Dumiretso ako sa condo ni Renia pagkakuha ko ng mga results ng board exam, iyon din ang araw ng flight ni Renia pabalik ng Barcelona. "Give me my things," sabi ko habang nakalahad ang kamay ko sa kanya. Matagal na tiningnan ni Renia ang kamay ko but eventually she handed me a key. "Open that drawer," utos niya na agad ko namang ginawa. Napangiti ako nang makita ko ulit ang mga picture frames na niregalo sa akin ni Jethro noon. Kinuha kasi ito ni Renia dahil malaki ang paniniwala niya na makakasira daw si Jethro sa pag-aaral ko na para lang naman sa kanya. Maingat kong dinala ang mga frames habang ibinabalik kay Renia ang susi. Matagal kong tiningnan ang kapatid ko dahil alam kong hindi na ulit kami magkikita kailanman. "Can you do me a favor?" I asked her. Nanatili pa ring walang em

