KABANATA 19

3502 Words
Kinaumagahan, pagkagising na pagkagising ko agad kong tiningnan ang phone ko. Hindi ko alam kung ba’t ganun na lang ako umaasa na may mensahe galing sa kanya kaya ganun na lang ang pagkadismaya ko nang makitang walang mensahe mula sa kanya. Then I remember what just happened last night. Wala sa sariling napahawak ako sa labi ko nang maalala ko ang halik. Hanggang sa naramdaman ko ang pag-iinit ng pisngi ko lalo na nang maalala ko ang pagtawag niya saaking 'baby'. Oh my God. Wala lang naman saakin kapag tinatawag akong ganun ni Miguel, pero ba’t kay JD, ang lakas ng epekto saakin? Wala sa sariling nagulo ko ang buhok ko sa inis na nararamdaman. Inis nga ba, Alejah? Aminin mo nagustuhan mo rin. Gustong-gusto kong batukan ang sarili ko dahil sa pinagsasabi ng kabilang parte ng utak ko. Damn. Mababaliw na yata ako. Kainis. Nawala lang ang pag-iisip ko tungkol sa bagay na iyun nang makita ko ang unti-unting paggising ni Caleb. Humihikab pa itong nagmulat ng mata na kinusot-kusot niya. Itinabi ko muna ang phone ko saka ko siya binati. “Good morning, baby.” I said as I gently kissed his forehead. “Good morning din po, Mommy.” sabi niya gamit ang antok niyang boses saka siya naglalambing na yumakap sa leeg ko na nakapagpangiti saakin. Unti-unti ko siyang binangon habang nanatili siyang nakayakap sa leeg ko hanggang sa makaupo siya sa kandungan ko. “What do you want for breakfast, baby?” I asked him, caressing his hair. “I want bacon, egg, hotdog, sandwich and chocolate milk, Mommy.” I chuckled as I pinched his nose and kissed it, “Ang dami namang gusto ng baby ko.” I said saka ako tumayo habang buhat-buhat siyang nakayakap sa leeg ko. Lumabas kami ng kwarto na hindi man lang tinitingnan ang sarili ko sa salamin o nakapaghilamos man lang. Okay lang. Kami lang naman dito sa bahay. Panay ang tawanan namin dahil pinanggigilan kong halikan ang pisngi niya. Pero nasa pinto palang ako ng kitchen namin, napawi na ang tawa ko at parang gusto kong bumalik sa kwarto namin at mag-ayos dahil sa gulat ko sa taong nadatnan namin sa kusina. Nakatalikod siya dahil abala siya sa pagluluto kaya hindi pa niya kami napansin. Pero dahil sa makulit kong anak, nakuha niya ang atensyon nito. “Daddy!” masayang bati ni Caleb sa kanya. Lumingon siya saamin na may ngiti sa labi. Napalunok ako nang sumulyap siya saakin. Medyo nakahinga lang ako nang maluwag nang muli niyang binalingan ang anak ko. “Good morning, son.” Shit. Anong ginagawa niya rito nang ganito kaaga? At bakit siya nagluluto? Where's my mom? Napaatras ako nang isang hakbang nang lumapit siya saamin para kunin ang anak kong karga ko. Napapikit ako nang magdikit na naman ang balat namin dahil sa pagkuha niya kay Caleb pero parang wala lang iyun sa kanya. Matapos niyang kunin si Caleb na tuwang-tuwa, inupo niya ito sa island counter at nakangiting ginulo ang buhok nito. Napanguso ako dahil dun. Napapitlag lang ako sa gulat nang bigla kong narinig na magsalita ang bago naming katulong galing sa likuran ko. “Naku, Ma’am. Anong nangyari sa buhok niyo? Parang pugad ng ibon. Kakahiya kay Sir Pogi. Hindi niyo man lang naisipang magsuklay?” Humagikhik pa ang maid naming si Ate Mina matapos sabihin iyun. Sesantehin ko kaya ‘to? Pero dahil sa kahihiyan ko, patakbo akong bumalik sa kwarto ko. Agad akong humarap sa salamin para tingnan ang sarili ko. Dun ko na-realize that Ate Mina was right. Para nga akong mangkukulam sa ayos ng buhok ko. Gulo-gulo ito. “You’re idiot, Alejah! Ang tanga-tanga mo!” Mangiyak-ngiyak kong ginulo ko ang buhok kong dati nang magulo at tumakbo papasok ng banyo para maligo. Matapos kong maligo at mag-ayos, hindi na rin muna ako bumaba. Nanatili ako sa kwarto. Shocks. Hindi ko alam kung paano siya haharapin. Paano ko naman siya haharapin kung naalala ko ang nangyari kagabi? Naiisip ko palang ang mukha niya, kinakabahan na ako, ‘e. Napapitlag lang ako sa gulat nang may biglang kumatok sa pinto ng kwarto ko. Akala ko kung sino na, pero nakahinga ako nang maluwag nang marinig ko ang pamilyar na boses ni Mommy. “Alejah, anak? Are you there?” Bumuntong-hininga ako saka lumakad papalapit sa pinto para pagbuksan si Mommy ng pinto. “Good morning, Mom.” bati ko matapos ko siyang pagbuksan. Hinalikan ko siya sa pisngi. “Morning, too,” she sighed, “Jared is here, anak. Ikaw na ang bahala sa kanya. Maaga kaming aalis ng kuya mo.” Napakunot ang noo ko, “Po? Where are you going?” “We’ll have a conference to attend in Tagaytay.” Tumango na lang ako kaya muli niya akong hinalikan sa pisngi bago tuluyang nagpaalam. Nagpalipas pa ulit ako nang ilang minuto sa loob ng kwarto ko bago ako nakapagdesisyon nang bumaba na. Naalala ko kasing kailangan ko pang painumin ng vitamins niya si Caleb. Kaya kinakabahan man akong harapin ang ama niya, napalitan akong bumaba. Nadatnan ko silang naglalaro sa sala. Nang tuluyan na akong makababa sa hagdan, lakas loob akong lumapit sa kanila. Tumikhim pa ako para kunin ang atensyon nila na agad ko namang nakuha. Agad kong naramdaman ang paninitig saakin ni JD pero hindi ko siya sinulyapan. Nanatili ang tingin ko kay Caleb. “Caleb, come here. Take your vitamins first.” “Okay, Mommy.” agad naman siyang bumaba sa laruan niyang car saka lumapit saakin. Hinawakan ko siya sa kamay saka ko siya dinala sa kusina. Pagdating namin dun, binuhat ko siya saka ko siya inupo sa table. Kumuha ako ng kutsarita at nilagyan ko ‘to ng vitamins saka ko pinainom sa kanya. Napangiti ako nang malaki nang hindi man lang siya ngumuwi dahil sa lasa nito. “That’s my baby.” I said. “Strong na ulit ako tulad ni superman, right, Mommy?” sabi niya sabay taas ng kamay niya. I rubbed my nose on his then gave him a peck, “Of course, baby.” “Dad!” napawi lang ang ngiti ko sa sinabi niya habang nakatingin sa likuran ko, “Mommy said I’m strong like superman!” Kinakabahan man, lakas loob ko siyang nilingon. Nakita ko siyang nakasandal sa hambana ng pintuan, nakahalukipkip at nakangiting nakatingin sa anak ko. Napalunok lang ako nang bigla itong bumaling saakin kaya agaran akong nag-iwas ng tingin sa kanya. Kalaunan, ibinaba ko si Caleb sa mesa na agad tumakbo papunta sa ama niyang agad siyang binuhat. “Let’s play na ulit, Daddy.” Caleb said to his Dad. Tumawa nang marahan si JD saka niya bahagyang ginulo ang buhok ni Caleb, “Okay, lil kid.” Nang tuluyan na silang makaalis ng kusina nang hindi na ako pinapansin, napapikit ako nang mariin at hindi ko mapigilang murahin ang sarili sa isipan ko. Pakiramdam ko kasi ang tanga-tanga ko. Damn. Matapos ‘yun, bumalik ulit ako sa kwarto nang hindi na pinapansin ‘yung mag-ama na naglalaro sa sala. Nilibang ko na lang ang sarili ko sa loob ng kwarto. Nagbasa ako ng books, nag-internet kaso agad din akong sinawaan. Hanggang sa maisipan kong i-message si Shannon. Shannon: Duh, Alejah. Kaka-meet lang natin noong nakaraang araw, nag-aayaya ka naman? Ako: Nabuburyo kasi ako rito sa bahay. Shannon: E ‘di makipaglaro ka kay Caleb. Nakagat ko ang ibabang labi ko saka nagtipa ng mensahe. Ako: Caleb is with his father. Nandito kasi siya ngayon sa bahay. Shannon: Ah kaya naman pala. May iniiwasan ka kasi riyan sa bahay niyo. Ba’t hindi mo na lang ako diniretso kaagad. Tss. Ang dami pa niyang sinabi pero pumayag din siya kalaunan. Kaya matapos kong magbihis at mag-ayos, bumaba na rin ako. Pagkababa ko dun, agad kong nakuha ang atensyon ng mag-ama. Nakita ko ang pagkunot ng noo ni JD habang pinapasadahan ako ng tingin pero binale-wala ko na lang muna. “Are you leaving, Mommy?” Caleb asked. “Yes, baby. Mamasyal kami ng Tita Ninang mo.” “Can I go with you, Mommy?” “No. At tsaka nandito naman ang Daddy mo. Siya na muna ang bahala sa‘yo,” speaking of him. Lakas loob ko siyang binalingang matamang nakatingin saakin, “Can I ask a favor? Ikaw na muna ang bahala sa kanya.” Humalukipkip siya saka tumango, “Sure,” he said, “But I have a question. Sigurado ka bang si Shannon ang kikitain mo?” pinaningkitan niya pa ako ng mata matapos iyun. Nakagat ko ang ibabang labi ko dahil dun. Why is he asking that, by the way? Kalaunan, tumango rin akong hindi na makatingin nang diretso sa kanya. “O-Oo.” Mayamaya, tuluyan na rin akong umalis ng bahay nang pumayag din si Caleb. Wala nang salitang lumabas na salita sa ama niya. Basta na lang ako nitong tinitigan at hindi ko mabasa ang emosyon sa mga mata nito. Nasa byahe ako nang makatanggap ako ng mensahe mula sa kanya na bahagya ko pang ikinagulat. Jared: Are you avoiding me? Marahas akong napalunok dahil sa mensaheng natanggap ko mula sa kanya. Hindi pa man ako nakakaisip ng ire-reply, muli akong nakatanggap ng mensahe sa kanyang lalong nagpalakas ng t***k ng puso ko. Jared: Kanina ko pa napapansing iniiwasan mo ako. Is this about the kiss last night? If you think that I regret it, then ngayon palang, I'll ask for your forgiveness because I will do it again. I want to kiss you. Again and again. Abot-abot ang tahip ng kaba sa dibdib ko dahil sa huling mensahe ni JD. He wants to do it again? He wants to kiss me again? Damn, JD. Kahit sa simpleng mensahe mo lang, pinabibilis mo nang kay bilis ang puso ko. Tuluyan ko nang hindi alam ang ire-reply sa mensahe ni Jared kaya binale-wala ko na lang. Ano naman kasi ang puwede kong i-reply sa kanya? That I want him to do it again with me? That I liked his kiss? Ipinilig ang ulo ko para kalimutan muna ang nangyari at ang 'simpleng' mensahe ni JD. Kaya ko nga niyaya si Shannon para makalimutan sandali ang nangyari kagabi tapos hanggang sa lakad ba naman namin ng kaibigan ko, guguluhin niya ang isip ko? Nagkita kami ni Shannon sa isang cafe. Pagdating ko ruon, hindi lang si Shannon ang nadatnan ko. She’s with Miguel. Hindi na ako nagulat. I texted Miguel before I went here. Hindi ko lang pinaalam kay Shannon kanina dahil alam kong magwawala ito kapag nalaman niyang niyaya ko rin ang 'mortal enemy' niya. As I expected, nadatnan kong magkaharap na nakaupo ang dalawa sa pagitan ng round table. Halos patayin na ni Shannon si Miguel gamit ang tingin na parang bale-wala lang naman sa lalaki. Maya-maya pa, nailing na lang ako sa dalawa. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko sa dalawang ‘to. Nawala lang ang atensyon ko sa dalawa nang maramdaman ko ang pag-vibrate ng phone ko. Agad kong tiningnan ang message na mula kay JD. Jared: I’ll bring Caleb in our house. Bumuntong-hininga ako at pilit na pinapakalma ang sarili. Wala namang special sa mensahe niya tulad kanina pero nag-react pa rin ang puso ko. Damn, JD! I deeply sighed again and replied him a simple 'okay'. Wala na naman akong ibang sasabihin pa. Bumalik lang ang diwa ko nang biglang bumulong si Shannon sa tainga ko, “Hoy, ba’t mo kasi isinama ang mokong na iyan dito? Sabi ko naman sa‘yo, huwag mong isasama iyan kapag may lakad tayo. Kung alam ko lang na isasama mo iyan, hindi na kita sinipot.” halata sa boses niya ang pagkairita. Magsasalita pa sana ako nang bigla akong maunahan ni Miguel, “If you don't want me here, you are free to leave.” parang wala lang na sabi ni Miguel habang kumakain ng cake. Shannon laughed sarcastically in annoyance. Pinandilatan pa niya si Miguel, “Hoy! Kung sino man ang may dapat umalis dito saating dalawa, ikaw iyun! Lakad naming dalawa ‘to ni Alejah! Salimpusa ka lang dito!” Shannon said, almost shout, kaya ‘yung ibang costumer napatingin sa direksyon namin. Bigla tuloy akong nahiya. Pagod na bumuntong hininga si Miguel, “I know why you hate me.” “Bakit naman?” taas na kilay ni Shannon. “You like me.” Nalaglag ang panga ni Shannon dahil sa sinabi ni Miguel at hindi nakasagot. “Nagseselos ka kay Alejah kaya ayaw mong magkasama kaming dalawa.” Miguel said saka ito ngumisi nang makita ang pagbabago ng ekspresyon ng kaibigan ko. “Miguel..” saway ko pero hindi ito nakinig. Nanatili itong nakatingin sa kaibigan ko. Nakataas ang sulok ng labi. “I’m sorry I don’t like you. I’m in love with someone else and you know who it is.” Hindi na nakasagot si Shannon pero mayamaya, maluha-luha itong padabog na tumayo, “I hate you!” Matapos sabihin iyun ni Shannon, walang paalam at padabog siyang lumakad. Tinawag ko pa siya pero hindi na niya ako pinansin. Kaya lumabas na lang ako ng hininga at matiim kong binalingan ng tingin si Miguel. I glared at him, “Why did you say that to her? She’s hurt for sure,” I rolled my eyes at him, “Tama si Shannon. Sana hindi na lang kita isinama sa lakad naming dalawa.” Pagod siyang bumuntong hininga habang pinaglalaruan ang cake na nasa harap niya, “I’m tired of her attitude.” Hindi agad ako nakapagsalita. Muli kong naalala ang sinabi niya. Shannon likes him and he knew it. But why Shannon hate him that much if he likes him? Naningkit ang mata ko kay Miguel. Tinitigan niya rin ako. He gave me a 'what?' look. Hindi ako nagsalita. Nanatili lang naniningkit ang mata ko sa kanya kaya bigla niya akong inirapan. “Don’t give me that kind of look, Alejah.” He called me Alejah. He's now in serious mode. Wow. Pero hindi ako nagpatinag. Nagsalong-baba ako habang nanatili ko siyang pinaniningkitan ng mata. “Umamin ka nga saakin, Miguel. May dapat ba akong malaman sa inyo ni Shannon?” He didn't answer. He just rolled his eyes at me. “Do you... like her?” maingat kong tanong sa kanya. Sa halip na sagutin ang tanong ko, binitawan niya ang tinidor na hawak saka siya tumayo kaya napaupo ako nang maayos. “Saan ka pupunta?” tanong ko habang tinitingnan siyang inaayos ang sleeves ng long sleeves niya. “I’m leaving.” Lalakad na sana siya nang agad akong tumayo para pigilan siya, “Sandali!” tinaasan niya lang ako ng kilay kaya nagpatuloy ako, “Samahan mo muna ako! Iniwan ako ni Shannon nang dahil sa’yo kaya ikaw ang sumama saakin.” At dahil nasira na ang lakad namin ni Shannon dahil sa lintik na si Miguel, siya na lang ang isinama ko sa mall. Kailangan kong libangin ang sarili ko dahil kapag wala akong ginagawa, lumilipad ang isip ko sa isang tao. Samantala, hindi ko na ni-mention pa si Shannon kay Miguel dahil baka iwan nito ako bigla sa mall. Nakakatampo lang dahil halos alam nilang dalawa ang nangyayari sa buhay ko, tapos sa kanila, wala akong kaide-ideya. “How about this? You think Caleb will like it?” tanong ko kay Miguel habang pinapakita ko sa kanya ang naka-hanger na pambatang sweater. Inungusan ko siya dahil kanina pa ako naiirita sa inaasta niya, “Ewan ko sa‘yo! Kung hindi mo sana inasar si Shannon e’.” I rolled my eyes at him bago ibinalik ang naka-hanger na damit sa rack. Wala na rin akong nagawa kundi bilhin ang lahat ng mga nagustuhan kong damit kahit hindi ko alam kung magugustuhan din iyun ni Caleb. Si Miguel lahat ang pinabitbit ko nung paper bag na may lamang damit na nabili ko. Parusa ko iyun sa kanya dahil sa pagpapaiyak niya sa best friend ko. Hindi naman siya nagreklamo at parang robot lang siyang nakasunod saakin. Tahimik lang din siya. Ni hindi magsasalita kung hindi ko tatanungin. Matapos ‘yun naisipan kong mag-grocery. Nanatiling nakasunod saakin si Miguel habang tinutulak ang cart at ako naman ang namimili at kumukuha ng bilihin. “Baby Caleb likes chocolate, baby.” Sandali akong napahinto. Miguel called me 'baby'. At tulad nang inaasahan, wala akong kakaibang nararamdaman nang tawagin niya akong ganun. Ipinilig ko ang ulo ko at nagpatuloy. Tinulungan ko si Miguel sa paglalagay ng iba’t ibang brand ng chocolate sa cart. “Daddy! Buy me a chocolate, please.” “Okay.” “Yehey!” Natigilan lang ako nang marinig ko ang dalawang pamilyar na boses na iyun mula sa likuran ko. Kalaunan, gulat akong napalingon dito. Hanggang sa makita ko ang mag-ama. Nakita kong nakangiting ginugulo ni JD ang buhok ni Caleb dahil sa kakulitan nito saka ito nag-angat ng tingin. Nakita ko rin kung paano unti-unting napawi ang ngiti niya nang magtagpo ang mata namin. Hindi nagtagal, lumipad ang mga mata niya sa likuran ko kung nasaan si Miguel. Agad nagbago ang ekspresyon ng mukha nito saka ito umiwas ng tingin. Napalunok ako. “Mommy! Daddy Miguel!” Tumakbo papalapit saamin si Caleb. Nawala sandali ang atensyon ko kay JD at agad kong sinalubong ang anak ko. “Careful, Caleb. Baka madulas ka!” Binuhat ko siya nang tuluyan na siyang makalapit saamin. Tuwang-tuwa naman siyang nagkwento. “Mommy, pumunta kami ng park ni Daddy and we played! It was so fun! Then he buy me a lot of toys! Then...” hindi ko na naiintindihan ang kinukuwento ni Caleb dahil sa presensiya ng taong nasa harapan namin na unti-unting lumakad papalapit saamin. Salubong na salubong ang kilay nito habang tinutulak ang cart. “Hi, pare.” pormal na bati sa kanya ni Miguel nang makalapit siya saamin. Supladong tinanguan lang niya ito saka muli niyang ibinalik ang tingin saaking nakakapanindig balahibo. “I thought you’re with Shannon.” bigla niyang sabi. “Uhh..” I don’t know what will I say. Naaasiwa ako sa tingin niya. Para kasing may nagawa akong kasalanan sa kanya. Wait, meron ba? Bago pa ako makapagsalita, naunahan na niya ako, “Let’s go, Caleb. Your mom is busy. We shouldn't disturb her.” Kinuha niya si Caleb saakin nang walang sinasabi saka niya isinakay ito sa cart. Mayamaya pa, tinalikuran kami nito nang wala man lang sinasabi, maliban kay Caleb na kumakaway pa saamin. Nang tuluyan na silang nawala sa paningin ko, kunot noo akong tumingin kay Miguel, nagtatanong gamit ang mata. He just shrugged pero may ngisi siyang pilit niyang ikinukubli. Wait. Did I do something wrong? Hanggang sa pag-uwi ko sa bahay bumagabag pa rin saakin ang ekspresyon ng mukha ni JD kanina. Kitang-kita ko sa mata niya kanina ang halo-halong emosyong hindi ko mapangalanan pero baka namamalikmata lang ako. Ayaw ko namang umasang may ibig sabihin ‘yung pagsusuplado niya kanina. Pagdating ko sa bahay, si Caleb lang ang sumalubong saakin. “Hi, Mom.” bati niya saakin. Iginala ko ang tingin sa paligid. Nang hindi ko makita ang hinahanap ko saka ko ibinalik ang tingin sa anak kong pinaglalaruan na ang mga laruang binili yata ni JD para sa kanya. “Where’s your dad?” hindi ko maiwasang itanong. “He already left, Mom,” then he pouted, “I don’t know what happened to him but, Mommy, he look so mad again. I asked him why but he did not answer.” Hindi na ako nakapagsalita sa sinabi ng anak ko. Naalala ko na naman ang ekspresyon ng mukha niya kanina. Kinagabihan, patuloy pa ring bumabagabag saakin ang nangyari kanina. Hindi ako makatulog dahil dun. Kaya habang nakahiga ako sa kama kinuha ko ang phone ko sa may bed side table at nagtipa ng mensahe. Ako: I’m sorry. Lakas loob kong isenend ‘yun sa kanya. Matapos kong isend ‘yun napapikit ako sa kaba. Huli ko na na-realised ang nagawa ko. Gusto ko pa sanang bawiin iyun pero hindi na pwede. And I know know why I said that. Pero pakiramdam ko kailangan kong humingi ng tawad sa kanya kahit hindi ko alam kung may nagawa ba akong kasalanan. Akala ko hindi siya magre-reply sa message ko kaya laking gulat ko nang makatanggap ako ng reply sa kanya. Jared: You lied to me. Abot-abot ang tahip ng kaba sa dibdib ko habang binabasa ang mensahe niya. Dahil mukhang hindi ako patutulugin ng nangyari kanina, lakas loob akong muling nagtipa ng mensahe. Ako: What do you mean? I lied? I didn't. Wala pang limang segundo, nag-reply na siya. Jared: You said you were with Shannon but why were you with that guy? Nakagat ko ang ibabang labi ko matapos kong mabasa ang mensahe niya saka ako muling nagtipa ng mensahe. Ako: I was really with Shannon. She just left because something happened. Jared: Whatever. Napaawang ang labi ko sa reply nito. Oh my God! This guy is so... Mag-titipa pa sana ako ulit ng mensaheng ire-reply sa kanya nang muli akong makatanggap ng mensahe galing sa kanya. Jared: Stop texting me. I’m mad at you. Muli kong nakagat ang ibabang labi ko dahil sa huling mensahe niya. Tulad nang sinabi niya sa huling mensahe niya, hindi na ako nag-reply pero umasa pa rin akong magme-message siya ulit at babawiin niya ang sinabi niya. Hanggang sa umasa lang ako sa wala. Napabuntong hininga na lang ako hanggang sa nakatulugan ko na lang ang paghihintay sa text niya at pag-iisip. JD, please, don’t give me hope.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD