ZEPHYR'S P.O.V:
"ANONG BIG double T?" umigkas ang kamay ko para hampasin siya ngunit mabilis siyang nakaiwas at ang tawa niya ang namayani sa apat na sulok ng kwartong kinaroroonan namin.
Bumaba ang tingin niya at biglang nanlaki ang mga mata ko nang makita ang umbok sa kanyang harapan.
"Big double T, mukha bang malaki yan?" pang-iinusulto ko ngunit lalo lamang lumawak ang ngisi sa kanyang labi.
"Wanna see it?" akmang tatanggalin niya ang suot niyang belt ngunit mabilis na lumipad ang scalpel na inabot ko mula sa medical tools na mayroon siya ngunit agad niya itong naiwasan. "Woah, muntikan na ako don, little muffin. Papatayin mo ba talaga ako?"
"Oo! Bwisit ka!"
Naghabulan kaming dalawa sa loob ng kwartong 'yon nang hindi alintana ang bangkay sa harapan namin.
"Come here little muffin, come and get me," pang-aasar pa ng gagu.
"Oras na mahuli kita, puputulin ko talaga 'yan!"
Biglang namutla si Thrain at tinakpan ang dapat takpan sa kanya.
"N-No, no. I'll stop. Hindi ko pa nagagamit 'to sayo kaya wag mo munang puputulin-- pvtangina!"
Biglang humampas sa kanyang mukha ang tray na pinaglagyan ng medical tools at nagalusan ang kanyang pisngi kaya natigilan din ako.
"Zephyr Aethera Fortalejo!" bawat sambit niya sa pangalan ko ay may diin kaya kinabahan ako bigla.
"K-Kasalanan mo naman."
"Tsk, remind me later for your punishment!"
Kinuha niya ang mga gamit niya na nagkalat sa sahig at muling nilagay sa tray upang i-steril ulit.
I made a devil mad at me.
Akala ko ay hahambalusin niya rin ako ng tray ngunit kumuha lang siya ng heater at nag init ng tubig.
"I-Ibubuhos mo ba sa akin 'yan?" kinakabahang tanong ko habang nakatingin sa heater na nasa harapan niya.
"Why should I? Alam kong surgeon ako pero hindi ako kasing brutal na tulad mo-- aray! Nakakarami ka na!"
Binatukan ko nga.
Ang dumi talaga ng bunganga niya.
"Magmumog ka nga ng holy water, may sa kanal yang bunganga mo."
"Kung kanal ang bunganga ko, imburnal yang sayo-- ano ba!" reklamo niya nang muling lumipad ang kamay ko sa batok niya. "Isang hampas mo pa, buntis ka sa akin bukas."
"Ulul!"
Lumayo na lang ako sa kanya at bumalik sa metal na mesa kung saan ako nakahiga kanina.
Hindi ko inaasahan na magagawa ni Senator Lagdameo ang ganito kabrutal na gawain.
Kunsabagay nga, ako nga na normal na mamamayan lang ay pinapasok ang mga delikadong trabaho para mamuhay, sila pa kaya na nasa posisyon at tanging pag-angat lang ang nais?
Lahat ng tao ay nangangarap na umangat sa buhay ngunit karamihan ay sa ilegal dumadaan.
Like me who did those violent undertakings for survival.
"Thrain," tawag ko sa lalaking kasama ko na abala sa pag steril ng gamit niya.
"Hmm?"
"Ilang taon ka na?" tanong ko dahilan para mapalingon si Thrain sa akin.
"Why do you ask? My age is not that important."
"Psh, alam mo ang buong pagkatao ko tapos edad mo lang ipagkakait mo pa sa akin?" mapaklang wika ko dahilan para matawa si Thrain.
Sumandal siya sa mesa kung saan nakahiga ang isa pang binatilyo - lima silang kasama namin at ang isa ay bukas na ang tiyan - humalukipkip si Thrain at itinuon ang atensyon niya sa akin.
"Thrain Tadeus Darkhaven, thirty-two years of age. A surgeon and a killer. Single and ready to mingle. Gusto mong mag-apply bilang girlfriend ko?"
Umigkas ang isang kilay ko. "Bakit naman ako mag-aapply bilang girlfriend mo?"
"Para may full access ako sayo."
Sinamaan ko siya ng tingin ngunit isang pilyong ngisi lamang ang pumaskil sa kanyang labi.
Umayos na lamang ako ng tayo at saka lumapit sa kanya nang hindi tinitignan ang bangkay ng mga binatilyo na narito sa bahay niya.
Akmang muli akong magsasalita nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto kung saan kami naroon at isang lalaki ang iniluwa niyon.
"Hey T, here's all the information you want."
May dala itong clipboard at naglakad palapit sa amin at iniabot niya 'yon kay Thrain.
"Thanks D. Anyway, I leave them to you for the meantime. I'll just deliver my little muffin to her house."
Ibinaling ng lalaki ang atensyon niya sa akin ngunit mabilis lang yun at muling tumingin kay Thrain.
"Are you sure? What will I do with these corpses once I remove the diamonds from inside their bodies?"
"Burn them." Lumingon si Thrain sa akin at isang ngiti ang iginawad niya, "Come on, my little muffin, I'll give you a ride."
Bago pa ako makapagtanong, hinawakan na ni Thrain ang kamay ko at saka ako hinila palabas ng kwartong yun habang dala niya ang clipboard na ibinigay ng lalaki.
Nang sumara ang pinto sa likuran namin, isang hagdan ang sumalubong sa akin at nagsimulang umakyat si Thrain at dahil hawak niya ang kamay ko, napasunod ako sa kanya.
"Sino yun?" basag ko sa katahimikan namin.
"One of the Dirkshied men where I am working. Don't mind him although he's harmless. Your attention should only be on me."
"Ang dami mong alam no? Bitawan mo nga ang kamay ko."
"I don't want to. I told you before that everything I touch belongs to me and you are one of them."
"And I've told you several times that no one else will own me but myself."
Hanggang sa marating namin ang isa pang pintuan, binuksan ni Thrain yun at tumambad sa akin ang isang garden at mukhang basement ang lugar na kinaroroonan namin.
Hinila niya ako papasok sa isang malaking bahay at wala man lang akong makita kahit isang kasambahay.
"Ikaw lang ba ang naninirahan dito?" tila komportable ako sa presensya kung makapagtanong pero ang totoo, inaalam ko ang lahat tungkol sa isang Thrain Tadeus Darkhaven.
"Yes. Kung willing kang samahan ako dito, pwede naman."
"Ulul! May sarili akong bahay."
He just chuckled from what I've said and as we get to the main door, isang ducati motor na kulay blue ang tumambad sa akin.
Binitawan ni Thrain ang kamay ko at saka niya kinuha ang helmet at iniabot niya sa akin yun.
"Dyan tayo sasakay?" tila hindi makapaniwalang tanong ko.
Never pa akong nakasakay ng motor. Traysikel at taxi lang.
"Why? Would you rather ride on me? That's in favor of someone with a big T like me."
"Tigilan mo nga ako sa kaka-T mo. Hindi ako marunong sumakay sa motor."
Napatanga si Thrain sa akin at nakapamewang siya nang humarap sa akin.
"For someone like you who has had blood on your hands several times, you don't even know how to ride a motorcycle?"
"Iniinsulto mo ba ako? Hindi lahat ng mamatay taong tulad ko ay kayang bumili ng pisting motor na yan tyaka saan ko naman yan ilalagay? Wala ngang nakakaalam ng trabaho ko bukod sayo."
"Aww. It's a great privilege that I'm the only one who knows your secret. Should I be happy about what you said?"
"Ewan ko sayo!"
"Let's go before morning comes. Just put your arms around my waist and I'll make sure you get home safe and sound."
Bago pa man ako makasagot sa kanya. Hinawakan niya ako sa bewang at walang pagdadalawang-isip na isinakay sa big bike niya at siya na rin mismo ang nagsuot ng helmet sa aking ulo.
"Safety first, my little muffin." He said with a smile on his lips.
Sa tuwing ngumingiti siya sa akin, tila isang kakaibang pakiramdam ang bumubuhay sa akin na para bang naninikip ang aking dibdib at parang may kung anong nagsisilaparang paru-paru sa loob ng tiyan ko.
Nababaliw na yata ako.
"Put your hands around my waist and don't you ever let go from it," ani ni Thrain dahilan para mabalik ako sa huwisyo at doon ko lang napagtanto na nakasakay na pala siya at yakap-yakap ko na ang kanyang bewang.
"Kapag bumitaw ako, anong gagawin mo?" wala sa sariling tanong ko kaya bahagyang lumingon si Thrain sa akin.
"Just fall for me, but not from the motorcycle we're riding on."