“Hmm, ang bango-bango naman ng baby ko.” sabi ko habang pinanggigilan kong halikan si Caleb sa leeg.
Katatapos ko lang siyang paliguan. Pinatayo ko siya sa kama para bihisan, “Wear you clothes na, baby.” inuna kong isuot sa kanya ang damit niya.
“Mommy?”
I looked at him, “Why, baby?”
“Why are Tito Zee and Daddy fighting? Is that because of me?”
Nagulat ako sa tanong niya. Naalala ko na naman ang nangyari kanina. Sa nangyari kanina, isang oras din bago ko napatahan si Caleb. Iyak siya nang iyak hanggang sa nakatulugan na lang niya ang pag-iyak niya. Mukhang nabigla at natakot talaga siya sa pag-aaway ni Kuya at JD kanina. Ngayon lang din niyang magawang makapagtanong kaya nagulat ako sa biglaan niyang pagpasok sa usapan.
Huminga ako nang malalim nang maka-recover ako sa tanong niya bago ko siya sinagot, “No. Hindi iyun dahil sa‘yo, okay? At huwag mo nang isipin ang bagay na iyun. You’re too young to understand what is happening,” I smiled, “And promise me, don't imitate what you saw earlier.”
He nodded, “Promise, Mommy, I'll be a good man when I grow up.”
Mas lalo akong napangiti sa sinabi niya, “That’s my baby. Halika nga. Hug mo nang mahigpit na mahigpit si Mommy.” Agad naman niyang sinunod ang sinabi ko. Yinakap niya ako, so I hugged him back.
Matapos ko siyang bihisan, pinatulog ko na rin siya. Agad naman siyang nakatulog dala na rin siguro nang sobrang pagod sa mga nangyari ngayon araw. Bumuntong-hininga ako saka tumayo nang masigurado kong tulog na tulog na siya.
I went to the bathroom to wash up. Matapos kong maglinis ng sarili, lumabas na rin ako ng banyo. Habang pinapatuyo ko ang buhok ko, narinig kong tumunog ang ring tone ng phone ko kaya lumapit ako sa may bedside table kung saan nakapatong ito. Nang nahawakan ko na ito, saka naman namatay ang tumatawag. Huminga ako nang malalim at tiningnan ang tumawag.
My eyes widened when I saw who called.
It was JD!
But why did he call? May kailangan ba siya?
Bumuntong-hininga ako at muling binitawan ang phone ko para mag-ayos. Pero habang nag-aayos ako panay ang tingin ko sa phone kong nakapatong sa bedside table. Umaasa na muli siyang tatawag pero hindi na rin nangyari ang pagtawag hanggang matapos kong ayusin ang sarili ko.
Nahiga ako sa tabi ni Caleb habang tinitingnan ang pangalan ni JD sa call history ng phone ko. Iniisip kung bakit siya biglang tumawag. May kailangan ba siya? Anong kailangan niya? O baka naman napindot lang niya? Puwede ba iyun?
Wala sa sariling nagulo ko ang buhok ko sa pag-iisip kung bakit siya tumawag.
Muli akong napatingin sa screen ng phone ko. Bumuntong-hininga ako saka ko iyun ibinalik sa bedside table at patagilid na humiga, kaharap ang anak kong kamukhang-kamukha niya.
I slightly tapped the tip of my son’s nose. Natawa ako nang marahan nang kinamot niya ito nang marahan pero hindi naman siya nagising.
“Baby, you know what?” pagkausap ko sa natutulog kong anak, “I’m so happy for you. Hindi ko akalaing magkakakilala kayo ng ama mo. Akala hindi na mangyayari iyun. Mas nawala ako ng pag-asa nung nalaman kong ikakasal na siya. I admit, baby, that I still love your daddy. Pero kagaya nuon, wala pa ring mangyayari ang pagkagusto sa kanya. We have you pero hanggang duon lang iyun. Kaya sana. Tulungan mo si Mommy. Tulungan mong makalimutan ni Mommy si Daddy dahil ayaw kong dumating sa puntong iiyak naman ako nang dahil sa kanya.”
Matapos kong sabihin iyun, hinalikan ko siya sa ilong. Muli akong natawa nang marahan nang nagkamot ulit siya rito. Kapagkuwan, yinakap ko siya at nakangiting ipinikit ang mga mata ko hanggang sa nakatulugan ko na lang ang pag-iisip sa kung anong gagawin ko para tuluyang makalimutan si JD.
Lumipas ang ilang araw. Matapos ang nangyaring iyun sa pagitan ni Kuya at JD, hindi na ulit ako kinikibo ni Kuya. Hindi na niya ako kinakausap at ni hindi na niya ako pinapakialaman. Kapag magpapaalam ako na lalabas kami ni Caleb, palagi niyang sinasagot,
“Do what you want. Malaki ka na, ‘e.”
‘Yun lang saka niya ako tatalikuran. Hindi ko alam kung matutuwa o malulungkot ako. Bigla ko yatang na-miss ‘yung over protective kong Kuya.
Hindi ko nagawa ang pangako ko kay JD na dadalhin ko si Caleb sa kanila. Pero nakausap ko na naman si Tita Isabelle para magpaliwang. Mabuti na lang at naiintindihan naman daw niya.
Samantala, nakakagulat na hindi hinahanap ni Caleb ang ama niya. Ni hindi niya ito nababanggit saakin. Siguro, hindi niya pa rin nakakalimutan ang nangyaring away ni Kuya at JD. Hanggang ngayon nga, hindi pa rin niya pinapansin si Kuya. Umiiwas ito sa tuwing magtatangkang lalapit si Kuya sa kanya.
Napabaling ako sa may pinto ng kwarto nang bumukas ito. Pumasok mula rito at maid namin na inutusan kong gumawa ng miryenda. Bumuntong-hininga ako at sinulyapan ang anak kong abala sa paglalaro sa ibabaw ng kama
“Caleb,” pagkuha ko sa atensyon nito, “Mamaya ka na maglaro. Miryenda ka muna.”
Agad naman siyang sumunod. Masaya siyang lumapit sa may miryenda at kumuha agad ng isang pirasong sandwich. Napangiti ako nang makitang sarap na sarap ang anak ko sa pagkain.
“Thanks, Ate.” sabi ko sa bagong katulong namin na matanda lang saakin ng ilang taon, halos kaedad lang siya ni Kuya. Si Kuya rin ang tumanggap sa kanya nang hindi ko nalalaman. Nagising na lang ako isang araw na may bago na kaming katulong.
Samantala, dahil sa galit ni Kuya sa nangyari kay Caleb, siya na mismo ang nag-alis kay Demy sa pagiging yaya ng anak ko. Kaya pahirapan ako ngayon sa paghahanap ng bagong mag-aalaga kay Caleb para makapagtrabaho naman ako.
“Welcome na welcome, Ma’am.” ngiting-ngiti niyang sabi. Akmang aalis na siya nang pigilan ko siya.
“Si Mommy? Nandiyan pa ba?”
“Maaga pong umalis, Ma'am.”
Hindi na ako nagulat sa sinabi niya. Mula nang mamatay si Daddy nuon, siya na ang nag-asekaso ng restaurant na naiwan saamin ni Daddy. Kaya minsan, maaga talaga siyang umalis at halos hindi na kami nagkakaaabutan.
“How about my brother? Si Kuya Zyrel? Nasa baba ba?”
Agad siyang umiling, “Wala po, Ma’am. Umalis siya nung dumating ‘yung gwapong lalaki.”
Kumunot ang noo ko, “Gwapong lalaki?”
Ngumiti siya na parang kinikilig, “Opo, Ma’am. Grabe ang gwapo niya kahit may mga pasa. Makakaglag panty ang kagwapuhan niya, Ma’am. Kaya lang mukhang bad vibes sa kanya si Sir Zyrel, kasi sinamaan niya ‘to ng tingin bago umalis...”
Tuloy ang pagkukwento ng bago naming katulong na hindi ko naman masyadong naririnig dahil iniisip ko ang taong tinutukoy niya. Kahit hindi naman niya sabihin kung sino dahil hindi niya ito kilala, may ideya na ako kung tinutukoy niya.
“.... Kaso, Ma’am. Hindi ko siya kayang kausapin. Ang suplado nang dating niya. Sayang. Ang gwapo sana, suplado naman.” napanguso pa siya nang huli.
Napapikit ako nang mariin para pakalmahin ang sarili ko, kalaunan muli ko rin iminulat ang mga mata ko, “Why didn’t you tell me, Ate?”
“Po, Ma’am?” kumurap-kurap pa siya.
“I mean, bakit hindi mo sinabi saakin na nandito ang Daddy ni Caleb?”
Nalaglag ang panga niya at maya-maya’y napakurap-kurap na tila ba gulat na gulat siya sa narinig, “A-asawa niyo po siya, Ma’am?” tanong niya nang maka-recover kahit kita ko pa rin sa mukha niya ang pagkagulat.
Umiling ako, “No. Daddy lang siya ni Caleb pero hindi ko siya asawa.” sabi ko kahit naramdaman kong pinamulahan ako ng pisngi sa sinabi nito.
Asawa? Si JD? Hindi ko ma-imagine iyun.
“Kung ganun naano ka lang niya?”
Kumunot ang noo ko dahil hindi ko talaga maintindiham minsan ang bago naming katulong. Hindi ko nga alam kung saang lupalop ng Pilipinas ito nakuha ni Kuya. Dahil may pagkakataon talagang hindi ko siya ma-gets.
“What’s naano lang?”
“‘Yung ganito po.” sumenyas-senyas siya na hindi ko maintindihan kaya naiiling ko siyang tinalikuran at hinarap si Caleb na busy sa pagkain.
Hinaplos ko ang buhok ng anak ko, “Baby, that’s enough. Pupunta tayo sa baba. May bisita ka.”
“Visitor, Mommy? Sino po?” he asked, innocent.
I smiled, “Daddy.”
Bahagya ko siyang nakitaan ng saya pero sandali lang iyun. Bigla siyang sumimangot at walang sinabi. Bumuntong-hininga ako.
“Why? Don’t you want to see your dad? Ilang araw mo na siyang hindi nakikita. Hindi mo ba siya na-miss?”
“I miss, but...” he paused and frowned again.
Nailing na lang ako saka ko siya kinarga at lumabas ng kwarto. Kasunod namin ang bago naming katulong na naririnig kong bulong nang bulong mula sa likuran ko.
“Sayang may anak na pala siya. Crush ko pa naman sana siya. Pero sige na nga. Ipapaubaya ko na lang siya kay Ma’am. Tutal, bagay naman sila.” I heard her giggled.
Napairap na lang ako sa hangin pero mayamaya'y namalayan ko na lang ang sarili kong nangingiti na pala. Bagay kami? Ngayon ko lang iyun narinig sa buong buhay ko. Ni si Shannon hindi iyun sinasabi saakin. Palagi niyang sinasabing JD is not worth it.
Napatigil lang ako sa pag-iisip nang makita ko ang lalaking laman ng isip ko na mukhang kanina pa naghihintay. Nakaupo ito sa mahabang sofa, nakayuko habang magkasalikop ang mga daliri.
Palihim kong sinamaan ng tingin ang katulong na nakatingin din sa lalaking mukhang pinagnanasaan nito. Parang gusto ko tuloy itong itulak sa hagdanan.
Stop r****g him on your mind! We already have a child! I want to shout that to her but I just stopped myself.
Pairap kong ibinalik ang tingin kay JD matapos kong patayin sa isipan ko ang kasambahay namin. Naisip ko si Kuya. Mabuti at pinayagan siyang makapasok ng bahay ng kapatid ko. I wonder kung anong ginawa ni Kuya sa kanya bago siya nito pinayagang pumasok. Eh base sa kuwento ng maid namin, hindi pa rin magkasundo ang dalawa.
Naputol lang ang pag-iisip ko nang bigla itong mag-angat ng tingin na bahagya ko pang ikinagulat. Agad nagtagpo ang mga mata namin. Agad kong napansin ang mga bandage sa mukha nito dahil yata sa sapakang ginawa nila ni Kuya nung nakaraan. Kahit si Kuya, meron din.
Inutusan ko muna ang bago naming katulong na halata pa rin sa mukha ang pagkakilig. Inikutan ko lang ulit ito ng mata saka lakas loob na lumakad papalapit kay JD na tumayo mula sa pagkakaupo nang tuluyan na kaming makalapit ng anak niya.
“Uhm, I-I’m sorry. Hindi ko agad nalaman na nandito ka pala.” I gulped matapos kong sabihin iyun, ini-expect ko na ang pagsusuplado niya.
“It’s okay.”
Napakurap ako. Omg. Hindi niya ako sinapladuhan! He answered me seriously. Mukhang umpekto ‘yung pinagsabihan ko sila ni Kuya. Pero mas lalo yata akong nakaramdam ng pagkailang. Hindi ako sanay. Parang mas gusto ko yatang sinusapladuhan niya ako?
Damn, Alejah. Nababaliw ka na ngang talaga.
Mayamaya’y tumikhim siya, “P-pwede ko bang buhatin si Caleb?”
Muli akong napalunok at napakurap, “S-sure.”
Akmang ibibigay ko sa kanya si Caleb nang biglang humigpit ang yakap nito saakin. Mas lalo pa nitong ibinaon ang mukha nito sa leeg ko, “Mommy, no.”
“Baby, that’s your dad. Don’t you remember him?”
Umiling siya, “I remember him but I’m scared. Baka saktan niya rin ako like he did to Tito Zee.”
“No. He won’t do that because he’s your daddy. Hindi ka niya sasaktan, baby. He loves you.”
Hindi na sumagot si Caleb, nanatiling nakasubsob ang mukha nito sa leeg ko kaya kagat labi kong ibinalik ang tingin kay JD.
“Hindi pa rin niya nakakalimutan ang nangyari nung nakaraan.”
Mariing naipikit ni JD ang mga mata niya. Hanggang sa punong-puno ng frustration niyang nagulo ang buhok niya, “Damn. It was my fault.”
Napatitig ako sa kanya na ngayong halata ang frustration sa mukha. Magkahalong awa at tuwa ang nararamdaman ko. Hindi ko akalain na ganito na ka-importante si Caleb sa kanya. Hindi ko tuloy maiwasang isipin na kung noon palang —nung ipinagbubuntis ko palang si Caleb — sinabi ko sa kanya, posible kayang hindi niya ako itulak palayo? Natanggap din kaya niyang may anak siya saakin gaya ng pagtanggap niya ngayon? Ako kaya ‘yung hihaharap sa altar imbes na si Cyndie? At huli sa lahat, magawa niya kaya akong mahalin?
Kung anu-anong tanong ang pumasok sa isipan ko kaya parang gustong-gusto kong batukan ang sarili ko.
Bumuntong-hininga ako saka nagsalita, “Just explain him what happened para hindi na siya matakot.”
He did what I said. Nong una nahirapan pa siya sa pag-i-explain dahil hindi nakatingin si Caleb, nanatili lang itong nakatungo.
“Young man, look at daddy, please,”
Hindi ko na mabilang kung ilang beses nang nakiusap si JD sa anak ko na tingnan siya. Halos nakaluhod na ito sa harap ng anak kong nakaupo naman sa sofa at hindi man lang nag-aangat ng tingin sa ama.
“What do you want, baby? Do you wanna play? Do you wanna eat? You want pizza? How about.. we’ll watch movie? You want that? Do you wanna go the mall and buy a toy?” JD continued.
Dahan-dahang umiling si Caleb, “I don’t want that, Daddy,” nag-angat ito ng tingin sa ama kapagkuwan, nakanguso, “Gusto ko pong magbati na kayo ni Tito Zee and promise me that you won't fight with him again po.”
“I’ll do it,” JD said and smiled, “Makikipagbati ako sa tito mo at promise hindi na ako makikipag-away sa kanya. Pansinin mo lang ako ulit, okay?”
“You’ll do it? Promise?” tanong ni Caleb, nasa mukha nitong hindi pa rin siya kumbinsido sa sinasabi ng ama.
“I promise,” itinaas pa nito ang kanang kamay na parang nanunumpa sa anak ko, “For you I’ll do it.”
Eksaktong matapos sabihin iyun ni JD, sabay kaming napalingon sa bagong dating na si Kuya. Kumunot ang noo nito nang makita si JD na nakaluhod sa anak. Halatang-halatang sa ekspresyon ng mukha nito ang disgusto.
“Kuya...” I whispered
Nagulat na lang ako nang biglang tumayo si JD at lumakad papalapit sa kapatid ko. Lalapit na rin sana ako dahil sa takot na maulit ang dati pero nagulat na lang ako sa sunod na ginawa ni JD sa kapatid.
“What the f**k, Sanmiego!” sigaw ni Kuya nang bigla siyang akbayan ni JD.
“Stop cursing in front of my son.”
Kuya Zyrel glared at JD, “Titigil lang ako kapag inalis mo ‘yang marumi mong kamay sa balikat ko —f**k!” mura ni Kuya nang mas lalong higpitan ni JD ang akbay nito sa kanya.
May kung anong binulong si JD sa kapatid ko. Matapos mabulungan ni JD ang kapatid ko, sinamaan pa siya nito ng tingin saka biglang umakbay kay JD at ngiting-ngiting humarap sa anak kong kunot noo ring nakatingin sa dalawa, nagtataka.
“Yeah, young man. Bati na kami, kaya huwag ka nang magtampo kay Tito, ha?” my brother said to my son with a forced smiled.
“Talaga, Tito, Daddy? Hindi na kayo mag-aaway?”
“Y-yeah..” napipilitang sabi ng dalawa. Nagkatinginan pa ito at pasekretong nagsamaan ng tingin. Pero nang muling tumingin sa anak ko, may pilit na ngiti na ulit.
Nailing-iling na lang ako lalo na’t hindi naman iyun napansin ng anak kong tuwang-tuwa bumaba sa sofa at patakbong lumapit sa dalawa.
Yumakap ito sa baywang ng dalawang magkaakbay pa rin saka niya tiningala ang mga ito, “Don’t do it again, okay? I don't want to see you fight again because I love you both.”
Matapos nun, niyaya ni Caleb na makipaglaro sa kanila ang dalawa. Hindi naman nakahindi ang dalawa sa gusto ng anak ko. Hindi ko alam kung matatawa o maiinis ako dahil halata pa rin ang disgusto ng dalawa sa isa’t isa, lalo na ang kapatid ko. Kapag hindi nakatingin si Caleb sa mga ito, halos magpatayan ang dalawa sa pamamagitan ng tingin. Babalik lang ang ngiti nila kapag nakatingin na sa kanila ang anak ko.
Tawang-tawa si Shannon nang ikuwenento ko iyan sa kanya. Hinayaan ko na lang kasi muna ang tatlo sa baba para magkaruon naman sila ng time at malay mo dahil duon, tuluyan na talagang magkabati ang dalawa. Kaya naisipan kong tawagan na lang si Shannon para malibang ko ang sarili ko. Ikuwenento ko sa kanya lahat ng nangyari.
“I don’t know, Shannon, pero natatakot akong baka magpatayan na talaga ang dalawang iyun. Sige, ah. Sisilipin ko na lang muna. I’ll just gonna call you later again. Bye.”
Mabilis kong tinapos ang tawag saka ako lumabas ng kwarto. Hindi pa rin maalis sa isip kong baka kung ano nang ginawa ng dalawang iyun lalo na’t hindi ko na marinig ang tawa at tili ni Caleb na naririnig ko naman kanina kahit nasa kwarto ako.
Lumala ang kaba ko nang ang anak ko na lang ang nadatnan ko sa salas ng bahay. Mag-isa itong nanunuod ng Cartoon Network. Hindi na niya kasama ang dalawa at wala akong ideya kung saan nagpunta ang mga iyun.
“Hey,” pagkuha ko sa atensyon dito, “Nasaan ang tito mo?”
Napabaling naman ito saakin, “He left after he received a call.”
Kahit papaano nabawasan ang kabang nararamdaman ko nang mukhang hindi naman pala nagpatayan ang dalawa.
“How about your... dad?”
“He is...”
Hindi na natuloy ni Caleb ang sasabihin nang makarinig kami ng tikhim mula sa likuran ko. Sunod kong narinig ang pamilyar na boses ni JD.
“Why are you looking for me?”
Gulat ko siyang hinarap. Muntik na akong mabuwal sa kinatatayuan nang makita kong sobrang lapit niya saakin. Pero mukhang ako lang naman ang nagulat duon. Walang kakurap-kurap siyang nakatingin sa mukha ko. Kahit na kunin ni Caleb ang atensyon niya, hindi niya inaalis ang mga titig saakin.
Parang gusto nang lumabas ng puso sa dibdib ko sa sobrang paghuhumirintado nito.
Ilang segundo pa bago ako naka-recover sa gulat, “A-Akala ko kasi umalis ka na.”
“I’m not gonna leave hangga’t hindi tayo nakakapag-usap,”
Malakas akong napasinghap nang bigla niyang hawakan ang braso ko. Parang may libo-libong boltaheng kuryente ang dumaloy sa katawan ko dahil sa pagdikit ng mga balat namin.
“Let’s talk, Alejah. About our son... and about us.”
Hindi ako nakapagsalita. Nanatili lang akong kabadong nakatingin sa seryosong-seryoso niyang mukhang nakatingin saakin. I can’t even read what's on his mind.
Kami? Mag-uusap? Ng tungkol saamin? Anong pag-uusapan namin tungkol saamin? Baka naman tungkol sa kasal na nasira ko? Ah. Susumbatan na ba niya ako? Pagbabayarin niya ba ako?
Naputol ang pag-iisip ko dahil sa pagtunog ng doorbell mula sa gate ng bahay na palihim kong pinagpapasalamat. Nagkaruon ako ng dahilan para bawiin ang kamay ko sa kanya.
“T-teka.. pagbubuksan ko lang.”
Hindi ko na siya hinintay na makapagsalita pa, tumakbo na ako palabas ng bahay. Narinig ko pa ang pagtawag niya sa pangalan ko pero hindi ko na pinansin.
Nang makarating ako sa labas ng bahay, saka ako huminto. Inilabas ang hiningang kanina ko pa pinipigilan. Sinuntok-suntok ko pa nang mahina ang dibdib ko dahil hanggang ngayon ramdam na ramdam ko pa rin ang malakas na kabog ng puso ko.
Napapikit ako nang mariin sa pagkadismaya, “Damn, Alejah. Until now? Really?”
Napaigtad ako sa gulat nang muli kong marinig ang pag-doorbell nang kung sino sa labas ng gate. Huminga ako nang malalim para pakalmahin ang puso kong naghuhumirintado bago ako lumakad papalapit dito.
“Is this Alejandra Mikaela Fuentes’s residence?”
Kumunot ang noo ko sa lalaking nasa labas ng gate. Hindi ko maaninagan ang mukha niya dahil sa sumbrero niyang kulay pula na may naka-print na New York. May hawak-hawak siyang kahon na hindi ko alam kung para saan.
Bumuntong-hininga ako saka ko siya pinagbuksan ng gate, “Yes, dito nga. Anong kailangan nila?” tanong ko, nakunot pa rin ang noo.
“Ito na po ‘yung in-order niyo.” inilahad niya saakin ang kahon na hawak niya. Mas lalo namang napakunot ang noo ko dahil sa tinuran niya.
“Order? Pero wala akong matandaang in-order ako,” natawa pa ako, “Baka nagkakamali ka lang, Kuya.”
And he’s doesn't look a delivery man for me. Saan ka nakakita ng delivery man na maayos ang postura? He’s wearing white long sleeve shirt. Nakatupi ang sleeves nito hanggang siko at naka-insert naman ang laylayan nito sa itim na slacks na suot nito.
The delivery man smirked. Napakurap ako. His smirked is familiar, lalo na ang dimple na lumabas sa magkabilang pisngi nito dahil sa pagngisi nito.
“But it was address to Alejandra Mikaela, Ma’am. You can check it, para makasigurado.”
His baritone voice is also familiar.
Muli niyang inabot saakin ang box na hawak niya. Kinuha ko iyun nang hindi ko inaalis ang tingin sa dimple niya.
“Check it out, Ma’am.”
Hindi pa ako matatauhan kong hindi siya nagsalita. Napakurap ako at napatingin sa box na hawak ko. Napakunot ang noo ko nang makita ang pangalan ko dito.
Weird. Wala talaga akong matandaang may in-order ako.
Bumuga ako ng hininga saka ko unti-unting binuksan ang box. Nang tuluyan ko nang mabuksan iyun, namilog ang mata ko sa nakita kong nasa loob ng box.
It’s a heart-shaped pillow may naka-print na 'Surprise, baby'! At isang tao lang ang tumatawag saakin nang ganun. Then I remembered. Those dimples. His baritone voice.
“Miguel.” wala sa sarili kong sabi.
“Yeah. It’s me, baby.”
Nanlaki ang mata ko at pasinghap na nag-angat ng tingin sa 'delivery man' na ngayon ko lang napansin na tinanggal na pala nito ang sumbrerong suot-suot nito kanina. Kaya tuluyan ko nang nakita ang mukha niya.
Kapagkuwan, ang gulat ko, napalitan ng kagalakan at tuwa nang makilala ang taong nasa harapan.
“Oh my God! Miguel!!!”
Nabitawan ko ang box na hawak. Hindi ko napigilan ang sarili ko at binigyan ko siya nang mahigpit na yakap. Dahil may katangkaran siya, kinailangan ko pang tumingkayad, maabot ko lang siya.
I heard him chuckled, “Aww. I can feel that my baby miss me so much and I miss you, too, baby.” naramdaman ko ang paghalik nito sa buhok ko. Ilang taon ko nang kinasanayan ang gawi niyang iyun kaya binale-wala ko.
Kapagkuwan, humiwalay ako ng yakap sa kanya at hindi ko napigilang hampasin siya sa braso, “Ang sama mo! You didn’t tell me you were coming!” I glared at him, kahit sa totoo lang, masaya akong nandito siya.
Kinuha niya ang heart-shaped pillow mula sa nabitawan kong box at nakangisi niyang hinarap saakin iyun, “Surprise?”
Hahampasin ko sana ulit siya nang marinig ko ang pamilyar na boses ni Caleb.
“Daddy Migs!!!”
Sabay kaming napalingon ni Miguel dito. Nakita namin ang anak kong mabilis na tumatakbo papalapit sa direksyon namin. Nang makalapit siya saamin, agad siyang binuhat ni Miguel para mayakap siya nito.
“Daddy Migs, I missed you!”
“Aww. I missed you too, lil Caleb.”
Nangingiti ako habang pinagmamasdan silang dalawa. I’m so happy. I can’t believe he’s here!
Napawi lang ang ngiti sa labi ko dahil sa presensya ng taong nasa likuran hindi kalayuan saamin. Napalingon ako sa kanya at ganun na lang ang paglunok ko nang makita ang madilim niyang mukha habang nakatingin... hindi saakin... kundi kay Miguel. Muli akong napalunok nang bumaling siya saakin nang hindi nagbabago ang ekspresyon ng mukha niya. Nakita ko ang pag-igting ng panga niya saka siya tumalikod at pumasok sa bahay.
Wait. What the hell just happened? Why he looks so furious? Did I do something wrong?