I still can remember the tears I shed because of JD years ago. Noong panahong nagkakaruon siya ng bagong girlfriend. Nagkukulong ako sa kwarto para umiyak at wala akong ibang mapagsabihan kundi ang best friend kong si Shannon. At hindi ko akalaing mapapawi ang mga masakit na naramdaman ko nuon dahil lang sa nangyari.
Matapos nang nangyari. After JD confessed to me that he likes me, lagi na niya akong tini-text, or even call me. Hindi lang para kamustahin ang anak ko, kundi kamustahin na rin ako.
He has been sweet to me and until now I still couldn't believe that this is all happening. Hindi ko alam na mararanasan ko rin iyung mga naranasan ng mga naging girlfriend niya nuon.
Girlfriend. I want to laugh on that thought. Because I actually don't know what the real score between us. Yes, he said he likes me at kahit hindi ko sabihin sa kanya, alam naman niya ang nararamdaman ko. We kissed, pero hindi ko alam kung anong meron kami. He never asked me about that, ganun din naman ako.
Bumalik lang ang diwa ko mula sa malalim na pag-iisip nang biglang tumunog ang cellphone ko. Napalunok ako nang makita kong nagvi-video call siya.
Bumuntong-hininga ako at lumabas sa kwarto para puntahan si Caleb sa baba na nag-aaral kasama ang bago niyang Yaya.
Magdadalawang linggo na rin mula nang makabalik si Caleb sa school nang makahanap si JD ng bago niyang Yaya. Siya ang naghanap ng bagong Yaya ni Caleb na hindi ko na kwinestyon pa.
“Caleb!”pagkuha ko ng atensyon nito nang makalapit ako sa kanya. Agad naman siyang napaangat ng tingin saakin, “Your dad.”
Nakangiti siyang lumapit saakin saka excited na kinuha ang cellphone saakin. Siya na mismo ang sumagot ng tawag.
“Hello, Daddy!”
Bumuntong-hininga ako at hinayaan ko muna siyang kausapin ang daddy niyang nasa ibang bansa ngayon.
Tatlong araw na rin siya sa bansang Thailand dahil nandun ang franchise ng kompanya nila. Sa tatlong araw na iyun, wala siyang ginawa kundi ang tumawag o video call. At sa tatlong araw na nagvi-video call siya, hindi ko iyun sinasagot, si Caleb ang pinapasagot ko.
Matapos kasi nang araw na inamin niya saaking gusto niya ako, ilap pa rin ako sa kanya. Hindi ko pa rin kaya tuwing kaharap at kausap siya. Alam mo ‘yung feeling na, masaya ka naman kapag nandiyan o kausap mo siya pero hindi ka lang talaga kompartable? I don't know. Kaya mas pinili ko na lang na huwag siyang kausapin, maliban nga lang kapag nagtatanong siya tungkol kay Caleb. I have no choice but to talk to him.
“Really, Daddy?” pagpatuloy ng pag-uusap ng mag-ama.
Bumuntong-hininga ako habang sinusulyapan ko lang ang anak kong kinakausap ang ama niya. Hanggang sa mapadapo ang tingin ko sa drawing ni Caleb na nasa ibabaw ng coffee table. Mukhang ito ‘yung pinagkakaabalahan niya kanina nang lapitan ko siya.
Kinuha ko iyun at hindi ko napigilang mapangiti. It's a family picture. A happy family picture. Lalo na’t may nakasulat sa bawat taong drawing na mommy, daddy and me and he draw it well.
“Mommy,”
Napakurap lang ako dahil sa boses ni Caleb. Nakita kong nakatayo na siya sa gilid ko.
“Dad wants to talk to you.”
Muli akong napakurap at napalunok sa sinabi niya, “Why?”
He shrugged, “I don't know. Just talk to him, will you?” bossy nitong sagot. Napailing na lang ako sa kasupladahan nito saka ko kinuha sa kanya ang cellphone na nilalahad niya saakin.
Like father, like son.
Tumayo ako saka nailing-iling na lumayo sa kanya. Pero nang maalala ko ang sinabi ng anak ko, agad kong naramdaman ang pagkabog ng puso ko.
He wants to talk to me? Anong pag-uusapan namin? Eh nakausap na niya si Caleb.
Nang makarating ako sa garden sa labas ng bahay, pinuno ko muna ng hangin ang baga ko bago ito inilabas baka sakaling makalma ang sarili ko, lalo na ang puso kong nagwawala na naman saka ko itinapat sa mukha ang cellphone ko.
I gulped when I saw him lying on his hotel bed, topless, his hair is messy, his eyes is tender, kaya hindi agad ako nakapagsalita.
Bumuga muna ako ulit ng hininga saka ko pinilit na makapagsalita, “Hi..”
He yawned. Halata sa mukha niya ang pagkaantok. Natutulog pa ba siya? Bigla akong nakaramdam ng awa. Kahit dito nang nandito pa siya naging abala siya sa trabaho sa opisina. I think something is wrong with their company. Hindi niya sinasabi pero alam kong meron.
“Are you okay? Did you sleep well?” I couldn't help but ask.
Kinusot niya ang antok niyang mga mata, “Honestly, no.”
“Why?”
He smiled, “I can't sleep thinking about you.”
Agad akong pinamulahan ng pisngi dahil sa sinabi niya. Napansin niya iyun kaya bigla siyang humalakhak.
Sinamaan ko siya ng tingin kahit naghuhumirintado na ang puso ko sa banat niya, “JD.. I’m serious.”
He chuckled again, “I’m serious, too,” mayamaya tumigil din ito sa pagtawa at biglang nagseryoso, “Honestly, Alejah. I’m thinking about you. Kala mo ba hindi ko napapansing mula nang inamin ko sa’yong gusto kita, iniiwasan mo ako?”
Hindi ko naitago ang gulat sa mukha ko dahil sa sinabi niya. Oh my God! He noticed it. Akala ko hindi niya napapansin dahil wala naman siyang sinasabi. Ngayon lang niya sinabi ang tungkol sa bagay na iyun.
“Baby, I didn't tell you what I feel for you just to avoid me ,” he continued, “I told you that to inform you that we feel the same way and you don't have to worry about. You don't have to overthink.”
Lumunok ako para mawala ang nakabara sa lalamunan ko, “I-I'm not avoiding you. I’m just feeling uncomfortable when I’m talking or I’m with you.” pag-amin ko.
He chuckled, “Baby, that's natural because you like me.”
I'm not just like you. I love you, moron!
I want to correct him but of course I won't do that hangga't hindi kami pareho ng nararamdaman. He thought I just like him which is not because I love him.
“Please, baby, don’t do that again. Stop avoiding me,” sabi niya saka sumeryoso ang mukha niya, “If you'll do that again, watch till I get back. Let's see if you can still avoid me.”
Napalunok ako sa banta nito kaya wala akong magawa kundi ang tumango kahit hindi ako sigurado kung makakaya ko ba.
Palihim akong nagpapasalamat na iniba niya ang topic kalaunan. He asked me about Caleb. Siyempre, sinabi ko naman lahat ng ginagawa ni Caleb lalo na sa school.
“How about Ate Lena?”
Si Ate Lena ‘yung bagong Yaya ni Caleb na kinuha niya. Nasa thirties na siya.
“She’s fine. Naaalagaan naman niya nang mabuti si Caleb. Mabuti nga iyun para makapaghanap ako ng trabaho.”
“Work?” he asked, confused.
“Yeah.”
“You want to find a job? What for?”
“For... Caleb’s future?” I gulped.
He groaned, “Baby, you don't need to find a job for Caleb’s future. I'm here. Ako na ang bahala sa kinabukasan ng anak natin. But if you really want to find a job, why don't you apply in our company?”
Napalunok ako sa suggestion niya.
“Hmm wait,” inilagay niya ang daliri niya sa baba niyang parang nag-iisip saka bumuntong-hininga, “On the second thought, huwag na lang pala. Baka wala akong matapos na trabaho. Baka puntahan lang kita sa working station mo at halikan ka buong maghapon.”
“JD!” pinandilatan ko siya kahit pulang-pula na ang mukha ko sa mga pinagsasabi niya, “S-stop teasing me.”
He just laughed. Um-echo yata tawa niya sa loob ng kwarto ng hotel suite niya. At hindi ko mapigilang mapatitig sa gwapo, masaya at maaliwalas niyang mukha. Hanggang sa namalayan ko na lang ang sarili kong nangingiti na rin habang nakatitig sa kanya.
Humaba pa ang usapan namin. Ni hindi ko na nga namalayan ang sarili kong komportable na palang nakikipag-usap sa kanya. Pero siguro dahil ginawa niya ang lahat para maging komportable ako sa usapan namin.
Natapos lang ang pag-uusap namin nang kinailangan na niyang pumasok sa trabaho.
Ginugol ko na lang ang buong araw ko sa pag-aalaga at pagbabantay kay Caleb. Kahit naman kasi may Yaya na ulit siya, hindi pa rin dapat ako pakampante. Ayaw ko na ulit mangyari ang nangyari sa kanya dati.
Days passed. Palaging ganun ang nangyayari araw-araw. Tatawag o video call si JD para kamustahin kami ni Caleb. I won't deny that I already missed him pero hindi ko lang bino-voice out. Sa ngayon, kuntento na akong nakakausap namin siya araw-araw sa cellphone.
“Take care, Caleb. Huwag kang pasaway,” bilin ko kay Caleb nang ihatid ko siya isang araw sa school na pinapasukan niya saka ko binalingan si Ate Lena, “Ate, ikaw na po bahala kay Caleb. Call me if something happens, ha?”
“Yes, Ma’am.”
Tumango ako saka ko muling binalingan ang anak ko, “Caleb, I gotta go.”
Kaagad naman siyang lumapit saakin para humalik sa pisngi ko, “Bye, Mom. See you later.”
I smiled, “Bye. Sunduin kita mamaya, ha?”
Tumango siya kaya nakangiti akong nagpaalam sa kanya.
Bumuntong-hininga ako nang makabalik ako sa sasakyan ko. Inilabas ko ang cellphone ko para tawagan si Shannon pero hindi ko siya ma-contact.
Napakunot ang noo ko habang nakatitig sa cellphone ko.
Hindi ito ang unang beses na sinubukan kong tawagan si Shannon. At tulad ng mga naunang subok ko, hindi ko matawagan ang cellphone number niya.
Ano kaya nangyayari ruon? Ang huling kita namin, noong nag-walk out siya dahil sa pinagsasabi ni Miguel.
Bumuntong-hininga ako saka ako nagtipa ng mensahe para kay Miguel.
Ako:
Do you know where Shannon is? I can't contact her. I'm worried.
Limang minuto bago siya nakapag-reply.
Miguel:
Don’t worry. She won’t kill herself.
Napairap ako nang mabasa ko ang reply niya. Hindi man lang ba siya nag-aalala duon sa isa? Bumuntong-hininga ako at muling nagtipa ng mensahe.
Ako:
How are you sure that she won't kill herself? Anyway, where are you? Hindi na rin kita nakikita.
He replied immediately.
Miguel:
You missed me already? I'm sorry you can't see my handsome face now. I'm busy.
Ako:
Busy in what?
Miguel:
Woman
Napairap na lang ulit ako sa hangin at hindi na siya ni-reply-an. Mukhang wala akong mapapala ngayong araw sa pakikipag-usap sa kanya. Kaya naman, nagtipa na lang ako ng mensahe para kay Shannon. Matapos iyun umalis na ako.
Dahil wala naman akong gagawin, sinubukan kong mag-apply ng trabaho kahit sinabihan na ako ni JD na hindi ko na kailangang gawin iyun, pero sinubukan ko pa rin. Ilang kompanya rin ang in-apply-an ko pero lahat sila puro tatawagan na lang daw ako o hindi kaya see you daw sa next interview. Mahirap na talagang maghanap ng trabaho sa panahon ngayon, kaya hindi na ako nagtaka.
Umuwi na lang ako sa bahay matapos iyun. Ginugol ko ang oras ko sa paglangoy sa swimming pool. Ang boring naman kasi. Wala akong makausap na matino. Hindi ko naman makausap nang matino si Mina. Siya lang naman kasi ang kasambahay na matanda lang saakin nang ilang taon, the rest forties and fifties na.
Kalaunan, umahon muna ako. Isinuot ko ang bathrobe saka ko kinuha ang cellphone para tawagan si Ate Lena. Wala pang isang minuto, sinagot naman niya ito.
“Hello, Ate? Kapag oras ng labasan ni Caleb, huwag muna kayong lalabas, ha? Susunduin ko kayo.” sabi ko habang pinapatuyo ko ang buhok ko gamit ang towel.
“Ma’am, uhm...”
Natigilan ako sandali, “Bakit, Ate?”
Hindi ko alam kung ba’t ako kinabahan, lalo na nang maalala ko ang nangyari nuon kay Caleb. Ganitong-ganito iyun.
“A-ate, may nangyari ba?” kinakabahan kong tanong.
“Uhm, Ma'am..”
Magsasalita pa sana ako nang marinig ko ang pamilyar na boses ni Caleb mula sa likuran ko.
“Mommy!”
Agad akong napalingon sa kinaruruonan niya. Lahat ng takot, pangamba at kaba na nararamdaman ko kanina’y agarang naglaho nang makita ko siyang tumatakbong papalapit saakin.
Hindi ko napigilang yakapin siya nang tuluyan siyang makalapit saakin.
“Pinag-alala mo ako. Akala ko kung ano na naman ang nangyari sa’yo.” sabi ko nang iharap ko siya saakin kahit nagtataka siya sa ekspresyon ng mukha ko.
“Teka..” kumunot ang noo ko nang may naalala ako, “Anong... paano ka nakauwi? ‘Di ba bilin ko sa’yo, huwag kang aalis dahil susunduin kita? Where's your Yaya Lena?”
Tinuro niya ang dinaanan niya kanina kaya napatingin ako rito. Nagulat ako dahil sa halip na si Ate Lena ang makita ko, ang isang taong hindi ko inaasahang tao ngayong araw ang makikita ko sa direksyong tinuturo ni Caleb.
“Daddy picked me up at school.”
Ni hindi ko na halos marinig ang sinabi ni Caleb. Nanatili ang mga mata ko sa taong hindi ko inaasahan.
“JD..” I whispered to myself.
He smirked as he walked towards us when he saw my surprise reaction written on my face. Hanggang sa makalapit siya saamin hindi ko pa rin maalis ang mata ko sa mukha niya.
“I thought... sa makalawa ka pa uuwi.” I gulped after what I said.
He smiled as he stared at my face, “I can't wait to go home. I'm already missing someone.”
Hindi na ako nakapagsalita. Wala akong nagawa kundi ang lumunok lang habang nakatitig sa mukha niya, ganun din naman siya saakin.
“Daddy!”
Naputol lang ang titigan namin nang biglang kunin ni Caleb ang atensyon nito. Hinawakan siya ni Caleb sa kamay kaya napabaling din siya rito.
“Let’s play already. You promised me, Daddy!”
JD chuckled as he messes up Caleb’s hair, “Okay, young man.”
Hinila na siya ni Caleb. Nagpahila naman siya rito. Pero bago siya tuluyang makalayo saakin, he grabbed my nape and claimed my lips. Nagulat ako sa ginawa niya kaya matagal bago ako nakabawi.
“I missed you.” he whispered after the kiss.
Matapos iyun, natatawa siyang tuluyang nagpahila sa anak na mukhang hindi naman nakita ang ginawa niya dahil abala ito sa paghila sa kanya.
Nang tuluyan na silang nawala sa paningin ko, wala ako sa sariling napahawak sa labi ko habang malakas ang kabog ng puso ko. Hanggang sa namalayan ko na lang ang sarili kong nangingiti na pala habang iniisip ang paghalik na ginawa niya.
I can't believe he's back!
Matapos kong makapagbanlaw, nanalagi muna ako sa kwarto. I don’t how to face him. Iba pa rin kasi talaga kapag sa cellphone mo siya nakakausap. Mag-iisang oras na ako rito sa kwarto pero hindi pa rin ako makapag-isip nang matino.
I sighed deeply to calm myself down, “You can do it, Alejah. Just face him like nothing.” I said to myself.
Tinampal-tampal ko pa ang pisngi ko saka ako huminga nang malalim at nagdesisyon nang lumabas ng kwarto. Hinanda ko pa ang sarili ko habang pababa ako ng hagdan, pero ganun na lang ang pangungunot ng noo ko nang hindi ko makita ang mag-ama sa sala ng bahay.
Where are they? Saan na ba nagpunta ang mga iyun?
Saktong napadaan si Mina kaya agad ko itong tinawa, “Mina!”
“Po, Ma’am?” lingon niya saakin habang may dala-dala itong tinuping damit.
“Nakita mo ba si Caleb at... JD?”
“Ahh ‘yung anak mo at si Sir Pogi?” nakita ko ulit ang pagningning ng mata nito nang mabanggit ang endearment niya kay JD. Pinigilan kong umirap.
“Oo. Sila nga. Where are they?”
Nawala ang kislap sa mata nito at pokerface na ulit niya akong tiningnan, “Ewan ko. Baka nandiyan lang sa tabi-tabi. Pakihanap na lang. Marami pa akong ginagawa.”
Matapos niyang sabihin iyun, tinalikuran niya akong nakanganga. Mayamaya, gusto kong matawa. That's the reason kung bakit ayaw kong makipag-usap sa kanya. Ang gulo niyang kausap. Hindi ko maintindihan. At higit sa lahat, ang hilig mangbara. Hindi ko talaga alam kung saan napulot ni Kuya ang isang ito.
Nailing-iling na lang ako saka tumungong dining room, nagbabasakaling duon ko makikita ang dalawa. Pero hindi ko rin sila nakita ruon. Lalabas na sana ako nang may mapansin akong nakapatong sa table.
Lumapit ako ruon para kunin ang isang pulang rosas na nakapatong duon. What is this for? At kanino nanggaling ito?
Nailipat ko ang mga mata ko sa platong may takip pa ng isang plato. Napansin kong may note sa itaas nito. Ganun na lang ang paglakas ng t***k ng puso ko nang mabasa ang nakasulat sa note.
'Eat well, baby. I made these for you.'
So, this came from him? For what?
Unti-unting may sumilay na ngiti sa labi ko dahil duon. JD’s sweetness is really surprising.
Ngiting-ngiti ako habang kinakain ang masasarap na pagkaing niluto niya. I enjoyed eating. Marami naman akong natikmang mas masasarap na pagkain, tulad ng luto ni Mommy at Miguel. Pero itong luto ni JD. Ewan ko ba at kahit wala namang special sa niluto niya pero ngayon lang ako kumain nang ganito kasaya kahit mag-isa lang akong kumakain.
“You liked it?”
“Yeah —” bigla akong nabulunan nang mapagtanto kung sino ang nagmamay-ari ng boses na narinig ko mula sa likuran ko.
Mabilis akong uminom ng tubig saka ako tumayo at gulat na humarap sa kanya.
“JD..”
Nakahalukipkip siyang nakatayo sa harapan ko. Napalunok ako sa seryoso niyang mukha, “You’re avoiding me again, Alejah.”
Napaiwas ako ng tingin, “I-I’m not.”
“Oh yeah?” he said sarcastically.
Ibinaba niya ang mga kamay niyang nakahalukipkip at lumakad papalapit saakin kaya napakapit ako sa gilid ng lamesa. Abot-abot ang tahip ng dibdib ko at marahas akong napalunok nang tuluyan na siyang makalapit saakin.
“If you are really not avoiding me. I challenge you. Go out with me.”
Bago pa ako makapagprotesta, hinawakan na niya ang kamay ko at basta na lang hinila.