ZEPHYR'S P.O.V:
PUMIPITIK ang aking sintido nang maalimpungatan ako.
Akmang sasapuhin ko ang aking sintido nang maramdaman kong nakatali ang aking mga kamay at nang imulat ko ang aking mata, nanlamig ang buong katawan ko nang makitang nakahiga ako sa isang metal na mesa at parehong nakatali ang kamay at paa ko.
"Oh, you're awake?" ani ni Thrain nang dumungaw siya mula sa aking uluhan kaya biglang uminit ang aking ulo.
Nakakasilaw din ang ilaw na nakadungaw sa aming pareho at lalong sumasakit ang ulo ko dahil doon.
Paano ako napunta rito!?
"Ano bang ginagawa mo? Pakawalan mo ako!" Nanggigigil na wika ko at sinubukan kong pumalag mula sa pagkakatali sa akin ngunit masyadong mahigpit 'yon lalo na't bakal siya.
"Nah-uh. May kasalanan ka pa sa akin kaya dyan ka muna. Let me entertain you for the meantime."
Umalis si Thrain mula sa aking uluhan at naglakad siya papunta sa kaliwa ko at lalong nagulantang ang buong pagkatao ko nang makita ang mga kabataang hawak ni Lagdameo kanina para ipadala sa Malaysia.
"Anong balak mong gawin?" nahihintakutang tanong ko.
"Just sit back, relax, watch and learn from me my little muffin."
Bigla siyang nagsuot ng lab gown, surgical mask, and gloves. Kinuha niya rin ang scalpel at walang habas na hiniwa ang tiyan ng isang binatilyo na sa tingin ko ay nasa edad kinse hanggang disi-syete.
Bumulwak ang mga brilyante mula sa kanyang tiyan at hindi ko maiwasang mapangiwi nang tumilamsik ang dugo sa katawan ni Thrain.
Naipikit ko ang aking mga mata at hindi ko magawang panuorin ang ginagawa niya.
"Why are you closing your eyes, my little muffin?" takang tanong niya ngunit hindi ako nagmulat ng aking mga mata.
"Tapusin mo na lang ang ginagawa mo o kaya pakawalan mo na lang ako para makauwi na ako."
"Why? You want to see what I'm doing up close? Little muffin, how many times have your hands been stained with blood? Why do you look disgusted now?"
Bwisit!
Hindi ko inaasahan na may sa demonyo rin pala ang isang ito.
Bakit ba laging nagtatagpo ang landas naming dalawa at sa kamalas-malasan pa, itinali niya ako rito sa mesa na gawa sa metal?
I'm so helpless.
"Hindi ko kailangang panuorin kung ano mang kademonyohan ang ginagawa mo!"
Nakarinig ako ng pag kalansing ng bakal at ang yabag ni Thrain ang namayani sa aking tainga.
"Little muffin," aniya at ramdam ko ang mainit niyang paghinga sa aking mukha. "Open your eyes for me.."
"Ayoko! Pakawalan mo na lang ako."
"Hmm... if you don't want to open your eyes, I will ravish that delicate lips of yours I already tasted twice or I will do something you wouldn't like?"
Bigla kong iminulat ang aking mga mata nang maramdaman ang isa niyang kamay sa ibabaw ng dibdib ko at ang inosenteng mukha ni Thrain ang bumulaga sa akin.
Isang dangkal lang ang layo ng mukha niya sa akin at ang loko, naka puppy eyes na akala mo nagpapaawa sa akin na parang bata.
"Layo!" utos ko, "At tanggalin mo yang kamay mo sa ibabaw ng dibdib ko,"
"Aww, little muffin, don't be so hard on me." He bit his lips as if he's seducing me while his face is still inch away from my face.
"Tigilan mo nga ang kakatawag sa akin ng little muffin. Mukha ba akong cupcake?"
Natawa si Thrain at saka siya umayos ng tayo at bigla siyang may kinuhang susi sa kanyang bulsa at hinawakan ang kamay ko.
"Why? It suits you though. Nasa kanta yun di ba? Uh, what you call it, you're the icing of my ice cream?"
"Tanga, icing to my cup cake 'yon."
His million dollar smile covered his lips.
Shet! Ang sexy-- tumigil ka, Zephyr!
"Right, you don't like it?" aniya nang tanggalin ang bakal sa kamay ko at sinunod niya ang kabila kong paa at kamay.
Himas-himas ang nasaktan kong pulsuhan. Bigla kong hinaklit ang batok ni Thrain at siya na ngayon ang nakahiga sa metal na baka at nakaupo ako sa kanyang tyan.
Ang nakangising mukha niya ang bumungad sa akin. "You really like riding on top of me, aren't you? Why don't we try something that will satify the both of us?"
"Ano bang klase ng demonyo ang sumapi sayo at ginagawa mo ito?" inis na tanong ko habang nakadiin ang isa kong braso sa kanyang leeg.
"Like what I've told you, I owned you so wherever you go, I should be there too."
Rhyming again?
"Baliw ka na!"
Biglang nagseryoso ang kanyang mukha at tumabingi ang kanyang ulo habang nakatingin sa akin.
"Call me whatever you want but you can't change the fact that I already marked you Zephyr Aethera."
Naningkit ang mga mata ko sa galit ngunit hindi siya nagpatalo at para akong hinihigop ng kulay abo niyang mga mata.
Ngayon ko lang napansin na abo pala 'yon pero saka na tayo mahumaling doon.
Mas importante ang sitwasyon ko ngayon.
Bigla kong inundayan ng suntok ang dibdib ni Thrain kaya namilipit siya sa sakit.
"Hindi mo ako madadaan sa sama ng tingin mo. Sagutin mo ang tanong ko!"
"Okay, sinasagot na kita, tayo na-- fvck!" Inihit siya ng ubo nang bigla kong pitikin ang adams apple niya.
Maniniwala na talaga ako kay Jenny Rose na sadista talaga ako. Nanggigigil ako sa lalaking ito.
"Sagutin mo ang tanong ko," pang-uulit ko pa. "Ano ang ginagawa mo sa pyer at bakit alam mo na may misyon ako at tungkol pa kay Lagdameo?"
"L-Like what I've asked you, I need your help to eliminate a politician and Lagdameo was the one I was talking when we meet inside the Trev O Grill. Hindi ko naman inaasahan na siya ang misyon mo. Tatawagan pa lang sana kita kaso nakita na kitang naglalakad sa dilim kaya sinundan kita then s**t happens."
"Ginagagu mo ba ako?"
"Why should I?"
"Anong alam mo tungkol kay Lagdameo?" lalo ko pang diniinan ang braso ko sa leeg niya ngunit may iba akong nararamdaman sa bandang pwetan ko.
May sumasaludo.
"Quit choking me, little muffin. Please, release me this instance. I will answer all the questions you want to know." Pagmamakaawa niya kaya binitawan ko siya at bigla siyang bumangon at nagulat ako nang maramdaman ang matigas na bagay sa ibaba namin.
"Bastos ka!" Sinapak ko ang kanyang mukha ngunit tumawa lang ang gagu at iniupo ako sa tabi niya.
"Ang sakit ng pagkakasakal mo. Papatayin mo ba ako?" nakangusong wika niya habang sapo ang kanyang leeg.
"Kung pwede ko lang gawin baka kanina ka pa hindi humihinga."
"Aww, don't say that. Gusto ko pa ngang magkaroon ng isang dosenang anak mula sa'yo."
"Ulul! Isang bitaw pa ng walang kwentang salita mula sa bibig mo, tatarak ang scalpel na hawak mo kanina."
Itinaas niya ang pareho niyang kamay bilang tanda ng pagsuko at lumayo siya sa akin habang nakaupo kami sa ibabaw ng metal na mesa.
"Napkabrutal mong babae ka," napapailing ma wika niya. "Sasabihin ko na nga. Ang init masyado ng ulo mo. Hindi talaga ako nagkamali na ikaw ang minarkahan ko," aniya at may ibinulong pa siya na hindi ko narinig.
"Minumura mo ba ako?" singhal ko sa kanya.
"Hindi."
"Sagutin mo na lang ang lahat ng tanong ko," napipikang wika ko.
"Fine," he gave in. "Like what I've told you, the diamonds in those children's bellies are what I need and if you asked me why I cut their bellies it's because I am a surgeon. If you are a murderer and openly commit crimes in the darkest parts of the world, I commit crimes but within the four corners of a room."
Bakit ang hilig niyang mag rhyme ng mga salita?
"I am a surgeon at a private hospital and I do not perform trivial operations that can help people's lives, but rather take back from them the life that was only borrowed."
"At ganun ang ginagawa mo sa mga batang ito? Buhay pa ba sila?"
Thrain shook his head slowly. "Before they were brought to the harbor, they were already dead and the reason for that is that they themselves are the so-called human carriers of diamonds. That's why when you shot Lagdameo and his men, my colleagues had the opportunity to recover these children so they are here with you now."
Nasapo ko ang aking mukha at napahilamos na lamang ako ng aking palad dahil sa nalaman ko.
Ibig sabihin, hindi lang isang senador si Lagdameo kundi isang human trafficker mismo.
"Nasaan ba tayo at paano na ngayon ang mga bangkay nila oras na matanggal mo ang mga brilyante sa loob ng kanilang tiyan?"
"Burn them? Those things are useless anyway, and you're at my house, just so you know."
Bahay niya to?
Puro metal na mesa ang nakikita ko ah at parang abandonado ang lugar na ito.
"Hindi ba sila hahanapin ng mga magulang nila?" hindi makapaniwalang tanong ko.
Mga inosente sila ngunit naranasan nila kung gaano kalupit ang mundo.
"They'll search for him but that too will pass. They'll just think their son is dead or ran away so if I were you, let me do my job but do something about my big double T here."