CHAPTER 05

1580 Words
"Your nightmares follow you like a shadow, forever." -- Aleksandar Hemon CHAPTER 05 Second Dream "ZAF, kumusta naman pag-overnight nila sa unit mo?" Nilingunan ko si Lewis na katabi lang ng upuan ko, naka-eyeglasses ito at nakangiti sa harap ko. Bumungad na naman sa akin ang nakasisilaw na brace niya. Hindi naman siya mukhang nerd, trip lang siguro niya mag-eyeglasses at magbrace. "Okay lang naman. Medyo nagkainitan lang sina Sha at Miracle. Pero bati naman sila." Iniwas ko ang tingin sa kanya at muling tumingin sa librong nirereview ko. Noong gabing nag-overnight kami kung ano-ano ang mga sinasabi ni Sasha kaya nainis sa kanya si Miracle hindi kasi kami nakanood ng maayos pero kinabukasan nagkabati naman agad sila, hindi muna titira si Miracle sa unit ko sabay na lang daw sila ni Sasha sa paglipat next week. May pasok na ulit kami ngayon at mukhang late na naman silang tatlo, kami lang ni Lewis ang nandito. Hindi naman ako nababahala sa sinabi sa akin ni Sasha tungkol sa painting na nakasabit sa dingding ng kwarto ko tulad nga ng sabi ni Miracle baka paranoid lang ito. Ilang minuto pa kaming naghintay ni Lewis kina Kael, Miracle at Sasha pero kahit isa sa kanila walang dumating. Dalawang subject lang mayroon kami ngayon at tig-dalawang oras lang iyon. Siguro si Kael tinamad na naman pumasok. "Hindi papasok si Kael." Untag ng katabi kong si Lewis. Hindi ko siya pinansin at ipinagpatuloy na lang ang pagrereview ko. "Sina Miracle rin daw at Sasha." Agad akong napatingin sa kanya na hawak-hawak ang kanyang cellphone na nakatingin sa akin. Napakunot ang noo ko at ibinaba ang librong hawak ko. "Bakit hindi sila papasok?!" Singhal ko sa harap niya at tumawa naman siya saka umiling. "Tinatamad daw si Miracle, si Sasha naman masakit daw ang puson." Muli siyang tumawa na para bang may nakakatawa sa sinabi niya. Tinitigan ko lang siya habang tawa siya nang tawa. Mayamaya pa'y huminto siya nang mapansin niyang nakatitig ako sa kanya. Pinagtaasan ko siya ng kilay saka ko siya inirapan. "Tagal dumating ng Prof natin, hindi kaya absent iyon?" Salita lang siya nang salita pero hindi ko siya pinapansin. Napakadaldal ng lalaking ito, hindi ko nga alam kung lalaki ba talaga ito o bakla. Pero hindi naman siya bakla dahil may hitsura naman siya. Idagdag pa ang pagiging maputi niya tapos may pagkamatured ang mukha niya mas matanda yata siya sa akin ng dalawang taon. Ilang minuto pa kaming naghintay para dumating ang Prof pero wala pa rin dumadating, halos makabisado ko na ang nirereview ko dahil paulit-ulit ko na itong binabasa. "Zaf, mukha yatang wala tayong Prof." Bigla akong napahikab at isinara na ang librong hawak ko. Bahagya ko itong inilagay sa bag ko saka tumingin kay Lewis. "Cutting tayo." Bulong niya habang nakangisi. Umiling ako saka siya inirapan. "Ayoko. Ikaw na lang kung gusto mo." Sambit ko. Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ng palda ko. May nakasuksok ditong earphone. Inilagay ko sa magkabilang tainga ko saka ako nagpatugtog. Binaliwala ko na lang si Lewis na panay ang reklamo, bahagya kong isinandal ang ulo ko sa dingding na katabi ko. Mayamaya pa'y napahikab muli ako at dahan-dahang ipinikit ang mga mata ko. Bigla akong napadilat nang may narinig akong pagsitsit sa harapan ng mukha ko. Halos laglag ang panga ko sa bumungad sa akin, walang kahit isang tao ang nandito! Agad kong inilibot ang buong tingin ko rito sa classroom, walang kahit anino ng mga blockmates ko kahit si Lewis na katabi ko lang kanina ay wala na sa tabi ko. Nasaan sila!? Tumayo ako mula sa pagkakaupo at tinanggal ang nakasuksok na earphone sa tainga ko. Marahan akong naglakad habang inililibot ang buong tingin ko rito. "Isa, magtago ka na..." Bigla akong napahinto sa paglalakad nang may marinig akong tinig. Ito ang boses na narinig ko noong nanaginip ako. Hindi kaya panaginip na naman ito? Muli akong luminga-linga sa buong paligid, pilit hinahanap ang boses na iyon. "Sino nandiyan?!" Unti-unti nang sumisiklab ang takot sa nararamdaman ko. Sunod-sunod na akong napapahugot nang malalim na paghinga at halos nanlalamig na ang kamay ko dahil sa magkahalong takot at kaba na nararamdaman ko. Kahit anong gawin ko wala akong makitang kahit isang tao ang nandito... Hindi ko alam kung saan hahagilapin ang tinig na iyon. Mayamaya pa'y may narinig muli akong pagsitsit sa kanang tainga ko, agad akong napatingin sa direksyon ng nasa kanan ko ngunit wala akong nakitang kahit isang bakas ng tao o anino. "Dalawa, hahanapin kita.." Muli akong napatingin sa paligid ko nang marinig ko ang tinig na iyon pero wala talaga akong mahanap na kahit isang tao! May narinig na naman akong sumitsit sa akin kasabay 'non ang pagpatay sindi ng ilaw dito. Hindi ko na alam ang gagawin ko! Kung panaginip nga ito gusto ko nang magising! Ayoko na. Natatakot na ako... Sunod-sunod na pagsitsit ang naririnig ko, hindi ko alam kung saan ito nanggagaling. Bahagya kong inilagay ang kamay ko sa tainga ko upang takpan ito, paunti-unting lumalakas ang pagsitsit na naririnig ko. Mariin akong napapikit at pilit binabaliwala ang pagsitsit na iyon pero lalo lang itong lumalakas pakiwari ko nasa tabi, likod o nasa harap ko lang ang pinanggagalingan 'non... "Zafania.." "AAHHH!!!" "Zaf! Zaf! Gumising ka!" "Ayoko na!" Umiling-iling ako habang nakatakip pa rin ang dalawang kamay ko sa aking tainga. Nararamdaman kong may nakahawak sa braso ko at pinipigilan ang pagpupumiglas ko. "Zaf! Gising!" Awtomatikong napadilat ako, bumungad sa mukha ko si Lewis na nakatitig sa akin at nag-aalala. Hindi ko siya pinansin at agad na pinasadahan ang tingin ko sa buong paligid. Bumalik ulit sa normal, nandito muli ang mga blockmate kong nakatingin sa akin.  Panaginip na naman ang nangyari kanina. "Zaf, teka saan ka pupunta?" Mabilis kong kinuha ang bag ko at dali-daling lumabas ng classroom. Narinig kong tinatawag pa ako ni Lewis pero hindi ko siya pinansin. Hindi ko maintindihan ang panaginip ko, sa buong buhay ko ngayon lang ako nanaginip ng ganito. Para bang totoo na hindi... Nakakatakot. "Zaf! Hintayin mo ako!" Mas lalo ko pang binilisan ang paglalakad at pilit binabaliwala ang pagsunod at pagtawag sa akin ni Lewis. Nararamdaman ko pa rin ang takot sa loob-loob ko, parang totoo ang nangyari kanina. Hindi ko magawang iwagli sa isipan ko ang panaginip na iyon. Mali, dahil iyon ay isang bangungot. "Zaf!" Bigla akong napatigil nang may humatak sa kaliwang braso ko. Hindi ko nililingunan si Lewis, naririnig ko ang mabibigat na pagbuntong-hininga niya mula sa likod ko. "Zaf, ano bang nangyari sa iyo?" Mahinahong tanong niya. Nanatili lang akong nakatalikod sa kanya at mabilis na umiling. "Bitawan mo ko." "Pero Zaf-" "Bitawan mo ako Lewis!" Singhal ko at agad ko siyang nilingunan kasabay 'non ang marahas na pagbawi ng braso ko. Gulat na gulat siya sa inasta ko. "Zaf, ayos ka lang ba?" Tanong niya muli habang sumisilaw ang pagngisi sa kanyang labi. Hindi ko maintindihan, mas lalong nag-alab ang takot sa nararamdaman ko dahil sa pagngisi ni Lewis sa akin. Matalim ko siyang tinitigan ng ilang segundo sa mga mata niya, ngayon ko lang napagtanto na sobrang lalim ng mga mata niya na para bang nalulunod ako habang nakatitig sa kanya. "Zaf..."  Nakakapanindig-balahibo ang pagtawag niya sa pangalan ko para bang tinatangay ang buong kaluluwa ko patungo sa kanya, hindi ko mawari pero para akong biglang na hipnotismo sa tono nang pagtawag niya sa akin. Nanatili lang akong nakatitig sa kanya nang dahan-dahan nag-iba ang hitsura ng kanyang mukha. Ang kanina'y nakangising labi niya ngayon napalitan na tila galit na galit na hitsura, halos nanlilisik na ang mga mata niya sa akin. "Zaf, tumingin ka sa paligid mo." Sa hindi ko malamang dahilan napatingin ako sa buong paligid ko. Biglang napakunot ang noo ko dahil sa bumungad na paligid sa akin, hindi ko alam kung nasaan ako dahil biglang nagdilim ang buong paligid kahit isang liwanag walang mahagilap ang mga mata ko. Bumalik ang tingin ko sa harap ko na kanina'y nakatayo rito si Lewis pero wala na siya ngayon dito! "Lewis!!" Umalingawngaw ang pagsigaw ko rito. Tinignan ko ulit ang buong paligid ko pero tulad ng kanina walang kahit sinong tao. Mayamaya pa'y narinig kong muli ang pagsitsit sa buong paligid, pakiwari ko hindi ito nanggagaling sa buong paligid... Hindi ko na maintindihan ang nangyayari ngayon... "Zafania..." Narinig kong muli ang pagtawag niya sa pangalan ko, ganitong-ganito ang tinig na huling narinig ko kanina sa panaginip ko! "Sino iyan!!?"  "Zaf!! Gumigising ka! Zaf!!!"  Bigla akong napabalikwas ng bangon at hingal na hingal akong napaupo sa kinahihigaan ko. Bumungad sa akin si Lewis na titig na titig sa mga mata ko. "Zaf... Nananaginip ka."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD