Chapter 14

1330 Words
"Pwede ba kitang ligawan?" MInsan ay naitanong ko sa kanya. Nasa park ulit kami gaya ng dati. Dapat ay nag-aaral kami pero hindi naman namin ginagawa dahil mas gusto naming tumambay lang doon at panuorin ang mga tao sa paligid. Ganoon ang hilig ni Renia na nagiging hilig ko na rin. "Tingnan mo ang babae." Imbis na sagutin ang tanong ko ay itinuro niya ang isang babaeng nakangiti habang naglalakad sa park. Napakamot na lang ako ng batok at tinanggap ang isa pang silent rejection mula sa kanya. Pero hindi ako magsasawa. Hinding hindi, Renia. Itaga mo iyan sa lahat ng bato sa mundo. "May hinahanap iyan at hanggang ngayon ay hindi niya makita," dagdag ni Renia kaya napatingin akong muli sa babae. "Alam mo ba kung anong hinahanap niya?" tanong ko habang pinapanuod iyong babae. Napansin ko nang lumilinga linga ito sa paligid. "Lalaki," simpleng sagot niya pagkatapos ay nagpatuloy sa panunuod ng iba pang mga tao. "Ikaw ba, maghahanap ka rin at maghihintay na balikan ka ng isang babae? Kaya mo bang maghintay ng matagal?" tanong niya sa akin. Naweirduhan ako sa tanong pero sinagot ko naman. "Oo naman, kung mahal ko iyong babae at kung may pag-asa ako sa kanya. Hihintayin ko siya kahit gaano katagal." Napangiti siya sa sagot ko. Tinitingnan ko siya at pilit na binasa pero hindi ko naman kaya ang skill niya. Pero Renia...kung iniisip mong iwanan ako pansamantala, please huwag. Ayaw kong maghintay dahil mas gusto kong kasama kita. Dalawang araw na lang bago magpasko kaya may mga pamilya na ang nagtitipon tipon para magpicnic sa lugar. Pinanuod ko na lamang si Renia habang binabasa ang isip ng mga tao. Nakita kong malungkot ang tingin nito sa dalang magulang na nagtatawanan dahil sa sumasayaw sa harap nila ang kanilang anak na sa tingin ko ay nasa dalawang taong gulang pa lang. "Bisperas na bukas, magkikita pa ba tayo rito?" tanong ko sa kanya para malipat ang atensyon niya sa akin. Ayokong nakikita siyang nasasaktan dahil wala akong magawa. Alam kong wala siyang sasabihin sa akin dahil pinipili niya laging gawing pribado ang buhay niya. "Oo naman. May gagawin ka ba bukas?" tanong niya sa akin. "Wala pero gusto ko sanang imbitahan ka sa bahay bukas ng gabi. Pwede ka ba?" Alam kong hindi ito papayag pero umaasa pa rin ako na makakasama ko siya sa birthday ni papa Jesus. "Hindi pwede, Je. F-family day." Nakarinig ako ng pag-aalilangan sa boses niya kaya nanatili lang akong nakatingin sa kanya. Hinihintay ko na magbago ang isip nito. "Pwedi bang pumunta sa inyo?" muli kong tanong pero gaya kanina, umiling lang siya ng mariin. "Ilang beses ko bang uulitin sa iyon na hindi pwede? Je, h'wag ng makulit ha? Kaya nga ayaw kong ihatid mo ako diba?" Nakataas pa ang isang kilay nito habang sinasabi iyon. Napabuntong hininga naman ako at pilit na ngumiti. Renia, gusto ko lang na makilala ang magulang mo at gusto ka ring makilala ng mga magulang ko. "Pero gusto kang makilala ni mama," sabi ko sa kanya. Ilang beses ko na siyang pinipilit pero ayaw niya talaga. "Kilala niya ako?" Ngunitian ko siya, "Oo naman. Lagi kitang kinukwento sa kanya." Ngumiti din ito ng matamis sa akin. Sht, ang ganda. "Someday. One day, Je." Itinago ko na lang ang disappointment ko at iniba ang topic. Lagi naman kasi niyang sinasabi iyon pero hanggang ngayon ay wala pa rin. Hinding hindi naman ako magsasawang maghihintay. I can wait. "Review na tayo," sabi ko sa kanya. Tumango ito pagkatapos ay binuksan ang Calculus book na halos kabisado na namin. "Bukod sa recognition, ano pang matatanggap natin kapag nanalo tayo sa competition?" natanong niya sa akin. "May cash prize, pero hindi mo naman kailangan iyon," tumawa pa ako ng bahagya. Natahimik lang ako nang nakita ko ang seryoso niyang mukha kaya umayos ako ng upo. "Iyon lang pati plus points sa ibang major subjects natin," pagpapatuloy ko. Matagal niyang tinitingnan ang mukha ko. Mukhang may malalim itong pinag-iisipan. "Hindi ba mas gaganahan tayo kung may iba pang makukuhang premyo bukod sa mga iyan?" tanong niya kaya agad akong tumango. Totoo iyon, sino ba naman ang ayaw ng premyo. "Anong gusto mong sabihin?" tanong ko. Iniisip ko na baka gusto niya ng premyo. Tahimik kong binilang ang mga ipon ko kung sapat ba iyon para ipambili ng premyo sa kanya. Nabawasan na kasi dahil sa Christmas gift ko sa kanya. "Kung nanalo tayo, bibigyan natin ng premyo ang isa't isa." "Huh? O'sige. Anong gusto mong premyo? Iyong mura lang ha. Naubos kasi ang ipon--" "Shhh," sabi nito habang idinikit ang hintuturo nito sa kanyang ilong. "Ayaw ko ng premyo na pwedeng bilhin." Nakahinga naman ako ng maluwag doon. Hindi naman sa kuripot pero talaga naubos lang ang ipon ko. Natatakot kasi ako na baka hindi niya magustuhan ang ibibgay ko sa kanya kaya talagang pinaggastusan ko at tinodo ang effort para sa gift ko para sa kanya. "Anong gusto mong premyo?" tanong ko ulit sa kanya. Sumeryoso ang mukha niya pagkatapos ay nahihiyang tumingin sa akin, "A date after finals." "Game!" Kahit ako ay nagulat sa bilis at lakas ng pagsagot ko. "Ikaw, anong gusto mo?" tanong niya sa akin. Namilog ang mata ko habang nakatingin sa kanya. Ibig sabihin hindi pa iyon ang premyo ko mula sa kanya? Thank you, Lord. Hindi ako makatingin sa kanya dahil alam kong mababasa niya ang nasa isip ko. O baka may idea na siya. "Ha? Wala wala," sagot ko. Ayaw kong sabihin ang gusto ko dahil ayaw kong magalit siya sa akin. "Are you sure? Look at me, Jethro." "Ano kasi..." magdadahilan pa sana ako kaso nahinto iyon nang hinawakan niya ang baba ko at iniangat para makita niya ang mata ko. Nagpipigil siya ng ngiti habang nakatingin sa akin. Alam kong alam na niya ang gusto kong premyo. "Tatanungin kita ulit, Je. Anong gusto mong premyo? Iyong sagot mong wala o iyang nababasa ko sa isip mo?" natatawa niyang tanong. Magkahalong tuwa at hiya ang nararamdaman ko. Tuwa dahil nakikita kong natatawa siya. Hiya dahil sa mga kabastusang nasa isip ko. "Syempre...i-iyong nasa isip ko pero kung ayaw mo pwede namang iyong wala na lang," sobrang nautal ako Humalakhak ito pagkatapos kong sumagot. Hiyang hiya ako noon. Pero hindi ko pa rin maiwasang panuorin siya habang tumatawa ng malakas. I love her laugh. Ipagpapalit ko ang kahit ano para lang marinig ko lagi ang tawa niyang ganito. "Let's see?" Natatawa pa ring tugon ni Renia. Napalunok ako at hindi sinasadyang napatingin ako sa labi niya na sobrang laki ng ngisi kaya mabilis kong iniwas ang tingin ko. Tumahimik si Renia kaya kinabahan ako dahil akala ko ay galit siya. "Hindi mo naman ako kailangang pagbigyan," sabi ko sa kanya. "I want it too," mabilis niyang sagot pagkatapos ay nakapikit na sumandal sa malaking puno. Pakiramdam ko ay sasabog ang dibdib ko sa saya pero nawala iyon nang narinig ko ang malalim na paghinga niya. "Are you tired?" nag-aalalang tanong ko sa kanya. "No," sagot niya habang dumidilat. Punung puno ng kalungkutan ang mga mata niya pero ngumiti pa rin siya sa akin. Parang mas gusto ko na iyong seryosong Renia kesa sa pilit kang ngumiti. "I am 105% sure na mananalo tayo. So I'm giving your prize in advance..." Nanlaki ang mga mata ko at nanigas sa kinauupuan ko. Anong gagawin niya? Otomatikong pumikit ang mga mata ko nang maramdaman ko ang labi niya sa labi ko. This is not my first kiss but I want this as my first special kiss. And my love for her made it special. I know I was his first special kiss, too. Sandali lang nagtagal ang halik. Pero pakiramdam ko ang mababaliw ako because I wanted more. I wanted her so much. I wanted her laugh. I wanted her smile. I wanted her kisses. I wanted all of her. Above all, I wanted her trust and love. Sobra sobra na. Baliw na baliw na ako sa iyo, Re.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD