KABANATA 21

4050 Words
Kabanata 21 “Baby, look at me.” mahinang tawag ni JD. “Daddy, I’m playing!” Caleb said habang nakatutok ang mga mata nito sa cellphone ni JD na kanina pa niya nilalaro. JD cleared his throat and then he chuckled. Ramdam na ramdam ko naman ang pamumula ng pisngi ko dahil alam kong hindi si Caleb ang tinatawag niya. It was me. Kanina pa niya gustong kuhanin ang atensyon ko pero hindi ko siya nililingon. Dahil hanggang ngayon nag-iinit pa rin ang pisngi ko dahil sa pinagsaluhan naming halik kani-kanina lang. After that kiss, ni hindi ko na siya matignan o masulyapan man lang. Huli ko lang na-realize ang pagtugon sa halik niya. Hiyang-hiya ako at hindi ko maintindihan. Damn, Alejah. Nahiya ka pa talaga sa lagay na iyun, ah? At isa pang bumabagabag saakin ang sinabi niya. He said he missed me and I shouldn't make him jealous again. He jealous? With whom? Miguel? Bakit siya magseselos kay Miguel? Is he... Mas lalong lumalakas ang kabog ng puso ko sa posibleng dahilan. Kalaunan, ipinilig ko ang ulo ko para ipaalala sa sarili kong imposibleng mangyari iyun kahit ang totoo asang-asa na ako. Posible ba iyun? Posible ba niya akong magustuhan sa kahit kunting panahon na nagkita ulit kami? Naputol lang ang pag-iisip ko nang marinig ko ang muli nitong pagtikhim, kasunod nun ang pagbanggit nito sa pangalan ng sekretarya niya, “Nikka...” Hindi ko tuloy napigilang mapabaling sa inuupuan nito. Nakita kong nasa tapat ng tainga nito ang telepono na nakakonekta yata sa opisina ng sekretarya niya. “Cancel my appointment this afternoon.” he said to his secretary as he tapped his reddish lips with his finger. Hindi ko mapigilang mapalunok habang nakatingin sa nilalaro niyang labi. Hindi naman niya alam ang paninitig ko dahil nakatagilid siya sa banda ko habang kausap ang sekretarya niya, naka-de quarto at bahagyang ginagalaw-galaw ang inuupuang swevil chair. “I’ll have a dinner with my son and...” Dahil nanatili akong nakatitig sa labi niya, laking gulat ko nang bigla siyang tumingin sa banda ko. Hindi ko tuloy naitago ang gulat ko nang ilipat ko ang tingin sa mata niyang nakatuon agad saakin. Unti-unting tumaas ang sulok ng labi niya, “... the mother of my son.” he continued, he then chuckled as he looked away. Napapikit ako nang mariin habang pinapakiramdaman ang pag-iinit ng pisngi ko. Damn. He saw it! Nakita niya akong nakatitig sa labi niya. Oh my. Kung puwede lang tumalon mula rito sa opisina niya kanina ko pa ginawa. “Sure.. uhm, six-thirty... yeah.. just send me the details to my personal number, okay?.. Okay. Thank you.” Hindi ko na ulit siya sinulyapan. Sunod kong narinig ang pagbaba ng telepono nito at pagtikhim. Mayamaya, nakita ko sa gilid ng mga mata ko ang pagtayo nito. Naikuyom ko ang kamay kong nakapatong sa kandungan ko nang lumakad ito papalapit sa kinauupuan naming sofa ni Caleb. Napalunok ako nang tumayo ito sa harapan namin ni Caleb. “Hey,” pagkuha nito sa atensyon namin. Si Caleb ang unang nag-angat ng tingin sa kanya. “Aren’t you busy anymore, Daddy? Are you done with your works?” “Yeah.” “That’s mean.. we can already play?” “Yes..” Dahil sa sinabi niya, nagtatalon sa tuwa si Caleb. Tuwang-tuwa pa itong agad na nagpabuhat sa kanya. Napaangat tuloy ako ng tingin sa dalawa. Humahalakhak na tinitingnan ni JD ang anak na masayang-masaya. Napalunok lang ako nang bumaling ito saakin, pero hindi ko na nagawang umiwas ng tingin. Then he smiled at me a little and turned his back at me without saying anything. Bumuntong-hininga ako at kalaunan, sumunod na rin ako sa kanila ng anak ko. Naghahagikhikan sila na parang may sariling mundo, walang pakialam sa mga nagtataka at kuryusong mata ng mga empleyadong nakakasalubong namin. Nasa likuran lang ako ng dalawa. “Sir!” Napahinto lang kami nang makasalubong namin si Nikka. May mga kasama itong isang babae at lalaki na mukhang empleyado rin ng kompanya. “Nikka, like I said. Just send the details to my personal number.” sabi ni JD kay Nikka gamit ang pormal na boses nito. Malaki ang ngiting tumango si Nikka, “Opo, Sir,” sagot nito saka bumaling saakin, “Nice meeting you again, Ma’am Alejah. At sa’yo rin, baby Caleb.” Magsasalita pa sana ako pero nagsimula na ulit humakbang si JD kaya nginitian ko na lang si Nikka at kaagad na sumunod sa mag-ama. Pero hindi pa man kami nakakalayo narinig ko na ang kuryusong tanong ng mga kasama ni Nikka. “Sino ba iyun, Nikka?” “Girlfriend ni Sir Jared. Tapos ‘yung batang karga-karga ni Sir Jared, anak nila. Ang cute nila, ‘no?” Lilingunin ko pa sana si Nikka matapos kong marinig ang sinabi niya, pero hindi ko rin nagawa nang biglang hawakan ni JD ang kamay ko at hilahin papasok sa elevator. Pigil ang hininga kong tiningnan ang kamay kong hawak-hawak niya. Marahan niya itong pinisil kaya nag-angat ako ng tingin sa kanya. Wala naman saakin ang atensyon nito, nasa anak kong tuwang-tuwa sa pagkukuwento ng kung ano. Naalala ko ang sinabi ni Nikka. Unti-unti kong naramdaman ang pag-iinit ng pisngi ko. Nikka thought that I’m his boss’s girlfriend! Did JD heard it? Oo. Narinig niya iyun. Pero bakit hindi man lang niya itinama ang sinabi ni Nikka? Bakit hinahayaan niyang mag-isip nang ganun ang sekretarya niya? Hanggang sa bumukas ang pinto ng elevator nang makarating sa groud floor, hindi niya pa rin binibitawan ang kamay ko. Mas lalo tuloy dumami ang mga kuryusong matang nakasunod saamin, lalo na sa kamay kong hawak-hawak pa rin ni JD. Dahil sa sobrang pagkailang, sinubukan kong bawiin ang kamay ko. Pero mas lalo lang niyang hinigpitan iyun. Naramdaman ko pa ang muling pagpisil niya nang marahan dito kaya muli akong napaangat ng tingin sa kanya. Napanguso ako nang makitang nanatili siyang nakikipagtawanan sa anak ko. Pero kapag may bumabati sa kanyang empleyadong nakakasalubong namin, binabati niya ito nang seryoso at pormal. Medyo nakahinga lang ako nang maluwag nang bitawan niya ang kamay ko nang makarating kami sa parking lot para buksan ang pinto. Nang maisakay niya si Caleb sa passenger's seat, pinagbuksan naman niya ako ng pinto sa front seat. Pinamulahan ako ng pisngi nang hinintay niya muna akong makapagsuot ng seatbelt saka niya isinarado ang pinto sa tapat ko at umikot para makasakay na rin ng sa driver's seat. Nakangiti niyang nilingon si Caleb nang makasakay siya, “Where do you wanna go?” tanong niya sa anak. “Timezone!” “Timezone then,” he said and start the car engine, “But before we go, make your mom talk to me first.” Gulat akong napabaling sa kanya dahil sa sinabi niya. Nakita kong nakangisi siyang nakatingin saakin. “Kanina pa niya ako hindi kinakausap,” pagpatuloy niya habang hindi inaalis ang tingin saakin bago muling nilingon ang anak ko, “Ask her if did I’ve done anything wrong that she didn't like.” Dahil sa inutos niya sa anak, dumukwang sa pagitan namin si Caleb, “Mommy! Talk to my daddy!” I heard JD chuckled kaya sinulyapan ko siya at hindi ko napigilang pandilatan na muli lang niyang ikinatawa nang marahan. He just shrugged at me before he finally stepped on the gas. Kinulit ako nang kinulit ni Caleb na kausapin ko raw ang daddy niya. Halos nasa harapan na rin siya at kumandong na saakin. Tuwang-tuwa naman ang ama nito sa pangungulit nito saakin. “Mommy! Mommy, look at me!” hinawakan pa nito ang pisngi ko para maiharap sa kanya ang mukha ko, “Are you mad at my daddy?” “No,” tipid kong sagot. “Then, why are you not talking to him?” “Uhm, I just...” napasulyap ako kay JD na nakangiti lang din kaming sinusulyap-sulyapan habang nagmamaneho. Napabuntong-hininga ako at muli kong binalingan ang anak kong naghihintay sa sagot ko, “I just don't know what to tell him.” Caleb frowned at me, nanghalukipkip pa ito, “You’re weird, Mommy. Daddy will not eat you if you'll talk to him naman, ‘e.” Magsasalita pa sana ako nang tumikhim si JD, “Stop asking your mom, Caleb. Bumalik ka na sa puwesto mo. Mabigat ka na para kandungin ka pa ng mommy mo.” Agad namang sumunod si Caleb sa utos ng ama. Nagkatinginan kami ni JD matapos iyun. Ako rin naman ang unang sumuko dahil hindi ko matagalan ang titig niya kaya natatawa siya nang marahan saka muling ibinalik ang tingin sa daan. We spent our whole afternoon in Timezone. We enjoyed playing Arcade. Kung anu-anong nilaro namin duon. Pakiramdam ko tuloy bumalik na naman ako sa pagkabata. Kinalimutan ko muna ang kabog ng puso ko ngayong malapit si JD saakin. Inisip ko na lang na natural na lang iyun tuwing kasama, nasa malapit o nakikita ko siya. “Go, Mommy!” Caleb cheered for me. Kanina ko pa sinusubukang kuhanin ang Pikachu stuffed toy na gusto ni Caleb na nasa loob ng clae machine. Nakailang tokens na ako pero hindi ko pa rin makuha-kuha. I’m not good at this game for sake! Si Shannon ang expert sa larong ito. At hindi ko alam kung ba’t naisipan ng mag-amang ako ang palaruin dito. “Cheer your mom again, baby.” I heard JD whispered to Caleb. Hindi ko muna sila pinagtuunan nang pansin. Seryoso kong hinahawakan ang joystick ng claw machine. Hanggang sa mapasimangot na lang ako nang makasampung subok na ako pero hindi ko pa rin nakuha. Narinig ko ang paghalakhak ni JD sa likuran ko kaya nilingon ko siya. Hindi ko napigilang samaan siya ng tingin kaya napatigil siya at napatikhim na lang. “Ayoko na. I give up,” binitawan ko ang joystick, “Maghanap na lang tayo ng ibang laro. Huwag na ito.” Hindi ko na hinintay makapagsalita pa ang dalawa. Tinalikuran ko na sila. Pero hindi pa man ako nakakahakbang nang hawakan ni JD ang kamay kong ikinaigtad ko sa gulat. “Uh-oh..” he said. Muli niya akong iniharap sa claw machine. Napalunok ako nang maramdaman ko siya sa likuran ko, “We won’t leave until you don’t get the stuffed toy that our son wants. Do you want him to be sad?” he whispered to my ear. Ramdam na ramdam ko ang mainit niyang hiningang tumatama sa likod ng tainga ko kaya ramdam ko rin ang pagtayo ng balahibo sa batok ko. Wala akong magawa kundi ang umiling bilang tugon sa tanong niya sa kabang nararamdaman. “I’ll help you.” Siya na mismo ang nagpasok ng tokens sa machine at muling pumwesto sa likuran ko. Muli akong napalunok nang hawakan niya ang kamay ko at igiya niya ito sa joystick. Hindi niya binitawan ang kamay kong nakahawak sa joystick. Pareho kami ngayong nakahawak sa joystick. At dahil ang nasa isip ko ang katawan niyang nakadikit sa likuran ko, siya na ang gumiya sa joystick. Ni hindi ko na napapansin ang pag-cheer ni Caleb saamin dahil sa lakas na kabog ng puso kong halos mabingi na ako. Napalunok ako nang ilapat niya ang kabilang palad niya sa tiyan ko. If you look at it, it's like he’s hugging me from behind. Mukhang ako lang naman ang nakakaramdam ng pagkailang sa posisyon namin dahil patuloy lang niyang ginagalaw ang kamay kong may hawak sa joystick. “J-JD, you're too close..” sa wakas ay nakahanap din ako ng salita. “Am I making you uncomfortable?” he whispered back in my ear. Dahan-dahang pagtango lang ang nagawa ko. “Am I making your heart beat faster?” muli niyang tanong sa tainga ko. Napalunok ako saka dahan-dahang tumango. “Same, baby. Every time I see you or you're with me, my heart beating so fast. That's why you have nothing to be ashamed of because we just feel the same way.” Nanlalaki ang mata kong napatingala sa kanya dahil sa huling sinabi niya. Pero nakita kong wala saakin ang mga mata nito, kundi nasa claw machine. Nanatili akong nakatingala sa kanya habang nakangiti naman siyang nakatingin sa claw. Did I heard him right? We feel the same way? That's mean.. he likes me too? “Here we go..” Naputol lang ang pag-iisip ko nang magsalita siya habang nasa claw machine pa rin ang atensyon nito. Sunod kong narinig ang masayang sigaw ni Caleb, kaya napakurap-kurap ako saka ko muling ibinalik ang tingin sa claw machine. Nanlaki ang mata ko nang maiangat na niya ang Pikachu stuffed toy na kanina ko pang sinubukang kuhanin. Panandalian kong nakalimutan ang sinabi at lapit ng katawan ni JD saakin dahil nasa Pikachu stuffed toy na malapit na naming makuha ang atensyon ko. Hindi ko napigilang igalaw na rin ang kamay ko. “Careful, baby. You might drop it.” he said. I did what he said. I calmed myself down and concentrate. Hanggang sa magtatalon na lang sa tuwa si Caleb nang tuluyan na naming makuha ang stuffed toy na gusto niya. Awang ang bibig ko at hindi kapaniwala. Binitawan na ako ni JD para kunin ang stuffed toy na nakuha namin saka niya ito ibinigay sa anak naming nagtatalon sa tuwa. “Mom! Dad! You did it!” Caleb ovation. “No. Your mom did it so say thank you to her.” Lumapit naman saakin si Caleb habang yakap-yakap ang stuffed toy na gusto niya. He hugged me with his free hand. “Thank you, Mom. You're the best. I love you.” Hindi ko napigilang mapangiti dahil sa sinabi ng anak ko. Nakangiti kong hinaplos ang buhok niya, “I love you, too, baby.” He smiled and back to his daddy, “You, too, Daddy. I love you, too. You and Mom are the best.” JD chuckled, “Me, too, young man. Daddy loves you so much.” Iniangat ko ang tingin sa mukha ni JD na nakangiting ginugulo nang bahagya ang buhok ng anak. Napawi ang ngiti ko nang muli kong maalala ang sinabi niya kanina. He didn't say that word directly but is it possible that he really likes me? Or I’m just assumed something? Nagulat ako nang mag-angat din ito ng tingin saakin. Pero ko na nagawang mag-iwas ng tingin sa kanya lalo na nang ngumiti siya. Wala akong nagawa kundi ang kumurap habang nakatingin sa gwapo niyang mukha. Is it really possible? Halos isang oras pa ang minalagi namin sa Timezone. Walang ginawa ang mag-ama kundi ang maglaro na ikinatuwa ni Caleb. Eksaktong alas sais nang napagpasyahan na naming umalis. “Are we going home already, Daddy?” tanong ni Caleb sa ama nang makasakay kami sa kotse nito. “No,” lingon nito sa anak, “We’ll have our dinner first.” Dahil sa sinabi nito, napabaling ako sa kanya. Saktong nakatingin na rin ito saakin. “Is it okay with you if I ask you to have a dinner with me?” Napalunok at napakurap lang ako sa tanong niya. Pinakalma ko muna ang naghuhumirintado kong puso at nagbilang nang sampu bago unti-unting tumango. He smiled because of that then he finally started the car engine and stepped on the gas. Nagulat ako nang inihinto ni JD ang kotse niya sa tapat ng restaurant ni Mommy. I expected that he’ll have our dinner in other restaurant. Hindi naman sa ayaw ko, pero paano kung makita kami ni Mommy? Anong iisipin niya? At si Kuya? Paano kung nandito? Kung wala pa namang trabaho ang kapatid ko, tumutulong siya sa pag-asekaso ng restaurant na dati ay kay Daddy. Hindi naman Class A or five star ang restaurant ni Mommy pero masasabi kong hindi papahuli ang mga pagkaing hinahain dito. I’m not into this kind of business kaya bihira lang ako pumunta rito. Bukod sa may kalayuan ito sa bahay namin, ayaw ko lang talaga. Sa katunayan, mula nang dumating kami Caleb dito sa bansa, ngayon lang ulit ako nakapunta rito. Bumalik lang ang diwa ko nang pagbuksan ako ni JD. Huminga ako nang malalim at bumaba na. Tiningnan ko siya para sana manghingi ng eksplenasyon pero ngumiti lang siya at iginaya si Caleb papasok sa restaurant. Bumuga ako nang malalim at sumunod na rin sa mag-ama kalaunan. Nagulat ako dahil pagdating namin sa loob may gumaya saamin na isang waitress patungo sa isang vacant table. Jared Sanmiego's reservation. Is he planned this dinner? Nang makaupo kami, may lumapit saaming pamilyar na waitress. “Good evening, Ma’am and Sir.” bati nito saamin. “Christine.” I called her name. Nung una kunot noo siyang nakatingin saakin, parang nagtatakang tinawag ko siya sa pangalan niya. Mayamaya, napasinghap siya, “Ma’am Alejah!” I smiled, “Where’s mom?” Hindi siya agad nakasagot dahil palipat-lipat ang tingin niya saamin ni JD na nasa menu lang na hawak nito ang atensyon habang nagtatanong sa anak na katabi nito kung anong gusto nito. Bahagyang kumunot ang noo ko nang tumagal ang tingin nito kay JD. Hanggang sa mapansin ko ang pamumula ng pisngi nito. “Christine!” pukaw ko. Napakurap ito at muling napabaling saakin. “Y-yes, Ma’am?” “Where’s mom?” ulit kong tanong. “Nasa kitchen po. Gusto niyo po tawagin ko po siya?” Huminga ako nang malalim, “Hindi na. Mamaya na lang.” Matapos iyun, kinuha niya ang order ni JD. Kitang-kita ko ang pamumula ng mukha nito habang sinasabi ni JD ang orders gamit ang seryoso at pormal nitong boses. Hindi ko mapigilang mapairap sa hangin. Wala pa rin talaga siyang pinagbago. Agaw atensyon pa rin talaga siya. Nang dumating ang dinner namin, tahimik lang akong kumain. Hindi na ako nag-angat ng tingin sa mag-amang naririnig kong nag-uusap nang kung ano. Pero mayamaya kong nararamdaman ang pagsulyap saakin ni JD. “Hey,” pagkuha nito sa atensyon ko mayamaya kaya napaangat ako ng tingin sa kanya, “Are you okay?” Tumango lang ako kahit hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit naiinis ako sa ideyang hanggang ngayon nakakaagaw pa rin siya ng atensyon sa mga babae. “Are you sure?” paninigurado nito habang nakataas ang kilay. Tumango ulit ako at bago ako nag-iwas ng tingin, hindi ko naitago ang iritasyon ko kaya narinig ko ang mahina niyang halakhak. “Someone is being grumpy..” I heard he said and chuckled again. Napakunot ang noo ko. Is it normal to feel jealous after I heard from him that we feel the same way? Wait. What? Did I said it? I am jealous? Normal lang din ba iyun? Ang makaramdam ng selos kahit hindi kayo? Tahimik na ulit ang naging pagkain ko. Hindi na ako nag-angat ng tingin lalo na’t ramdam na ramdam ko ang paninitig ni JD. Hanggang sa natapos ang dinner namin hindi na ako nagsalita. Hindi na rin ako nakapagpaalam kay Mommy like I planned dahil sa gumugulo sa isipan ko. At saka Mom is busy, hindi niya rin kami maaasekaso. Hindi niya alam na nandito kami. “What’s bothering you?” Napakurap ako nang marinig ko ang boses ni JD. Napasulyap ako sa kanya na seryosong nagmamaneho ng kotse saka ako tumingin sa rear view mirror para tingnan si Caleb. Nakita kong tulog-tulog na ito sa likuran habang yakap-yakap ang stuffed toy. Muli kong ibinalik ang tingin kay JD. He sighed deeply, his eyes still on the road, “Will you please tell me what's running on your beautiful mind, baby?” Napakurap at napalunok ako sa lambing ng boses nito. I liked JD for years. No. Scratch that. I loved him for years. Noon, nangangarap lang akong sana tingnan niya rin ako, hindi bilang kapatid ng kaibigan niya, kundi isang babae. Na sana mahalin niya rin ako gaya ng pagmamahal ko sa kanya. Hanggang sa nangyari iyun. I left and I tried to move on. I thought I already did but I knew to myself that I’m just fooling myself. I never stopped loving him and until now my heart beating fast because of him. Kaya hindi ko akalain nangyayari ang bagay na ito ngayong araw. He kissed me. He said he missed me. He said I shouldn't make him jealous. And he said, we feel the same way. Is that really possible? Na gustuhin niya ako kaagad sa kunting panahon? “Baby..” Muli akong napakurap sa napakalambing niyang boses. Ngayon ko lang napansing naihinto na pala niya ang kotse sa tapat ng bahay. Ganun na ba kalalim ang pag-iisip ko para hindi ko mamalayang nakarating na kami sa tapat ng bahay? He's now leaning on his seat, looking at me with his tender eyes. Tumikhim ako para mawala ang nakabara sa lalamunan ko, “N-nothing.” I said and looked away because I couldn't hold his gaze, “S-sige na. Kailangan na naming pumasok sa bahay.” Akmang bubuksan ko na ang pinto nang hawakan niya ang kamay kong nakahawak sa door handle ng kotse para pigilan ako. Pasinghap ko siyang binalingan. Nahigit ko ang hininga ko nang ma-realize kong sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko. Hindi ko na nagawang itago ang gulat sa mukha ko. “Uh-oh..” Tulad kanina, mukhang ako lang naman ang naapektuhan sa lapit ng katawan namin. Until I remembered the kiss. Naramdaman ko ang pag-iinit ng pisngi ko dahil duon. “J..D..” Inilagay ko ang bakanteng kamay sa dibdib niya para sana ilayo siya saakin, pero hindi niya hinayaan. Hinawakan niya rin iyun gamit ang bakante niyang kamay. “Hmm?” Hindi ko mapigilang mapapikit sa lambing ng boses niya. “My baby is overthinking.” Para akong hinehele sa lambing ng boses niya. Samantala, nanatili akong nakapikit. Naramdaman ko na lang ang paghawi nito sa takas na buhok na nasa mukha ko saka niya ito inilagay sa likod ng tainga ko. “What are you thinking, hmm? Care to tell me what’s running on your mind?” I didn't answer. Hinahayaan ko lang siyang magsalita. “Are you bothered by what I said to you earlier?” Dahan-dahan akong tumango. “Then, I’ll tell you, baby. It's true. I like you.” Dahil sa sinabi niya, napamulat ako. Hindi ko naitago ang gulat sa mga mata ko. Agad nagtagpo ang mga mata namin. Hindi na niya ako hinintay na makapagsalita pa. Ginamit niyang pagkakataon ang gulat ko para sakupin ang nakaawang nang bahagya kong labi. Oh my God! Did I heard him right? He just confessed! He likes me! “I like you very much, Alejah.” he said between the kiss that made my heart flutter. Napakapit ako sa braso niya nang laliman niya ang halik. Ipinikit ko ang mata ko at hindi ko napigilang tugunin ang halik niya. Mayamaya nang halos pareho na kaming hindi makahinga, sandali niyang itinigil ang halik. Pareho kaming malalim ang paghinga. “Do you like my kiss?” Napalunok ako, pero dahan-dahan ding tumango. No need to deny it. I like his kisses. Bahala na nga lang bukas o sa makalawa. He smiled, “Me too. I like kissing you,” he huskily said, then his eyes down to my parted lips, then to my eyes again, “Do you want me to kiss you again?” Marahas akong napalunok, pero tulad kanina, dahan-dahang din akong tumango, “Y-yes.” His smile widened and then he tilted his head and claimed my lips again. Agad ko rin namang tinugon nang buong puso ang nakakawalang ulirat niyang halik. “Mom? Dad?” Awtomatiko ko lang naitulak si JD nang marinig ko ang pamilyar na boses ni Caleb. Gulat akong napabaling dito. Nakita kong kinukusot-kusot pa nito ang mata niya habang nakatingin saamin. “Are we already home?” Alanganin akong tumango kahit hindi pa rin ako nakakabawi sa pagkabigla. Tumango naman siya at mayamaya huminga ito nang malalim at ngumuso, “Don’t worry, Mom. I’ll pretend that I didn't see anything. I’ll pretend I didn't saw you and Daddy kissing.” Mas lalong nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Sunod kong narinig ang malakas na halakhak ni JD sa loob ng kotse dahil sa sinabi ng anak. Dahil sa kahihiyan ko, iniwan ko silang dalawa sa loob ng kotse. Lesson: don't kiss when your kids are around... even though they're sleeping.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD