“Careful, baby.” sabi ko nang patakbo siyang lumabas ng room.
Nailing na lang ako nang hindi siya nakinig. Habang tumatagal lalo talaga siyang nagiging makulit. Agad din naman siyang sinundan ni Demy. Bumuntong-hininga ako saka ako sumunod sa kanila.
Nadatnan ko sila sa living room. Tuwang-tuwa si Caleb habang may binabalita na kung ano kay Mommy. Si Mommy naman, tuwang-tuwa rin na nakikinig sa kwento nito na parang interesadong-interesado ito.
Nawala rin pansamantala ang atensyon ko kay Caleb dahil nakuha ng suot ni Mommy ang atensyon ko. She’s wearing elegant white dress . May mga alahas din siyang suot. Bago pa ako makapagtanong, bigla kong naalala.
JD’s wedding today!
Tipid akong napangiti. Ang bilis ng araw. Parang kailan lang nung nalaman kong ikakasal na siya.
Bumuntong-hininga ako saktong napatingin saakin si Mommy. Ngumiti siya kaya ngumiti rin ako pabalik saka ako lumapit sa kanya.
“Mom, good morning.” I kissed her cheek.
“Good morning, too. Are you sure you’re not coming with us? Hindi na ba talaga magbabago ang isip mo?”
Makailang beses na niya akong niyaya nitong mga nakaraang araw. Binilhan pa nga niya ako ng damit na katulad sa kanya, in case daw. Pero makailang beses na rin akong tumanggi.
Umiling ako, “Hindi na, Mom. Ihahatid ko pa po kasi si Caleb sa school at may usapan kami ni Shannon ngayong araw.” pagdadahilan ko. Actually, wala kaming usapan ni Shannon. Yayayain ko na lang siya mamaya para mapanindigan ko naman ang pagsisinungaling ko.
Kita ko sa mata ni Mommy ang panghihinayang. She really wants me to come with them but I can't.
“I’m sorry, Mom.”
Napatingin lang ako sa hagdan nang makita ko si Kuya na nakasimangot na bumaba mula rito. Napangiti ako nang malaki nang makita kong gaano ka-gwapo ang kapatid ko sa kanyang suot. Ang alam ko, he's JD’s best man.
Sinalubong ko siya, “Ang gwapo-gwapo mo, Kuya! Kung hindi kita kilala iisipin kong ikaw ‘yung ikakasal, ‘e.”
Mas lalo siyang sumimangot dahil sa sinabi ko na ikinatawa ko.
“That will never happen. Tss.”
“What do you mean by that, Zyrel?” si Mommy nang marinig ang sinabi ni Kuya.
“Nothing, Ma,” ikinatawa ko na lang ang kasupladuhan ni Kuya saka bumaling saakin, “Ayusin mo na nga lang ‘to, Princess.” tinuro niya ang bowtie niya. Ngumiti pa siya saakin na parang naglalambing. Natawa na lang ako at naiiling na lumapit sa kanya.
Masaya talaga akong nagkaayos na kami at parang kailan lang nangyari ‘yun. Isa ito sa mga na-miss ko sa kanya, ‘e. Ang paglalambing niya.
Inayos ko ang bowtie niya gaya ng sinabi niya.
“What do you mean, kuya, hindi ka magpapakasal?” bulong ko sa kanya habang inaayos ko ang tie niya. Sinulyapan ko si Mommy na mukhang hindi naman nakikinig dahil abala ito sa pagtingin sa sarili sa salamin.
“Tss. Marriage sucks, Princess.”
Nginusuan ko siya, “Kung ganun, wala ka pang sineseryosong babae? Wala ka pang girlfriend?”
“I don’t do girlfriend, Princess. Just fling,” mas lalo akong napanguso. Hindi parin pala siya nagbabago. Gaya pa rin siya nang dati. Fling. “By the way. Hindi ka ba talaga sasama saamin?”
Saktong natapos ko nang ayusin ang tie niya kaya tumingin na ako sa kanya. I shook my head, “Hindi. May usapan kasi kami ni Shannon, ‘e. Ayoko namang magtampo ‘yun.” Sorry, Kuya, I lied again, “Just send my regards to Jared and his bride.”
Hindi nagsalita si Kuya, tinitigan niya lang ako na parang tinatantiya ang ekspresyon ng mukha kong ipinagtaka ko.
“Bakit, Kuya?”
Kumurap at ipinlig nito ang ulo mayamaya, “Nothing,” ibinalik niya ang ngiti sa labi niya, “Anyway, do I look like Prince now?” pag-iba nito ng usapan.
Pabiro ko siyang inikutan ng mata, “Kuya, walang Prince na hindi gustong magpakasal, meaning hindi ka Prince.”
Natawa na lang ako nang simangutan niya ako.
Hindi na rin sila nagtagal ni Mommy sa bahay. Matapos nilang makapag-ayos, sabay na rin silang umalis. Napabuga ako ng hininga nang tuluyan na silang lumabas. Nawala rin ang ngiti kong kanina pa naka-plaster sa mukha ko.
Mayamaya, tulad ng sinabi ko, tinawagan ko si Shannon na makipagkita saakin. Inihatid ko muna si Caleb sa school —ni-enrolled ko kasi siya sa Primary school para naman magkaroon siya ng bagong kaibigan at para na rin makatulong ako sa cafe ni Mommy — bago kami nagkita kami ni Shannon sa mall. Pilit kong inabala ang sarili ko sa mga bagay-bagay. Ginawa namin ‘yung ginagawa namin nong teenager palang kami. We did shopping, naglaro kami sa arcade, namasyal, nanuod ng sine at panghuli, kumain kami sa isang sikat na fast food restaurant na paborito naming kainan ni Shannon magmula pa noon.
Napatingin ako kay Shannon nang bigla itong tumikhim. Nakita ko sa mga mata niya na may gusto siyang sabihin. Kanina ko pa napapansin ang paninitig niya at pananahimik mula noong kumain kami rito.
Bumuntong-hininga ako at hindi na napigilan, “Alam kong may gusto kang sabihin, sabihin mo na. What is it?”
Tumikhim siya at ibinaba ang frappe na hawak, “‘Di ba ngayon ang kasal nina Jared at Cyndie?” I nodded, “What are you feeling right now?”
Napakunot ang noo ko, “What do you mean?”
Natawa siya na parang may nakakatawa sa tanong ko. Mayamaya, inikutan niya ako ng mata at nanghalukipkip siya.
“Kilala kita. Hindi mo ako maloloko. We’re been best friend for more than ten years kaya kilalang-kilala na kita. Tingnan mo nga ‘yang spaghetti mo, para na ‘yang pagkain ng baboy dahil sa ginagawa mo. Hindi mo kinakain, pinaglalaruan mo lang,”
Napatingin ako sa spaghetting nasa harapan ko.
“Iniisip mo ‘yung kasal, ‘no?”
Muli kong ibinalik ang atensyon kay Shannon saka ako napabuga ng hininga.
“You lied to me because the truth is.. you still have feelings for that bastard!” sabi nito na parang siguradong-sigurado siya. “Kung nagawa mong makapagsinungaling saakin sa skype, ngayon hindi mo na ako maloloko. Kitang-kita ko ‘yun sa mga mata mo.”
Muli akong napabuga ng hininga.
“Mahal mo pa, ‘no?” it’s not a question, it’s a statement.
Muli akong bumuga ng hininga kaya isang pukpok sa noo ko gamit ang kutsara ang natanggap ko mula sa kanya.
“Aray!” I groaned.
“Wala ka man lang bang balak sagutin ang tanong ko?” pinandilatan niya ako, “Kainis ka.”
Kaibigan ko talaga siya. Kahit kailan talaga, wala akong ligtas at maitatago sa kanya. Lahat kasi ng galaw o kilos ko, alam niya. Pati nga nasa isip at nararamdaman ko, alam na alam niya. She can read me well.
Muli akong napabuga ng hininga bago ako nagdesisyon na magsalita na, “Tama ka. I still have feelings for him..” magsasalita na sana siya pero agad kong dinugtungan ang sasabihin ko, “Pero my feelings for him isn't like before. Hindi naman kasi ganun kadali iyun, Shannon, lalo na’t tuwing nakikita ko ang anak ko, naaalala ko siya. Sorry kung nagsinungaling ako sa’yo. Ayaw ko na lang talaga kasi balikan ‘yung dati.”
“So that's the reason why you invite me to go out?”
I slowly nodded.
Napalitan ng pag-alala ang mukha niya, “Paano na ‘yan? Ikakasal na siya,” biglang bumalik ang pagkairita niya, “Alam mo. Nakakainis na talaga ‘yang Jared na ‘yan. Ano bang meron sa lalaking ‘yan at hindi mo malimot-limutan?”
I just shrugged. Maging ako hindi ko rin alam. Hindi lang naman siya ang lalaking nakasalamuha at nakilala ko. The other guy I met is more handsome than him. Pero hindi ko maintindihan kung bakit sa kanya tumibok ang puso ko hanggang ngayon. Kung bakit kahit limang taon na ang nakakalipas, hindi pa rin siya nawala sa isipan ko. Nabuhay na nga ako sa limang taong pinaniniwala ang sarili kong wala na, pero ang totoo, sarili ko lang ang niloloko ko.
Halos sabay kaming napabuntong-hininga ni Shannon, “So paano na ‘yan? Hindi mo naman siguro balak na sirain ‘yung kasal, ‘di ba? Baka kasi maisipan mo na sumugod dun at sisigaw ka ng, ‘itigil ang kasal!’.”
Bigla akong natawa sa sinabi niya, “Sira! Why would I do that?” natatawa kong tanong, “Nahihibang ka na ba?”
Sinimangutan niya ako, “‘Di ba ‘yun ‘yung nangyayari sa mga teleserye. Susugod ‘yung mga bida o kontrabida tapos isisigaw nila ang linyang ‘yun?”
Nailing na lang ako, “I won’t do that, Shannon. Wala ako sa teleserye para gawin ang bagay na ‘yun. Hindi ako kasing imma gaya ng tinutukoy mo. At tsaka, tulad ng sinabi ko, hindi na katulad ang nararamdaman ko ngayon kay JD noon. ‘Yung tipong, kaya ko na siyang palayain, ganun.”
Sandali kong nakitaan ng pagkamangha ang mga mata ni Shannon dahil sa sinabi ko pero agad din napalitan ng paninimbang ‘yun.
“How about Caleb?” she asked, “Alam mo kasi kahit inis na inis ako diyan sa lintik na Jared na ‘yan, concern pa rin ako dun sa bata. Wala ka bang balak sabihin sa kanya kung sino ang ama niya?”
Napaisip ko pero kalaunan umiling din ako, “Wala. Ayokong makasira ng relasyon, Shannon. Masaya na si JD at alam kong magiging masaya pa siya kapag ganap na silang kasal. Masaya na rin akong merong Caleb sa buhay ko. Si Caleb lang, masaya na ako. Kaya wala nang dahilan para sabihin ko sa kanya ang totoo. Baka mamaya ‘yun pa ang dahilan ng pagkasira nilang mag-asawa. Ayoko namang mangyari iyun.” I smiled.
“Awww. Nag-matured na nga ang best friend ko.” Natawa na lang ako sa peke niyang pag-iyak.
Nagpatuloy pa ang friendly-date namin ni Shannon. Gumagawa ng paraan si Shannon para malibang ko ang sarili ko at nagpapasalamat ako sa kanya para ruon.
“Look, Alejah. I think it will fit you.” Shannon handed me a necklace. Matapos naming kumain, nagpasya kaming pumunta rito sa jewerly shop.
Tinanggap ko iyun para suriin. Napatigil lang ako sa pagsusuri sa kwentas na hawak ko nang biglang mag-ring ang cellphone ko. Agad ko ‘yung kinuha sa bag ko para tingnan ang tumawag. Nang makita kong si Demy ang tumawag, agad ko ‘yung sinagot.
“Demy, hello,” sagot ko sa tawag habang sinusuri ang kuwentas, “How’s Caleb? Nangunulit na naman ba siya riyan? Did he ate his snacks already.
“M-m-ma’am...”
Natigilan lang ako nang marinig ko ang panginginig ng boses ni Demy. Naiangat ko ang mukha ko kaya nakita ko ang pagtataka sa mukha ni Shannon.
“Anong nangyari?” tanong ko, “Are you crying?”
Bigla akong kinabahan. Oh, God!
“M-ma’am..” narinig ko ang paghikbi niya, “S-sorry po.”
“Demy, please anong nangyari? Bakit ka umiiyak? ‘Wag mo naman akong takutin. Please! Tell me what happened!” frustrated kong sabi.
“E’ Ma’am. K-kasi po —”
“Demy, ano ba?! Linawin mo! Where's Caleb? Where's my son?”
Hindi ko napigilan. Napasigaw ako. Ramdam kong napatingin sa direksyon namin ni Shannon ang ibang costumer ng jewerly shop pero nawalan na ako ng pakealam. Ang gusto ko lang malaman kung anong nangyari. Kung bakit umiiyak si Demy at— ‘wag naman sana.
Bumunga ako ng hininga para pakalmahin ang sarili ko. Naihilamos ko ang kamay ko sa mukha ko, “Demy, please give your phone to my son. I want to talk to him.” sabi ko sa mas mahinahon na boses.
Nakita kong ibinalik ni Shannon ang necklace sa lalagyan pati na rin ang hawak ko saka niya ako hinila palabas ng shop.
“Hey, why are you shouting? What happened ba?”
Hindi ko muna pinansin ang sinabi ni Shannon. Hinihintay ko ang sagot ni Demy na panay ang hikbi sa kabilang linya kaya hindi na makapagsalita.
Napasapo ako sa noo, “Where is Caleb? I want to talk to him, please.” I repeated.
Mas lalong humagulgol si Demy. Sa pagkakataon din na ‘yun, nakapagsalita na siya nang maayos, “E’ Ma’am kasi si C-Caleb, nabundol po siya ng kotse, Ma’am. Sorry, Ma’am ginawa ko naman ang lahat nang makakaya ko para mabantayan siya pero, Ma’am. Ma’am dadalhin na po namin siya sa hospital na malapit sa school, Ma’am—”
Hindi ko na narinig ang iba pang sinasabi ni Demy. Namalayan ko na lang na nabitawan ko na lang ang phone ko sa pagkabigla. Natulala ako.
“Oh my God!” Gulat na gulat si Shannon na nasa harapan ko nang makita niyang sunod-sunod na nagsisipatakan ang luha ko, “What happened?”
Hindi ko na sinagot si Shannon, mabilis ang tumakbo palabas ng mall. Narinig ko pa ang tawag ni Shannon pero wala akong oras para sagutin pa siya. Ang iniisip ko ay tanging kaligtasan ng anak ko.
Goodness! Please, God. ‘Wag naman ‘yung anak ko, please. ‘Wag niyo po siyang pababayaan. Hindi ko kakayanin kung sakaling mawala siya saakin. Please, God.
Iniisip ko palang na mawala siya, para na rin akong unti-unting pinapatay.
Panay ang buhos ng luha ko habang tumatakbo ako hanggang sa makarating ako kung saan naka-park ang kotse ko. Napamura na lang ako nang hindi ko mabuksan ang pinto nito dahil sa panginginig ng kamay ko sa sobrang kaba.
“Dammit!”
“Alejah!” Napaharap ako kay Shannon na nasa likuran ko na hindi ko namalayang sumunod pala, “Ano bang nangyari? Bakit ka nagmamadali?”
“S-Shannon, si C-Caleb. P-puntahan natin si Caleb, please!” napahagulgol ako.
“What? Bakit, anong nangyari kay Caleb?”
Ramdam ko sa boses niya ang kaba. Alam kong may ideya na siya pero alam kong tulad ko lang din siya kanina na iniisip na sana mali ang hinala niya pero s**t!
“Nadisgraya siya, Shannon! Nadisgrasya ‘yung anak ko!” humahagulgol kong sabi.
“W-what?”
Hindi ko muna pinansin si Shannon, muli kong sinubukang buksan ang pinto ng kotse pero muli akong napamura nang hindi ko ‘to mabuksan dahil sa panginginig ng kamay ko.
“Dammit! Bakit ba ayaw nitong mabuksan?!?” pinagmumura ko na ang kotseng hindi ko mabuksan-buksan.
“A-ako na ang magdadrive,” Shannon said, “Akin na ang susi.”
Agad ko namang binigay ang susi ng kotse ko. Gamit ito, pinatunog niya ang kotse ko saka niya binuksan. Agad akong sumakay sa may front seat. Si Shannon na rin ang umupo sa driver’s seat. Hinayaan ko na lang siya.
Habang nagdadrive siya, tinanong niya ako kung saang hospital dinala si Caleb pero dahil hindi ko nakuha ang sinabi ni Demy kanina, tinawagan niya ito. Wala akong magawa kundi ang umiyak at pinagdarasal na sana ligtas lang ang anak ko. Samantala si Shannon, minura nang minura si Demy matapos niyang itanong kung saang hospital dinala si Caleb.
“Humanda ka talaga saakin, Demy, kapag may nangyaring masama sa inaanak ko!”
Matapos ‘yun, padabog niyang binabaan ng phone si Demy. Frustrated niyang naisuklay ang kamay sa buhok niya bago niya ako binalingan.
“Are you okay? Don’t worry, Caleb will be fine. I know him. Mana sa’yo ‘yung inaanak ko, ‘e.”
Alam kong pinapalakas niya lang ang loob ko pero halata sa boses niyang kinakabahan din siya sa pwedeng mangyari.
Nang huminto ang kotse sa tapat ng hospital, hindi na ako nag-aksaya ng oras, pagbaba na pagbaba ng kotse, agad akong tumakbo papasok diresto kung nasan ang emergency room. Nadatnan ko si Demy sa labas ng Emergency room na nanginginig sa takot at kaba. Mas lalo kong nakita ang takot at kaba sa mga mata niyang namumugto nang magtama ang mga mata namin.
“M-Ma’am...”
Agad akong lumapit sa kanya, “Nasaan ang anak ko, Demy?” umiiyak kong tanong, “Bakit mo siya pinabayaan, ah? ‘Di ba sabi ko naman sa‘yo bantayan mo siyang mabuti? Pero bakit?”
“M-Ma’am, sorry po.”
Hindi ko na siya sinagot, nanghihina akong napaupo sa upuang nasa labas lang ng Emergency room. Matapos kong pagalitan si Demy, si Shannon naman ang pinagsasalitaan si Demy. Samantala, pagod akong napatingin sa nakasaradong pinto ng Emergency room.
Napatayo lang ako nang bigla itong bumukas. Agad akong napalapit dito nang makita ko ang lalaking doctor na lumabas. Kita ko ang gloves sa kamay niya na may bahid ng dugo. Nanghina ako nang makita ko ‘yun dahil alam kong sa anak ko nanggaling ‘yun pero pinilit kong magpakatatag. Thanks ako nang maayos.
“Doc, how’s my son?”
Tinanggal niya muna ang medical mask niya saka siya nagsalita, “Are you the mother of the patient?” I nodded, “Unfortunately, mukhang naging grabe ang nangyari ng pagkabundol ng anak niyo. Nagkaroon niya ng bali sa kamay at iba pang parte ng katawan. The worse is, maraming dugo ang nawala sa pasyente. Maswerte nga lang at may heartbeat pa ang pasyente pero kailangan natin siyang masalenan ng dugo bago pa mahuli ang lahat.”
“A-ano pong mangyayari kapag hindi siya nasalenan ng dugo ang anak ko?” kinakabahan kong tanong.
“Your son will die.”
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya dahil sa gulat.
“Kung ganun? Ano pang hinihintay niyo? Bakit hindi niyo pa ginagawa ang kung anong dapat gawin?” si Shannon.
“‘Yun na nga ang isang problema namin. Wala kasi kaming reserbang dugo gaya ng blood type ng anak niyo. Unfortunately, the patient’s blood type is rare.”
Mas lalo akong nanghina sa sinabi ng doctor. Hindi kami magka-bloodtype ng anak ko! Samantala si Shannon, naghe-hysterical na. Pinipigilan na lang siya ng isang nurse at ni Demy pero ayaw niyang paawat.
“What kind of f*****g hospital is this?! So what? Hihintayin niyo na lang mamatay ‘yung inaanak ko?!”
“I’m sorry.”
“Sorry? Heh!” Shannon hissed, “Kapag may nangyaring masama sa inaanak ko, I swear. Idedemanda ko kayong lahat!”
Sa gitna nang tahimik kong, napatayo ako nang maayos nang may ideyang pumasok sa isipan ko. Napatigil sa paghe-hysteria si Shannon at napatinghin saakin. Napalitan ng pag-alala ang mukha niya.
“S-Shannon, I have an idea. Ito na lang ‘yung isang paraan para maligtas si Caleb.”
“A-anong ideya ang sinasabi mo?”
“Si JD!”
“A-anong —”
Hindi na niya natapos ang sasabihin nang mukhang napagtanto niya ang sinabi ko. Unti-unting nanlaki ang mata niya.
“Alam ko, alam kong magka-bloodtype sila.”
“Oo, andun na tayo pero wala siya rito. So, anong pinaplano mo?”
“Pupuntahan ko siya.”
“What?! But..” napatingin siya sa watch niya at bigong napatingin saakin, “Kakaumpisa palang ng kasal at tsaka, ikaw na rin nagsabi na ayaw mong manira ng relasyon, ‘di ba?”
“But I have no choice!” muli akong napahagulgol, “Siya na lang ‘yung isang taong pwede kong lapitan para maligtas ang anak ko! Wala naman akong balak sirain ‘yung relasyon nila, ‘e, gusto ko lang maligtas ‘yung anak ko. Pagkatapos nun, hahayaan ko na sila.”
“But JD will find out about Caleb.”
“Wala na akong pakialam. Shannon, ‘yung anak ko.” hagulgol ko.
May isang butil ng luha ang lumandas sa pisngi niyang agad naman niyang pinalis saka siya tumango.
“I’m sorry. Tama ka nga. Wala na tayong choice
Kaya sige, pupuntahan ko si Jared para humingi ng tulong.”
“No.” agad kong pigil sa kanya, “Baka ayaw niyang maniwala sa’yo kapag ikaw ang pumunta kaya ako dapat ‘yung pumunta. Kaya please, Shannon. Ikaw na muna bahala sa anak ko. I don’t want to leave him but this is the last thing I can do to save him.”
Kita ko sa mga mata niya ang pag-aalinlangan pero sa huli, pumayag na rin siya kaya hindi na ako nag-aksaya ng oras. Tumakbo na ako palabas ng hospital para puntahan si JD. Para sa anak ko.