KABANATA 12

3904 Words
“J-JD, hi..” After a seconds of silence, nakahanap na rin ako ng salita. Gusto kong ngumiti pero alam kung mas magiging tanga lang ako sa harapan niya kapag ginawa ko iyun dahil sa kabang nararamdaman ko. Dahil sa pagbasag ko ng katahimikan, parang natauhan siya. Pumikit siya sandali at huminga nang malalim. Nang muli niyang iminulat ang mata niya parang gusto ko na lang magpagulong-gulong sa hagdan sa paraan ng pagtitig niya saakin. Walang dudang mukhang galit pa rin siya saakin. Parang kasuklam-suklam ako sa paraan ng pagtitig niya saakin ngayon. Nagbaba ako ng tingin dahil hindi ko nakayanan ang paraan ng pagtitig niya, “Uh, I’m —” “Daddy!!” Naingat ko ang ulo ko dahil sa boses ni Caleb. Patakbo niyang sinalubong si JD. Kinabahan ako dahil baka mahulog siya sa hagdan. “Caleb, careful!” Nakahinga lang ako nang maluwag nang tuluyan siyang makababa ng hagdan. Napabaling ako kay JD. Nawala na ang dilim ng mukha nito. Napalitan ito ng galak habang binubuhat ang anak ko. “How’s my little version? Did he miss me?” “Yes, Daddy. Super!” ngiting-ngiti na sagot ni Caleb sa Daddy niya na ikinangiti lalo nito. Hindi ko namalayang nangingiti na rin pala ako habang pinagmamasdan silang dalawa. Para bang komportable na komportable na sila sa isa’t isa, lalo na si Caleb. Parang ang tagal na nilang magkakilala. Hindi pa rin ako kapaniwala na mangyayari ang araw na ganito. Parang kailan lang at hindi ko pa rin nakakalimutan ang pagsigaw ni Caleb dito. Pero sa ekspresyon ng mukha ni JD, mukhang nakalimutan na naman niya iyun. Napakurap lang ako nang may biglang nag-flash na camera. Napatingin ako sa likuran ko. Ngayon ko lang napansing nasa likuran ko na rin pala ang ngingiting-ngiting si Tita Isabelle na may hawak-hawak na camera at si Tito France na nakangiting nakamasid lang sa mag-ama. “Ma, what are you doing?” kunot noong tanong ni JD. “Kinukuhanan ko lang kayo ng picture, anak. Ang cute niyo kasing tingnan, ‘e. Para kayong pinagbiyak na bunga. Right, honey?” nakangiting sabi ni Tita Isabelle. Nakangiting tumango-tango lang naman si Tito France sa tanong ng mahal niyang asawang inaakbayan niya. Muling kinuhanan ng picture ni Tita Isabelle sina JD at Caleb. “Ma, please, stop that.” nayayamot na sabi nito. Tita Isabelle frowned, “Bakit ba ayaw na ayaw mong kinukuhanan ka ng picture? Eh nung bata ka naman gustong-gusto mong pini-picture-an ka.” “Daddy, let Lola Isa. Para po magkaruon na tayo ng picture together. Ayaw niyo po ba, Daddy?” “Of course, I’ll love to. It's just that—Well, nevermind. Anyway, have you eaten?” “Yes, Daddy. But can I eat again? Nagugutom na po kasi ulit ako.” nakangusong sabi ni Caleb sabay himas sa tiyan niya. JD laughed, “Okay. What do you want to eat?” “My hungry tummy wants pizza.” Tumawa ulit si JD saka niya bahagyang ginulo ang buhok ni Caleb, “Okay. Pizza it is.” Hindi ko namalayang nakangiti na pala ako habang pinagmamasdan ang mag-ama. Napawi lang ang ngiti ko nang biglang bumaling saakin si JD. Napalunok ako nang makitang nakakamatay ang titig niya saakin bago siya tumalikod, karga-karga ang anak ko. Makailang beses akong napamura sa isipan ko. Walang duda. Galit nga siya. Hindi lang galit. Galit na galit. Damn, Alejah. Sino ba namang hindi magagalit sa paninira mo sa kasal niya? Malaking eskandalo ang ginawa mo, Alejah! Hindi nawawala sa isipan ko ang madilim na mukha ni JD kanina. Ni Hindi ko nga halos mapagmasdan ang dalawang masayang kumakain ng pizza dahil ang iniisip ko ang galit ni JD. Iniisip ko rin kung paano ako hihingi ng tawad sa