“Nikka,”
Pagkasakay namin sa kotse niya, agad niyang tinawagan ang sekretarya niyang si Nikka. Nakatingin lang ako sa kanyang abala sa pakikipag-usap kay Nikka.
“Find a nearest restaurant except Rhowee.. and reserve table for two..” napalunok ako nang bigla itong bumaling saakin, “Yeah. I'm going out on a date,” then he chuckled as he shook his head, “Thanks, Nikka.”
Matapos iyun, tinapos na rin niya ang tawag. After he put down his phone, he already stepped on the gas. Samantala, nanatili akong tahimik at wala akong ibang magawa kundi ang pakiramdam ang puso kong naghuhumirintado. Hanggang sa marinig ko ang pagtikhim niya.
“Talk to me, Alejah.”
Napabaling ako sa kanya. Lumunok ako para mawala ang nakabara sa lalamunan ko, “I don't know what to say.”
It's true. I'm still surprised. Hindi ako kapaniwala nang bigla siyang magyayaya ng date. Ni hindi pa ako nakapagpalit ng desenteng damit. Basta na lang niya akong hinila at pinilit na isakay sa kotse niya.
Seriously? Magdi-date kami? Without Caleb? Just the two of us? Am I dreaming?
Dati. Tandang-tanda ko pa kung paano ako madalas mag-day dream na kunwari dinadala ako sa date ni JD. Iniisip ko kung anong pakiramdam na makasama siya sa isang date. Sinusulat ko pa nga sa likod ng notebook ko nuon ang mga gagawin at pupuntahan kapag nangyaring iyun. Ngayon ko lang napagtanto, how crazy I was for him back then.
Bumalik lang ang diwa ko nang muli siyang magsalita.
“Baby, I’ll take you on a date to make you comfortable with me,” he said then he sighed, “Now tell me. What's your dream date?”
Napalunok ako sa tanong niya.
“Watch movie? Shopping? Take you to amusement park? Arcade? What else?”
Isa iyun sa mga naisulat ko nuon, pero ngayong hindi na ako bata tulad ng sinasabi nila nuon, iba na ang gusto kong gawin. May gusto akong subukan ulit. At tsaka ‘yung mga sinabi niya, nagawa na namin ng nakaraan... with Caleb. Kaya naman umiling ako sa suggestion niya.
“No. May gusto akong puntahan.”
Napasulyap siya sandali saakin, “Where?”
I smiled and told him where.
Wala pang dalawampu’t minuto, nakarating na kami sa pinakamalapit na Shooting Range. Nakatayo ako sa mahabang mesa na puno-puno ng kagamitan. Iba’t ibang klase ng baril at kung anu-ano pa.
“How did you know that?” I heard JD asked habang tinitingnan akong nilalagyan ng magazine ang handgun na hawak ko.
I glanced at him, “Nung nasa abroad kami, madalas akong dinadala ni Miguel sa Shooting Range duon kaya natuto na rin ako.”
He groaned and his eyebrow furrowed, “Baby, we’re dating. Stop mentioning that friend of yours.”
Napalunok ako, pero napatango rin kalaunan, “S-sorry.”
“It’s okay, but don't do it again. Anyway,” kinuha niya ang hearing protection at siya na mismo ang nagsuot saakin, “Let’s start. Let's see if you can shoot the target, like how you shot my heart.”
Pinamulahan ako ng pisngi sa sinabi niya. Damn. JD and his corny pick up. He just chuckled when he saw my reaction and put the protective eyewear on me. Nagsuot din siya para sa sarili niya saka kumuha ng sariling baril na gagamitin.
I sighed deeply and hold my handgun tightly as I pointed it on the target meters away from where we stand, then I shot it. Halos magkasabay lang naming ginawa iyun ni JD at halos magkasabay rin naubos ang balang nilagay namin sa mga baril namin.
Mabilis na tinanggal ni JD ang protective eyewear at hearing protection niya, at sa halip na ‘yung target niya ang titignan niya gamit ang monocular, ‘yung target ko ang tiningnan niya.
“Damn, Alejah! I didn't know that you were good at it!”
I can't help but smile. Para siyang proud na proud na tatay. Samantala, si Miguel naman nuon palaging nilalait ang gawa ko. Kulang pa raw ako ng practice. Anyway, forget about Miguel, because if JD can read my mind, baka kanina pa niya ako nabaril. I want to laugh on that thought.
Napalunok ako nang pumwesto si JD sa likuran ko at itinapat ang monocular sa mata ko, “Look, how good you are at this, baby.”
There, I saw it. Hindi naman siya bull's-eye talaga para masabing magaling talaga. Lakas lang talaga siguro mambola ng isang ito.
Nilingon ko siya matapos kong makita ang target kong tadtad ng bala, “Let’s see yours.”
He smiled and nodded. Muli kong itinapat ang monocular sa mata ko para tingnan ang target niya. Napanguso ako nang makitang halos lahat ng tama ng baril ay nasa gitna. Samantala ‘yung saakin naman, kalat-kalat.
“Mas magaling ka, ‘e.”
He laughed when he saw my pouty lips. He pinched my cheek and put the monocular down.
“Mas magaling ka para saakin. You know why?” I just gave him a confused look, “Hindi lang ‘yung target ang tinamaan mo, pati ‘yung puso ko. Bull's-eye pa.” he winked.
Oh my God!
“JD!” I glared at him kahit pulang-pula na naman ang pisngi ko dahil sa mga biglaan niyang banat. Tinawanan niya lang ang reaksyon ko at saka hinawakan ang kamay ko nang akmang tatalikuran ko siya para itago ang namumula kong pisngi.
“I really love seeing you blush, Alejah, so you don't need to hide that beautiful face of yours,” sabi niya saka pinagsalikop ang mga daliri namin, “Anyway, let's get out of here. Where do you wanna go next?”
Hindi na niya binitawan ang kamay ko habang papalabas kami ng Shooting Range at hanggang makasakay kami ulit sa kotse niya.
Kung anu-ano lang pinag-uusapan namin habang nasa byahe kami patungo sa susunod naming distinasyon. Ni hindi ko nga namalayang komportable na akong nakikipag-usap sa kanya.
We went to ice cream parlor. Pero agad ko yatang pinagsisihang dito ko naisipang pumunta dahil agaw atensyon ang isang ito. Kanina pa siya binabalingan at sinusulyapan ng mga babaeng costumer ng parlor. Maging mga college student, napapatingin sa direksyon namin dahil sa kanya.
Hindi ko namalayang kunot na kunot na pala ang noo ko habang kinakain ang ice cream sa harapan ko. Bumalik lang ang diwa ko nang marinig ko ang pagsalita ni JD na nakaupo sa harapan ko.
“Why? Don't you like the ice cream? I thought you like it here? Do you wanna go somewhere?”
Napakurap ako at muling binalingan ang kanina pa napapabaling sa direksyon namin saka ko binalik ang tingin ko kay JD. Muli akong napakurap habang nakatingin sa kanya.
Seriously, Sanmiego? Hindi mo man lang napapansin itong mga babaeng kanina pa halos mabali ang leeg sa kakatingin sa’yo?
Sa halip na isatinig, umiling na lang ako, “No. I like it here.” sabi ko saka sumubo ng ice cream.
“Baby,” pagkuha nito ulit sa atensyon kaya muli akong napatingin sa kanya, “You have a dirt here..” tinuro niya sa sarili niyang labi.
Agad akong tumalima. Kumuha ako ng tissue sa harapan ko at akmang pupunasan ko na ang dumi sa labi ko nang hawakan niya ang kamay kong ikinagulat ko.
“Let me do it.”
Nagulat ako nang tumayo siya saka inilapit ang mukha niya sa mukha ko. Mas nagulat ako sa sunod niyang ginawa. He claimed my lips in front of everyone. Oh my God!
Ilang segundo lang din namang tumagal ang halik na iyun. Then he sexily licked his lips as if he was tasting it.
“Hmm. I think your lips are better than ice cream.”
Bigla na lang akong nasinok habang gulat na nakatingin sa ginawa niya kaya tumawa siya saka niya inilapit ang bibig niya sa tainga ko para bumulong.
“Don’t mind them. Stop frowning as if someone will get my attention. They can stare at me as long as they want, pero hanggang duon lang iyun. Pero ikaw, hindi lang tingin ang puwede mong gawin. Puwede mo rin akong hawakan hangga't kailan mo gusto dahil sayong-sayo ako.” he winked and returned to his seat after what he said.
Napatakip ako sa bibig ko para pigilan sana ang pagsinok ko pero hindi ko rin ito napigilan kaya muli siyang humalakhak.
Damn! JD and his corny tactics! It's really surprising!
Marami pa kaming pinuntahan ni JD. Dahil hapon na niyang naisipan ang date na ito, hindi na kami tumatagal sa bawat lugar na pupuntahan namin. At sa bawat lugar na pupuntahan namin at kahit anong gawin namin, hindi niya nakakaligtaan magbitiw ng mga banat.
It's corny but sweet for me. Alam kong gumagawa siya ng paraan para mapagaan ang pakiramdam ko at para na rin mawala ang uncomfortable na nararamdaman ko, and he made it. Sa huli, nagagawa ko nang tawanan ang mga banat niya.
I could say that this date was perfect. Hindi ko akalaing mangyayari ang bagay na ito na dati ay dini-day dream at pinapangarap ko lang. Hindi ko akalain na makaka-date ko si JD. For me, it's a dream come true. Kung nananaginip man ako, sana hindi na ako magising pa.
Pero hindi ko rin maiwasang mag-isip kung nagawa niya rin kaya ito nuon sa mga naging girlfriend niya? Nagbitiw rin kaya siya ng mga banat sa mga ito? Sa huli, kinalimutan ko na lang ang pag-iisip ko ruon. Ang importante ngayon. Ang mahalaga natupad na ang isa sa mga pinapangarap ko lang noon.
Alas sais na nang gabi nang mapagdesisyon naming lumabas sa sinehan kahit hindi pa tapos ang movie na pinapanuod namin.
Hawak-hawak niya ang kamay ko habang palabas kami ng mall. Mukhang nasanay na rin ako sa gesture niyang ganun kaya parang bale-wala na rin saakin. Ni hindi ko na pinagtuunan ng pansin ang mga matang nakasunod saamin, lalo na sa kanya, dahil ang mahalaga, hindi naman niya pinagtutuunan ng pansin ang mga ito. His attention is all on me.
“Where are we going now? Are we going home?” tanong ko nang makasakay kami sa kotse niya.
He glanced my way and then smiled, “No. Let’s have dinner first.”
Tumango na lang ako at hindi na nagtanong pa.
He took me to a fancy restaurant to have a dinner with him. Panay ang sulyap niya saakin habang kumakain kami. Sumisikdo pa rin ang puso ko sa gesture niyang iyun, pero wala na akong ilang na nararamdaman. I think, tama siya. This date could be help me para masanay ako sa presensiya na. At sana magtuloy-tuloy na ito.
“Sigurado ka bang hindi ako hahanapin ni Caleb?” tanong ko sa kanya mayamaya dahil kanina ko pa rin ito iniisip. Hindi ko kayang hindi nakakasama nang matagal ang anak ko at ganun din siya saakin.
He sips his champagne first, “Yeah. He knew that I’ll take his mom on a date.”
I blushed because of what he said but I still managed to compose myself. I cleared my throat, “Okay. Tapusin na natin ang dinner na ito para makauwi na tayo.”
He nodded as he stared at me, “Sure.”
Mabilis naming tinapos ang dinner namin dahil mukhang hindi lang ako ang naaatat umuwi para makita ang anak namin.
“Alejah,” pagkuha niya sa atensyon ko habang nagmamaneho siya kaya napabaling ako sa kanya, “Did you enjoy our date?”
Sobra.
I nodded, “Yeah,” I answered instead, then I smiled, “Thank you. I never thought this would be happen.”
Napasulyap siya saakin, “This date?”
I nodded, “Date with you.” I admit.
Ano pa bang matatago ko? Sabi ni Kuya, alam na nila noon pang may pagtingin ako kay JD. Nakakahiya ang parteng iyun pero napawi rin iyun sa lahat ng mga nangyari. He likes me. Not love. Pero sapat na para malamang may nararamdaman siya para saakin.
Inihinto niya ang kotse nang makarating kami sa tapat ng bahay. Inalis niya ang seatbelt niya saka muling tumingin saakin.
“I think I should be the one thanking you,” napalunok ako nang lumapit siya saakin. He put his palm on my cheek and stared at me, “Thank you. Thank you for making my day so happy.”
I gulped again when his eyes down to my lips. Awtomatiko akong napapikit nang makita kong mas inilapit pa niya ang mukha sa mukha ko. Hanggang sa maramdaman ko ang paglapat ng labi niya sa labi kong buong puso ko namang tinanggap.
I wrapped my arms around his neck and kissed him back. Pero bago pa lumalalim ang halikan namin, may biglang kumatok sa pinto ng kotse ni JD.
“Sanmiego, get out of this car.”
Parang dejavu ang nangyari nung nakaraan, ‘yun nga lang dahil sa pamilyar na boses ng kapatid ko kaya naitulak ko si JD sa gulat.
“Sanmiego, I know you're there. Lumabas ka riyan.”
Napalunok ako. My older brother's voice is calm pero alam kong kabaligtaran ang nararamdaman nito sa loob nito.
JD's car is tinted kaya hindi naman siguro nito nakita ang paghalikang ginawa namin ni JD, pero hindi ko pa rin maiwasang kabahan. Lalo na nang marinig ko ang pagbuntong-hininga ni JD kaya napabaling ako sa kanya.
Akmang bubuksan na niya ang pinto nang pigilan ko siya, “JD, what are you doing?”
“I’ll talk to your brother. Don't worry.”
Bago ko pa siya mapigilan, lumabas na siya ng kotse, kaya kahit kinakabahan ako kay Kuya, lakas loob pa rin akong lumabas ng kotse. Sumalubong kaagad saakin ang seryosong mukha ni Kuya.
“K-kuya..”
Napalunok ako nang hindi ko mabasa ang ekspresyon ng mukha nito, “Pumasok ka na sa loob, Alejah. Kakausapin ko lang ang isang ito.” his voice is calm.
“Pero, Kuya —”
He sighed deeply saka niya tinuro ang bahay, “Ang sabi ko, pumasok ka.”
Magsasalita pa sana ako nang kunin ni JD ang atensyon ko kaya napabaling ako sa kanya, “Pumasok ka na, Alejah. Ako na ang bahala rito.”
Ibinuka ko ang bibig ko para magsalita pa sana pero hindi ko rin tinuloy, sa halip, napabuntong-hininga na lang ako saka tumango at pumasok sa bahay kahit nagdadalawang isip akong iwan ko sila ruon. Baka ano kasi ang maisipang gawin ni Kuya.
“Mommy!”
Sinalubong ako ni Caleb nang makapasok ako sa bahay. I smiled a little and kissed him on his cheek.
“How’s your date with Daddy?” he innocently asked.
Natawa ako nang marahan. Makapagtanong naman kasi ang anak kong ito parang may alam na siya tungkol sa bagay na iyun.
“It was fun, baby.”
Nagsalubong ang kilay niya, “Madaya si Daddy! I said I want to come with you but he said he wants to be alone with you!”
Pinigulilan kong matawa dahil bakas sa mukha nito ang pagtatampo.
“Mommy, next time. I’ll take you on a date, too. I want to date you, Mommy.”
Hindi ko na napigilang matawa dahil sa sinabi nito. Pinigilan ko rin naman kaagad ang tawa ko saka umupo sa harapan niya.
Hinawi ko ang buhok niya sa noo, “Baby, lagi na tayong nagdi-date nuong wala pa ang daddy mo. Kaya hindi na kailangan dahil araw-araw na tayong nagdi-date. Lagi mo na akong kasama.”
Ngumiti na rin siya kapagkuwan kaya nanggigigil kong kinurot ang pisngi niya saka tumayo na. Saktong lumabas mula sa kusina si Mommy.
“Alejah!” lumakad siya papalapit saamin, “Nandiyan ka na pala.”
“Hi, Mom.” I kissed her cheek.
Ngiting-ngiti siya nang muli akong harapin, “Sabi ni Caleb, lumabas daw kayo ni Jared?”
Pinamulahan ako ng pisngi sa sinabi ni Mommy. So she knew it too. I nodded after that.
Mommy chuckled, “Kaya ayun. Masamang-masama na naman ang loob ng Kuya mo. Kanina pa kayo hinihintay nun,” pinigilan kong mapaikot ng mata dahil sa sinabi ni Mommy, “Anyway, where's Jared?”
Speaking! Napatingin ako sa pinto, saktong pumasok mula rito si Kuya na wala na namang ekspresyon ang mukha.
“Kuya, where's JD? Anong ginawa mo sa kanya?”
Napunok ako nang ibaling niya saakin ang seryoso niyang mukha, “He went home. Don’t worry, wala akong ginawa sa kanya. We just talked, okay na?” suplado nitong sagot.
“Talk lang ba talaga?” hindi ko naitago ang pagdududa sa boses ko.
He smirked that made me gulped, “Kung alam mo lang, Alejah. How I wish I can break his face.”
“Zyrel!” suway ni Mommy.
Tinalikuran kami ni Kuya na nailing-iling. Samantala, kaagad naman akong nagpaalam kay Mommy na pumunta sa kwarto. Hindi ako kampante sa sagot ni Kuya kaya kaagad akong nagtipa ng mensahe para kay JD.
Ako:
What happened? Did Kuya do something to you?”
Matagal pa siyang nakapag-reply dahil siguro nasa byahe pa siya. Kaya nagdesisyon muna akong maligo. Pagkatapos kong maligo, agad kong ni-check ang cellphone ko at nang may nakita akong mensahe galing kay JD, agad ko itong binuksan at binasa.
Jared:
He did nothing. We just talked. That's it. See you tomorrow.
Gusto ko pa sanang magtanong kung anong pinag-usapan nila, kung nag-usap nga lang ba talaga, pero mukhang wala naman siyang balak sabihin kaya hindi na ako nagtanong pa.
Kinabukasan nang pumunta siya sa bahay para sunduin si Caleb at ihatid sa school, nakahinga ako nang maluwag nang wala naman akong nakitang pasa o kung ano sa mukha niya. Buong gabi ko kayang pinag-isipan kung may ginawa talaga si Kuya sa kanya.
Araw-araw, ganun ang set-up namin ni JD. Susunduin niya rito sa bahay si Caleb para ihatid sa school. Hindi na naulit ang date namin pero walang araw na hindi niya napapakita ang ka-sweet-an niya. Naging abala na rin kasi siya sa trabaho kaya madalas, kapag susunduin at ihahatid niya lang si Caleb kami nagkikita at nagkakasama. I'm fine with it.
“Caleb, apo!”
Isang araw, tuwang-tuwa si Tita Isabelle nang muli kaming bumisita sa bahay nila. Sabado, kaya mukhang hindi gaanong abala si JD sa opisina kaya nagawa niyang magyaya papunta rito sa bahay nila dahil nami-miss na raw ni Tita si Caleb.
I smiled habang tinitingnan ko si Tita Isabelle na pinupugpog ng halik ang anak ko. Nang magsawa ito, saka ito tumayo at humarap saakin.
“Hi, hija” bati saakin ni Tita at bineso ako. I smiled at her, “Mas lalo kang gumaganda ngayon ah. Blooming ka. May manliligaw ka na ba?” kumindat pa si Tita saakin.
“Ma!” umigting ang panga ni JD sa sinabi ng ina kaya mas lalo akong nagpigil ng ngiti.
Manliligaw? Is he courting me? Wala naman siyang tinatanong sa bagay na iyun. At saka, ano bang alam ko sa panliligaw? Hindi pa ako naligawan kahit kailan kaya wala akong ideya kung panliligaw na ba ang ginagawa saakin ni JD saakin.
“Why so possessive with Alejah, Jared? Hindi naman kayo.”
JD sighed in annoyance, “She’s the mother of my son.”
“Yeah, that’s the point. She’s just the mother of Caleb kaya wala ka nang pakialam kung magkaroon man ng manliligaw itong si Alejah.. Maliban na lang kung..”
Binigyan nang makahulugang titig ni Tita Isabelle si JD. Inirapan lang niya ang ina nito. Natawa na lang ako sa kasupladuhan ni JD. Nang mapansin niya iyun, bigla niya akong sinamaan ng tingin. Pinigilan kong umirap. Suplado!
“Ma’am Belle, may naghahanap po kay Sir Jared.” sabi ng maid na biglang lumapit saamin.
Parehong kumunot ang noo ni Tita Isabelle at JD sa sinabi nito, “Sino?”
Bago pa masagot ng katulong ang tanong ni JD, napatingin na kaming lahat sa pinto ng bahay nang may biglang pumasok na hindi inaasahang bisita.
“Tita!” masayang sabi nito habang halos lakad-takbo na ang ginagawa papalapit saamin. Beneso niya si Tita Isabelle nang tuluyan na siyang makalapit saamin.
“Tita, I miss you!” masayang sabi nito saka bumaling kay JD na bakas din sa mukha ang pagkagulat habang nakatingin sa hindi inaasahang bisita.
Lumapit siya kay JD. I automatically looked away because of what she did next. She kissed JD. My heart sank because of that scene.
“C-Cyndie, what are you doing here?” bakas pa rin sa boses ni JD ang pagkagulat.
Nang muli kong ibalik ang tingin sa kanya, nakita kong nakatingin na rin siya saakin. His eyes are full of emotions that I can't name. Kaya naman muli akong umiwas ng tingin para hindi niya makita ang emosyon sa mga mata ko.