KABANATA 1
—
—
LETTY SABRINA's POINT OF VIEW
—
—
“Ano ba naman kasi iyan?! Sabing I don't want to have fun with you, guys. Wala ako sa mood mag-celebrate! Uuwi na ako!”
Mukhang wala namang umintindi sa sinabi ko kaya padabog akong lumabas ng bar.
Mga siraulo! Nasa labas kasi ako ng 7/11 kanina at masayang kumakain ng ice cream nang damputin ako ng mga ito at isinakay pa sa puting van na para bang kinidnap ako.
Paniguradong inakala ng mga nakakita sa nangyari kanina ay totoong kinidnap nga ako kahit ang totoo ay mga kaibigan ko lang ang mga ito at nanti-trip.
Gusto kasi nilang icelebrate ang 18th birthday ko, kahit na ayaw ko dahil hindi nakauwi sina Mama at Papa kaya para bang nawalan ako ng ganang magcelebrate debut ko.
“Bwisit! Wala man lang dumaraan na tricycle. Gusto ko nang makauwi para matulog!” Irita kong sabi sa aking sarili habang naglalakad.
Nandito pa lang ako sa may tulay kung saan kapag tumalon ka, e malalim na ilog ang kababagsakan mo. Nakakatakot dumaan dito sa tulay na ito dahil hanggang bewang lang ang nagsisilbing harang sa gilid. Masyadong delikado dahil maaring may mahulog rito kung marami ang dumaraan at kung may magkakatulakan pa.
“Gago! Ayon na si Gio!” Dinig ko sa isang sigaw mula sa aking likuran at akmang titingnan ko sana ito nang mahagip naman ng mga mata ko ang isang lalaking nakasuot ng itim na jacket na tumatakbo papalapit sa akin.
“FVCK! TABI!” Sigaw ng lalaking tumatakbo papalapit pero huli na nang magproseso sa utak ko ang sinabi niya.
Masyado kasi akong namamangha sa kulay ng buhok niya. Kulay puti ito na parang buhok ni Killua, ang anime character na gustong-gusto ko.
Nang makalapit, itinulak niya ako papunta sa gilid para ata makadaan siya pero nahawakan ko naman ang laylayan ng kaniyang jacket dahil sa taranta at kaba na baka mahulog ako sa tulay.
“Hala?!” Gulat na sambit ko nang pareho kaming mawalan ng balanse at dire-diretsyong napunta sa pinakagilid nitong tulay at sabay kaming nahulog mula sa tulay.
“s**t!” Rinig kong aniya kasabay nang pagyakap niya sa akin hanggang sa maramdaman ko ang paglagapak ko sa tubig dahilan para magkahiwalay kami at tuluyan na akong nabasa at lumubog sa malalim na ilog.
Ilang sandali pa’t para akong natauhan at naging alerto kaya lumangoy ako agad paahon.
Son of a b***h! Sino ba ang punyetang lalaking iyon? Balak ata akong patayin ng gagong iyon?!
Ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko dahil sa halo-halong takot, taranta at kabang nararamdaman ko kanina nang mahuhulog pa lang kami mula sa itaas ng tulay. Pakiramdam ko pa ay nanginginig din ang kalamnan ko! Para bang naiwan ang kaluluwa ko sa itaas ng tulay. Jusko!
Nabaling naman ang tingin ko sa madilim na paligid at sakto namang kakalitaw lang nung lalaking tumulak sa akin.
Galit niya akong tiningnan na para bang ako pa ang may kasalanan kung bakit kami nahulog dito.
“BAKIT MO AKO HINILA? BALIW KA BANG BABAE KA? MAY TAMA KA BA SA UTAK? PAANO KUNG NAMATAY AKO DAHIL SA PAGKALUNOD?” Sigaw niya at dinuro pa ang noo ko.
Ang gago naman pala nitong lalaking ito! Masyadong over reacting! Ang OA, mas OA pa sa akin! Saka parang hindi niya ako niyakap kanina para protektahan ako, ah?
“LOOK! BECAUSE OF YOU AY BASANG-BASA AKO!” Dagdag pa niya na para bang mapuputulan na ng ugat sa kaniyang leeg dahil sa pagsigaw niya.
Ako pa ang may kasalanan? Ako pa talaga? Ako ba ‘yung hinahabol? Ako ba yung tumatakbo? Ako ba ang nanulak? Kung hindi niya ako tinulak hindi ko siya mahihila!
Nakakairita ang gagong ito!
“NAMATAY KA BA? NALUNOD KA? EH, KITA NAMANG MARUNONG KANG LUMANGOY SAKA... SAKA... THAT'S THE f*****g EXACT LINE THAT I WANTED TO TELL YOU, RIGHT NOW! BECAUSE OF YOU, LOOK! I'M ALL WET! YOU... YOU SON OF A B|TCH, WHITE-HAIRED GUY! THIS IS ALL YOUR FAULT!” Galit kong sigaw pabalik dahil sa inis sa kaniya.
Hindi na rin ako nakapagtimpi kaya sinuntok ko na rin ang balikat niya saka inis na iniwan ito at nagsimula nang lumangoy patungo sa gilid nitong ilog dahil sa sobrang lamig ng tubig. Ayoko pa namang magkalagnat dahil tatlong araw na lang ay pasukan na.
Nang marating ang gilid ng ilog, agad kong dinukot ang cellphone ko mula sa bulsa ng shorts ko.
“What the heck? Hala! Uy, bumukas ka!” Saad ko dahil ayaw nang bumukas nitong cellphone ko. “Argh! Kapag minamalas ka nga naman.” Irita kong sabi pang sabi.
Akala ko pa naman original ang cellphone na ito? Pwe!
Muli namang nabaling ang tingin ko sa lalaking kakaahon lang sa ilog at nandito na rin sa may damuhan malapit sa akin kaya inis na naglakad ako sa kaniya papalapit.
Argh! Wala akong cellphone na magagamit para matawagan ang kapatid ko. Hindi ako makakapagpasundo!
“HOY!” Pagkuha ko sa atensyon nitong lalaki at saka malakas na sinuntok siya sa mukha nang lumingon ito.
“Serves you right, you son of a b***h!” Galit kong sambit saka ngumisi bago ibinato sa kaniya ang cellphone kong basang-basa at halatang hindi na pa dahil ayaw nang bumukas.
Nagmadali ‘kong iniwan ito at umakyat sa sementong hagdan. Hindi pa man lamang ako nakakaabot sa itaas nang makaramdam na ako agad ng pagod.
Argh! Why am I so ill-fated today? Putangina!
Nang tuluyan akong maka-akyat, lalong naramdaman ko ang malamig na ihip ng hangin kaya mas lalo akong nakaramdam ng lamig.
Putek! Huwag naman sana akong lagnatin! Kahit 'yung lalaki na lang sana ang magkalagnat tutal siya naman ang dahilan kung bakit pareho kaming nahulog!
Argh! Hindi ko expected na sa ganoong paraan ako unang beses makakaligo sa ilog. Bwisit! Ang taas rin nang pinanggalingan namin bago kami bumagsak sa tubig ilog jusko!
Feeling ko talaga kanina parang naiwan ‘yung kaluluwa ko sa itaas ng tulay. Nakakatakot!
“Ang bagal! Alis na diyan, miss. Pag-iyon pa nakatakas ikaw pagbabalingan namin.” Irita pero agad na nagbago ang ekspresyon ng mukha nitong lalaking nagsalita nang suriin niya ako mula ulo hanggang paa. Ganoon rin naman ang ginawa ng ilang kasama niya sa akin.
Mukhang sila ‘yung mga humahabol doon sa lalaking may kulay puting buhok na kasama kong nahulog kanina.
“Para namang magpapabaling ako sa inyo. Tabi nga!” Inis na sambit ko saka ito inis na itinulak kaya naman napaatras ito at nabangga sa isa pa niyang kasamahan.
Narinig ko pa ang pagtawa ng mga kasama niya at kinantyawan pa itong kasama nila. Napairap na lamang ako at nagsimula nang maglakad papaalis doon.
Sobrang nilalamig na talaga ang katawan ko. Kailangan ko ng tuwalya!
Nang marating ko ang gilid ng kalsada, para akong nakahinga nang maluwag. Sandaling huminto rin ako sa paglalakad upang maghintay ng tricycle na masasakyan ko pauwi.
Ayoko nang magpatuloy sa paglalakad dahil baka kapag nasa may tulay na naman ako, e mahulog ako ulit. Sobrang nakakadala na! Ayoko nang maulit!
Nang makita ko ang isang tricycle na papadaan, agad ko itong pinara at nagpahatid sa tapat ng bahay namin rito sa loob ng subdivision. Mukhang nagtataka pa nga ang driver sa itsura ko pero mabuti na lang at hindi ito nagalit nang makita niyang basang pera ang ibinayad ko sa kaniya.
Sayang rin naman kasi iyon kung hindi niya tatanggapin, e pwede niya naman 'yung patuyuin.
Nagmadali naman ako sa pagpasok ng bahay para maligo at ka-agad ring nagpalit ng terno pajama. Hindi ko na talaga kasi kakayanin ang dulot ng lamig sa katawan ko.
“Oh? What happened to you? Bakit mukhang iritang-irita ka? Ibinalik ko naman 'yung sports bike mo, ah? Hindi mo ba nakita sa labas?” Bungad nitong kapatid ko nang makasalubong ko ito sa hagdan.
Paakyat ito habang pababa naman sana ako. Umiling ako saglit saka nagsalita.
“Not that, sis. But I think you won't believe what just happened.” Iritadong sambit ko at napairap pa sa kawalan habang inaalala ang pagkahulog namin nung lalaking kulay puti ang buhok sa tulay kanina.
“Well, come here. Let me hear your story first bago ako magbibigay ng comments kapag narinig ko na.” Aniya at ngumisi pa bago ako hinila pababa patungo sa may sofa.
Sinimulan ko namang ikwento sa kaniya kung paano ako sapilitang isinama ng mga kaibigan ko sa bar para magcelebrate ng birthday ko hanggang doon sa pagsuntok ko sa lalaking nakasama kong nahulog sa ilog sa ilalim ng tulay.
“Argh! I swear to god sasamain talaga sa akin ang lalaking iyon kapag nakita ko siya ulit.” Inis na sambit ko pero tumawa naman nang malakas itong kapatid ko.
Ano? Natutuwa pa siya sa nangyari sa akin? Dapat nga ay mag-alala siya dahil ang taas nang pinagbagsakan namin nung gagong lalaking 'yon!
“Kalma, sis. Gwapo ba?” Nakangising tanong niya na ikinakunot-noo ko.
Gwapo ba 'yon?
“Uhm... yeah, I think so? I didn't clearly see his face dahil sa dilim. B-basta kulay puti ang kulay ng buhok niya.” Sambit ko at napansin ko namang bahagya itong natigilan pero agad ring ngumisi.
“Ah, gwapo ‘yan for sure.” Aniya na akala mo naman sigurado sa hula niya.
Umirap ako at hindi sinasadyang napahikab dahil na rin siguro sa antok kaya nagpaalam na rin ako sa kapatid ko bago umakyat sa kwarto.
Sandaling nagpatuyo rin muna ako ng aking buhok bago humilata sa kama.
Damn! I'm really scared a while ago. Ang taas ng tulay na iyon! Laking pasalamat ko na lang talaga dahil marunong akong lumangoy dahil kung hindi? Baka hindi ko na maaabutan pang umuwi sina mama at papa galing sa Canada.
“Argh! I hate you, you f*****g son of a b***h, white-haired guy!”
• • • • •
“Letty, gising ka na pala. Kumusta ang tulog mo?” Leaf asked. She's my sister. Siya ‘yung kakwentuhan ko kagabi.
“Fine, I guess?” Sambit ko kasabay nang pagkibit ko sa aking balikat.
Hindi kasi ako masyadong nakatulog sa kakaisip sa nangyari kagabi dahil sa grabing takot ko talaga noong mahuhulog kami.
Para akong natraumatized sa nangyari.
“Good morning!” Dinig ko sa boses ng lalaki kaya agad nabaling sa bukas na pinto ang atensyon ko.
Kitang-kita ko mula rito ang gwapong lalaking nakatayo sa may pinto na may suot pang salamin sa mata at nakangiti pa.
“Good morning too, Kuya Kit!” Nakangiting bati ko naman pabalik.
Hindi namin siya kapatid dahil si Leaf lang ang nag-iisang kapatid ko. Tinatawag ko siyang kuya dahil bukod sa mas matanda siya sa akin, e boyfriend rin siya ng kapatid ko.
“Babe, bakit ang aga mo namang pumunta?” Tanong ng kapatid ko kay Kuya Kit.
Agad na nilapitan ito ni Leaf at hinalikan sa pisngi bago inayang pumasok sa loob ng bahay.
Jusko! Mas mabuti pang mag-almusal na lamang ako kaysa makita ang paghaharutan nilang dalawa.
“Nga pala, babe, nasabi ko sa’yo kagabi na may importante akong ikekwento sa’yo ngayon, hindi ba?" Sambit ni Leaf na ikinatango naman ni Kuya Kit.
“Yeah, what is it?"
“Alam mo ba, itong si Letty nahulog sa tulay.....” nyanyanya mukhang balak nitong kapatid kong ipamalita sa buong subdivision na nahulog ako sa tulay dahil sa kagagawan ng lalaking may puting buhok.
“What? Is she okay? Letty, are you okay?” Gulat at nag-aalalang tanong ni Kuya Kit nang matapos magkwento itong kapatid ko kaya naman tumango ako.
“Ayos lang ako, Kuya.” sagot ko.
“She’s okay. Look! Halata naman dahil patay gutom kung sumubo ng pagkain.” Natatawang sabi ni Leaf dahilan para mapa-irap na lamang ako sa kawalan dahil sa sinabi niya.
Hindi ako patay gutom. Masyado lang akong gutom. Magkaiba 'yon!
“And, babe, alam mo bang kulay puti raw ang buhok nung lalaking kasama niyang nahulog sa tulay?” Dinig ko pang sambit ni Leaf na ikinangiwi ko.
So, ano naman? Na-abno na siya kasi gano’n ang kulay ng buhok nung lalaki? Duh! Maganda nga ang kulay ng buhok no'n pero ang pangit naman ng ugali. Jusko!
“Huwag mo nang ipaalala, Leaf. Naiirita lang ako sa lalaking iyon. Siya na nga 'yung nanulak tapos siya pa ang may ganang magalit kung ba't kami nahulog? Duh! Nakakairita lang!” Naiinis kong sabi at nagpatuloy na lamang sa pagkain.
Nang matapos mag-almusal, nagtungo sina Leaf at kuya Kit sa sofa para magpatuloy sa pag-uusap nila at sa paglalambingan. Ako naman, bumalik sa kwarto ko dahil wala naman akong boyfriend na puwedeng ka-bebe time.
Nang makaupo sa aking kama, nabaling ang tingin ko sa mga bagong gamit na gagamitin ko para sa pasukan na para bang pampadagdag lang sa stress ko.
“Argh! I hate school!”