KABANATA 16

3337 Words
When I woke up Caleb is no longer by my side. Pero hindi na ako nag-alala tulad nang dati dahil kampante naman ako kung sino ang kasama niya. Pero nang maalala ko kung kaninong kwarto ang hinihigaan ko, napasinghap ako at agad akong napabangon mula sa pagkakahiga ko. Muling pumasok sa isipan ko ang nangyari bago ako nakatulog. Wala ako sa sariling napahawak sa labi ko. The kiss. Was that a dream? Did that really happen? Gusto ko mang isiping nananaginip lang ako at panaginip lang ang lahat ng iyun. Na panaginip lang ang paglapat ng mga labi namin. Na kaya ko siya napanaginipan dahil iniisip ko siya, pero hindi! That kiss really happened! And until now I still couldn't believe he did that. Matapos niya akong halikan kanina, walang salita niya akong iniwan. Ni hindi niya hinintay ang sasabihin at gagawin ko. Basta na lang niya akong iniwang nakatulala at hindi kapaniwala sa halik niya. Ni hindi ko natanong kong para saan ang halik na iyun. Para saan nga ba? Ayaw ko namang umasa na may ibig sabihin ang halik na iyun dahil baka mamaya, umaasa lang pala ako sa wala. Kaya mas mabuting isipin kong may ibang dahilan ang halik na iyun. Ipinilig ko ang ulo ko at pumikit nang mariin habang pilit na kinokumbinsi ang sarili kong kalimutan na ang nangyari. Ilang minuto pa akong nanatili sa kwarto ni JD. Nagdadalawang isip kasi akong lumabas. Iniisip ko kung paano ko siya haharapin. Hindi ko alam kung may mukha pa akong maihaharap sa kanya matapos ng halik na iyun. Anong sasabihin ko? Itatanong ko ba kung para saan iyun? Wala sa sarili akong napagulong-gulong sa malambot ng kama ni JD sa pagkalito. Damn, Alejah. It was just a kiss. Wala lang iyun sa kanya kaya dapat ganun ka rin. Act like nothing kiss happened. Sa huli, nakumbinsi ko rin ang sarili kong lumabas ng kwarto ni JD matapos kong makatanggap sa galit ko na namang kapatid. Kuya Zyrel: Where are you, Alejah? Sumama na naman kayo sa gagong lalaking iyun? Umuwi na kayo! Napailing-iling na lang ako matapos kong mabasa ang mensahe ni Kuya. Hindi ko siya ni-reply-an. Bahala siya mag-isip. Napabuga ako ng hininga at muling napalinga-linga sa paligid ng bahay. Hindi ko nadatnan ang mag-ama sa sala nang makababa ako rito kaya nang may dumaang katulong sa harap ko, hindi ko na napigilang magtanong. "Nasaan si Jared at Caleb?" "Nasa pool po 'yung mag-ama niyo, Ma'am. Nasa likuran ng bahay." mag-ama niyo. Hindi ko na napigilan ang ngiti ko dahil dun, "Sige po. Salamat po." Tumango lang siya saka siya tumalikod saakin. Kalaunan, huminga ako nang malalim saka lumakad patungong likod ng bahay. Pagdating ko sa likod ng bahay, napahinto rin ako nang makita ko si JD at Caleb na masayang naliligo sa pool. Nagtatawanan sila habang naglalaro ng water gun. Nasa gilid ng pool si Caleb samantala si JD nasa gitna nito. They're look so happy. Hindi ko mapigilang mapatitig sa mag-ama. Tawa nang tawa si Caleb nang magawa niyang tamaan si JD ng tubig sa mukha kaya napapikit ito pero may bahid ng ngiti sa labi. "Hahahaha! Bleeh! Natamaan kita, Daddy! Hahaha!" Patuloy na umiikot si Caleb sa gilid ng pool habang tawa nang tawang patuloy na binabaril ng water gun si JD na hindi man lang umiilag. Hinahayaan lang niya ang anak sa ginagawa. Napatigil lang si Caleb sa pagtawa at pagbaril kay JD nang mapansin ako. "Mommy! Hi!" he greeted me as he wave his hand at me. I just smiled. Napawi lang ang ngiti ko nang mapatingin saakin si JD. Agad bumalik sa alaala ko ang halik niya kanina kaya agad kong iniwas ang tingin sa kanya. Unti-unti kong naramdaman ang pag-iinit ng pisngi ko dahil duon. Act like nothing kiss happened. Muli kong pagpapaalala sa sarili ko. Bumuga ako ng hininga saka ako lumakad papalapit sa anak ko, binale-wala ang titig ng ama nito saakin. Ni hindi ko siya magawang sulyapan. "That's enough, baby. You should wash up. Uuwi na tayo later." sabi ko nang makalapit sa kanya. Hinaplos ko ang buhok niya. Caleb frowned, "But, Mommy. I want to stay here with Daddy!" Umiling ako, "Hindi pwede. Baka magalit na naman ang Tito Zee mo." Mas lalong nagsalubong ang kilay niya, "But he already promised that he wouldn't do that again, Mom." Magsasalita pa sana ako nang marinig kong magsalita si JD na hindi ko namalayang nasa likuran ko na palang bahagya kong ikinagulat. "Our son wants to stay here. Pagbigyan mo na siya, Alejah." Our son. Okay. Calm down, Alejah. Kahit abot-abot ang tahip ng kaba sa dibdib ko, lakas loob ko siyang nilingon. Pero agad din akong napaiwas ng tingin nang makita ko ang hubad niyang katawan. He's just wearing boxer for Pete's sake! Bakit parang ako lang ang nakakaramdam ng kaba sa aming dalawa? Hindi ba siya naiilang na ibalandra ang katawan niya sa harap ko? Diyos ko. "C-can you please wear your shirt first, please." I can't help but ask. "Why? Are you feeling uncomfortable? You shouldn't. You already saw it." Kahit hindi ako nakatingin sa kanya, ramdam ko ang pagsipol ng ngisi sa labi niya kaya agad kong naramdaman ang pamumula ng pisngi ko. Damn. Mas lalo kong naramdaman ang pamumula ng pisngi ko nang biglang pumasok sa isip ko ang nangyari saamin five years ago kahit hindi ko naman masyadong naaalala lahat-lahat. I couldn't even remember what he is talking about. "Shut up," I said, hindi pa rin makatingin sa kanya. I heard him chuckled. Sa kahihiyan ko hinawakan ko sa kamay si Caleb, "Tara na, baby." Akmang lalakad na ako nang hawakan naman ni JD ang kabilang kamay ko na bahagya kong ikinagulat. Pakiramdam ko libo-libong boltahe ng kuryente ang naramdaman kong dumaloy sa katawan ko dahil lang sa paghawak na ginawa niya sa kamay ko. Damn. Damn. Calm down, please. Pagkausap ko sa puso kong unti-unting naghuhumirintado. "Don't leave, please." Dahil sa sinabi at pakiusap niya napalingon ako sa kanya. Napansin ko ang panandalian niyang paninitig sa labi ko saka niya muling ibinalik ang tingin sa mga mata ko. "I want.." tumikhim siya, "I mean, my Mom want you and our son to stay here. Gusto niyang manatili kayo kahit isang gabi lang sa bahay." "P-Pero... si Kuya." I bit my lips after I stuttered. "I'll talk to him and ask his permission. Don't worry about that." "Pero saan kami matutulog?" "We have guest rooms." agaran niyang sagot na parang desperadong-desperado niya sa gusto niya. At parang pinagplanuhan na niya ito. Hindi nagtagal, napayuko na lang ako at hindi na nakasagot. Hindi talaga ako komportable sa titig niya kahit hindi ko siya tinitingnan. Sa kanya ko lang nararamdaman ang ganito. Sa kanya lang ako naapektuhan nang ganito. Kahit kay Miguel, never kong naramdaman ang ganitong pakiramdam na kay JD ko lang nararamdaman. Kahit papaano nakahinga ako nang maluwag nang bitawan na niya rin ang kamay ko, pero ang puso ko, hindi pa rin tumitigil sa paghuhumirintado. "Mommy? Are you sick?" biglang tanong ng anak ko kaya napatingin ako sa kanya. "No,” bahagyang kumunot ang noo ko, “Why did you ask, baby?" "Ang pula kasi ng pisngi mo, Mommy." inosente niyang sagot na kumukurap-kurap pa habang nagtatakang nakatingin sa mukha ko. Mas lalo ko namang naramdaman ang pag-iinit ng pisngi ko dahil sa tanong ng inosente kong anak. "W-wala lang 'to, baby. B-baka sa sobrang init." sa kahihiyan ko agad akong tumalikod at lumakad nang hindi tinatapunan ng tingin si JD. Shit. Bakit napansin pa iyun ni Caleb? Hindi na rin ako nakatanggi sa sinabi ni JD kaya pagdating ni Tita Isabelle, tuwang-tuwa siya nang madatnan pa niya kami rito sa bahay nila. Samantala, nagpatuloy naman sa pagba-bonding 'yung mag-ama. Kung anu-anong ginawa nila. Gustong-gusto ko silang tingnan pero sa tuwing mararamdaman ko ang paninitig ni JD saakin, agad kong iniiwas ang tingin sa kanya. Kaya para maiwasan ang titig nito, inabala ko na lang ang sarili ko sa pagtulong sa kusina, kahit nuong una hindi ako hinahayaan ng mga maid. But I insisted kaya wala rin silang nagawa. Kinagabihan, sabay kaming naghapunan sa hapagkainan, maging si Tito France na kagagaling lang sa opisina. Tahimik lang akong kumakain samantala si Tita Isabelle, tuwang-tuwa at aliw na aliw pa rin sa anak ko na masayang nagkukuwento tungkol sa kanya lalo na noong nasa abroad pa kaming dalawa. "Ma, stop that. He's eating." suway ni Jared sa ina dahil panay ang halik nito sa pisngi ni Caleb. Tita Isabelle just glared at him. Nailing na lang si JD at hinayaan na lang ang ina sa pangungulit sa anak namin. Maya-maya narinig ko ang pagtikhim ni Tito France, "How's Cyndie nga pala, Jared?" Biglang nabulunan si JD sa biglaang pagtanong ng ama. Samantala, hindi ako nag-angat ng tingin kahit nagulat ako nang bigla niyang ipasok sa usapan si Cyndie. "We're fine, 'Pa. I already apologized to her," sagot ni JD nang maka-recover sa tanong ng ama, "She's now in the U.S." Magsasalita pa sana si Tita Isabelle nang pumikit ito nang mariin at muling magsalita. "Stop asking, please. And stop talking about Cyndie. Alejah is here." mariin nitong sabi. Dahil sa sinabi niya, inangat ko ang tingin sa kanya. Tipid ko siyang nginitian kahit seryoso ang mga mata niyang nakatingin saakin, parang naninimbang ng tingin. "Okay lang. Fiancee mo naman siya." "It's not fine with me," seryoso niyang sabi habang matamang nakatingin saakin, "And ex-fiancee, correction." Tumango na lang ako at hindi na nagsalita pa kahit nagulat ako sa huling sinabi niya. Ex-fiancee? So, meaning hindi na talaga matutuloy ang kasal nilang dalawa? "How about you, Alejah? May boyfriend ka na?" tanong ni Tita Isabelle na nagpabalik ng diwa ko. "Po?" gulat kong sabi. Nang maka-recover ako, alanganin akong ngumiti, "Ahh. W-wala po. Hindi ko na po iniisip iyun kasi nandito na naman po ang anak ko. Wala na po akong balak mag-boyfriend. Caleb is enough to me." "Naku, hija. That's not right. You're just twenty two right? Bata ka pa. For sure, marami pa ang magkakagusto sa'yo. Maganda ka naman, e', kahit may anak ka na. Then look at your body. Parang wala kang anak. At hindi porke may anak ka na, hindi ka na magbo-boyfriend or mag-aasawa. Lalaki rin ang anak mo kalaunan, kaya kailangan mo nang makakasama sa pagtanda." Hindi ako sumagot. Hindi ko alam kung bakit sinasabi 'to ni Tita Isabelle saakin ngayon. Hindi ko rin alam kung anong pinupunto niya. Nailang ako at the same time, kinakabahan ako lalo na't nakita ko sa gilid ng mga mata ko ang masamang titig ni JD. Hindi ko lang alam kung para kanino ang masamang titig na iyun. "You should date a man, hija." ngumiti pa siya sabay sulyap kay JD at taas kilay niyang tiningnan ito saka muling bumaling saakin, "How about.. Who is he again? Miguel? Yes. Miguel. How about him? I think he's a perfect man for you. Sabi mo nga, naging ama na rin siya kay Caleb, right?" "Y-yes po, T-Tita, but he is just my friend." nakagat ko ang ibabang labi ko. Kalaunan, napayuko na lang ako dahil mas lalo kong naramdaman ang masamang titig ni JD. "Ganun?" I heard Tita Isabelle said, "But you should really date a man, hija." "But Lola Isa, she has already my Daddy na po. I don't want her to date other man. I only want my Daddy for her." pagsali sa usapan ni Caleb na ikinagulat ko kaya napaangat ako ng tingin. Maging si Tita Isabelle nakita kong nalaglag ang panga nito sa sinabi ng anak ko. Tumawa lang naman nang marahan si Tito France, "And my Daddy will get —" Napahinto siya sa pagsasalita dahil sa pagtikhim ni JD. Tumayo ito at lumapit kay Caleb, "Baby, you're already sleepy right?" Tiningala siya nito at inosenteng umiling, "No, Daddy, I'm not —" "No. You're sleepy. I saw you yawned earlier," JD cut him off, "Let's go to my room," magsasalita pa sana si Caleb nang agad dinugtungan ni JD ang sasabihin, "May ipapakita ako sa'yo." Lumiwanag ang mukha ng anak ko, "Ano po iyun, Daddy?" JD smiled ear to ear, "It's a surprise. I have a surprise for you because you made your daddy's day. So come with me?" Caleb nodded and his smiled widened. Kumikinang pa ang mga mata nito habang nakatingin sa ama, "Okay po, Daddy." matapos sabihin iyun ni Caleb, naglalambing siyang ibinuka ang mga braso nito. Agad namang sinunod ni JD ang gustong ipahiwatig nito. Natatawa nang marahan na kinarga ni JD si Caleb. Umalis ang mag-ama na hindi man lang nagpaalam saamin. Para bang may sariling mundo ang mga ito. Narinig ko pa ang halakhak ni JD bago sila tuluyang nakalabas ng dining room. Parang nawala agad ang masamang mood niya kanina. After naming magdinner, nakipagwentuhan pa ako kay Tita Isabelle nang mga ilang minuto bago ako dumiretso na rin sa guest room kung saan ako matutulog. Si Caleb, hindi ko kasama. Mukhang natutulog siya katabi ng Daddy niya sa kwarto nito. Habang nakahiga ako sa malambot na kama, binasa ko ang mensahe ni Shannon at Miguel na kanina pa dumating pero hindi ko pa nababasa. Shannon: Tommorow, Alejah. Pinapalalahanan ako ni Shannon sa usapan namin nung nakaraan. Niyaya niya akong lumabas. Miguel: I'll be in Manila tomorrow, baby. See you. Ni-replyan ko sila pareho. Kalaunan, nang may naisip ako, muli akong nagtipa ng mensahe para kay Shannon. Ako: Bukas ang uwi ni Miguel galing Cebu. Bakit hindi natin siya isama? Wala pang ilang segundo matapos kong i-send ang mensahe na iyun kay Shannon, bigla itong tumawag na agad ko namang sinagot. "Why —" "No!" she cut me off, "Bakit natin isasama ang mokong na iyun?" "Wala lang. Gusto ko lang para magkita kayo. I know you miss each other." Bigla siyang natawa sa sinabi ko, tawang sarkastiko, "Miss his ass. Basta, Alejah, huwag na huwag mong isasama ang mokong na iyun. Date nating dalawa iyun. Date as a friend. Kaya huwag kang magsama ng sampid." "He is your friend, too, Shannon." I remind her. "Friend? Duh, Alejah. He's not my f*****g friend." she said. I can even see her rolling eyes. "Why do you hate him that much? Wala naman ginagawa 'yung tao sa'yo." Noon palang iniisip ko na kung bakit parang ang lalim ng galit niya kay Miguel. I don’t know what's with them. Hindi ko pa nga nakakalimutan nung magharap sila sa New York. Halos patayin ni Shannon si Miguel gamit ang matalim na titig. Hinahayaan lang naman ni Miguel ang kaibigan ko. Hindi siya nakasagot sa tanong ko. I sighed. Ilang minuto pa kaming nagkausap ni Shannon bago siya nagpaalam na matutulog na matutulog na raw siya. Bago pa siya nagpaalam, pinaalalahan niya akong huwag daw akong magdala ng sampid sa lakad naming dalawa. Binasa ko pa ang huling mensahe ni Miguel. Napabuntong-hininga ako bago ako muling humiga sa kama. I am about to close my eyes when I heard a knock. Hanggang sa marinig ko ang pamilyar na boses ni Caleb. "Mommy, it's me. Can I come in?" I sighed. Inalis ko ang kumot saka ako bumaba ng kama at lumapit sa may pinto saka siya pinagbuksan. "Why, baby?" tanong ko matapos ko siyang pagbuksan ng pinto. Nakita ko siyang may dala-dalang unan. Nakasuot na rin siya ng pajamas. "I can't sleep, Mommy. Gusto kong matulog sa tabi mo. Puwede po ba?" I smiled, "Okay. No problem, baby. Halika, pasok ka." "Wait, Mommy. How about Daddy. Puwede rin po ba siyang tumabi sa atin?" Napakurap ako sa tanong niya. Magsasalita pa sana ako nang magpakita si JD na nakasandal lang pala kanina sa pader kaya hindi ko siya agad napansin. Napalunok ako, "U-uhm.." nakagat ko ang ibabang labi ko dahil halos hindi ako makahanap ng salita. "Please, Mommy." Caleb beg. Dahil hindi ko matanggihan ang anak, kahit hindi ako sigurado dahil sa kaba ko, binuksan ko ang pinto nang malaki saka dahan-dahang tumango. Kaya 'yung anak ko tuwang-tuwang tumakbo sa kama at agad sumampa rito. Napabaling lang ako kay JD nang magsalita ito, "I know you'll feel awkward if I sleep here so it's fine with me. Okay lang kahit hindi mo ako gustong nandito ako." "No." agad kong tanggi. Muli akong nakagat ang ibabang labi ko, "H-hindi ko itatanggi ang bagay na iyun pero kasi.. hindi ko kayang tanggihan ang anak ko..." "Anak natin." he corrected me habang matamang nakatingin saakin at nakahalukipkip. Napakurap ako sa gulat bago tumango kalaunan, "Y-yeah... our son." "So you won't mind if I sleep here?" Tumango ako kahit naiiling ako at hindi ako sigurado sa pagtango ko. I saw a glimpse of smile on his lips but it’s looks like he try his best to hide it. Bakit siya masaya? I don't know. Kalaunan, lumakad ako papalapit sa kama kung saan nagtatalon si Caleb sa tuwa. Naramdaman ko naman ang pagsunod ni JD sa likuran ko Kaya malakas ang kabog ng puso ko. Ganito naman lagi. Sobrang lakas talaga ng epekto niya saakin. Walang bago. "That's enough, baby. You should sleep already." suway ko sa kanya. "Okay, Mommy." masayang sabi niya saka nahiga sa gitna ng kama. Muli akong natahimik dahil ang iisiping matutulog kami katabi si JD ay mas nagpapalakas ng kabog sa puso ko sa hindi maipaliwanag na kaba, "Mommy, Daddy, let's sleep na po." "O-okay, baby." Nahiga ako sa tabi niya habang nakatagilid. Mas lalo kong naramdaman ang pagbilis ng t***k ng puso ko nang mahiga si JD sa kabilang side ni Caleb. Kahit nasa pagitan naming dalawa si Caleb hindi pa rin iyun mababago ang lakas at bilis ng t***k ng puso ko. Kalaunan, ipinikit ko na lang ang mata ko at nagkunwaring inaantok na. "Daddy, where is my prize?" I heard Caleb whispered to his dad. Bahagyang napakunot ang noo ko. Prize? "Shhh. Quiet. Your mom my might hear you." narinig ko ring bulong ni JD kay Caleb, "Sleep." "Okay po. Good night, Daddy." "Good night." Natahimik na sila matapos iyun. Samantala, nakikiramdan lang ako. Sa sobrang katahimikan halos marinig ko na ang lakas ng t***k ng puso ko. Ilang minuto pa ang nakalipas, naramdaman ko na lang ang malalim na paghinga ni Caleb senyales na tulog na ito. "I know you're still awake, Alejah." Awtomatiko akong napamulat dahil sa boses ni JD. Agad nagtagpo ang mga mata namin dahil pareho kaming nakahiga nang patagilid habang nasa tabi namin si Caleb na natutulog na. Napalunok ako. “Did that ass...” he cleared his throat before he continued, “Did Miguel already do this? Did he already sleep next to you and our son?” Para akong robot na umiling. Ni hindi ko magawang ibuka ang bibig ko. Para naman siyang nakahinga nang maluwag. "Thank you." Napalunok ako at napakurap sa sinabi niya. "F-for.... what?" "In your decision to raised our son alone even though I know it wasn’t easy for you and.." ipinikit niya ang mata niya, "For came back." mahinang dagdag niya sapat lang para marinig ko. Matapos niyang sabihin iyun hindi na niya iminulat ang mata niya at hindi na rin nagsalita pa. Samantala, tanging pagkurap lang ng mata ang nagagawa ko habang nakatingin sa gwapo niyang mukha. Hindi ko alam ang irereact sa sinabi niya. What did he mean by that? Why is he thankful that I came back? Hindi nagtagal, narinig ko na rin ang malalim niyang paghinga senyales na tulog na rin siya gaya ng anak ko, anak namin, kaya nagkaroon ako ng pagkakataong matitigan ang mukha niya. Maya-maya, naramdaman ko na lang ang paglandas ng luha sa pisngi ko habang nakatitig ako sa kanya. I closed my eyes until I fell asleep. "I love you."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD