KABANATA 20

3314 Words
Matapos nang nangyaring iyun, sa mga nagdaang mga araw, hindi na ulit dumalaw si JD sa bahay. Hindi ko alam kung may kinalaman iyun sa huling mensahe niya o talagang naging busy lang siya sa kompanya nila. Pero kung talagang busy siya, sana naman ni isang beses kamustahin man lang niya ang anak niya, ‘di ba? I pouted on that thought. “Mommy, kailan ulit bibisita si Daddy?” tanong ng anak ko isang araw. Napatigil ako sa pagbutones ng polo niya. Kalaunan, napahinga ako nang malalim saka ko hinaplos ang medyo basa pa niyang buhok dahil katatapos lang niyang maligo. “I don’t know, baby.” He pouted, “Is he busy again, Mommy? He made a promise that he’ll be back because he wants to play with me again but he didn’t.” “I think so, baby,” mas lalo siyang sumimangot. I don’t want to see him like this. Frowning. Kaya nang makaisip ako ng paraan para pagaanin ang loob niya, nginitian ko siya. “Gusto mo pagkatapos nating pumunta ng church, bibisitahin natin siya sa bahay nila?” His face lightened up because of what I said, “Yes, Mommy!” Natawa ako nang marahan saka ko siya dinampian ng halik. After that, pumunta kami ng pamilya ko sa simbahan para magsimba. Marami akong pinagpapasalamat sa kanya. I thanked Lord for the blessings He gave to me. Hanggang ngayon nagpapasalamat pa rin ako sa Kanya sa pagbigay saakin nang pangalawang pagkakataon para makasama ang anak ko. Matapos naming magsimba, agad akong nagpaalam kay Mommy at Kuya na pupunta kami sa bahay ni Tita Isabelle dahil gusto makita ni Caleb ang daddy niya. Okay lang naman iyun kay Mommy pero kay Kuya sinungitan na naman ako. “Do what you want.” he said before he walked out. Nailing-iling ako habang sinusundan ng tingin ang kapatid ko. Napabaling lang ako kay Mommy nang tapikin niya ang balikat ko. Nginitian niya ako nang tipid, “Ako na ang bahala sa kapatid mo. Basta ingat kayo ng apo ko, ha? Send my regards to your Tita Isabelle.” Hinaplos niya pa ang pisngi ko at beneso ako saka niya hinarap ang anak ko para magpaalam. Excited na excited si Caleb na muling sumakay sa kotse ko. Hindi nawawala ang ngiti ko dahil sa kanya. Pero hindi ko rin maiwasang kabahan lalo na kapag naiisip kong makikita ko siya. Ang daming what ifs sa isipan ko. Isa na doon kung.. Paano kung hanggang ngayon galit pa rin siya saakin at ayaw niya akong makita kaya hindi rin siya pumupunta sa bahay? Ayaw ko sanang pumunta sa bahay nila pero ayaw ko namang sirain ang mood ng anak ko. Hindi nagtagal, nakarating na rin kami sa tapat ng bahay nila. Hindi ko pa man naalis ang seatbelt ko, binuksan na ni Caleb ang pinto saka excited na tumakbo papasok sa bahay nina Tita Isabelle. Nailing na lang ako saka ako bumaba na rin ng kotse para sundan siya. Pagpasok ko sa bahay nila, nakita ko ang nakangiting si Tita Isabelle na halatang giliw na giliw na nakaupo sa harapan ng anak kong masayang nagkukwento. “... and I prayed.” naabutan kong kwento ng anak ko kay Tita Isabelle. “Ano namang ipinagdasal mo?” “That I thanked Him for giving Mommy and Daddy...” Habang masayang nagkukwentuhan ang mag-lola, gumala ang mata ko sa loob ng bahay. Umaasang makikita ko siya pero wala siya. Hindi ko alam kung wala talaga siya rito sa bahay o nandito siya pero ayaw lang niya kaming salubungin. Bumalik lang ang diwa ko nang bigla akong kausapin ni Tita Isabelle na hindi ko namalayang nakatayo na pala, “Thanks, hija, kasi naisipan mong bumisita rito kasama ang apo ko. But why didn’t you tell me? Nakapaghanda sana ako.” Ngumiti ako nang tipid, “Biglaan po kasi, Tita. Gusto po kasi makita ni Caleb makita ang daddy niya.” I gulped. “Ganun ba? Sayang naman. Jared is not here. He’s now very busy in his office so he hasn't come home for a few days. Sa condo na niya siya nagpapalipas nang gabi dahil mas malapit iyun sa opisina niya.” So that's it. “But, Lola. I want to see Daddy. Can you call him?” biglang pagsali sa usapan ni Caleb. Bahagyang hinaplos ni Tita Isabelle ang buhok ni Caleb, “I’m sorry, apo. I already tried to call him but his phone is off. Your Lolo said may meeting daw sila ngayon.” My son pouted kaya muling umupo si Tita Isabelle sa harap niya at bahagyang pinisil ang magkabila niyang pisngi. “Aww. My dear grandson, huwag ka nang malungkot,” pag-aamo niya rito pero hindi nagbabago ang ekspresyon ang mukha nito, “Wait. I have an idea! Do you really want to see your Daddy, apo?” Bahagyang umaliwalas ang mukha ng anak ko dahil dun, “Opo, Lola.” Tita Isabelle smiled wider, “You’ll see your Dad.” Mas lalong lumiwanag ang mukha ng anak ko, “Talaga po, Lola?” “Yes,” Tita Isabelle said, “Manang Flora!” biglang tawag niya sa isa sa mga kasambahay nila na agad namang lumabas mula sa kusina. Tumayo si Tita Isabelle at agad na kinuha ang isang bagay na nakabalot ng isang tela na kulay pula. Nang makaalis si Manang Flora saka ako hinarap ni Tita Isabelle, “Can you do me a favor, hija?” Napalunok ako ng sariling laway, “A-ano po iyun?” “Ang totoo niyan pupuntahan ko sana sa opisina si Jared dahil gusto ko ‘tong ibigay sa kanya. Nag-request kasi siya saakin nung isang araw na gusto niyang kumain ng broccoli salad. Buti na lang talaga at napadalaw kayo rito. Tamang-tama my friends called me earlier. Hija, pwede bang ikaw na lang ang magdala nito sa opisina ni Jared?” “Pero, Tita.” “Sige na, hija. Isama mo na rin si Caleb, mas matutuwa iyun kapag nakita niya ang anak niya. Tulad ng sinabi ko, ilang araw na rin siyang abala sa opisina. At alam kong miss na miss na niya anak niya.” Gusto ko pa sanang tanggihan si Tita Isabelle pero alam ko namang wala na akong magagawa. At isa pa, ayaw kong masira ang mood ng anak ko lalo na nang sabihin sa kanya ni Tita Isabelle na dadalawin namin ang ama niya sa opisina nito kahit hindi pa ako pumayag. Kaya sa huli, napilitan din akong sundin ang gusto nito. Kaya habang nasa byahe kami patungong kompanya nina JD, kung si Caleb halata ang excitement at pakanta-kanta pa, ako hindi mapakali sa kaiisip na makikita ko siya. Paminsan-minsan pinipitik ko ang daliri ko sa manobela at sinusulyapan ko ang pinadala saakin ni Tita Isabelle na request daw si JD. I bit my bottom lip. Damn. I don’t know how to face him after he told me that he’s mad at me for lying. Mas lalo kong naramdaman ang paghuhumirintado ng puso ko nang huminto ang kotse sa tapat ng matayog na building. Hinubad ko ang seatbelt saka ko binalingan si Caleb na nakadungaw sa bintana at kita ang pagkamangha sa mukha nito habang nakatingin sa building. “Wow! This is where my daddy works?” I sighed and nodded. “Baby,” pagkuha ko sa atensyon niya. Agad naman siyang bumaling saakin, “‘Pag nakapasok tayo, huwag kang makulit, ah? Bawal ang makulit sa building na iyan. Your dad will get mad.” Tumango siya nang maraming beses, bakas pa rin sa mukha ang pagkamangha, “Yes, Mommy.” pagsang-ayon naman niya na ikinangiti ko kahit papaano. Matapos iyun, tuluyan na rin kaming pumasok sa building nina JD. Hinawakan ko nang mahigpit ang kamay ni Caleb saka lumapit sa front desk kung saan may mga nakatayong naka-uniforming tatlong babae. Pagkalapit namin dun, agad kong kinuha ang atensyon ng isa sa kanila, “Excuse.” Napatigil siya sa kung anong tina-type niya sa kaharap na laptop saka tumingin saakin. Ngumiti siya saka bahagyang tumungo, “Good morning, Ma’am, what can I do for you?” Napalunok ako. Magsasalita na sana ako nang biglang magsalita ang anak ko, “We’re here to see my daddy!” Nagulat ako. Sa sobrang lakas ng boses ng anak ko, nakuha niya ang atensyon ng ibang dumadaan. Nang muli kong ibalik sa babaeng employado ang tingin ko, nakita kong nawala ang ngiti sa labi nito at napalitan ng gulat. Pati ’yung dalawang kasamahan niya, nasa amin na ang atensyon. Mayamaya, kumurap nang ilang beses ang babaeng kaharap ko, “Excuse, Ma’am, but who’s Daddy your son's talking about? Is he working here? In what department, Ma'am?” “His name is—” bago pa matuloy ni Caleb ang sasabihin tinakpan ko na ang bibig niya saka ngumiti nang alanganin sa babaeng kaharap. “No. I’m here because the wife of this company’s owner asks me to give this to her son, Jared Dylan Sanmiego.” She slightly nodded, “Okay. Wait lang, Ma’am. Iche-check ko lang sa secretary ni Sir Dylan.” Tumango lang ako kaya kinuha niya ang wireless telephone niya saka niya ni-contact ang secretary ni JD. She asked my name kaya sinabi ko rin. Matapos nang ilang segundong pag-uusap, muli itong tumungin saakin. “I’m sorry, Ma’am, but Sir Dylan is still in conference room right now because he’s having a meeting with the stockholders. But his secretary said, you can go to his office. Tumawag na rin po kasi ang Mama ni Sir Dylan na darating kayo. Nasa 40th floor po ang office ni Sir Dylan. You can use the elevator on the right side.” I slightly smiled at her, “Thank you.” Ngumiti siya nang malaki at muling tumungo nang bahagya, “You’re welcome, Ma’am.” Tumango lang ako saka lumakad na. Nang makasakay kami sa elevator, huminga ako nang malalim saka binalingan ko ang anak ko. “Baby, sinabi ko nang huwag makulit, right?” Nakanguso siyang tiningala ako, “But, Mommy, I’m not makulit. I just told her that I want to see my daddy,” nailing-iling na lang ako sa sinabi niya, “Mommy, are you mad?” “No, I’m not.” Saktong huminto na ang elevator sa tapat ng floor kung saan ang office ni JD. Nang bumukas ito, hinigpitan ko ang hawak sa kamay ni Caleb saka lumabas na. Paglabas na paglabas namin dito, nagulat ako nang may biglang sumalubong saaking babae na base sa pustura nito, nagtatrabaho rin sa kompanya na ‘to. Her smile widened, “Good morning, Ma’am,” pormal at magalang niyang bati, “If I’m not mistaken, you’re Miss Alejah Fuentes that Ma’am Belle told me earlier. And this is your son, Caleb,” I just smiled and nodded. Nilahad niya ang kamay niya saakin, “I’m Nikka Tuason. Sir Dylan’s secretary. It’s a pleasure to meet you, Ma’am.” Dahil sa sinabi niya, agad kong pinasadahan ang mukha niya, maging ang katawan niya. She’s wearing pencil cut skirt na hapit na hapit kaya kitang-kita ang magandang hubog ng katawan niya. And her face. Red lips, long eyelashes, black eyes, pinkish cheeks and short hair. “Ma’am?” Napakurap-kurap ako mula sa paninitig sa kanya nang kunin niya ang atensyon ko. Napangiti ako nang alanginin saka ko tinanggap ang kamay niyang nakalahad saakin. “Nice meeting you, too, Miss Tuason.” I secretly bit my lower lip. Damn. What I am doing earlier? But seriously? Ganito kaganda at ka-sexy ang secretary ni JD? I pouted on that thought. Matapos iyun, dinala kami ng secretary ni JD sa office niya. Hindi ko mapigilang mamangha sa ganda ng opisina niya. Kitang-kita sa salaming bintana ang tanawin sa labas. Inasikaso naman kami nang mabuti ng secretary ni JD. She even offered me drinks and I chose coffee kaya sandali niya kaming iniwan ni Caleb na tuwang-tuwa rin sa makikita mula sa glass window ng opisina ng ama. “M-may boyfriend ka na ba?” hindi ko mapigilang itanong sa secretary ni JD habang nilalapag niya sa harapan ko ang kapeng binili niya pa para saakin. She smiled, “Yes, Ma’am. Actually,” pinakita niya saakin ang daliri niyang may singsing na may kumikinang na diamond, “Kaka-engaged palang namin ng boyfriend ko three weeks ago.” I’m shocked. At hindi ko alam kung ba’t nagbunyi ang puso ko sa narinig. “Bakit, Ma’am?” Napakurap ako sa tanong niya saka ngumiti, “Wala. Congratulation nga pala.” “Thanks, Ma’am.” Hindi nagtagal, napatingin kami sa pinto nang bigla itong bumukas. Bumungad saamin ang natatawa pang si JD kasama ang ilang pormal na kalalakihan base na rin sa suot nito. Unti-unting napawi ang tawa niya nang makita niya ako. Napalunok ako nang agad nagtagpo ang mata namin. Nang maka-recover ako, agad akong tumayo mula sa pagkakaupo saka ko inayos ang nagusot kong damit dahil sa matagal kong pagkaupo. Muli akong napalunok nang pasadahan niya ng tingin ang suot ko saka niya muling ibinalik ang tingin sa mukha ko. Walang bahid na tuwa ang mukha nito, bahagya pang nakasalubong ang kilay. Kaya naman, naiwas ko ang tingin sa kanya. Is he still mad? “Daddy!” Dahil sa boses ni Caleb, muli akong napaangat ng tingin. Saktong nakita ko siyang yumakap sa baywang ng ama niya. Nakita ko kung paano naglaglagan ang panga ng kasama niyang mga lalaki. Damn! “I missed you, Daddy.” Bahagyang ginulo ni JD ang buhok ng anak saka ngumiti, “I missed you, too, young man.” “Mister Sanmiego, why does that kid call you dad? Is he yours?” the one guy asked. “Yes. He’s my son.” agaran niyang sagot. “How did it happen?” Napakamot ng ilong si JD, “It’s a long story, Mister Co, and it’s none of your business,” sinulyapan niya ang isa pang lalaking kanina pa nakatitig saakin, “Stop staring at her, Engineer Minjarez.” sabi nito gamit ang seryosong boses. Nahimigan ko rin ito ng iritasyon. “Oh I’m sorry. I just remembering something.. Oh right! You were the woman in the wedding!” turo niya saakin saka niya nakangising binalingan si JD, “So totoo ang sinabi niya na anak mo ang anak niya?” “Yeah, yeah, yeah,” JD lazily throw his hand up in the air, “Ngayon makakaalis na kayo.” “But, Mister Sanmiego. You told us that —” “Sa sunod na araw na lang. For now, can you please leave us alone? Gusto kong mapag-isa kasama ang anak ko..” “..and the mother of your son.” tukso ni Engineer Minjarez. Agad kong naramdaman ang pag-init ng pisngi ko dahil dun. Damn. I heard JD tsked, “Nikka, can you escort them outside?” “Yes, Sir.” Nikka said na agad namang sinunod ang utos ni JD. Kaya nang ma-realize kong kami na lang tatlo ang naiwan sa loob ng office niya, napalunok at napakurap ako. Lalo na nang muli niyang ibinalik ang tingin saakin. Mabuti na lang nang dahil sa makulit kong anak, nabaling ang atensyon niya rito. “Daddy, are you mad that we came here?” Umupo si JD sa harap nito at bahagyang pinisil ang pisngi nito, “Of course not. I’m actually happy that you’re here.” Our son pouted, “But, Daddy, bakit hindi ka na po bumibisita sa bahay? You made a promise, right? That you’re going to visit me again and we’ll play.” “I’m sorry. Your dad was just kinda busy.” “Even call, Daddy? Why didn’t you call Mommy and ask her about me?” Natahimik si JD. Hindi siya nakasagot. Napalunok lang ako nang unti-unti itong bumaling saakin. Gaya kanina, seryoso ito at wala man lang bahid ng saya sa mukha. Napahigpit tuloy ang hawak ko sa dress kong suot. Kinakabahan man sa titig niya, lakas loob akong nagsalita, “I’m sorry if we came here. I-inutusan lang ako ng Mommy mo na dalhin dito iyung ni-request mo sa kanya nang isang araw,” Unti-unting tumaas ang kilay niyang parang nagtataka at hindi alam ang sinasabi ko. Binalewala ko lang iyun at napaiwas ng tingin. “Sorry rin.. kasi.. nalaman tuloy nilang may anak ka na. Baka layuan ka na ng mga babae mo.” “Mga babae, Alejah?” napalunok ako sa seryoso niyang boses. Mas nagulat ako nang hindi ko man lang namalayang nasa harapan ko na siya, “Where did you get that idea?” “U-Uhm..” I bit my lips. Hindi ako makapagsalita. “I’ve stopped dating other woman since I fell in love with a tough woman, Alejah.” Napalunok ako at napaiwas na lang ng tingin. Who’s that tough woman is he talking about? Is he pertaining Cyndie? Palihim akong nagpapasalamat na biglang kumatok si Nikka sa pinto na agad namang pinapasok ni JD nang hindi inaalis ang mata nito saakin. “Did I disturb you, Sir?” Nikka asked. “No,” sagot nito nang hindi pa rin inaalis ang malalalim niyang mata saakin, “Prefer lunch for three person, Nikka.” “Yes, Sir,” Nikka said, “I’m leaving —” “Isama mo ang anak namin,” putol niya sa sasabihin ni Nikka, “I want to be alone with this woman.” Napalunok ako sa sinabi niya. Hindi na nga ako nakatingin sa kanya, ramdam na ramdam ko pa rin ang paninitig niya saakin. “Okay, Sir.” Ramdam ko ang ngiti sa boses ni Nikka hanggang sa tuluyan na silang lumabas ng anak ko na mas lalong nagpakaba saakin. Mas lalong nagpakaba saakin ang pagiging tahimik niya at walang ibang ginagawa kundi ang titigan ako. “Ikaw ‘tong may ibang lalaki.” Dahil sa sinabi niya, napatingin ako sa kanya na sana’y hindi ko na lang ginawa. Lumunok ako para mawala ang nakabara sa lalamunan ko. “What do you mean?” Nakita ko kung paano gumalaw ang panga niya, “That asshole Miguel Caleb Scott, hindi ba’t lalaki mo iyun? You even told me you love him.” Napatigalgal ako dahil sa sinabi niya. He seems frustrated and irritated.. No, no, no. I don’t want to assume. “I don’t love Miguel as a man, I just love him as a friend. And I couldn't remember that I told you I love him as a man.” gustong-gusto kong palakpakan ang sarili ko dahil hindi man lang ako nautal. He groaned, “Yeah, right,” sabi niya, iritado pa rin, “Pero may kasalanan ka pa rin saakin. And you’ll pay for that.” Before I could speak, he grabbed my nape and claimed my lips. Tulad nang dati, wala man lang ako naging reaksyon dahil sa gulat. Sa sobrang diin ng halik niya hindi ko napigilang mapakapit sa coat niya. Para bang dinaan niya sa halik ang iritasyon sa kung anong bagay. Hindi nagtagal, tuluyan na rin akong nagpadala sa halik niya. Ipinikit ko ang mata ko at mas lalong humigpit ang hawak ko sa coat niya saka ko sinabayan ang galaw ng labi niya. I admit. I liked his kisses. Hindi lang siya ang gustong ulit-ulitin iyun. I want him to do it again with me. I want him to kiss me again because I love the feeling every time he kisses me. Pakiramdam ko para akong nakalutang sa hangin kapag ginagawa niya iyun. And I couldn’t deny the fact that JD is a good kisser kaya mabilis akong natuto. He slowly bit my bottom lip asking me for entrance, which I gladly gave him. He explored his sinful tongue inside my mouth that made me moan a little. Naramdaman ko ang matigas na bagay na tumama sa likod ko nang naisandal niya ako sa lamesa niya, pero hindi ko iyun pinagtuunan ng pansin. Nasa labi namin ang buong atensyon ko. I hooked my arms on his nape as I kissing him back. I moaned again when he deepened the kiss. Nawala na sa isip ko na nasa loob niya kami ng opisina. Wala akong ibang nasa isip kundi ang halikan namin. “Damn.. I missed you,” he said between the kiss. I moaned again when he slightly sucked my tongue, bit my lips and sensually licked it before he pulled away. He let out a sexy chuckle as he put his forehead against mine. Hindi ko napigilang mapayakap sa kanya para itago ang namumula kong mukha sa balikat niya. Narinig ko na lang ulit ang marahan niyang halakhak sa tainga ko. “Damn, baby. You’re driving me insane. Isang halik mo lang lusaw na agad ang galit ko sa‘yo. But, please. Don’t do that again. Don‘t make me jealous again.” I was stunned and speechless on what he said. Did I heard him right?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD