaming hubo't-hubad. "O tapos, share mo lang?" pamimilosopo niya sa akin kaya lalo kong nilawakan ang ngiti sa aking labi. "Mabait ako pero kaya kitang ibalibag sa kama pag ako nainis sayo. Wawasakin ko talaga ang dapat wasakin sayo." Naningkit ang mga mata ni Zephyr sa akin at saka ako inirapan at muling itinuon ang atensyon kay Kai. Dedma ang gwapo kong mukha at ang masarap kong T. "Mabalik tayo sa tanong ko. Paano