kanya kung nakakamatay na titig palang niya, naduduwag at umaatras na ako? Nauumid na ang dila ko. Sa sobrang galit, hindi na nga niya ako nagawang tapunan ulit ng tingin. Nasa anak ko ang buong atensyon nito. Dahil may sariling mundo naman ang mag-ama, inabala ko na lang ang sarili ko sa pagre-reply sa text ni Kuya. Ngayon ko lang napansin ang mga messages na. At wala akong nagawa kundi ang magsinungaling. I told him that I’m with Brenna. Kuya Zyrel: Who the f**k is Brenna? Wala akong natatandaan naging kaibigan mo maliban kay Shannon. Ako: College classmate ko, Kuya. I just meet her months ago. Uuwi na rin kami mayamaya, Kuya. Kuya Zyrel: Siguraduhin mo lang. His last replied. Hindi ko na siya ni-reply-an matapos nun. Nakokonsensiya ako sa pagsisinungaling ko. I can’t blame my brother. Ilang beses na akong nagsinungaling sa kanya kaya siguro hindi na niya maalis ang pagdududa saakin. Bumuntong-hininga ako. Nang mag-angat ako ng tingin, nagulat pa ako nang makita kong nakatingin si JD sa cellphone kong kabababa ko palang. Kapagkuwan, nag-angat siya ng tingin sa mukha kong nagpalunok saakin. Bahagyang kumunot ang noo siya saka niya inalis ang tingin saakin. Saka ko palang napansin na pinipigilan ko na pala ang hininga ko. Damn. What was that for? “I’m sorry, Tita.” Isang oras pa ang nilagi namin sa bahay ni Tita Isabelle. Ayaw ko mang putulin ang kaligayang nararamdaman ng anak ko, pero kailangan na naming umuwi. Galit na galit na si Kuya. At baka hindi na kami makaulit ni Caleb. “Gusto ko mang manatili pa nang ilang oras, pero ayaw ko namang mas lalong magalit si Kuya saamin.” Kitang-kita ko sa mukha ni Tita Isabelle ang lungkot. Ilang beses niya akong pinilit na huwag munang umalis pero alam niyang wala na siyang magagawa. Napalunok ako nang makita ko sa gilid ng mata ko si JD na tahimik lang na nakahalukipkip at nakamasid saamin. Sa ilang oras na pananalagi namin dito, hindi ko man lang nagawang humingi ng tawad sa kanya. Tita Isabelle sighed, “I really want you to stay here, hija. Pero mukhang wala na talaga akong magagawa.” malungkot siyang ngumiti. Napatingin ako kay Caleb nang magsalita ito, “Mommy, can we stay here for a while?” he pouted. “Sorry, baby, pero hindi talaga pwede. Magagalit si Tito Zee kapag tumagal pa tayo,” sabi ko na ikinanguso niya. Hinaplos ko ang pisngi niya saka bumaling muli kay Tita Isabelle, “I’m sorry, Tita, pero kailangan na talaga naming umalis.” “Wait. Before you leave,” tumingin siya kay Caleb, “Can I hug you first, apo?” Caleb just nodded kaya umupo sa harapan niya si Tita Isabelle at mahigpit siyang yinakap, “I’ll miss you, apo. Kung pwede lang dito ka na patirahin pero alam ko namang hindi puwede,” matapos iyun hinarap niya si Caleb, “Did you enjoy staying here, apo?” Caleb nodded, “Yes, Lola, and yes, I’m going to miss you especially my daddy,” sabay tingin sa ama nito. Patakbo siyang lumapit dito at mahigpit siyang yumakap sa baywang nito, “Daddy, can you, please, ask mommy if we can stay here? I still want to be with you, Daddy, please.” Napalunok ako sa pakiusap ni Caleb sa ama niya. Samantala, hindi agad nakasagot si JD sa anak ko. Nanatili lang siyang nakatingin sa nakikiusap kong anak. Napakurap ako nang bumaling ito saakin. Hindi ko mabasa ang ekspresyon ng mukha nito. Is he going to ask me? What should I do if that happen? Naputol din ang pag-iisip ko nang muli nitong balingan ang anak ko. Bumuntong-hininga siya saka umupo sa harapan nito. Hinawakan niya pa ito sa magkabilang balikat then he sighed. “Like you, I still want to be with you but we all know that you can’t. Hindi pa kami maayos ng Tito Zee mo. Pero huwag kang mag-alala, kapag maayos na ang lahat. Kapag maayos na kami ng Tito mo, magkakasama na tayo, hmm?” ngumiti siya at bahagyang pinisil ang pisngi ni Caleb, “Smile. I don’t want my little young man to feel sad so c'mon, young man, smile.” Biglang kiniliti ni JD si Caleb kaya ang simangot na mukha nito, napalitan ng tawa mayamaya. JD chuckled, too. “Puwede ba kitang i-hug, Daddy?” Caleb asked nang humupa ang tawa niya. JD nodded, “Of course,” he opened his arms, “Come here.” Kaagad namang yumakap si Caleb sa nakabukas na braso ng ama, “I’m going to miss you. So much. I love you, Daddy.” JD closed his eyes, “Me, too.” Matapos nang ilang sandaling yakapan, kumalas din sila. Muling lumapit saakin si Caleb at humawak sa kamay ko, nakahanda nang umalis. Nakasimangot ulit siya. Maging si Tita Isabelle, malungkot ang ngiti saamin. Huminga ako nang malalim, “U-Uhm,” tiningnan ko ang nakasimangot kong anak bago muling bumuntong-hininga at muling ibinalik ang tingin kela Tita Isabelle, “Sige po. Papayag po akong manatili si Caleb dito. Kahit ngayon lang.” Tita Isabelle eyes widened. Nakita ko namang napakalas sa pagkahalukipkip ang kamay ni JD. Matapos ko ba namang makita ang yakapan ng mag-ama? Caleb look so happy and his father as well. Ang sama ko namang tao kung hindi ko pagbibigyan ang gusto ng anak ko. “Really, Mommy?” maging si Caleb nagulat din sa biglaang pagbabago ng desisyon ko. I smiled and nodded, “I can’t stand seeing you sad that’s why if you want to stay here with your dad and lola, I’ll let you stay.” “How about you, Mom?” Malungkot akong napangiti, “Kailangang umuwi ni Mommy sa bahay. I need to talk to your grumpy tito.” I chuckled, kahit sa totoo lang kinakabahan ako. Kasi for sure, magwawala si Kuya kapag nakita niyang hindi ko kasama si Caleb. Mas magwawala iyun kapag nalaman nitong kasama ni Caleb ang ama nito. “No, Mommy! You can stay here with me!” Hinaplos ko lang ang pisngi nito. Napatingin lang ako kay Tita Isabelle nang magsalita ito, “Are you sure, hija? Pero paano ang Kuya mo? He’ll know that you just lied to him. And Caleb is right. You can stay here.” Napalunok ako sa suhestiyon niya. Stay here? No. I can’t. I just couldn't. Umiling ako kay Tita, “I can't stay here, Tita. Kailangan kong umuwi. And about my Kuya.. siguro naman po, maintindihan niya ako.” I gulped after my words, dahil alam kong imposible. Alam kong hindi. ‘Yung galit ni Kuya kay JD kasing lawak ng Sahara, kaya imposibleng maiintindihan niya. Senenyasan ko si Caleb na lumapit saakin na agad niya namang sinunod. Umupo ako sa harapan niya at hinaplos ang buhok niya, “Baby, iiwan muna kita rito, ah. And promise me, ‘wag mong papasakitin ang ulo ng Lola, Lolo at.. daddy mo.” Sumimangot siya, “But you can stay here naman po.” Umiling ako, “No, I can’t. Kailangan kong umuwi para magpaliwanag kay Tito Zee mo.” “But I can’t sleep without you.” “Your Daddy is here. Tatabihan ka niya, for sure.” “Daddy!” paghingi ng tulong nito sa ama niya, but JD didn’t move. I gulped. Ilang minuto pa kaming nag-usap ni Caleb. Hindi talaga siya kumbinsado. Gusto niya talaga ako maiwan kasama siya. Hindi ko siya masisisi. Four years kaming kami lang dalawa ang laging magkasama lalo na magkatabi sa pagtulog kaya tulad niya, hindi ko alam kung makakaya kong hindi siya makatabi kahit isang gabi lang. Hindi na kasi ako sanay na walang presensya ng anak ko. Kapagkuwan, tuluyan ko rin siyang nakumbinsi. “Mami-miss kita, Mommy.” sabi niya habang yakap ako. “I’ll miss you, too.” Matapos ‘yun, inilayo ko na siya saakin, “I have to go, baby. Pakabait ka rito ,ah?” He nodded. Binalingan ko si Tita Isabelle at Tito France na tahimik lang nakamasid saamin mula kanina, “Tita, Tito, aalis na po ako. Please take care Caleb na lang po.” Tita Isabelle smiled and nodded, “I will, hija, don’t worry. Thank you dahil pumayag kang manatili rito si Caleb.” Nginitian ko lang siya nang tipid saka ako muling tumahimik dahil sa presensiya ng isang taong tahimik lang nagmamasid saamin. Hindi ko man gustong gawin ito dahil kinakabahan ako pero kailangan kong gawin. Baka kasi isipin ni Tita at Tito may hindi kami pagkakaunawaan kahit totoo naman. Kaya hindi ko man gustong gawin ito, lakas loob ko siyang binalingan. I cleared my throat, “Uhm, a-aalis na ako, J-JD. Ikaw na muna ang bahala sa anak nat—ko,” hindi ko na hinintay ang reaksyon niya. Muli kong ibinaling ang atensyon sa anak ko, “Bye, baby.” I kissed his cheek bago ako tumalikod at unti-unting lumakad palabas ng bahay nina Tita Isabelle. Nang tuluyan na akong makalabas, inilabas ko ang hiningang kanina ko pa pinipigilan. Napahawak ako sa dibdib ko para maramdaman ang puso kong malakas ang kalabog. Damn, heart. Bakit ganyan ka mag-react? It’s just stare. Pinakalma ko muna ang sarili ko saka ako lumakad papalapit sa naka-park kong kotse. Akmang bubuksan ko na ang pinto ng kotse najg marinig ko ang pamilyar na boses ni Caleb. “Mommy!” Gulat akong napalingon sa kanya pero mas nagulat ako nang makita kung sino ang kasama niya. He’s with JD! Buhat-buhat siya ni JD habang naglalakad sila papalapit saakin. Tuwang-tuwa si Caleb pero si JD supladong-suplado ang mukha. Kunot na kunot ang noo nito. “Anong...” “We’ll go with you.” suplado niyang sabi saka niya isinakay si Caleb sa likod ng kotse ko. Nagulat ako sa sinabi niya kaya hindi ko magawang makapag-react agad. Bumalik lang ang diwa ko sa masayang boses ng anak ko, “Yehey!” Akmang ngingiti ako nang magsalita si JD na nasa tabi ko pala, “Give me your car key,” pagsusuplado pa rin niya nang hindi man lang ako tinatapunan ng tingin, “Ako na ang mag-da-drive.” Ilang beses pa akong napakurap bago ko ibinigay ang susi sa kanya. Dahil dun, hindi napigilang sumayad ang mga daliri ko sa daliri niya kaya agad kong ibinaba ang kamay ko nang makuha niya ang susi. Napapikit ako nang mariin dahil sa naramdaman kong kuryenteng dumaloy sa katawan ko dahil sa panandaliang pagdidikit ng balat namin. Damn, Alejah! Until now, you're still affected by his touch? Marahas akong napabuntong-hininga at sumakay na rin sa kotse, sa front seat, kung saan katabi ko ang supladong ama ng anak ko. Tahimik na ipinag-drive ni JD ang kotse kaya sobra-sobra ang awkward na nararamdaman ko lalo na’t ang tunog lang ng nilalaro ni Caleb sa tablet niya ang umiingay. Panay ang buntong-hininga ko sa sobrang awkward na nararamdaman ko. Muli akong bumuntong-hininga at inisip ko na lang kung paano ko sisimulan ang paghingi ng tawad dahil sa eskandalong ginawa ko sa kasal nila ni Cyndie. I think this is the chance? Kaya naman mayamaya, nilakasan ko na ang loob ko para simulan ang paghingi ng tawad. “Uhm,” Go, Alejah. You can do it! “A-about what happened in your wedding—” “I don't want to talk about that,” he cut me off, his jaw clenched, “And I don’t want to talk to you. I still mad at you. So damn mad.” Napalunok ako lalo na nang makita ko ang muling pag-igting ng panga niya habang seryosong nag-da-drive. “D-dahil ba sa pagsira ko sa kasal niyo ni Cyndie?” Napansin ko ang paghigpit ng hawak niya sa manobela, “No,” magtatanong pa sana ako pero agad ko ring naitikom ang bibig ko nang muling umigting ang panga niya at agad dinugtungan ang sasabihin, “Please, stop asking. You distracting me and I already told you that I don’t want to talk to you.” “I-I’m sorry.” Matapos ‘yun natahimik na talaga ako kahit curious na curious ako sa sinabi niya. He’s mad at me not because I ruined his wedding kundi sa ibang dahilan. Pero anong dahil ‘yun? Wala na akong maisip na dahilan. Hanggang sa huminto ang kotse sa tapat ng bahay iyun pa rin ang gumugulo sa isipan ko. Bumalik lang ang diwa ko nang bumaba si JD nang walang sinasabi kaya bumaba rin ako ng tahimik. Binuksan niya ang pinto sa likod para kunin si Caleb. JD smiled at Caleb, “C’mon, my little version.” ibinuka ni Caleb ang braso niya kaya natawa si JD dahil sa paglalambing nito sa kanya. I gulped. Ibang-iba talaga ang pinapakita niya saakin at sa anak ko. Hindi ko alam kung anong gusto kong maramdaman. “C’mon.” naiiling-iling ngunit nakangiting binuhat ni JD si Caleb gaya ng gusto nito. Hindi ko namalayang nangingiti na pala ako habang pinapanuod silang dalawa. Nawala lang ang ngiti ko nang may maalala ako. Naalala ko lanf “Sandali, JD,” nahawakan ko ang braso niya pero para ko ring napapasong mabilis kong inalis ang kamay ko lalo na nang mapatingin siya rito, “U-uhm, Kuya might mad if he saw you. M-mabuti pa ‘wag ka nalang pumasok.” I don’t want to sound rude pero that’s the only thing I can do para hindi siya masaktan ni Kuya. “He’s the reason why I came here. I want to talk to him.” Binalewala niya ‘yung sinabi ko at lumakad papalapit sa bahay. Sa kaba ko agad akong sumunod sa kanya lalo na nang makita kong kalalabas lang ng bahay. Agad nagsalubong Ang kilay niya nang makita si JD. Ilang sandali, lumakad siya papasalubong saamin na parang tigre na manlalapa ng biktima kaya mas lalo akong kinabahan. s**t! “Ang kapal talaga ng mukha mo at pumunta ka pa talaga dito, ‘no?” sabi ni Kuya. He looks so furious. Biglang binigay saakin ni JD si Caleb na agad ko namang kinuha bago niya hinarap si Kuya na galit na galit. “I’m to talk to you about ---” hindi na natuloy ni JD ang sasabihin nang bigla siyang suntukin ni Kuya na ikinatili ko sa gulat. “Oh my God! Kuya!” Ngunit hindi niya pinansin ang sigaw ko. Ni-kwelyuhan niya si JD na ngayon ay nakaupo sa semento at may dugo sa gilid ng labi nito dahil sa lakas ng suntok ng kapatid ko sa kanya. Binitawan ko muna si Caleb na gulat sa nangyari saka ko nilapitan si Kuya na ngayon ay tinatayo si JD. “‘Di ba sinabi ko sa‘yo ‘wag ka na ulit pupunta rito? Ang kapal ng mukha mo, Sanmiego!” “Kuya, please, no!” Hindi niya ako pinansin. Muli akong napatili nang muli niyang suntukin si JD. Narinig ko ang sigaw at iyak ni Caleb pero nasa kay Kuya at JD ang atensyon ko na ngayon ay nakaupo na naman sa sahig. Agad ko siyang nilapitan dahil sa takot ko. “A-are you okay?” he just glaring at me. Ang suplado pa rin niya kahit may sugat na. Hindi ko pinansin ang kasupladuhan niya, tumingin ako kay Kuya na nag-aalab pa rin ang galit, “Please, stop, Kuya! Tama na!” “Stay away from him, Alejah!” Kuya shout. Naiiyak ako, “No, Kuya, please. He just want to talk to you, hindi mo siya kailangang saktan. He’s your friend for Pete’s sake!” “Pinutol ko na ang pagkakaibigan namin mula nang mag-traydor siya saakin, Alejah! At bakit mo ba siya kinakampihan? Do you still love that guy, huh?” Sandali akong natigilan sa tanong niya. Ilang segundo rin ang namayaning katahimikan saamin. Bumalik lang ang diwa ko nang tumayo si JD ang matapang niyang hinarap si Kuya. “I’m not here to talk about Alejah and I. I’m here to talk about my son.” Dahil sa sinabi ni JD natawa si Kuya, “My son? Stop it, Sanmiego! Wala kang anak! Matapos mo silang pabayaan ng halos limang taon?” “Because I didn’t know!” biglang pagtataas ng boses ni JD, “Kung maaga ko lang nalaman, hindi ko siya papabayaan! Hindi ko papabayaan ang anak ko! Alam mo ‘yun! You know what? It’s all your fault!” “‘Wag mo akong sisihin dito, Sanmiego!” “Eh gago ka pala ‘e!” muli akong napatili nang biglang suntukin ni JD si Kuya, “Alam mo lahat ng nararamdaman ko noon! You just stopped me! At dahil kaibigan kita, sinunod kita! Pinigilan ko ang nararamdaman ko at pinili ko ang pakikipagkaibigan natin kaysa sa ---” “Tumigil ka!” Natulala ako habang nakikita ko silang nagpapalitan ng suntok at salitang hindi ko naman maintindihan. Halos hindi ko marinig ang pinag-aawayan nilang dalawa. “Daddy! Tito Zee! Please, tama na po!” Natauhan ako sa iyak ni Caleb. Napatingin ako sa kanya at nakita kong nakaupo siya habang tinatakpan ang magkabilang tainga niya gamit ang palad, umiiyak nang nakapikit. Awang-awa ako sa anak ko. Hindi sana niya nakikita ang ganitong bagay. Hindi siya sanay makakita nang ganitong eksena. Dahil dun, tumayo ako at ginamit ko ang buong lakas ko para sumigaw nang malakas, “ANO BA! TAMA NA!!” Hindi rin nasayang ang sigaw kong iyun dahil pareho silang napatigil. Sabay silang napalingon saakin, parehong gulat. Pinakalma ko muna ang sarili ko bago ko pinalis ang luha ko at lumapit sa kanila. “Para kayong mga bata, alam niyo ba?!” hindi ko alam kung paano ko sila nagawang sigawan, “Hindi na kayo mga bata! Kung ano man ‘yang pinagtatatunan niyo huwag sa harap ng anak ko!” Dahil sa sinabi ko, napatingin sila sa direksyon ng anak ko. Kitang-kita ko kung paano nagbago ang ekspresyon sa mga mukha nilang dalawa nang makita nila ang pag-iyak ni Caleb. Sabay rin nila itong tinawag. But Caleb ignored them. “Mommy!” umiiyak na lumapit saakin si Caleb. Kinarga ko siya nang tuluyan na siyang makalapit saakin. Agad siyang yumakap saakin at isinubsob ang mukha niya sa balikat ko habang umiiyak. Naiiling at dismaydong muli kong tiningnan ang dalawa, “You scared him. Hindi siya sanay na makakita ng nag-aaway sa harap niya. ‘Wag niyo naman siyang turuang maging bayolente.” Pareho silang hindi nakapagsalita at umiwas lang ng tingin. Hinarap ko si Kuya, “Kuya, please lang. For Caleb, huwag ka namang maging marahas at mahigpit kay JD. Caleb loves his daddy kahit pagkakilala palang nila. Ramdam ko iyun sa ilang oras na magkasama sila. Kaya hayaan mo nang magkasama silang dalawa. At please lang, Kuya. Ayusin niyo ‘tong dalawa. Magkaibigan kayo kaya hindi dapat kayo nag-aaway. Kahit para man lang sa anak ko.” Umigting ang panga ni Kuya at hindi na sumagot. Napayuko na lang ito. Matapos iyun, si JD naman ang binalingan ko. “Ikaw naman, JD. Please lang, for now, umalis ka na muna.” Umigting din ang panga niya dahil sa sinabi ko. Kitang-kita ko sa ekspresyon ng mukha niya ang pagprotesta, pero sa huli, napayuko na lang din siya. I don’t want to sound rude pero alam ko namang hindi ito maaayos sa ngayon lalo na’t parehong mainit ang ulo nila ni Kuya. “Pakisabi na lang kay Tita Isabelle, sorry dahil hindi ko magagawa ang gusto niya. Sa isang araw ko na lang dadalhin si Caleb sa inyo.” Dahil wala nang isang nagsalita sa kanila pareho ko silang tinalikuran at lumakad papasok sa bahay habang buhat si Caleb na patuloy na tahimik na umiiyak sa balikat ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD