ZEPHYR'S P.O.V:
Name of the Target: Senator Mario Lagdameo
Time: 2 hrs approx.
Location: Manila North Harbor Port
Muli kong pagbasa sa mensahe na pinadala sa akin habang tinatahak ko ang tahimik na kalsada patungo sa port kung saan gaganapin ang aking misyon.
Isinilid ko na lamang sa bulsa ng aking suit ang cellphone na dala ko kasama ang ID na minsan nang napulot ni Thrain.
Ang ID kasi na 'yon ay isa rin sa mga pass ko sa loob ng organisasyon na kinabibilangan ko kaya kailangang lagi ko 'yong dala.
Mabuti na lamang at hindi pinaghinalaan ni Thrain ang ID dahil mukha lang itong normal na identification card.
Sa pagliko ko sa isang tambakan ng mga cargo vessels, biglang may humablot sa akin at tinakpan ang aking bibig ng walang kahirap-hirap kaya sinubukan kong lumaban ngunit nagsalita siya.
"Hey there, my little muffin," bulong niya sa aking tainga kaya marahas ko siyang nilingon.
Thrain Darkhaven, ang lalaking laman ng aking isip kanina lamang habang ako ay naglalakad sa tahimik na lugar na ito.
"Tsk! Ano bang ginagawa mo at bakit ka narito?" singhal ko sa kanya matapos kong pumalag mula sa pagkakahawak niya na agad naman siyang bumitaw at hinayaan akong makalayo. Sinigurado ko rin na kaming dalawa lamang ang nagkakarinigan.
"Relax, I'm not here to interfere with your work."
My forehead ceased. "Ano bang alam mo sa trabahong mayroon ako?"
"Apart from flaunting your beautiful body in front of the camera, you're also a professional killer who gets paid-- woah!"
Agad niyang naitaas ang parehong kamay na tila sumusuko nang itutok ko sa kanyang leeg ang maliit na kutsilyo na hawak ko.
"Stalker ka ba?" malamig na tono ng aking boses ang ibinigay ko sa kanya ngunit isang pilyong ngisi lamang ang binigay niya sa akin.
"I would like to focus on someone like you, but please forgive me. It just so happens that we share the same goal in this place."
I tilted my head, "Anong ibig mong sabihin?"
"You're here to get rid of Lagdameo, aren't you? I'm also here to take the bodies of the people he's sending to Malaysia and remove the diamond inside their bodies."
Brilyante?
Ano bang sinasabi ng lintik na ito?
Bago pa man ako muling makapagtanong kung bakit niya alam ang tungkol sa misyon ko, nakarinig kami ng ugong ng sasakyan at nagkatinginan kaming dalawa.
Sumenyas siya sa akin na tumahimik at hinila niya ako patungo sa kanyang tabi at saka siya sumilip sa kung ano ang kaganapan sa labas kung saan kami nagtatago.
"Is this all I need?"
Rinig kong tanong ng isa sa mga lalaking pamilyar sa akin ang tono ng boses.
"Yes, Bossing. Walang tapon sa mga ito."
Isinilid kong muli sa holster ng aking hita ang kutsilyo na hawak ko at tinignan ko si Thrain na seryosong nakikinig sa usapan ng mga tao sa labas at saka ko iginala ang aking paningin sa paligid.
"Siguraduhin ninyo na maayos silang maipapadala sa Black Market dahil kung hindi, lahat kayo ay ipapadala ko doon mismo."
Mga nagtataasang cargo vessels at ilan sa kanila ay bulok na.
Muli kong nilingon si Thrain ngunit ang atensyon niya ay nasa mga taong bagong dating kaya naman, tahimik akong kumilos palayo sa kanya at walang pagdadalawang-isip na naglaho ako sa dilim ng hindi namamalayan ni Thrain.
Pumunta ako sa kabilang bahagi ng mga cargo vessels at umakyat ako sa itaas kung saan hindi naaabot ng liwanag ng ilaw at kitang-kita ng dalawang mata ko ang ilang mga kabataan na nakahiga sa stretcher at mga walang malay.
Si Lagdameo ay nakatalikod sa gawi ko at ang dalawang kasama niya ay nakatingin sa mga kabataang nakahiga sa stretcher.
Kinuha ko ang baril na nakalagay sa aking tagiliran at itinutok 'yon sa ulo ni Lagdameo. Akmang ipuputok ko na 'yon nang may humablot sa kamay ko at bigla na lamang akong napahiga sa cargo vessel na kinaroonan ko at ang bulto ni Thrain ang aking nasilayan.
"What the fvck are you doing!?" gigil na singhal niya sa akin nang idiin niya ako sa cargo vessel na kinaroonan namin.
"Isa lang ang misyon ko ngayong gabi at 'yon ay iligpit si Lagdameo kaya bitawan mo ako," walang bakas ng emosyon ang aking tinig kaya napatitig si Thrain sa akin.
"Do you know that you're only going to harm yourself? There aren't only three people with Lagdameo and you're not the only one who wants to get rid of him tonight."
My forehead cease. "Anong ibig mong sabihin?"
"Tsk, propesyonal ka ba talaga na pati basic knowledge tungkol sa pagsusuri sa paligid mo ay hindi mo magawa?"
Gagu to ah!
Sinamaan ko siya ng tingin ngunit binitawan niya ako at hinila paupo sa ibabaw ng cargo vessel.
"Look at your surroundings and observe everything, my little muffin," aniya na agad kong sinunod.
Rhyming yun ah? At tama siya.
I spotted a sniper from a different location and there six of them. I did not expect how he knows about it.
"Huwag mong sabihin na kasamahan mo ang mga snipers na yan?" mapaklang wika ko kay Thrain dahilan para bumaba ang tingin niya sa akin at binigyan ako ng tingin na tila hinihusgahan ko siya.
"Little muffin, I wouldn't bring a sniper if I couldn't handle the fight I'm about to take on. But if I were to fight for you, I would bring even an army just to save a beautiful woman like you."
I rolled my eyes at him. "Ulul!"
Muli kong nilingon si Lagdameo kasama ang kanyang grupo at muli kong hinawakan ang handgun na dala ko at walang pagdadalawang-isip na pinaputukan si Lagdameo kasama ang dalawang taong kausap niya.
"What the fvck!?" bulalas ni Thrain sa akin at biglang rumagasa ang bala papunta sa aming dalawa kaya napangiti ako nang hilahin niya ako pababa ng cargo vessel.
Bumagsak ang katawan ni Thrain sa lupa at sinalo niya ang bigat ko ngunit wala akong sinayang na panahon at agad na tinakbo ang lugar kung saan naroon ang bangkay ni Lagdameo at hinila ko ito palayo sa rumaragasang bala.
"Sh•t! Sh•t! Sh•t!" sunud-sunod na mura ang ginawa ni Thrain ngunit wala akong pakialam sa kanya.
Trabaho ko ito at kailangan kong makompirma na wala na ngang buhay si Lagdameo, at dahil head shot ang ginawa ko, tumagos ang bala mula sa gilid ng kanyang ulo hanggang sa kanyang noo.
Kinuha ko ang kutsilyo na nakasilid sa aking hita at walang pagdadalawang-isip na tinanggal ang ulo ni Lagdameo mula sa kanyang katawan.
"A fvcking brutal. Tsk, that's why I like you," rinig kong komento ni Thrain kaya tinignan ko siya.
Ang loko, nakasandal sa carge vessel habang nakasilid sa kanyang bulsa ang isa niyang kamay at tila gumagawa ito ng isang music video at ang tunog ng rumaragasang bala ang kanyang musika.
"Pasensya na ngunit hindi kita gusto kaya kung ako sa'yo, lubayan mo ako."
"What if I don't want to?"
"Tapusin ko na lang ang buhay mo."
Biglang humagalpak ng tawa si Thrain at tila isang nakakaaliw mula sa palabas ang aking sinabi ngunit seryoso ako.
"My Zephyr, remember that the two of us agreed on something and Lagdameo was included in the agreement you responded to, so here is your prize."
Isang itim na card ang iniabot niya sa akin at nagpabalik-balik ang tingin ko sa card at sa kanyang mukha kaya sinimangutan ko siya.
"Hindi ko kailangan 'yan. Ang kailangan ko ay ang ulo mo."
"Itong nasa taas ba o itong nasa baba-- fvck!"
Binigyan ko siya ng sipa sa isa niyang tuhod dahilan para mapaluhod siya at muli kong inambahan ng sipa ang kanyang batok kaya bumagsak siya sa lupa katabi ang katawan ni Lagdameo na wala nang buhay.
Pumaibabaw ako kay Thrain at muli kong itinutok ang kutsilyo na may bahid pa ng dugo sa kanyang leeg.
Naging seryoso ang hilatsa ng kanyang mukha.
"This is the third time you've pointed your knife at me, Fortalejo," he said with a hint of threat, but I didn't flinch.
"And you are also my last vulnerable prey tonight."
"Hindi mo sure," aniya at biglang nagkapalit ang posisyon naming dalawa.
Sa isang iglap, muli na naman akong nakulong sa mapangahas niyang labi at tila hinihigop niyon ang lakas ko habang nakahiga ako sa malamig na sahig at nasa ibabaw ko si Thrain.
Hawak niya ang pareho kung kamay na nakalapat sa magkabilang gilid ng aking ulo at tila isang parusa ang iginawad niya sa akin.
Or more like I am his fvcking vulnerable prey tonight and I don't like it.