KABANATA 18

3330 Words
"There." sabi ko matapos kong ayusin ang polo shirt ni Caleb saka ko pinangigilang pisilin ang pisngi niya, "Ang pogi-pogi naman ng baby ko." "Handsome like Daddy, Mommy?" he innocently asked na nakapagpapawi ng ngiti ko. Kumunot ang noo ko dahil dun, "Why, Mommy? Hindi ba pogi si Daddy para sa inyo? 'Di ba po sabi mo, I look like Daddy so that is mean I'm handsome like Daddy, right?" Muli akong ngumiti sa sinabi niya, "Of course, you are. You're handsome like your D-daddy." I gulped after what I said. Tuwang-tuwa siyang nagpapalakpak. Nailing-iling na lang ako nang nakangiti. Kalaunan, sinuot ko sa kanya ang backpack niya saka ko inayos ang kwelyo ng polo shirt niya. "Stay here, huh? Magbibihis lang si Mommy." I said. Hinalikan ko ang pisngi niya saka ko siya iniwan sa may sala. Bumalik ako sa room namin. Pagpasok ko rito, agad kong ni-check ang phone ko. Nakagat ko ang ibabang labi ko nang may makita ang mensaheng galing sa kanya. Jared: On the way. Napanguso ako nang maalala ko ang huling sinabi niya saakin kagabi. Ni hindi man lang ako naka-oo o hindi. Matapos kasi niyang sabihin 'yun, hindi ko na nagawang makapagsalita. I was speechless because of what he said. Ni hindi ko alam kung ilang oras na akong nakatulog dahil sa pag-iisip ko sa sinabi niya. Huminga ako nang malalim saka ko binitawan ang phone ko at dumiretso sa banyo para makaligo na. Matapos kong maligo nang halos isang oras, lumabas na rin ako sa banyo matapos kong makapagbihis ng jeans at simpleng white shirt lang na may print ng bunny. Mahigit twenty minutes ang tinagal ko sa pag-aayos saka ako muling humarap sa salamin at huminga nang malalim. Alam kong nasa baba na rin si JD at hindi ko alam kung paano ko siya mahaharap. Iniisip ko palang na haharapin ko siya, nararamdaman ko na ang paglakas ng t***k ng puso ko. Matapos nang ilang sandali, nagdesisyon na rin akong lumabas ng kwarto ko kahit kinakabahan ako. Nang tuluyan na akong makababa, nadatnan ko si Caleb na tahimik lang na nakaupo sa sofa habang naglalaro sa tablet niya. Samantala, si JD, nakita kong may kinakausap sa phone niya habang nakatalikod saakin. Pero maya-maya'y bigla siyang humarap saakin. Agad nagtagpo ang malalalim niyang mata at ang gulat kong mga mata. Mukhang ako lang yata ang nagulat saaming dalawa dahil nanatiling seryoso ang ekspresyon ng mukha niya habang nakikipag-usap sa phone. "Send that to my email. I'll check it later," sabi niya sa kausap niya sa phone nang hindi inaalis ang mga mata saakin. Nagawa pa niyang pasadahan ng tingin ang suot ko kaya napatikhim ako nang hindi oras ang napaiwas ng tingin, "Yeah. I have important things to do... Tell him I'm busy, okay?.. Good. I hung up." Hindi ko na lang pinansin ang paninitig niya. Lumapit ako sa anak kong abala sa paglalaro sa tablet. Kinuha ko ang atensyon niya kaya napaangat siya ng tingin saakin. His smile widened, "Mommy, are we going now? Sabi ni Daddy pupunta raw tayo sa Amusement park!" binalingan niya si JD na kalalagay lang ng phone sa bulsa ng pants nito, "'Di ba, Daddy?" JD smiled at him, "Of course," he said saka siya nakapamamulsang lumapit dito at bahagyang ginulo ang buhok ni Caleb, "What's my ‘lil version wants, what he gets." Caleb frowned at his dad, "Daddy, don't ruin my hairdo." Tumawa lang nang marahan si JD saka niya tinigil ang paggulo sa buhok ni Caleb. Halos mahigit ko ang hininga ko nang bumaling siya saakin. "So you'll really come with us? Hindi ka napipilitan lang?" he asked me. Napalunok ako at dahan-dahang tumango kalaunan. He bit his lips as he glanced at Caleb, "Let's go, young man." Inalalayan niyang bumaba si Caleb sa sofa na excited naman saka sila naunang lumabas ng bahay habang hawak ang kamay ni Caleb. Hindi pa ako agad nakagalaw. Nakasunod lang ang tingin ko sa mag-ama. Pero mayamaya, napahinga ako nang malalim saka ako sumunod na rin sa kanila. Tahimik lang ako habang nasa byahe. Samantala, 'yung mag-ama panay ang kwentuhan. Natatawa na lang si JD sa kakulitan ng anak. Kung anu-ano kasi ang pinagkukuwento nito sa kanya. Mabuti na nga lang at biglang nag-text si Shannon at nalibang ko ang sarili ko. Kahit papaano, nawala sa isip ko ang paminsan-minsang pagsulyap saakin ni JD na kanina ko pa nararamdaman. Shannon: Family bonding ganun? Nakagat ko ang ibabang labi ko dahil sa mensahe ni Shannon. Sinabi ko kasi sa kanya na lalabas kaming tatlo ni JD at Caleb. Naramdaman ko ang unti-unting pag-init ng pisngi ko nang ma-realized kong para nga kaming isang pamilya na mag-bobonding nito. Shocks. Ako: Hindi ah. Shannon: Duh, Alejah! I can even see your blushing cheeks. Tell me, kinikilig ka sa sinabi ko, 'no? Huwag kang masyadong kiligin, my friend. Masakit umasa. You know what I mean. Napanguso ako at hindi na lang ako nag-reply. Tiyak na pipikunin lang niya ako nito. Hindi naman talaga ako kinikilig, 'no. Ba't naman ako kikiligin, 'e, alam ko namang ginagawa lang 'to ni JD para sa anak niya at hindi para saakin. Baka nga napilitan lang siyang isama ako. I pouted again on that thought. Nawala lang ang pag-iisip ko tungkol dun nang mapansin ko ang pagtahimik ng mag-ama na kanina ay maingay dahil sa kwentuhan nila. Hindi ko tuloy mapigilang mapabaling kay JD na nagmamaneho. Nakita kong bahagyang nakasalubong ang kilay niya na kanina'y maaliwalas dahil sa makulit niyang anak. I gulped. "Enjoy texting him, eh?" Muli akong napalunok sa sinabi niya nang hindi inaalis ang tingin sa daan. What are he saying? And who's 'him' is he talking about? Is he referring to Miguel. Wait, what? I gulped again, "I'm not texting Miguel, I'm texting Shannon." Hindi na siya sumagot pa hanggang sa huminto ang kotse niya sa tapat ng fast food. Kaya pagbaba palang ni Caleb ng kotse, tumakbo na siya papasok sa fast food. "Caleb, careful! You might slip down!" paalala ko sa kanya. Nailing na lang ako nang hindi siya nakinig sa sinabi ko. Agad naman siyang sinundan ni JD na hindi na ako pinansin magmula kanina. Huminga ako nang malalim at nakangusong sumunod sa kanila. Nang makapasok ako rito, nakita kong komportable nang nakaupo si Caleb sa isang pwesto kaharap ang ama niyang may hawak na menu. Nasa gilid naman nito ang isang waitress na habang nag-aabang sa order ni JD, pansin ko ang paninitig dito. Kaya nang makalapit ako rito, napatikhim ako nang hindi oras bago umupo sa tabi ni Caleb. Sandaling sinulyapan ni JD si Caleb, "What do you want to eat, Caleb?" "I want chicken joy, fries, burger and spaghetti!" masayang sagot ni Caleb. JD smiled, "Okay, then." he said saka siya nag-angat ng tingin sa waitress. He ordered family super meals. Halos lahat ng gusto ni Caleb nandun na. Na kay Caleb ang buong atensyon ni JD habang kumakain kami. Ni hindi niya ako magawang sulyapan. Naisip ko tuloy na sana hindi na lang niya ako isinama dahil para naman akong invisible kung tratuhin niya. Sa bagay, what did I expect? Mukhang si Caleb lang naman ang importante sa kanya ngayon. Kahit papaano, masaya ako sa iisiping importante sa kanya si Caleb at mahal niya ito. Kalaunan, nagpaalam muna ako kay Caleb na pupuntang ladies restroom. I kissed his cheek before I left them without glancing at his father. Matapos kong mag-CR at maghugas ng kamay, binalikan ko rin agad ang mag-ama. Hindi pa man ako nakakalapit sa kanila, napakunot ang noo ko nang makita kong hawak ni JD ang phone ko. Pero agad din niyang ibinalik 'yun sa ibabaw ng table nang makita niya ako. Ipinagkibit balikat ko na lang 'yun at binalewala hanggang sa makalapit ako sa kanila. Narinig ko pa siyang tumikhim pagkaupo ko sa upuan pero hindi ko na siya pinansin. I looked at Caleb na nakanguso ring bumaling saakin. "Mommy, I'm already full but Daddy said I shouldn't waste my food." sumbong niya saakin. Dahil dun napasulyap ako kay JD. Agad ko ring naiwas ang tingin dito nang makita kong pinapanuod niya kami. "'Wag mo na lang ubusin kung busog ka na. Baka sumakit pa ang tiyan mo. Itatake out na lang natin 'to later para hindi masayang, okay?" He smiled, "Yehey! Thank you, Mommy," he said bago niya binalingan ang ama niyang tahimik lang kaming pinapanuod, "Okay lang po, Daddy?" "If your mom say so that will be fine with me." he answered before glanced at me that made me gulped. Matapos naming kumain, umalis na rin kami ng restaurant. Bumalik ulit ang masayang awra ni JD. Muli siyang nakipagkwentuhan at tawanan sa anak ko habang nagda-drive siya. Samantala ako, tulad kanina, tahimik lang akong nakikinig sa kanila. Hindi nagtagal, tuwang-tuwa si Caleb nang makarating kami sa Amusement park lalo na nang makapasok kami rito. Hinawakan ko ang kamay niya nang mahigpit baka kung saan-saan siya pumunta lalo na't hindi lang kami ang taong narito baka mawala siya sa paningin ko. Napatingin lang ako kay JD nang hinawakan niya rin ang kabilang kamay ni Caleb. Tiningala siya nito, "'Wag kang bibitaw saamin ng Mommy mo, okay?" "I won't, Daddy." "Good. That's my boy." Naramdaman ko ang pag-iinit ng pisngi ko nang maalala ko ang mensahe kanina ni Shannon. Family bonding. Yeah. That's exactly like us now. Pero hindi ko nga lang alam kung ako lang ang nag-iisip nang ganun ngayon. Ang iisiping hawak namin ang magkabilang kamay ni Caleb ay nakakataba ng puso. Isa kasi ito sa pinapangarap ko noong akala ko hindi na matutupad. "Mom! Dad! I wanna try that ride!" Caleb said sabay turo sa roller coaster. I looked at him, "That's ride is not for a kid. That's not safe ride for you. At tsaka, katatapos mo palang kumain baka masuka ka." He frowned at me, "But, Mommy. I told you I have strength like superman! I'm strong like him." pinakita pa niya ang maliit na muscle sa braso niya. "Listen to your mom, Caleb," sabi ni JD kaya sa kanya naman nakasimangot na tumingala si Caleb, "Sinasabi lang niya ang makabubuti para sa'yo." "But, Daddy.." hindi na niya tinuloy ang sasabihin, napasimangot na lang siya. Pero muli siyang napatingala rito nang muli itong magsalita. "May alam akong ride na pwede mong sakyan at safe." "Saan po, Daddy?" JD just smiled and winked at him. Matapos iyun, binuhat niya si Caleb at lumakad. Agad naman akong sumunod sa kanila. Hindi nagtagal, napangiti na rin ako nang makita kong masayang sumasakay si Caleb sa sinasabing rides ni JD. Ang carousel. Nawala ang simangot sa mukha ni Caleb at napalitan ng saya. Nakangiti ko lang siyang pinapanuod habang panay naman ang tawag at kaway niya saamin ng ama niya. I waved him back. Hindi ko na rin sinayang ang pagkakataon na kunan siya ng litrato gamit ang phone ko. Sayang nga dahil hindi ko nadala 'yung camerang punong-puno ng litrato niya mula noong isinilang niya. You know I like taking picture of others lalo na ng anak ko. "I love you, Mommy! I love you, Daddy!" maya-maya'y sigaw ni Caleb that made me smiled. "I love you, baby!" sigaw ko pabalik, "Smile." he did what I said. He smiled wider as I clicked my camera of my phone. "I love you, too." Tuminding ang balahibo ko nang marinig ko ang boses niya mula sa likuran ko. Alam ko namang kanina pa siya nariyan at pinapanuod niya si Caleb, hindi ko lang siya pinapansin kasi kapag papansinin ko siya, alam kong mas lalong magwawala ang puso ko. I gulped on what he said earlier. He said 'I love you, too.'. Alam ko namang hindi ako 'yung sinasabihan niya nun pero bakit ang lakas ng epekto saakin ng pag-i-I love you niya? Bakit kasi nasa likuran ko pa siya? Ayan tuloy rinig na rinig ko 'yun. At ako namang si ito, muntik nang umasa na naman. Muntik lang naman. Na-realised ko kasi agad na hindi naman ako 'yung sinasabihan niya nun. Nang magsawa si Caleb sa carousel, nagpabuhat na rin siya kay JD paalis dun. Hindi na rin siya nagpumilit na sumakay pa sa ibang rides kung alam niyang delikado. Kuntento na siya sa panunuod. Lalo na kapag binibili ni JD ang gusto niyang bilhin. Chocolate ice cream, stuffed toy, cotton candy, balloon at kung anu-ano pa. Nailing na lang nga ako dahil parang ini-spoil na nito ang anak niya. I don't want that. I don't want to spoil my son. Pero hindi ko yata mapipigilan ang ama niya sa pag-sspoil sa kanya. Maliban sa Amusement park, pumunta rin kami sa mall at nanuod ng sine. Pinanuod namin 'yung Disney movie na gustong panuorin ni Caleb. Hindi lang naman si Caleb ang nag-enjoy sa panunuod, pati rin naman ako. I enjoyed it. After namin manuod ng sine, enjoy naman na naglaro si Caleb sa arcade lalo na't kalaro niya ang ama niya. Hindi na rin ako nakatanggi nang yayain niya akong maglaro lalo na 'yung basketball. He asked me to help him dahil natatalo siya ni JD. Mas marami kasi itong naisho-shoot na bola kaysa sa kanya. Sa huli, tuwang-tuwa si Caleb nang matalo namin si JD dahil sa pagtutulungan naming dalawa. Hindi ko namalayang nadala na rin ako ng kasiyahan ng anak ko. "Yehey! We won, Mommy!" Malaki ang ngiti kong nakipag-apir-an sa anak ko. Nailing-iling na lang nang nakangiti si JD dahil sa kakulitan ng anak niya. Napawi lang ang tawa ko nang bumaling ito saakin. Napalunok ako nang sariling laway saka ako napaiwas ng tingin sa kanya. I heard him chuckled. Damn. Matapos nang paglalaro sa arcade, muli kaming kumain. Mukhang ginutom ulit si Caleb dahil sa paglalaro at pamamasyal dahil ang dami niyang kinain. He enjoyed the food. Panay lang ang punas ko sa gilid ng labi niya dahil sa mantsang naiiwan dito. Sinusubuan naman siya minsan ni JD dahil magkatabi lang silang nakaupo, samantala kaharap naman nila ako. Matapos nang buong araw na pamamasyal, dala na rin siguro ng pagod, agad nakatulog si Caleb habang nasa byahe kami pauwi. Dahil tulog na si Caleb, walang nag-iingay. Pareho kaming tahimik ni JD habang nasa byahe. Wala akong naririnig kundi ang ingay na nanggaling sa labas at ang maya-mayang pagtikhim niya. Inabala ko na lang ang sarili ko sa pagtingin sa mga kuha kong litrato kay Caleb kaysa sa pakiramdaman ang maya-mayang pagsulyap niya saakin. Baka kasi 'pag patuloy kong papansinin ang paninitig niya, aatakehin na ako sa puso sa lakas ng t***k nito. Gabi na nang makarating kami sa bahay. Paghinto ng kotse ni JD sa tapat ng bahay, agad akong bumaba saka ko binuksan ang pinto sa likuran. Napanguso ako nang makita ko si Caleb na tulog na tulog habang yakap-yakap ang stuffed toy na napanalunan ni JD sa laro sa arcade kanina. Napabuntong-hininga ako kalaunan saka ko hinubad ang jacket ko at itinabon sa katawan niya saka ko siya maingat na binuhat. Narinig ko pa siyang umungol nang bahagya sa ginawa ko kaya marahan kong hinalikan ang tuktok ng ulo niya. “Mommy is here.” I whispered to my son. Pagtalikod ko, napasinghap ako sa gulat nang makita kong nasa harapan ko na si JD. Watching me. Tulad dati, mukhang ako lang ang naapektuhan saaming dalawa kapag malapit kami sa isa't isa. "I should be the one who do that. Let me carry him." Akmang kukunin niya saakin si Caleb nang iiwas ko 'to sa kanya. Ngumiti ako nang pilit sa kanya dala na rin siguro nang pagkailang sa kanya. "Hindi na. Buti pa umuwi ka na sa inyo. Gumagabi na rin." Napalunok ako nang tingnan niya ako nang seryoso, "He's my son too, Alejah. Let me do my responsibility to him as his father." Hindi ako agad nakasagot. Kalaunan, napalunok ako nang sariling laway saka dahan-dahang tumango. Ibinigay ko sa kanya si Caleb na agad naman niyang kinuha. Humalakhak pa siya nang marahan nang tuluyan na niya itong mabuhat. "Ang bigat mo." he whispered to our son as he gently kissed Caleb's temple. Matapos iyun, tumalikod na siya saakin para pumasok sa bahay. Napabuga ako nang malalim na hininga saka ako sumunod na rin sa kanila. Mas nauna siya saakin sa pagdating sa kwarto ko. Pagdating ko dun ay siyang paghiga niya nang dahan-dahan kay Caleb sa malambot na kama. Siya na rin ang naghubad ng sapatos nito saka niya kinumutan ang kalahating katawan nito. Habang ginagawa niya jyun, pumasok ako sa banyo. Gustong-gusto kong tingnan ang ginagawa niyang pag-aasekaso sa anak namin pero ayaw ko namang isipin niyang tiningnan ko ang ginagawa niya. Ginamit ko na lang ang halos kalahating oras sa paglilinis ng katawan ko sa banyo. Siguro naman nakaalis na siya sa thirty minutes na iyun, 'di ba? Kaya matapos nang halos kalahating oras sa banyo, lumabas na rin ako. Pagkasara ko ng pinto, humarap ako sa kama kung saan natutulog si Caleb. Muntik na akong mapatili sa gulat nang makita ko si JD na mataman at nakahalukipkip na nakatingin saakin. Hindi ko man lang siya nakitaan ng gulat sa mukha. What the hell is he still doing here? Nang ma-realize kong nakatapis lang ako ng tuwalya, naramdaman ko ang unti-unting pag-iinit ng pisngi ko lalo na nang mapansin ko ang pagpasada nito ng tingin sa katawan ko. I looked away. Dahil sa magkahalong ilang at hiyang nararamdaman, hinawakan ko ang doorknob ng pinto ng banyo. Hindi ko pa man 'to napipihit, isang kamay na ang pumigil sa binabalak ko kaya gulat akong napabaling sa kanya. Halos mahigit ko ang hininga ko nang agad magtagpo ang malalalim niyang mata at mata ko. Kinakabahan man dahil sa lapit namin sa isa't isa, napalunok ako saka ko pinilit na magsalita. "A-ano pang ginagawa mo rito? 'D-di ba dapat umalis ka na?" gustong-gusto kong batukan ang sarili ko dahil sa pagkautal ko, "G-gabi na. You should go home." Nakita ko kung paano unti-unting tumaas ang sulok ng labi niya, "You're still Alejah that I know back then. Nauutal ka pa rin kapag kinakausap mo ako," tinagilid niya ang ulo niya nang hindi nawawala ang ngisi sa labi nito, "How about your feelings for me? Hmm? Tulad pa rin kaya nang dati?" mapanukso niyang tanong. Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya kaya mas lalo yata siyang natuwa sa reaksyon ko, mas lalo kasi siyang ngumisi. Kalaunan, napaiwas ako ng tingin sa kanya, "I already told you I don't love you.. anymore." "Oh talaga?" napatingin ako sa kanya. Nakangisi siya pero iba naman ang pinapakita ng mata niya, "Let's see, then." Halos lumuwa ang mata ko sa gulat nang bigla na lang niyang siilin ng halik ang labi ko. He bit my lower lip gently. Napapikit ako at napaawang ang labi ko dahil sa ginawa niya. He used that opportunity to slip his tongue inside my mouth and I can't help but moaned when I felt his tongue explore my mouth. Napakapit ako sa magkabilang braso niya dahil sa ginawa niya. Hindi ko alam kung bakit sa halip na itulak ko siya ay mas lalo ko pa siyang inilapit saakin. He slowly sucked my lips, licked it before pulled away and rested his face on my shoulder. We both gasping air because of that kiss. “Baby...” Pakiramdam ko nagsitaasan ang balahibo ko sa sinabi niya. Ang weird lang dahil tinatawag naman akong 'baby' ni Miguel pero hindi ko naman naramdaman ang nararamdaman ko ngayon kay JD. Napapikit ako nang maramdaman ko ang marahan niyang paghalik sa balikat ko. "Thank you for made my day happy." he huskily said.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD