Nakangiti kong hinigpitan ang yakap ko kay Caleb. Napangiti ako. Caleb smell so nice I can't help but sniffed his scent. Wierd lang. Ngayon ko lang naamoy ang ganito kay Caleb. Mabango naman ang anak ko, nuon pa. Parang baby. Pero his scent now is difference.. is more like manly.
Unti-unti kong minulat ang mata ko. Nakangiti pa ako nung una, pero nang tuluyan ko nang maimulat ang mata ko, nanlaki ang mata ko. Agad dumapo ang kamay sa bibig ko para pigilan ang pagsigaw sa gulat nang mapagtantong hindi si Caleb ang yakap-yakap ko, kundi si JD!
What the hell is happened? Where is Caleb? Bakit siya ang yakap-yakap ko? If I remember, nasa gitna namin si Caleb, kaya anong nangyari? What happened? Where is my son?
Naputol ang pag-iisip ko nang biglang umungot nang mahina si JD at bahagyang gumalaw. Hindi para lumayo saakin, kundi para mas lalong higpitan ang yakap sa baywang ko kaya mas lalo kong nahigit ang hininga ko dahil sa ginawa niya.
Malalim ang paghinga niyang halos tumatama na sa mukha ko. Tulog na tulog siya. And did he even aware that he’s hugging me? Did he?
Of course, Alejah, he’s not! Tulog na tulog siya at mukhang pareho lang kami ng inakala kanina. Mukhang akala niya si Caleb ang niyayakap niya.
Oh my God! Anong gagawin ko? Should I push him? Pero paano ko naman gagawin iyun kung mahigpit na mahigpit ang yakap niya saakin?
Pigil na pigil ko ang hininga ko sa takot na tumama ito sa mukha niyang sobrang lapit sa mukha ko. Isa pa iyun sa dahilan nang pagwawala ng puso ko. His face is just inch away.
Halos tawagin ko na ang lahat ng Santo, nanghihingi ng tulong kong paano ako makakaalis nang hindi nagigising ang lalaking mahigpit ang yakap saakin. Dahil kung nagpatuloy pa ito, baka tuluyan na akong malagutan ng hininga sa pagpipigil ko nito.
“Mommy? Daddy?” narinig ko ang boses ni Caleb mula sa labas ng kwarto. Paano siya napunta ruon?
Nakita ko ang paggalaw ng talukap ng mata ni JD kaya awtomatiko kong naipikit ang mata ko, nagkunwaring tulog, kaya hindi ko na nalaman ang reaksyon niya nang makita nito ang posisyon naming dalawa.
“Mommy! Daddy!” pangungulit ni Caleb mula sa labas.
Naramdaman ko ang unti-unting pagluwag ng yakap ni JD sa baywang ko hanggang sa inalis na niya ang kamay niya rito. He murmured something that I couldn't understand. Hanggang sa maramdaman ko ang pag-alis nito sa kama. Sunod ko na lang narinig ang pagbukas ng pinto at pag-uusap ng dalawa.
“What took you so long, Daddy? Where's mom?”
“Ssh. She's still asleep. Let's go.”
Sunod kong narinig ang hagikhikan ng dalawa at ang pagsara ng pinto. Nang masigurado kong wala na ang dalawa, nagmulat ako ng mata at saka ko inilabas ang hiningang kanina ko pa pinipigilan.
That's close!
Tulad kagabi, sabay kaming nag-almusal. Tita Isabelle, Tito France, Caleb, Jared and me. Tahimik lang akong sinusubuan si Caleb na nakaupo sa tabi ko. Samantala, si Tito France, Tita Isabelle at JD, abala sa pag-uusap tungkol sa business. Pero nakakaramdam ako ng pagkailang dahil paminsan-minsan, nararamdaman ko ang pagsulyap ni JD saamin ni Caleb.
Naalala ko na naman ang nangyari kanina. Hindi ko alam kung ilang minuto pa bago ko napakalma ang nagwawala kong puso dahil duon. Simula nun, ni hindi ko na magawang sulyapan si JD.
"How's your sleep nga pala, apo?" biglang tanong ni Tita Isabelle kay Caleb, "Did you sleep well?"
Caleb nodded with a wide smile, "Opo, Lola. Katabi ko po kasing matulog ang mommy at dinner ko, ‘e." inosente niyang sagot.
Napa-"Oh" si Tita Isabelle, halatang nagulat at hindi kapaniwala sa sinabi ng apo.
Sabay namang napatikhim si Tito France at JD. Samantala, napayuko naman ako para itago ang pamumula ng pisngi ko nang muli kong maalala ang nangyari kanina.
Damn, Caleb. Kailangan ba talagang sabihin mo iyun?
"Don't stare like that at me, Mom. We did nothing last night, okay? Natulog lang kami. At tsaka nasa gitna namin si Caleb."
"Why? I didn't say anything. Why are you so defensive, hijo?"
I heard JD cleared his throat, "Wala lang. Nagpapaliwanag lang. Baka kasi iba ang nasa isip niyo," he sighed, "And please, stop asking and talking about that. Alejah feel uncomfortable."
Natapos ang agahan namin na wala nang nagsalita tungkol dun matapos sabihin iyun ni JD. Natahimik na si Tita Isabelle matapos nun pero pansin ko ang ngiti sa labi nitong pilit niyang ikinukubli. Samantala, hindi na agad ako nag-angat ng tingin matapos iyun dahil hindi napapawi ang pag-iinit ng pisngi ko.
Ilang minuto matapos naming mag-agahan, nagpaalam na rin kami kay Tita Isabelle para makauwi na sa bahay. Hindi na rin niya kami pinigilan pa. JD insisted na siya raw ang maghahatid saamin, hindi na ako nakatanggi lalo na't tuwang-tuwa si Caleb sa desisyon ng ama niya kahit sa totoo lang, ayaw ko siyang maghatid saamin. Hindi kasi ako komportableng kasama siya lalo na't siya lang naman ang dahilan kung bakit bumibilis nang ganito ang t***k ng puso ko.
Tulad nang dati, tahimik lang ako sa byahe. Nakasandal ang ulo ko sa salamin ng bintana ng kotse habang nakatingin sa labas. Iniiwasan kong mapasulyap sa kanya dahil hindi talaga mawala-wala sa isipan ko ang nangyari kanina.
Samantala, tahimik lang din si JD habang naririnig ko ang pagpitik ng daliri niya sa manobela. Pero hindi nagtagal, ang katahimikan na iyun nabasag nang bigla siyang magtanong.
"May gagawin ka mamaya?
Napabaling ako sa kanya sa gulat, "Ha?" nang maka-recover ako sa tanong niya, dahan-dahan akong tumango, "M-may lakad kami ni Shannon." nakagat ko ang ibabang labi ko sa pagkautal ko.
Tumango-tango siya nang hindi inaalis ang tingin sa daan, "Okay."
"B-bakit mo naitanong?"
He shrugged, "Nothing," he said then he sighed, "So, can I bring Caleb in our house?”
Nagulat pa ako nung una na pinagpaalam pa niya si Caleb. Pero kalaunan, napatango rin ako, “Okay.”
Anak din naman niya si Caleb kaya hindi ko na siya pipigilan sa gusto niya. At isa pa, mabuti na rin iyun para makapag-bonding silang mag-ama nang silang dalawa lang, sa ilang taon na hindi sila magkasama.
Natahimik na kami pareho matapos iyun pero ramdam kong parang may gusto siyang sabihin dahil panay ang tikhim niya ngunit hindi niya rin nagawa iyun. Hanggang makarating na lang kami sa bahay nang wala nang nagsalita saamin.
Nadatnan namin si Kuya sa sala na abala sa laptop. Nag-angat siya ng tingin saamin nang makita kami. Agad lumipad ang tingin niya kay JD na binati siya, ngunit hindi man lang niya ito binati pabalik. Muli niyang ibinalik ang tingin sa laptop nang walang sinasabi.
Nailing na lang ako sa inasta ng kapatid ko pero okay na rin na hindi na niya binabawalang pumasok ng bahay si JD. Siguro dahil kasama nito si Caleb.
Matapos 'yun, nagpaalam na rin ako kay JD na umakyat na ng kwarto ko para makapaghanda sa usapan namin ni Shannon. I just wore a simple dress and stilettos. Matapos kong mag-ayos, bumaba na rin ako. Nagulat ako pagbaba ko, nadatnan ko pa si JD sa sala. Wala na si Kuya, tanging sila lang ni Caleb na busy sa paglalaro ng leggo ang nasa sala.
Napaangat ng tingin si JD at napatayo siya nang makita ako. Pansin ko ang pagsipat niya sa suot ko pero binawale-wala ko na lang 'yun.
"A-akala ko nakaalis na kayo." I said.
Napahaplos siya sa batok niya, "Hinintay kita," napakurap at napalunok ako sa sinabi niya, "I actually assume that you’ll change your mind. I’ll be honest to you, Alejah. I want you to come with us. Let's have lunch together." he said.
Napaiwas ako ng tingin sa kanya. Sa seryosong boses at mata niyang punong-puno ng iba't ibang emosyong hindi ko mapangalanan. Pinakalma ko muna ang sarili ko bago tumikhim at nagsalita.
"I'm sorry but I already made a promise to Shannon."
He sighed. I can even hear a disappointment on that, "Ganun ba. Okay." tumalikod na siya matapos niyang sabihin iyun. Pero ako, ramdam na ramdam ko pa rin ang malakas na t***k ng puso ko dahil sa pinapakita niyang kakaiba saakin.
Ayokong umasa na may ibig sabihin lahat ng iyun.
Kalaunan, tuluyan na rin akong umalis ng bahay sakay ng kotse ko. Dating gawi kami ni Shannon. We ate at our favorite fast food. We shopped. We played at arcade. Ganun talaga kami 'pag nagbo-bonding dalawa. Para kaming mga bata na naglalaro pa sa arcade. Isa pa, gusto ko talagang ilibang at i-relax ang sarili ko lalo na't may mga bagay na gumugulo sa isipan ko. Especially him. Lalo na ang dismayado niyang mukha noong tanggihan ko ang alok niya. Then Miguel is not with us. Hindi ko na isinama si Miguel dahil kung isinama ko iyun, tiyak na mag-aalburuto na naman 'tong isa. Ganun niya kaayaw si Miguel. At hindi ko alam kung sa anong dahilan.
Matapos naming mag-shopping at maglaro ni Shannon, muli kaming kumain. Pakiramdam kasi namin, ginutom ulit kami dahil sa paglalaro na ginawa namin.
"Bar tayo maya?" Shannon asked after she take a sip in her drinks.
Kaagad ko siyang inilingan, "Alam mo namang may anak akong dapat kung alagaan." sumimangot lang siya at inikutan niya ako ng mata.
"Anyway, nasaan ang inaanak ko? Bakit hindi mo na lang siya isinama? I missed him."
Napalunok at napakurap ako, "He's with his Dad." her lips form an 'O'. Napainom ako ng tubig nang wala sa oras.
"So, hinahayaan mo na ang anak mo sa kanya."
I shrugged, "Anak niya rin naman iyun kaya bakit ko siya pagbabawalan?"
Napalunok ako matapos nun lalo na nang maalala ko ang nangyari kagabi, lalo na ang nangyari pagkagising ko. Agad kong naramdaman ang pag-iinit ng pisngi ko dahil duon. Bumalik lang ang diwa ko nang biglang tumikhim si Shannon kaya napakurap ako.
"My God, Alejah!" frustrated niyang sabi. He narrowed her eyes at me, "Hindi ka naman siguro umaasa tulad nang dati, hindi ba? Kahit may anak kayong dalawa huwag kang masyadong umasa na matutupad na ang pagpantasya mo sa kanya noon. At hwag na huwag mong gagamitin si Caleb para mahalin ka rin ng jerk na iyun!"
"Of course not, Shannon."
I sighed.
Maghapon naming inaliw ni Shannon ang mga sarili namin sa pamamasyal at pamimili nang kung ano. Hindi ko naman kailangang isipin si Caleb dahil alam ko namang hindi ito pababayaan ni JD.
Alas kuwatro na nang hapon nang mapagpasyahan na namin ni Shannon na umuwi na.
Pagkahinto ng kotse ko sa tapat ng bahay, bumaba na rin ako saka pumasok sa gate. Maaliwalas ang mukha ko nang pumasok ako pero hindi nagtagal, unti-unting kumunot ang noo ko nang makita ko kung anong nangyayari sa harapan ng bahay.
"Ano ba talagang kailangan mo? Pwede bang umalis ka na!"
"I'm here for my baby."
"Alejah is not here! And can you please stop calling her that way?"
What the hell are they doing?
Nakita ko lang naman si Kuya at JD na nasa pinto ng bahay na pinagtutulungan ang kaharap nilang lalaki na kahit nakatalikod saakin alam ko na kung sino. It's Miguel. Parehong nakabusangot ang mukha ni Kuya at JD habang nakatingin dito.
Bumalik lang ang diwa ko nang makita kong bahagyang tinulak ni Kuya si Miguel kaya dali-dali akong lumapit sa kanila.
"Kuya!"
Pareho silang napatingin saakin. Miguel smiled wider when he saw me. Parang hindi siya pipinagtutulungan ng dalawa. At ang loko, sinalubong pa ako ng yakap.
"I missed you so much, baby."
Napansin kong mas lalong dumilim ang ekspresyon ng mukha ng dalawa. Pareho ring gumalaw ang mga panga nito dahil sa pag-igting kaya agad kong inilayo saakin si Miguel na gustong-gusto kong batukan. Parang nananadya na kasi, 'e.
"Umalis ka nang gago ka bago pa kita mapatay." Kuya said at Miguel na nagpalunok saakin. Akmang susugurin nito si Miguel nang harangan ko siya.
"Kuya, ano ba!"
"Don't block my way, Alejah!"
Napasuklay na lang ako sa buhok ko sa sobrang frustration. Oh my God. I don't know how to calm him.
"And why didn't you tell me that you already have a boyfriend?"
Bahagyang nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Kalaunan, naging malikot ang mata ko lalo na nang maramdaman ko ang masamang titig ni JD. Ilang sandali pa, napapikit ako.
"H-he's not my b-boyfriend, he's just my friend, Kuya." gustong-gusto kong murahin ang sarili ko dahil sa pagkautal ko. Masyado kasi akong naiilang sa titig ng isang kasama namin.
"But he keeps calling you baby."
Damn. My over protective Kuya is back. Hindi ko alam na pati 'yun ibibigdeal niya. Para rin siyang si JD. Huminga muna ako nang malalim bago nagsalita.
"I used to it, Kuya. Hindi ko alam kung bini-bigdeal mo iyun. At tsaka kaibigan ko lang talaga siya. Na-meet ko siya five years ago. Kaibigan siya ng pinsan ni Shannon. Mapagkakatiwalaan siya, okay? Naging ama na rin siya kay Caleb nung nasa abroad kami kaya don't mad at him because he's my friend. Just a friend."
Pinagdiinan ko talaga ‘yung 'friend' dahil hindi ko alam kung saan sa parte na iyun ang hindi nila maintindihan.
Magsasalita pa sana si Kuya nang marinig namin ang pamilyar na boses ni Caleb mula sa loob ng bahay.
"Mommy!"
Agad akong napangiti nang makita ko siyang tumatakbo papalapit saakin. Bahagya akong tumungo at nang makalapit siya saakin agad ko siyang sinalubong ng yakap sabay buhat sa kanya.
"I missed you, Mommy."
I gently kissed his cheek, "I missed you, too, baby." he always like this. Ilang oras lang kaming hindi nagkita, namimiss na agad niya ako. Ganun din naman ako sa kanya.
"How about me, lil Caleb. Did you miss me?" sabi ni Miguel na nasa likuran ko.
"Of course, Daddy Migs. I missed you. Super!"
Nakangiting ginulo nang bahagya ni Miguel ang buhok ni Caleb kaya natawa ako nang bahagya nang biglang sumimangot ang anak ko.
"You're bad, Daddy Migs."
Nawala lang ang atensyon ko nang makita kong pumasok si Kuya sa bahay nang walang sinasabi. Napalunok ako nang agad sumunod si JD dito na sinamaan pa ng tingin si Miguel bago tuluyang sumunod kay Kuya.
Matapos 'yun, inabala ko ang sarili ko sa kusina dahil nag-request ang anak kong lutuan ko siya ng spaghetti. Mula rito naririnig ko ang tawanan at hiyawan nila ni Miguel. Halatang tuwang-tuwa sa paglalaro ang dalawa. Ganyan din sila nung nasa abroad pa kami at dinadalaw kami ni Miguel sa bahay. Lagi silang naglalaro.
He already met my mom, too. Ilang minuto lang matapos naming pumasok sa bahay, dumating si Mommy. Tuwang-tuwa si Mommy kay Miguel lalo na nang malaman niyang head chef din ito sa restaurant na pagmamay-ari rin nito.
"Why that guy still here, Alejah?"
Muntik nang mahiwa ng kutsilyo ang daliri ko sa gulat nang marinig ko ang boses ni JD mula sa likuran ko. Gulat akong napabaling sa kanya. Nakita kong seryoso lang siyang nakatingin saakin habang hawak ang isang basong tubig. Napalunok ako ng sarili kong laway bago napaiwas ng tingin sa kanya at muli kong inabala ang paghihiwa ko sa hotdog kahit ramdam na ramdam ko ang bilis ng t***k ng puso ko dahil sa kanya.
"Hindi mo pa ba siya papauwiin?" napapikit ako sa tanong niya. Why he asking that? "Our son is already tired, Alejah. Make him leave so our son could rest."
What really is his problem with Miguel? Is he jealous again sa closeness ni Caleb kay Miguel?
"L-later." ang tanging nasagot ko. Isang salita lang 'yun pero gustong-gusto kong hiwain ang sarili kong daliri dahil sa pagkautal ko.
"Later?" I heard him laughed mockingly, "Talaga lang ah? At anong oras mo siya papauwiin? Ten? O baka naman dito mo pa balak patulugin ang gagong iyan dito."
Muli akong napapikit sa sinabi niya, "Miguel has a name. He's not gago and he's my friend. At tsaka, ikaw. Ano pang ginagawa mo rito?" sa halip ay tanong ko.
"So you asking me to leave?"
Dahil dun napaharap ako sa kanya na madilim ang mukhang nakatingin saakin. Umiigting pa nga ang panga nito na nakapagpalunok saakin, "N-no. T-that’s not what I mean."
"Yes, you are. I'll leave then," he said, "Tell our son, goodnight." malamig niyang sabi bago niya ako tinalikuran at lumabas ng kusina. Napakurap-kurap ako habang nakatingin sa pintong nilabasan niya.
The hell! He looks so freaking mad.
Matapos kong magluto, lumabas na rin ako ng kusina para puntahan si Caleb at Miguel. Pero pagdating ko dun, si Caleb na lang ang nadatnan kong abala sa paglalaro ng leggo.
"Hey," pagkuha ko ng atensyon kay Caleb nang makalapit ako sa kanya kaya napatingala siya saakin, "Nasa'n ang Daddy Migs mo?"
"Daddy Migs already left, Mom." he answered then he pouted, "Mommy, what happened to Daddy? Why he looks mad earlier? He even glared at Daddy Migs before he left."
Naalala ko na naman ang ekspresyon ng mukha niya kanina bago umalis. Pati pala si Caleb napansin iyun. Kalaunan, napabuntong-hininga ako saka umupo sa harapan niya. Bahagya kong hinaplos ang buhok niya.
"Naalala mo 'yung sinabi ko sa'yong nagseselos ang Daddy mo sa closeness mo at ng Daddy Migs mo?" he blinked and nodded innocently that made me smile, "That's the reason why your Daddy was mad. Nagseselos siya sa Daddy Migs mo."
"Is he mad at me?" he asked innocently as he blinked twice.
"Of course not. He will never mad at you, remember that. He loves you."
He loves you.
Napawi ang ngiti ko dahil dun. He loves our son but me? No. He'll never love me.
Shocks, Alejah. What the hell are you thinking?
Kinagabihan, habang abala si Caleb sa paglalaro sa kwarto namin, kapalitan ko naman ng mensahe si Miguel. He apologized for leaving without telling me earlier. Naiintindihan ko naman siya dahil mukhang importante naman ang dahilan ng pag-alis niya.
Ako:
Okay.
After I sent my last message to Miguel, huminga ako nang malalim saka ko sinulyapan ang anak kong abala sa paglalaro ng robot at cars niya.
I smiled.
Wala nang mahalaga saakin ngayon kundi ang anak ko. Mahalin man ako ng ama niya kung sakali o hindi, wala na akong pakialam. Basta nandito si Caleb saakin, kuntento na ako. Wala nang mas hahalaga sa kanya kundi siya.
Huminga ako nang malalim at lalapitan ko na sana si Caleb para linisan na nang biglang tumunog ang ringtone ng phone ko. I thought it was Miguel at may nakalimutan lang sabihin pero nagulat ako nang makita ko kung sino ang tumatawag.
It's him!
Agad kong naramdaman ang unti-unting paghuhumirintado ng puso ko dahil dun. Damn. Tawag lang 'to pero grabe na ang epekto niya saakin.
Pinakalma ko muna ang sarili ko bago ko lakas loob na sinagot ang tawag niya. Nanginginig ang kamay kong itinapat ang phone ko sa tainga ko.
"H-hello?" nakagat ko ang ibabang labi ko dahil sa pagkautal ko.
Hindi siya nagsalita. Tahimik lang ang kabilang linya. Sa sobrang tahimik, ang ingay lang ni Caleb ang naririnig ko dahil sa paglalaro nito. Pero hindi nagtagal, narinig ko siyang huminga nang malalim bago nagsalita.
"Can I talk to my son?"
Dahan-dahan akong tumango kahit hindi niya nakikita, "O-Okay," muli kong nakagat ang ibabang labi ko saka ako lumapit sa anak kong abala sa paglalaro, "Baby," pagkuha ko sa atensyon niya kaya napatingala siya saakin, "Your dad wants to talk to you."
Agad nagliwanag ang mukha niya sa sinabi ko at hinila niya ang phone saakin na kaagad niyang itinapat sa tainga nito. Wala akong magawa kundi ang pagmasdan ang anak kong masayang kinakausap ang ama niya.
"Hello po, Daddy!.. No, he already left po, Daddy... Yes, po... Of course! You are my Daddy but.. I love Daddy Migs too," he pouted, "Are you mad at Daddy Migs, Daddy?.. But you seems angry earlier.. Okay po.," nakita ko kung paano nagliwanag ulit ang mukha niya, "Yes po, Daddy.. Okay po."
Nagulat ako nang iabot niya saakin ang phone ko.
"Mommy, gusto ka raw po makausap ng daddy."
Napalunok at napakurap ako dahil sa sinabi niya. Kalaunan, muli akong lumunok ng sariling laway saka ko kinuha ang phone ko saka ko itinapat ang phone sa tainga ko.
Tumikhim muna ako bago nagsalita, "W-why?"
"I'm gonna fetch him again tomorrow." agaran niyang sagot.
"O-okay."
"Okay lang sa'yo?"
"Oo. He's.. your son, too, anyway."
"Our son," napalunok ako sa pagtatama niya saakin at sa seryoso niyang boses, "So, you really fine with that?"
"Oh." I said with nod.
Muling natahimik ang kabilang linya dahil hindi na siya ulit nakapagsalita. Nang maalala ko ang nangyari kanina, huminga muna ako nang malalim bago lakas loob na nagsalita.
"About what happened earlier, I'm sorry. I didn't mean that." napalunok ako nang hindi man lang siya sumagot. Kaya nang ilang segundo pa ang nakalipas, nagpaalam na rin ako, "I hung up. G-goodnight."
Dahil hindi na siya nagsalita pa, akmang ibababa ko na ang phone ko nang bigla siyang nagsalita.
"Do you really want me to forgive you, Alejah?"
Napalunok ako sa sinabi niya. Hindi nagtagal, tumango ako kahit hindi naman niya ako nakikita bago ako nagsalita, "O-Oo." I gulped again.
"Come with us tomorrow then. Let's have lunch together. Me, you and our son, Caleb."