Chapter 1
Syndelle Erish Zacora's Pov
"Ngiting-ngiti ka ata Syn"taas kilay na puna ni Mommy mula sa likod habang ako naman ay nakatayo dito sa pinto at tinatanaw ang gate.
"I'm so excited to see him mommy"nagagalak kong ani ng hindi ito nililingon.
Hi!I'm Syndelle Erish Zacora 24 years old and the fiance of Khing Mulvette my one and only love.
"Stop that Syn,sa sala tayo maghihintay hindi magandang dyan ka nag-aantay"hinila ako ni mommy pa pasok although nagmatigas ako pero hindi iyon tumalab kay mommy.
Umupo si mommy sa couch at hinila ako paupo nang pilit ko paring tinatanaw ang labas,"Mommy I want t--"
"Syndelle alam mo namang may girlfriend si Khing,can you just let him go Syn?itigil mo na ang kahibangan mong to anak please lang,ayokong matulad ka sa akin"ani ni mommy at napa irap naman ako,"ayoko na maging kontrabida ka rin sa buhay ni khing at nung girlfriend nya,kita mo itong naging kalagayan natin dahil sa pagiging kontrabida ko,iniwan ako ng daddy mo at pinili nya yung babaeng mahal nya"mahabang alintana ni mommy at nagsalin ng juice sa baso nya.
"Mommy girlfriend nya lang yun, fiance nya ako at ikakasal na kami next month aatras pa ba ako ngayong mapapasakin na ang lakeng mahal ko?why not support me mommy instead na maging nega ka dyan"ani ko at agad na napa tayo nang marinig ang ugong ng mga sasakyan mula sa labas.
"Andyan na sila!"mahinang tili ko at lumapit muna sa salamin at inayos ang nakalat kong buhok bago sinalubong sina khing at ng mga magulang nya.
"Sheida!"magiliw na tawag ni tita Ella kay mommy,lumapit naman si mommy kay tita at nakipagbeso,mahinhin akong gumalaw at lumapit kay tita pero sinulyapan ko muna si khing na akala ko'y nakatingin sa akin pero sa phone lang nakatuon ang paningin nito.
"Hi tita"bati ko,agad naman ako nitong sinalubong nang yakap.
"My dear Syndelle!how are you my dear?"nakangiting kamusta ni tita at ginantihan ko naman ang yakap nito at ngumiti rin.
"I'm fine tita"ngiting sagot ko at napa tango naman ito saka nakipagbeso binati ko rin si tito na nasa tabi ni tita at nakangiti kaming pinapanood.
"Ella,Kheeze pasok kayo naghanda ako ng meryenda para sa atin"ani ni mommy at nagpaalam sina tita na sasama kay mommy at napa tango naman ako at ngumiti saka binalingan si Khing.
"Khing"malambing na tawag ko nang makalapit at kumapit sa braso nito.
Binalingan naman ako nito at cold akong tinignan.Ganyan naman sya lagi sakin sanay na ako.
Hindi ko inaasahang hawakan nito ang braso ko ng mahigpit at hinila ako papunta sa garden namin,nasasaktan man pero tiniis ko iyon dahil alam kong hindi naman nya iyon sinasadya.
Ng huminto sya ay binitawan nya ang braso ko at masama akong tinignan,"Stop this Syndelle!"anito at tinawag pa ako nito sa una kong pangalan di tulad noon na Erish ang tawag nya sa akin.
"What are you talking about Khing?"maang ko at kita kong nagtagis ang bagang nito senyales na galit na ito.
"Tell them to stop the Wedding!tell them we don't love each other Syndelle!My girlfriend ako at hindi ko sya kayang nakikitang umiiyak dahil magpapakasal ako sa ibang babae!hindi ko kayang nasasaktan sya dahil masyado ko syang mahal"napa iwas ako ng tingin at napa kagat labi.
"I-I can't Khing"nanginginig man ay pilit akong sumagot.
Nagagalit ako nalulungkot rin at lalong nasasaktan ako pero ito ang gusto ko!gusto ko si Khing para sakin,call me selfish but I'm holding on and I won't let go,lalo na ngayong malapit na kaming mag-isang dibdib.
"You can Syndelle!dahil makikinig sila sayo!"mariing anito at matatalim ang mga matang tumingin sakin.
"Ayoko!Mahal kita Khing!and I am holding on to your promise eight years ago!"di mapigilang sigaw ko at marahas itong napa buga ng hininga.
"f**k!that promise Syndelle! lasing ako nun at may iba akong mahal at sya lang ang gusto kong pakasalan!"mariing usal nito at umalis sa harap ko.
Agad ko itong sinundan at nang makitang pumasok ito sa kotse nya ay agad din akong pumasok sa kotse ko at ipinaandar ito at sinundan sya.
Malamang doon na naman sya kay Janice Avenido,ang girlfriend nya kuno tsk
Patuloy ko syang sinundan hanggang sa pumasok sya sa subdivision na lagi nyang pinupuntahan,ang subdivision kung saan nakatira si Janice.
Paano ko nalaman?hmm lagi lang naman ako dito dahil lagi kong sinusundan si Khing kung saan man sya at para akong asong habol nang habol para lang makita sya kahit na nasasaktan ako dahil kahit saan man sya magpunta ay lagi nyang kasama si janice mapa ibang bansa pa man ay lagi nya itong kasama samantalang lagi naman akong nakatanaw mula sa malayo at sinusundan silang dalawa.
Tulad noon ay nanatili ako sa malayo at tahimik at nasasaktang nakatanaw sa dalawang taong magkayap,sa higpit ng yakap nila sa isa't isa ay masasabi kong mahal na mahal nila ang isa't isa.
I'm hurting while watching Khing Mulvette and the girl he truly loves.