It’s Saturday, “This is our team's racing circuit. Ang lawak, 'no?” pagbibida ni Frost kaya naman hindi ko mapigilang hindi mamangha. Sa ilang araw na nakalipas, napag-isip-isip ko na tanggapin ang offer ni weirdo ngayong sabado. Parang sobrang panghihinayangan ko kasi kung hindi ko ito tatanggapin. Isa pa, gusto ko rin namang makapagkarera sa tunay na racing track. Hindi 'yung puro illegal street drag racing lang, na minsan ay may mga pulis pang dumarating. Nalaman ko rin noong araw ding iyon sa cafeteria, na hindi pala magkapatid si Hanz at Frost. Tinatawag lang raw ni Hanz si Frong ng ‘kuya’ dahil kaibigan ito ni Kuya Kit. Grabe! Ang lawak ng race track! Ibang-iba ito sa mga sinalihan kong street drag racing. Isa itong mahabang kalsada na may ilang kurbada na madali lang makabisa.

