Kabanata 3

2199 Words
KABANATA 3 LETTY SABRINA SABROSA's P.O.V Unang araw na ngayon nang pasukan sa eskwelahan. As usual, nagpakilala kami one-by-one in front of the class. Wala naman masyadong ginagawa maliban doon. Napansin ko ring close na ang mga kaklase ko ngayon sa isa't-isa. Paniguradong classmates rin nila ang isa't-isa last year dahil grade 12 students na kami ngayon. Mukhang ako nga lang ang bago sa kanila dahil panay ang nakaw tingin ng mga ito sa akin. Para bang sinasabi na agad ng mga mata nila na hindi ako belong sa section nila. Kung hindi ko lang naman kasi balak gumanti, hindi ako lilipat dito sa Montero High at mananatili ako sa Mabini High. “OMG! UY! SINA KLEO!” gulat na sambit ng isa sa mga kaklase ko nang pumasok ang tatlong lalaking kadadating lang. Wow! First day na first day late. What a f*****g good impression they have. Alas dyis na kaya! Napairap na lang ako nang mapansing para itong mga clowns dahil iba lahat ang kulay ng buhok nila. Akala ko ba bawal ang may kulay ang buhok sa mga school? Bakit dito pwede? Anong klaseng paaralan ba itong Montero High? Mukhang matitino pa ang mga estudyante ng dati kong school na pinapasukan. Ang kaninang tahimik na mga estudyante, nagsimula nang mag-ingay dahil sa tatlong lalaking dumating. Hearthrobs? “Kleo, what the hell? Kilala mo ba kung kanino 'yung itim na motor na nakaparking doon sa usual place na pinagpaparkingan ko? Tanginang ‘yan! Wala tuloy akong naparkingan.” sigaw nitong isang lalaking kakapasok lang at halatang galit ito dahil bakas ang inis sa boses niya Puti rin ang kulay ng buhok nito katulad nung lalaking tumulak sa akin sa tulay. Nakasuot pa ito ng shades ngayon kahit hindi naman mainit o masilaw rito sa loob ng classroom. Abnormal! Wait? What the f**k? Don't... Don't tell me ito nga yung lalaking tumulak sa akin sa tulay? “GIOOOOO!” “Good morning, Gio!” “Gio, dito kana umupo.” “Wanna hang-out, Gio?” Ilan lang iyan sa mga sinasabi ng ilang kababaihan rito. Ang ingay! Akala mo artista itong lalaking dumating. Patuloy lang ito sa paglalakad hanggang sa makaabot rito sa bandang likuran kung saan umupo ang tatlong lalaki. Okay! Mga clowns nga sila dahil sa kulay ng buhok nila. “Dude, nasa loob tayo ng klase.” mahinahong sambit ng lalaking golden-yellow ang kulay ng buhok. Aaminin kong bagay naman sa kanila ang mga kulay ng buhok nila kahit para silang mga clowns. “Tss! Malilintikan talaga kung sino man ang nang-akin nung parking space ko. Tanginang 'yan!” inis na sambit nung Gio at umupo sa tabi nung lalaking kulay golden-yellow ang buhok. Ibig sabihin may kaniya-kaniyang parking space ang mga estudyante rito? Ako kasi, basta lang ako nagparking ng motor ko kanina. Parang wala rin itong paki-alam sa mga nakarinig ng mga sinasabi niya. Mukhang sanay naman na ang mga estudyanteng ito sa ugali nitong kulay puti ang buhok. But who are they? Bakit sa isang iglap lang napaingay nila ang classroom naming kanina ay tahimik at mapayapa? Hindi nagtagal at parang may dumaan na anghel dahil nagsitahimik ang kaninang mga kaklase kong nagdadaldalan tungkol doon sa apat nang pumasok ang isang babaeng sa palagay ko ay nasa mid-20s pa lang ang edad. Maganda ito at mukhang maalaga sa katawan, hindi katulad ko na magsusuklay na lang tinatamad pa. Nagpakilala ang babaeng pumasok bilang guro namin at kagaya sa ilang gurong nauna, inutusan niya kaming magpakilala isa-isa. Putek! Ito lang ata ang gagawin namin buong maghapon? Ang magpakilala sa harap ng klase. I hate first day of school! Nakakapagod ng bibig. Hindi nagtagal at nagsimula na uling mag-ingay ang mga kaklase ko nang magpapakilala na 'yung isa sa apat na lalaking huling pumasok kanina. “Hello, my name is Hanz Barrymore. It's nice knowing you all.” pagpapakilala nitong si Hanz, na mala-hazelnut ang kulay ng buhok. “I'm Leader Stanfield, single.” gago amputa HAHAHAHA! Pati ba status kailangan pang sabihin? Parang gusto ko tuloy gayahin. Lumakas naman ang pagtitilian ng mga babaeng kaklase ko nang tumayo at maglakad ang lalaking kulay golden-yellow ang buhok patungo sa gitna. “Kilala niyo na ako, right? Pero magpapakilala ulit ako sa harap ninyo. My name is Kle—” sandaling natigil ito sa pagsasalita nang magtama ang paningin namin sa isa't-isa. Napakunot-noo ako dahil parang napako na ang tingin nito sa akin at parang ayaw nang magsalita. Binigyan ko tuloy ito nang nagtatakang tingin. May dumi ba ako sa mukha? Hindi ba maayos ang buhok ko? Ang alam ko nagsuklay naman ako kanina kahit tamad akong magsuklay. “Yeah, I'm Kleo... my name is Kleo Altamerano.” pagpapatuloy niya na para bang sa akin mismo nagpapakilala. Nakatitig pa rin kasi ito sa akin. Kilala ko ba ang isang ito? Bakit ganiyan siya makatitig? Mas lalong nagsilakasan ang ingay ng mga kaklase ko nang tumayo na ang lalaking kulay puti ang buhok. Mukhang may fans club ata ang isang ito dahil sa halos lahat ng babae rito, maliban sa akin, e napapatili niya. Nahihirapan rin ang teacher naming patahimikin ang mga ito. Sandaling napakunot ang noo ko nang makaramdam ako na parang may tumitingin sa akin kaya nabaling ang tingin ko sa bandang kanan ko. Napataas ang kilay ko nang maabutang nakatingin sa akin 'yung tatlong lalaking may kulay ang buhok. Taranta ang mga itong nag-iwas ng tingin kaya ibinaling ko na ulit ang atensyon ko sa unahan. “Gio Montero.” walang kagana-ganang sambit nitong lalaking kulay puti ang buhok at agad na bumalik sa upuan niya. Ganoon ba talaga siya magpakilala? Feeling ko wala na itong ganang mabuhay rito sa mundo. Naglakad na ito pabalik sa upuan niya at may dalawang sumunod pa ritong nagpakilala. Pagkaupo nitong katabi ko, tumayo na ako at naglakad patungo sa harap. It's my turn to introduce my self. Medyo kinakabahan ako na ewan? Kung hindi lang ako lumipat ng school dahil sa ahas at gagong iyon paniguradong hindi ko na kailangan magpakilala pa sa harap ng klase. “Hi! My... My name is Letty Sabrina Sabro—” “SABRINA!” / “YOU ARE THE GIRL WHO PUNCHED ME!” Agad na napakunot ang noo ko nang ituro ako nitong dalawang lalaki. Yung Gio at Kleo ang pangalan. Nagkatinginan ang dalawa at napansin ko ang pagbulungan ng mga kaklase ko. Para bang nagtataka sila sa nangyayari. “YOU KNOW HER?” they asked each other in unison. “HELL YEAH!” sabay ulit nilang sambit. Napangiwi ako dahil sa inasta ng mga ito. Kilala nila ako? Paano? Pero itong lalaking kulay puti ang buhok lang ang nakikilala ko dahil sa kulay ng buhok nito. Ito nga yung tumulak sa akin noong nakaraang gabi kaya pareho kaming nahulog sa tulay at tama rin 'yung sinabi niya, ako nga yung sumuntok sa kaniya nung gabing iyon pero paano niya nakita ang mukha ko, e ang dilim nung gabing iyon? Saka paano naman ako nakilala nitong lalaking kulay golden-yellow ang buhok? Ni-hindi naman pamilyar ang mukha niya sa akin. “Okay, tama na iyang pagtitinginan niyong dalawa sa likod. Ms. Letty Sabrina? Pwede ka nang maupo.” baling sa akin ng guro kaya nginitian ko ito at naglakad na pabalik sa upuan ko. Bago pa man lang ako makaupo sa upuan ko, nabaling ulit ang tingin ko doon sa dalawang lalaki at saktong nakangiting nakatingin sa akin 'yung lalaking kulay golden-yellow ang buhok at hindi ko naman masabi ang expression ng lalaking kulay puti ang buhok dahil nakasuot pa rin ito ng shades at mukhang walang balak tanggalin. Tanghalian na, naiinis ako dahil kalalabas lang nung huling subject teacher namin nang dinumog agad ng mga kababaihan ang section namin. Mukhang mga taga-ibang sections ang mga ito. Hindi ako makadaan dahil sa nagsisiksikan ang mga ito para lang makalapit doon sa apat na clowns. Nagugutom na ako, gusto ko nang kumain sa cafeteria pero hindi ako makalabas. “A-aray naman!” reklamo ko nang maapakan ng isang babae ang paa ko kaya marahan ko itong tinulak. Nagulat naman ako nang tapikin niya ang kamay ko at galit na binalingan ako ng tingin. “ANONG PROBLEMA MO? BAKIT KA BA NANG TUTULAK?” galit na sigaw nito para maagaw ang ilang atensyon ng mga andito. Attention seeker? “Kasi naaapakan mo na ang paa ko.” kalmadong rason ko pero mukhang attention seeker talaga ang isang ito dahil muli itong sumigaw. “BAKIT KASI ANDIYAN KA? KUNG UMALIS KA SANA DIYAN EDI SANA HINDI KITA NAAAPAKAN! ANG BOBO MO, GIRL!” Nagulat ako sa huling sinabi niya. Putek! Alam kong bobo ako kaya hindi niya na kailangang sabihin pa iyon! Nanggigigil ako! Tumayo ako para sana mapantayan ito pero mas matangkad pa pala ako kesa rito. Tangina! Parang kinder itong isang ito. “Miss, alam mo bang bobo ka rin?” kalmadong sambit ko, na siya namang ikinataas ng kilay niya at namewang pa. “Hindi k—” “Oh! Exactly! Kita mo na, hindi mo alam kaya bobo ka rin talaga, miss.” nakangising sambit ko at laking gulat ko na lang nang itulak ako nito kaya napaupo ulit ako sa upuan ko. Wow! Ang liit pero ang lakas! Para siya dwendeng may powers. Napansin ko namang nabaling na sa amin ang atensyon ng ilang andito. “Ba't ka nanunulak?” inis na sambit ko at tumayo ulit. Natatawa talaga ako sa height nitong isang ito pero seryoso, ang sakit ng siko ko gawa nang pagkakatulak niya. Tumama kasi ito sa upuan ko. “Bakit hindi mo alam? Edi inamin mong bobo ka rin?” taas-kilay na sambit niya at ngumisi pa. Napupuno na ako sa dwendeng may powers na ‘to! Parang nag-init ang dugo ko kaya kinwelyuhan ko ito na halatang ikinagulat niya. “YOU b***h! MAS BOBO KA! ALAM MO KUNG BAKIT? KASI PILIT MONG IPINAGSISIKSIKAN ANG SARILI MO PARA LANG SA MGA IYAN, E HINDI KA NAMAN NILA MAGUGUSTUHAN! LOOK AT YOUR FACE! YOU LOOK TERRIBLE! ANO? CLOWN KA, GIRL?” sigaw ko dahil sa inis ko sa babaeng ito at saka pabalibag na binitawan ang blouse nito. Para naman kasi talaga siyang clown! Ang kapal ng make-up. Tuluyan naman na naming nakuha ang atensyon ng lahat ng andito at mukhang wala na sa apat ang atensyon nila. Mukhang nagulat rin sa mga sinabi ko itong babaeng nasa harap ko pero kaagad nagbago ang itsura nito at inis akong tiningnan bago ngumisi. “WOW! COMING FROM YOU! EH, TINULAK MO NGA AKO PARA ANO? PARA MAKIPAGSIKSIKAN RIN PARA MALAPITAN SILA HINDI BA?” What the f**k? Bobo ba talaga ang isang ito? Hindi niya ba narinig ang sinabi ko kanina? Na kaya ko siya tinulak ay dahil naaapakan niya na ang paa ko. Pagmumukhain niya pa talagang may gusto ako sa feeling F4 na ito, e hindi ko naman mga kilala except doon sa puti ang kulay ng buhok dahil iyon ang kasama kong nahulog mula sa tulay. “I. AM. NOT. INTERESTED. IN. THEM. YOU REALLY JUST PROVED NA YOU ARE A STUPID PERSON! I SAID, NATATAPAKAN MO ANG PAA KO KANINA THAT'S WHY I PUSHED YOU!” inis na sambit ko. “SAKA MAS PINATUNAYAN MO TALAGANG BOBO KA, KASI PAANO AKO MAKAKAALIS KUNG NAKAHARANG KA—” hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko nang may humawak sa baba ko at mabilis akong iniharap sa kaniya saka dumikit ang labi nito sa labi ko. WHA... PUTANGINA! WHAT THE f**k?! Agad itong humiwalay sa pagkakahalik sa akin at saka marahang inilapit ang bibig niya sa tenga ko. “Kalma, masyado ka namang galit.” sambit nitong lalaki at ramdam ko ang hininga nitong tumatama sa balat ko. Hindi ako makapagsalita. Ang bilis nang t***k ng puso ko dahil sa nangyari. Lumibot ang tingin ko sa paligid at nakita rin ang gulat sa itsura ng mga estudyanteng nandito sa loob katulad ko. “Tatahimik ka naman pala, e.” nakangising sambit ng lalaking kulay puti ang buhok nang tanggalin niya ang shades niyang suot. Okay, siya na ang pogi pero napansin ko ang medyo nagkukulay violet sa ilalim ng kanang mata nito. Sandali? Kagagawan ba ito nung pagsuntok ko sa kaniya noong gabing iyon? Siguro dahil talaga ito sa pagsuntok ko sa kaniya noong nakarang gabi sa ilalim ng tulay. Nakaramdam naman ako ng inis. Hindi dahil sa paghalik niya kundi dahil sa pagngisi niya. “YOU SON OF A b***h, GIO MONTERO!” sigaw ko at malakas na sinuntok ito kaya naman muntik na itong matumba. Pasalamat siya nasalo siya ng mga kaibigan niyang nasa likuran niya. Mabilis na kinuha ko ang gamit ko at nagmamadaling umalis doon sa loob ng classroom. Mabuti na lamang at nagbigay daan ang ilang estudyante para makalabas ako. Hindi iyon ang first kiss ko dahil may siraulong ex-boyfriend rin naman ako na nakahalikan ko na dati pero what the f**k? Anong naisipan ng gagong iyon para halikan ako? Sino ba siya para halikan ako? Sinabihan ko ba siyang halikan niya ako? Putangina niya! Naiinis na talaga sa lalaking iyon! ‘Kalma, masyado ka namang galit.’ ‘Kalma, masyado ka namang galit.’ ‘Kalma, masyado ka namang galit.’ Arghh! Naaalala ko na naman 'yung ibinulong niya sa akin kanina na lalong nagpainis sa akin. HE IS SON OF A b***h! ARGHH! GAGO KANG GIO MONTERO KA!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD