Kabanata 2

1671 Words
“Ano, Letty? Are you ready?” tanong ni Chase. He is one of my close friends. Ang pinagkaiba nga lang ay masyado siyang snobber at suplado sa ibang tao maliban sa akin at sa girlfriend niya. Siya rin ang kaibigan kong minsan ko lang makasama at halos nagkikita lang kami kapag may nagaganap na karera. Kasalukuyan kaming nandito sa lugar na tinatawag na bitukang manok. Isa kasi itong daan na may ilang beses na paliko-paliko o kurbada na parang katulad talaga ng mga bituka kaya tinawag na bitukang manok, na siyang pinagpraktisan ko naman talaga buong maghapon para sa magaganap na illegal drag racing ngayong gabi. Isa akong illegal street drag racer na kahit isang beses, e hindi pa nararanasang makipagkarera sa race track. Pero some—no, I know, one day, makakapagkarera ako sa tunay na race track. Hihintayin ko lang ang araw na 'yon at sisiguraduhin ko makikilala ako ng mga tao dahil sa galing ko pagdating sa motor racing. “Yep! Palagi akong ready, Chase. Saka lalaki na raw pala ulit ang makakalaban ko?” taka kong tanong. Last time kasi ay babae ang nakalaban ko pero sa ibang place naman iyon. Umabot pa nga ng one hundred fifty thousand pesos ‘yung naging pustahan noong kami na ang magkakarera. “Yeah, and he is kinda mad. Tinalo mo raw ‘yung girlfriend niya noong nakaraang laban mo. Sinuhulan pa nga ng pera ‘yung mga event organizers para lang mailagay sa iisang bracket yung pangalan mo kasama siya kaya kailangan mong mag-ingat, Sabrina, baka mamaya ay mandaya 'yon habang nagkakarera na kayo,” aniya. Ah, so girlfriend niya yung nakalaban ko last time? Ibig sabihin ay may kaparatan ngang magalit itong kalaban ko ngayon dahil girlfriend niya ‘yung tinalo ko noong nakaraan pero hindi ko hahayaang gumawa ng kalokohan ang isang iyon dahil sisiguraduhin kong hindi mananalo ang isang iyon. Tatalunin ko siya latulad ng ginawa ko sa kaniyang girlfriend noong nakaraan. Tumango-tango na lang naman ako. “Andito na ba siya? Anong gamit niya?” tukoy ko sa motor nang makakalaban ko. Tinanggal ko ang suot kong helmet at saka lumingon-lingon. Ang raming tao na naman ang nanunuod. “SABRINA!” “LS!” “LS! NANDITO KAMI!” Nabaling ang tingin ko sa gawi ng isang grupo ng mga kalalakihan nang tawagin nito ang pangalan ko pati na ang pangalang ginagamit ko kada may karera. Nginitian ko sila at saka kinawayan. Napayuko pa nga ako dahil na rin sa hiya. Matagal ko nang napapansin ang mga ito kada may karera ako at masasabi kong sinusuportahan naman talaga nila ako parati. “Kawasaki ZX10R,” sambit ni Chase na soyang ikinakuha ng atensyon ko at halos ikaluwa pa ng mga mata ko sa gulat. K-Kawasaki ZX10R? S-Seryoso? Iyon ang gusto ko! Hindi man iyon ang latest model, e iyon talaga ang pinapangarap kong motor. Kung sapat lang talaga ang pera ko ay bibili rin ako ng gano'n. Simulang sumali ako sa mga drag race gustong-gusto ko na talaga ang makabili ng ZX10R. Ewan ba? Basta hooked na hooked ako sa motor na iyon. Mukhang ang astig kasi nilang irampa sa kalsada. “Nagsisimula na ba ang pustahan para sa bracket namin? Sinong nagha-handle, Chase?” tanong ko sa kaniya. “Si Patrick, bagong handler. 'Yung kulay pula ang buhok.” sagot ni Chase at itinuro pa ang lalaking kulay pula ang buhok na nakatayo sa tabi ng poste. “Pupusta ka?” tanong niya pa. Tumango ako bilang sagot. Sandaling pinahawakan ko sa kaniya ang hawak kong helmet bago naglakad papalapit kay Patrick, ang lalaking kulay pula ang buhok. Weird! Simula atang makita ko ‘yung nakakainis na lalaking may kulay puting buhok ay madalas na akong makakita ng mga lalaking may ibang kulay ang buhok katulad na lamang kaninang hapon dahil nakakita ako ng lalaking may kulay asul na buhok. Nang makalapit sa pwesto nitong lalaking may kulay pula ang buhok, ka-agad ko naman siyang tinawag. “Patrick?” Pagkuha ko sa atensyon niya kaya naman nabaling ang tingin niya sa akin. Ang gwapo naman ng isang ito at masasabi kong bagay rin sa kaniya ang kulay ng kaniyang buhok. Hindi rin siya mukhang adik kung titingnan hindi katulad nung lalaking may kulay asul na buhok na nakita ko kanina. “Yes? What can I do for you, miss?” nakangiting tanong niya na para bang mas ikinagwapo niya pa lalo dahil sa ngiti niya. “A-ano... i-ipupusta ko ang ninja sport's bike na gagamitin ko...” — . THIRD PERSON's P.O.V — “Nagsisimula na ba?” tanong ng lalaking kulay may kulay golden-yellow ang buhok sa mga kasama niya. Kakarating lang nito mula sa pagkakatakas sa bahay nila dahil grounded ito sa kanila dahil sa ginawa nilang gulo noong nakaraang gabi sa isang bar. Nagcommute lang rin ito para makapunta sa lugar kung nasaan ang dalawa pa niyang kaibigan na gustong manuod ng karera. “Yeah, may natapos ng dalawang race. Ngayon naman may current race na nagaganap. Hindi pa alam kung sino ang nananalo.” sambit ni Leader— ang lalaking bi-color ang pagkakakulay ng buhok. “Sandali mga, pre!” Nabaling naman ang tingin ng dalawa sa isa pang kaibigan nila na nagsalita. “Woah! Look! Look! Puta! P're, ang ganda!” komento ni Hanz— ang lalaking mala-hazelnut ang kulay ng buhok na tinutukoy ang babaeng kasali sa karera. “Damn! She’s pretty, ” komento ni Leader nang makita ang babaeng sinusuklay ang buhok gamit ang sariling kamay dahil sa pagtanggal nito ng suot niyang helmet. “Eh? Kasali sa drag race? What the hell?! Cool!” manghang sambit naman ni Kleo— ang lalaking golden-yellow ang kulay ng buhok. Ang lalaking tumakas sa bahay nila dahil grounded. “Baguhan ba ‘yan? Parang ngayon ko lang nakitang sumali ‘yan, e.” “Ewan? Siguro?” “Sayang wala si Gio. Paniguradong didiskartehan niya ‘yan kapag nakita niya. Gago e, ba't ba nilalagnat ang isang iyon? Hindi naman nagkakalagnat kapag napapaaway.” sabi naman ni Leader dahilan para kunot-noo siyang tingnan ni Hanz. “I told you, nahulog si Gio sa ilog mula sa tulay kasama raw ng isang babae noong hinahabol siya ng mga kaaway natin kaya nga naabutan kong basang-basa kaya malamang sa malamang, e nilagnat iyon dahil sa pagkahulog sa ilog,” mahabang lintanya ni Hanz. “Sino ba raw kasi 'yung babaeng 'yon? Sayang tuloy hindi natin kasama ngayon.” sabi naman ni Kleo. Ilang sandali pa ang lumipas, natahimik naman na ang tatlo at pinagmasdan na lang ang babaeng bumaba sa sports bike niya na siyang naglalakad na patungo sa isang lalaking kulay pula ang buhok. Hindi nagtagal ang pag-uusap nung babae at lalaking may kulay pula ang buhok dahil bumalik na ang babae sa sasakyan niya at muling isinuot ang helmet nito na ibinigay ng isang lalaking nasa tabi ng babae. “Oh! Tapos na raw 'yung karera nung pangatlo. Susunod na ata 'yung babae at ‘yung kalaban niya,” anunsyo ni Leader sa dalawa niyang kaibigan na para namang naging alisto. Tumango naman ang dalawang kasama nito at medyo nagulat pa nang mag-ingay ang mga nanunuod dahil sa pag-chant nito sa pangalan ng isang babae. “SABRINA!” “SABRINA!” “GO LS!” “GO LS SABRINA!” Ilan lamang iyon sa mga isinisigaw na pangalan ng mga manunuod. “Ano raw? Sabrina? Sabrina ang pangalan nung babae?” takang tanong ni Kleo na ikinakibit-balikat ng mga kasama niya. Hindi naman na lang umimik ang mga ito at tinutukan ang pagsisimula ng karera. “f**k!” “WHAT THE?!” “HOLYSHIT!” tanging nasambit na lamang nung tatlo nang makita kung gaano kabilis ang pagpaandar nung babae sa sasakyan niya na magsimula ang karera. Sandaling natulala ang mga ito dahil hindi nila inaasahan na ganoon agad kabilis ang pag-drive nung babae nang magsimula ang karera nila. “f**k! Did the girl even know kung gaano kapanganib yung mga kurbada rito sa bitukang manok? The heck?! Does she wanna die early?” hindi makapaniwalang komento ni Kleo sa kaniyang nasaksihan. Alam kasi nilang napakaraming kurbada sa kalsadang ito kaya ito tinawag na bitukang manok. Bali-balita na marami na rin daw ritong namatay dahil sa mga pakurbada rito. “Let’s wait to know know the result and what will happen to that girl,” sabi ni Leader. Nakalipas ang ilang minuto, nakatanggap na nga ng text message si Leader galing sa pinsan niya na siya namang nasa kabilang dulo kung saan matatapos ang karera. “Guys, nagtext na ang pinsan ko,” sabi ni Leader at binasa ang sinasabing natanggap na mensahe. “LS is the winner! Naiwang masyado si Frank,” pagbasa ni Leader. “Eh? LS? Akala ko ba Sabrina ang pangalan nung babae?” takang sambit naman ni Hanz. “Akala ko may maaaksidente na naman ngayong race,” sabi naman ni Kleo habang iniisip ang babae kanina at tila ba para itong nakahinga nang maluwag. “Sandali, may text pa itong pinsan ko,” sabi ni Leader at binuksan ang mensahe na galing sa pinsan niya. “Leave that place. May mga paparating na mga police at mukhang pupunta rin diyan!” basa pa ulit ni Leader sa text na nareceived niya galing sa kaniyang pinsan. Halos lumuwa naman ang mga mata nila at halos malaglag ang panga dahil sa gulat. “f**k! Let's go! Let's go!” tarantang sambit ni Leader at nagmamadaling tumakbo patungo sa kotse niya. Sinundan naman siya nina Kleo at Hanz at halos sabay pa nga ang dalawa sa pagbukas ng pinto ng passenger's seat sa kotse ni Leader. “What the hell? Wala ngang aksidente pero may police naman.” reklamo ni Hanz nang mapaandar ni Leader ang kotse. “Sayang! Gusto ko pang makita 'yung LS,” sabi naman ni Kleo na para bang nanghihinayang pa. “Gago! Anong uunahin mo? Police o babae?” natatawang sambit ni Leader na ikinatawa naman nilang lahat habang umiiling.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD