KABANATA 24

2624 Words
Sabi nila, masama raw maging sobrang saya dahil kapalit nun ay hindi inaasahang kalungkutan. Doble o tripleng sakit ang magiging kapalit nun. At mukhang tama nga ang kasabihang iyun. I never thought this coming. Hindi ako nakapaghanda na mangyayari ang araw na ito. Akala ko ayos na. Masaya na ako dahil sa wakas natupad na ‘yung pangarap ko lang nuon. JD is finally likes me. Bigla kong nakalimutan at biglang nawala sa isip ko na may Cyndie pa pala. Na kamuntikan na niya pinakasalanan at posibilidad na minahal. Minahal. Hindi naman siya papakasalan ni JD siguro kung hindi niya ito minahal, hindi ba? “Cyndie, tell me the truth, what are you really doing here?” Nanatili akong nakayuko kahit narinig ko ang pagsalita ni JD na katabi ko sa harap ng hapag. After what happened. Matapos ng eksena ni Cyndie, Tita Isabelle invited us to have dine with her. At mukhang hindi lang si Cyndie ang natutuwa. Kitang-kita kong masaya rin si Tita Isabelle na muling makita si Cyndie. Kaya mas lalo akong nanliit. I can see that Tita Isabelle likes Cyndie so much. Sino ba naman ako? Ako lang naman ang ina ng anak ng apo niya. “Oo nga, hija. What are you doing here? I thought you're already in the US?” I heard Tita Isabelle asked Cyndie. “Yes, Tita. Pero pinag-isipan ko itong mabuti habang nasa US ako. I came back because I want to continue the wedding.” “Cyndie!” biglang napatayo si JD, “We already talked about that!” “Jared, tone down your voice.” sabi ni Tita Isabelle kaya walang nagawa si JD kundi ang muling umupo at hindi na nagsalita pa. Ramdam na ramdam ko sa bigat ng hininga niyang pinapakalma lang nito ang sarili niya. Hindi na siya nagsalita pa, ganun din naman ako. Ano bang bago? Kanina pa ako walang masabi. Mula nang dumating si Cyndie, wala nang salitang lumabas sa bibig ko. Hindi ko alam ang sasabihin ko at hindi ko rin alam kung anong gusto kong maramdaman. “Baby...” Narinig kong mahinang tawag ni JD mayamaya, sakto lang para marinig ko siya. Pero hindi ako nag-angat ng tingin sa kanya. Ayaw kong mabasa niya ang emosyon sa mukha ko. “Baby, please, look at me..” Hindi pa rin ako nag-angat ng tingin. Natahimik na siya kapagkuwan, kaya akala ko sumuko na siya sa pagkuha ng atensyon ko. Pero nagulat ako nang maramdaman ko ang kamay niya sa thigh ko. Hanggang sa mahanap niya ang kamay kong nakapatong dito. Napaigtad ako sa gulat dahil sa ginawa niya lalo na nang hawakan niya ito. Agad akong nag-angat ng tingin kay Tita Isabelle at Cyndie na patuloy sa masayang pag-uusap, sa takot na baka alam nila ang ginagawa ni JD. Pero nakahinga ako nang maluwag na patuloy na nag-uusap ang dalawa. Binalingan ko si JD na patay malisya at mapupungay ang mga matang nakatingin saakin. I gave him 'what are you doing? Nasisiraan ka na ba?' look. Bahagya niyang pinisil ang kamay kong hawak niyang nasa kandungan ko saka ginamit niya ang pagkakataong nag-uusap ang ina at ex-fiancee niya para ilapit nito ang mukha sa mukha ko. “Tell me what's running on your mind. Natatakot ako, alam mo ba?” Napalunok ako sa sinabi niya. He’s scared? Ako nga dapat ang matakot dito. His ex-fiancee is back na gustong ituloy ang kasal nila. Kaya hindi ko alam ang nasa isip niya ngayon. Hindi ako nakapagsalita at nanatili lang akong nakatingin sa mga mata niyang puno ng sari-saring emosyon. Natahimik na ako matapos nun, pero patuloy ang pasekretong pangungulit saakin ni JD. Sinusuway ko lang siya sa pamamagitan ng tingin. Hindi nagtagal, dumating din si Tito Frances na masaya rin sa pagbalik ni Cyndie. Like Tita Isabelle, halata ring gustong-gusto ni Tito Frances si Cyndie. Siyempre naman, hindi naman papayag ang mga itong pakasalan ni JD kung hindi nila gusto. I smiled bitterly on that thought. Nang matapos ang tanghalian namin, Tito Frances excused us dahil pupunta raw ito sa library. Isinama nito si JD dahil may mahalaga raw silang pag-uusapan. Sumama rin si Tita Isabelle kaya ako na lang ang naiwan sa may salas. Si Caleb, kasama ang Yaya niya. And Cyndie, I don't know where she is. Naputol lang ang malalim kong pag-iisip nang biglang tumunog ang cellphone ko. Agad kong tiningnan kung sino ang nag-message. Nang makita kong galing kay JD iyun, agad ko itong binuksan at binasa. Jared: Don't leave, please. We'll talk later about what happened, about us. And please, don't mind Cyndie, okay? Babalik ako agad. Napangiti ako nang mapait. Kung dati, handa na akong palayain siya at maging masaya na lang sa babaeng papakasalan niya. Ngayon, bakit ang sakit-sakit? Bakit masakit isiping matutuloy ang kasal nila ni Cyndie? Okay na, ‘e. Did JD even fine with that? Masaya na ako. Masaya na kami. Napahinto lang ako mula sa malalim na pag-iisip nang maramdaman kong may tao sa likuran ko. Mabilis kong pinalis ang isang butil ng luhang hindi ko namalayang lumandas sa pisngi ko bago ko ito nilingon. Hindi ko naitago ang gulat sa mukha ko nang makita ko si Cyndie. Nakahalukipkip at bahagyang nakangiti saakin. Nang makabawi ako sa gulat, tumayo ako para maharap siya nang maayos. Napalunok at napakurap ako nang tuluyan ko na siyang maharap. Hindi ko mapigilang mapatitig sa mukha niya. Bigla akong nanliit. Noon pa man, maganda na talaga siya. Para rin siyang si Shannon nuon. Maraming nagkakagusto sa kanya. Samantala ako, wala lang. Pero wala namang kaso iyun saakin nuon. Ang mahalaga lang saakin nuon ay ang mapansin ni JD. "Hi," I blinked twice when she greeted me, "I know you already knew me. But let me introduce myself again,” she offered her hand to me, "I'm Cyndie." Tinanggap ko ang kamay niya at tipid ko siyang nginitian, "Alejah." pagpapakilala ko. "Nice meeting you, Alejah." Kahit ang bigat-bigat sa dibdib na kaharap ko ngayon ang babaeng muntik nang pakasalan ni JD, pinatili ko ang ngiti sa labi ko. Ni hindi ko nga akalaing ngingitian niya ako pagkatapos nang nangyari. "I'm not gonna lie," Biglang naglaho ang ngiti sa labi niya. Tinaasan niya ako ng kilay na ikinalunok at ikinapawi rin ng ngiti ko. "I don't like you. I hate you." tumawa siya nang sarkastiko saka humalukipkip, "Do you think I already forgot what you did to my wedding?" Napalunok ako. Akala ko mabait siya, pero mukhang nagkamali ako. Sa bagay, sino ba naman kasi ang matutuwa na kaharap mo ngayon ang taong sumira sa kasal mo? That's why I shouldn't blame her if she's mad and hate me because it was my fault. Kasalanan ko kung bakit hindi natuloy ang kasal nila ni JD. Nagbaba ako ng tingin nang maalala ko ang nangyari. Biglang bumalik ang guilt na nararamdaman ko nuon. "I'm sorry, I didn't intend —" “Are you really sorry?” she cut me off kaya muli akong napaangat ng tingin sa kanya, "Kung hindi mo talaga sinasadya iyun, why are you still here? Ang sabihin mo, sinadya mo iyun! Ginamit mo ang anak mo para masira ang kasal namin! Para mapalapit ka kay Jared!" Umiling ako, “Hindi iyan totoo.” She smirked sarcastically, "Oh, really? I'm a woman, too, Alejah. Kung ako nasa kalagayan mo, iyun din ang gagawin ko. Lalo na kapag mahal na mahal ko ang lalaking iyun." Umiling ako para ipakitang nagkakamali siya. Oo, I love JD. Pero hindi ko kailanman naisip na gamitin ang anak ko para makuha siya, para sa kapakanan ko. Ni kailanman, hindi ko naisip na makasira ng relasyon. But that s**t happened to my son. I had no choice. Isa lang akong desperadong ina na gustong maligtas ang nanganganib na anak. Naramdaman ko ang panunubig ng mata ko sa paratang niya, “Hindi iyan totoo, Cyndie. Oo, aaminin ko. Mahal ko si JD. Pero kailanman hindi ko naisip na sirain ang kasal niyo —” “You already did!” “Because I had no choice!” I bit my lower lip to calm myself, “Cyndie, my son’s life was in danger that time. Nadisgraya ang anak ko, kailangan niya ang ama niya. Nagkataon lang na kasal niyo nang araw na iyun.” “I don’t believe you,” nakangisi siyang umiling-iling pero iba naman ang pinapakita ng mata nito, “If you really are sorry and if you really didn't intend to ruin my wedding, why are you still here? Bakit nandito ka sa bahay ni Tita? Para ano?Susubukan mong makuha ang loob nila? Para ikaw ang pakasalan ni Jared?” I shook my head, “No, Cyndie. That's not true. Tita Isabelle just want to see my son —” “No!” she snapped me. Mas lalo ring nanlisik ang mata niya, “Just admit that you are desparate b***h who is trying to steal my fiance from me!” Hindi na ako sumagot. Hindi dahil guilty ako sa nangyari, kundi dahil hindi ko na alam kung anong ipapaliwanag ko pa sa kanya. Eh kahit ano naman ang gawin ko para ipaintidi sa kanyang hindi totoo ang mga paratang niya, parang wala ring mangyayari dahil sarado na ang utak niya dahil galit siya. Nanatili kaming nagkakatitigan lang. Kalmado akong nakatingin sa kanya, samantala siya, halos manlisik na ang mata sa kakatitig saakin. “Mom!” Naputol lang ang labanan ng titigan namin nang pareho naming marinig ang boses ni Caleb. Nakita naming tumatakbo ito papalapit saamin. Muli ko lang naibalik ang tingin kay Cyndie nang tumingin din siya ulit saakin. Then she smirked at me that made me gulped. Bigla akong kinabahan sa ngisi niyang iyun kaya agad ko siyang inilingan. "Not my son, please." I beg. Natatakot ako sa binabalak niyang gawin sa anak ko. Baka anong maisipan niyang gawin. Baka ito ang pagbuntungan niya ng galit saakin. She smirked, mockingly, "Don't worry, I won't hurt him. Hindi naman ako kasing sama gaya ng iniisip mo.” Matapos iyun, sinalubong niya ang inosente kong anak. “Hi, baby!” masayang bati niya rito. Caleb smiled at her, "Hello po." "Ang gwapo mo naman. You really look like your dad." pinanggigilan niyang pisilin ang pisngi ng inosente kong anak, "What's your name, baby? Hmm?" "Michael Caleb Fuentes po." nakangiting sagot ng anak ko. Napapikit ako nang mariin. Hindi ko alam kung matutuwa ako sa pinapakita niya sa anak ko o malulungkot. Bumuntong-hininga ako saka lumapit sa dalawa. Hindi ko napigilang ilayo ang anak ko kay Cyndie na nakangisi lang saakin. "Why, Mommy?" inosenteng tanong ng anak ko. "Uuwi na tayo." Bigla siyang sumimangot, "But Daddy promised me that we'll play later. And he might mad if we leave without telling him." Magsasalita pa sana ako nang tumayo si Cyndie nang maayos. Humalukipkip siya. She still wearing her smirked, "Oo nga naman, Alejah. Your son wants to stay here." "He won’t." mariin kong sabi. "Natatakot ka?" She smirked. Para bang naninindak siya, "Natatakot ka bang kilalanin niya akong ina kapag natuloy ang kasal namin ni Jared?" napahigpit ang hawak ko kay Caleb dahil sa sinabi niya, "Don't worry. If that happens, I'll be good to him. I'll be good step-mother to him. I will love and treat him like my own son." Matapang ko siyang tingnan. Kapag anak ko na ang pinag-uusapan, ibang usapan na iyun. Itinago ko si Caleb sa likuran ko para maharap siya nang maayos. "I won't let that happen. Fine. Your fiance is all yours pero hindi ako makakapayag na pati ang anak ko, mapunta sa'yo." Matapos kong sabihin iyun sa kanya, nilagpasan ko siya habang higit-higit si Caleb. Nang makalabas kami ni Caleb ng gate ng bahay nina Tita Isabelle, saktong may dumaang taxi kaya agad ko itong pinara. Pagkasakay namin ni Caleb, agad kong pinalis ang luha ko saka ko binalingan ang nakasimangot kong anak. Bumaling din siya saakin. "Daddy will get mad because we left without telling him, Mommy." Ngumiti ako saka ko bahagyang hinaplos ang buhok niya, "He won't. Mahal ka ng daddy kaya hindi siya magagalit sa'yo, okay? Imi-message ko na lang siya mamaya para hindi siya magalit." He nodded that made me smile. Napawi lang 'yun nang maalala ko ang sinabi ni Cyndie kanina. Bumuntong-hininga ako saka muling tiningnan ang anak ko. "Promise me na kahit anong mangyari, hindi mo iiwan si Mommy, hmm?" Inosente siyang tumango, "I promise, Mommy,” nakangiti niyang sabi, pero mayamaya bigla ring kumunot ang noo niya, “And why would I leave you? What made you think of that? You're my mom that's why I'll never leave you because I love you so so so much, Mommy. No one can replace you, Mom." Hindi ko napigilang mapangiti ulit. Kahit papaano napagaan niya ang loob ko dahil sa sinabi niya. Namalayan ko na lang na may lumandas na luha sa pisngi ko. Sinubukan ko pang punasan, pero nakita na niya iyun. "Why are you crying, Mommy?" inosente niyang tanong. Umiling ako, "Wala. I'm just happy because you love me, baby." matapos kong sabihin iyun niyakap ko siya para hindi na siya magtanong pa. Hindi nagtagal, nakatulog siya sa buong byahe. Kaya pagdating namin sa bahay, agad ko siyang dinala sa kwarto namin at agad siyang hiniga. Nahiga rin ako sa tabi niya at nakangiting pinagmasdan ang mukha ng anak ko habang hinahaplos ang buhok niya. Takot na takot talaga ako sa sinabi kanina ni Cyndie. Ayoko. Ayokong dumating ang araw na may kilalanin siyang 'mommy' bukod saakin. Iniisip ko palang na tatawaging siyang 'mommy' ni Caleb, parang winawasak na ang puso ko. Ngayon lang ako naging selfish sa buong buhay ko. Kunin na ni Cyndie lahat saakin, huwag lang ang anak ko. Marahan kong hinalikan sa noo si Caleb saka ko ipinikit ang mata ko. Hindi ko namalayang nakatulog na rin pala akong puno ng takot at pangamba ang puso ko. Nagising na lang ako nang may nararamdaman akong nakayakap at nakadagan saakin mula sa likuran ko. Gulat akong napamulat lalo na nang makita ko ang kamay ng taong nakayakap saakin mula sa likuran ko. Sinubukan kong gumalaw pero bigla nitong hinigpitan ang yakap saakin. Sisigaw na sana ako sa takot sa taong mapanghas na nakayakap saakin nang bigla niyang takpan ang bibig ko. Until he spoke. "Just five minutes. Let me hug you, okay?" Hindi ko alam kung magiging kampante ako nang makilala ko ang nagmamay-ari ng boses na iyun. Ngunit hindi. Mas lalong naghumirintado ang puso ko dahil duon lalo na nang maisip kung anong posisyon namin ngayon. "W-What are you thinking?" kinakabahan kong tanong sa kanya. "Ikaw." Damn! Hanggang pati ba naman dito? Babanat siya? Mas lalong naghumirintado ang puso ko, "I'm not kidding, J-JD." "I'm not kidding, too," ramdam ko ang ngiti sa boses niyang halos bulong lang, “I am always thinking about you.” he added. Naramdam kong ibinaon niya ang mukha niya sa batok ko kaya napasinghap ako sa gulat. Narinig ko siyang nagmura nang mahina. "f**k. Kahit anong gawin at pilit ko sa sariling kalimutan ka, ikaw pa rin talaga." sobrang hina ng boses niya, sakto lang para marinig ko. Sakto lang para mas lalong maghumirintado ang puso ko dahil sa sinabi niya. "I'm sorry. But this time, I won't let your brother stop me from loving you again." Matapos niyang sabihin 'yun, mas lalo niya akong inilapit sa kanya. Mas lalo rin niyang hinigpitan ang yakap niya saakin. Hindi naman ako nakapagsalita dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung anong ire-react ko. Hindi ko alam kung anong gusto kong maramdaman ko. Damn him! Bakit niya ginagawa saakin ito? Paano niya nagagawa ito? Paano niya nagagawang saktan at pasayahin ako nang sabay? He’s the only man who can do that to me.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD