ZEPHYR AETHERA'S P.O.V: BUMUSANGOT ang mukha ko at dinutdot ang noo ni Sato palayo sa akin gamit ang aking daliri at saka ako umayos ng tayo. "Bakit ba kailangan kong sumama sa'yo sa misyon na ito?" "Baka kasi problema mo ito di ba? Tinutulungan lang kita." Napairap na lang ako sa kawalan at saka ako nagmartsa papunta sa aming kwarto at nagmadali akong magbihis bago pa magising si Cataleen. Alam kong nadadamay lang din si Sato sa problema kong ito na dapat ay na kay Thrain ang atensyon niya. Nang makapagbihis ako, agad akong lumabas ulit ng kwarto at naghihintay na si Sato sa akin. "Ang kupad mo," singhal niya sa akin kaya inirapan ko siya. "Ewan ko sa'yo. Tara na!" Pinagtulakan ko pa si Sato palabas ng condo at saka tahimik na tinahak namin ang elevator at sumakay doon. Hanggang
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


