LETTY SABRINA SABROSA’s P.O.V “Leaf, si Gio ba ang naghatid sa akin rito kagabi?” I asked. Hindi ko na kasi maalala kung paano ako nakauwi? Nalasing kasi ako kagabi. “Yeah, bati na pala kayo?” nakangising tanong niya, na ikinakunot-noo ko. Bati na ba kami? Hindi noh! Pinagbigyan ko lang siya kagabi dahil iyon gusto niya, pasalamat siya mabait ako kagabi at nasa mood dahil sa party. Yeah, dahil sa party. “No, hindi. Hindi ko nga alam kung paano iyon nakapunta sa party namin, e.” sambit ko saka sumubo ng pagkain. Nag-aalmusal pa lang ako ngayong alas dyis ng umaga dahil napuyat ako kagabi. Nakarinig naman kami nang pagpagkatok sa pinto kaya nagtungo doon si Leaf para pagbuksan ang kumatok. It's Kuya kit... with gago. Todo ngiti pa si Gio nang makita ako. I admit it, bagay na bagay kay G

