Chapter 13

1305 Words
Unang araw pa lang ng Christmas break ay nagkita na kami ni Renia. Lulubus lubusin lang namin ang pagrereview dahil sa January na ang competition. Nagsuggest ako na sa bahay na lang niya pero umayaw siya kaya napagdesisyunan naming sa isang park na lang magreview. Walang masyadong tao kaya agad naming nakuha ang pinakamagandang spot doon kung saan hindi mainit. Nakasilong kamo sa isang malaking puno. Naglatag ako ng kumot kung saan namin ipinatong ang mga libro at mga pagkain. Pinapanuod ko siya habang nililipad ng hangin ang kanyang buhok habang ipinapaliwanag ang isang bagay na tungkol sa Science. Alam kong dapat ay sa mga sinasabi niya ako magfocus pero hindi ko talagang maiwasang hindi bigyang pansin ang magandang tanawin na nakikita ko habang kaharap siya. May nagbago, marami. She was already comfortable with me. Ngumingiti na rin ito at least three times a day. Pero hindi sa lahat ng tao, sa akin lang. At higit sa lahat, hindi na niya ako sinabihang tigilan siya. Hindi na ako magtataka kung sabihin niyang ako ang tinuturing niyang best friend dahil sa nakikita ko ay ako lang ang friend niya. Pero hindi ako makukuntento kung hanggang doon lang. Noon ko napatunayan na ang tao ay hindi talaga makukuntento hangga't nabubuhay sila dito sa mundo. Once in a while, they demand something more. Tumigil sa pagsasalita si Renia at nakakunot ang noong tinitingnan ako. The time she opened her mouth again, I knew I was being scolded again. I did not mind, I love her more when she does that. "Ganda mo kasi," wala sa sariling sabi ko. Nakita kong napalunok siya bago buksan ang dala niyang basket. Nilabas niya mula roon ang isang Sailor Moon mug na familiar sa akin pagkatapos ay nagsalin ng tubig. "Sailor Moon," sabi ko at ngumiti naman siya. Pagkatapos niyang uminom ay nagpaalam ako kung pwede rin akong makiinom. Pumayag naman siya kaya agad akong nagsalin ng tubig sa dala niyang mug. Diretso kong ininom iyon, nang wala ng lamang tubig, nahawakan ko iyong ibabang part ng mug. May pricetag ito? While she was reading a book, tiningnan ko iyong sa ibaba ng mug at nakita ko ang David's Supermarket pricetag na nakalagay doon. Sa Supermarket namin niya nabili itong mug? Sa tingin ko matagal na niyang nabili ang mug na iyon. I remember this mug. Noong nagsisimula pa lang iyong supermarket namin ay madalas kong sinasamahan si mama na nasa cashier pa noon kaya nakikita ko ang mga binibili ng mga customers. Usong uso ang Sailor Moon noon kaya mabili sa mga bata ang mug na katulad ng mug ni Renia. Iniligpit ko ang mug sa basket pagkatapos ay muling pinanuod si Renia na nagbabasa. Hinding hindi ako magsasawa sa seryosong mukhang ito. Hinding hindi kahit na parang araw araw ay nasa Alaska ako. "Je, do you know how to get this?" turo niya sa isang equation sa Calculus. Lumapit ako sa kanya para tingnan iyon at saka tinuro sa kanya. Ang nakakapagtaka lang...ay madali lang ang itinanong niya o baka nakalimutan lang talaga niya kung paano iyon sagutin? "Thank you," nakangiting sabi ni Renia pagkatapos ay binitawan ang librong hawak at tiningnan ang kapaligiran. "I'm loving this place." I heard her say. Napangiti ako nang sinandal niya ang likod niya sa puno habang nakapikit ang mga mata. Agad kong kinuha ang phone ko at kinuhan siya ng mga pictures habang nasa ganoong posisyon. Because of the capture sound from my camera, she immediately opened her eyes and stare at me. "Are you taking pictures of me?" "Y-yes," utal kong sagot. Magagalit ba siya? Lalong naging seryoso ang mukha nito, "Come here," sabi niya sa akin. Mabilis akong lumapit sa kanya at nahihiyang ibinigay sa kanya ang phone ko para ipakita sa kanya ang mga pictures na kinuha ko. Nakangiti siya habang tinitingnan ang mga litrato niya. "This is me," she said. Medyo weird dahil parang ngayon lang niya nakita ang itsura nito sa litrato. "Can we have a picture together?" Literal na napanganga ako sa sinabi niya. Hindi ko akalain na hindi na ako mahihirapan pang sabihin para magkasama kami sa iisang picture. Ibinalik niya sa akin ang phone ko. Hindi ako mahilig magselfie pero kung siya ang makakasama ko, bakit hindi? Malaki ang mga ngiti namin habang patuloy ako sa pagkuha ng mga pictures. Natatawa ako dahil ako lang ang nag-iiba ang pose, siya ay ganoon pa rin, malaki ang ngiti. Ilang oras kaya akong hindi makakatulog nito? "Lagi mong dadalhin iyan kapag lumalabas tayo," bilin niya sa akin na labis kong ikinatuwa. "Opo, ma'am, hindi ko alam na mahilig ka palang mag-selfie," natatawang sabi ko. "Ano 'yon? Selfie?" "Tawag iyon kapag ikaw mismo ang kumukuha ng sarili mong picture. Sariling sikap," sagot ko. "Eh dalawa tayo, hindi ba dapat two-fie?" Natulala ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung tatawa ako dahil joke iyon o ano. "Ahm, hindi joke iyon," pagbawi niya at umiwas pa ng tingin sa akin. Ewan ko ba pero doon ako natawa sa cuteness na ipinakita niya. "Okay lang iyan. Hindi naman lahat ng joke nakakatawa, may havey at waley. Ako rin madalas waley," tawang tawa pa ako habang sinasabi iyon. She rolled her eyes at me. "Sabing hindi joke iyon." Tumango na lang pero hindi pa rin nawawala ang mapang-asar na ngiti sa labi ko. Hindi ko naimagine na mangyayari itong eksenang ito, kung saan magagawa kong asarin si Renia. Napatunayan ko na may pagkapikon din pala siya, which is really cute. Natutuwa ako dahil unti unti na siyang nagpapakita ng kanyang iba't ibang emosyon sa akin. I've seen her serious, angry, helpless, and funny side. She's really adorable. Bumalik siya sa pagbabasa pero may pakiramdam ako na wala doon ang isip niya dahil hanggang sa pagbabasa ay namumula pa rin ang kanyang mga pisngi. Pinapanuod ko ito habang natatarantang nilipat ang page ng libro. Pinipigilan ko lang ang sarili kong panggigilan siya ng dahil sa cuteness na pinapakita niya sa akin. "Re," tawag ko sa kanya pero itinaas lang niya ang isang kilay niya at hindi ako nilingon. "Ang cute mo." Nakita kong napahinto ito sa pagbabasa pagkatapos ay natatarantang inilipat na naman ang page ng libro. Hindi ito sumagot at nagpatuloy lang sa pagkukunwaring nagbabasa ito. I can make her nervous! I think she likes me too. Sumandal din ako sa puno at inilabas ang phone ko. Isa isa kong tiningnan ang mga pictures namin at paminsan minsan ay zinuzoom ang mga iyon para mas makita ko ang nakangiting mukha niya. "Do you mind if I upload our photos on f*******:?" tanong ko sa kanya. "Wala akong account," sabi niya. "Gusto mong gawan kita?" Tumingin ito sa akin pagkatapos ay matagal na tiningnan ang mukha ko. "Okay." Napangiti ako sa sagot niya. Agad kong in-on ang mobile data ng phone ko para gawan siya ng account. "Anong email mo?" tanong ko. Sinabi niya sa akin pati na rin ang gusto niyang password. "Birthday mo?" tanong ko sa kanya. "Kailangan pa ba? Kahit ano na lang," sagot niya sa akin kaya napakamot na lang ako ng batok. Mysterious Renia. My Mysterious Re. "Siya nga pala palitan mo ang pangalan na ilalagay mo. 'Wag mong ilagay ang Mapagpigil," utos niya sa akin kaya agad kong binura iyong pangalan niya na nailagay ko na. "Anong gusto mong ilagay ko?" tanong ko habang nakatingin sa kanya. "Kahit ano na lang," muli niyang sabi. "Renia Rose?" Mabilis itong umiling pagkatapos ay saglit na nag-isip. "Renia na lang," mabagal ang pagkakasabi niya sa pangalan niya. "Anong ilalagay kong surname mo? Hmm...David?" BInigyan niya ako ng matalim na tingin kaya napakagat ako ng labi. Nang sabihin na niya ang gusto niyang ilagay kong surname ay pakiramdam ko ay nilipad ako ng hangin papuntang langit. Pero syempre, kasama siya. "Re Niya." Ako ba ang 'niya'? Naniniwala akong ako iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD