ZEPHYR AETHERA'S P.O.V: "MARION, let's go?" ani ni Cataleen na bigla na lamang sumulpot kaya napigtas ang sama ng tingin ko sa kaklase niya at nginitian ko ang kapatid ko. "Let's go so we could start immediately." Iginiya ni Cataleen si Marion patungo sa sala at nag-iwan pa ng huling sulyap si Marion sa akin at sinenyasan ako ng 'you're dead.' Akala mo naman talaga matatakot sa patpatin niyang katawan? Huwag lang siyang magkakamali na hawakan maski ang dulo ng buhok ng kapatid ko, sisguraduhin kong gagapang siya ng walang ulo patungo sa kanyang ama. Bumalik ako sa kusina kung saan naroon si Sato at kung paano ko siya iniwan ay ganun ko pa rin siyang nadatnan. "Hindi ba naninigas ang dadaliri mo sa kakapindot diyan sa keyboard mo?" wika ko nang maupo akong muli sa silya at magkaharap

