"Gio, hindi mo na ako kailangang ihatid sa school. I have my sports bike. Isa pa, male-late ka lang sa klase mo." Naghihintay kasi ito rito sa labas ng bahay namin. Kahapon, nagsimba ulit kami kasama sina Leaf. Kahapon 'yung pangalawang beses naming nagkasama magsimba ni Gio. As usual, different personalities ang ipinakita nito sa akin. Ang pagiging Gio na nakakainis at ang Gio na makulit na parang bata at the same time ay sweet. Nakakasuka! "Masama bang ihatid ang FIANCE ko, Letty? Napakunot-noo ako dahil sa talagang diniinan niya pa ng pagsabi doon sa word na fiance. "Hey, hindi mo ba naintindihan 'yung sinabi ko sa'yo noong sabado? Hindi ba sabi ko, oo I came up with that fiance promise pero masyado pa tayong bata noon kaya hindi ko alam ang sinasabi ko noo—" "Sabrina, sinasabi

