Paglabas na paglabas ko ng hospital, agad akong pumara ng taxi. Naisip kong mag-taxi na lang dahil alam kong hindi naman ako makapagda-drive nang maayos dahil sa panginginig ng kamay ko sa sobrang kabang nararamdaman.
“Saan po tayo, Ma’am?”
Sandali akong napaisip. Inaalala kung saang simbahan ginaganap ang kasal nina JD. Nang maalala ko ang invitation, agad kong sinabi sa driver ang lokasyon.
Habang nasa byahe, nakapikit akong nagdarasal na sana maging maayos ang anak ko.
JD,I know I already promised to myself that I won’t bother you anymore. Hindi na ako dapat magpapakita sa‘yo kahit kailan pero I’m sorry. Ikaw na lang ang naisip kong pwede kong lapitan para maligtas ang anak ko... ang anak natin. But I’ll promise again that this is the last. Kapag maayos na ang lahat, hinding-hindi na talaga kita guguluhin. Hahayaan na kita.
Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakapikit na nagdarasal. Bumalik lang ang diwa ko nang biglang magsalita ang driver ng taxing sinasakyan ko.
“Ma’am, nandito na po tayo.”
Napatingin ako sa labas dahil sa sinabi niya. Nang ma-rialized kong nandito na nga kami, binigyan ko siya ng sobra pa sa hinihingi niyang pamasahe bilang pasasalamat tapos bumaba na rin ako.
Sandali kong pinagmasdan ang malaki at puting simbahan nasa harapan ko. Marami ring naka-park na magagarbong sasakyan, isa na dun ang Ferrari ni Kuya. Halatang mayayaman ang mga naririto. Muli kong ibinalik ang tingin ko sa simbahan. Sarado ang malaking pinto nito kaya hindi makita ang nangyayari sa loob.
Nang maalala ko ang dahilan kung bakit ako narito, pinalis ko ang luha ko at lakad-takbo ang ginawa ko papalapit sa simbahan. Wala na akong pakialam kung anong mangyayari sa gagawin kong ito o kung anong magiging kahihinatnan nito. Isa lang ang nasa isip ko, ‘yun ay ang kaligtasan ng anak ko.
Nang makalapit na ako sa malaking pinto, walang pag-aalinlangan o pagdadalawang isip kong binuksan ang pinto.
Nakuha ko ang atensyon ng mga tao sa loob. Narinig ko ang pagsinghap nila pero hindi ko binigyang pansin. Nakatingin lang ako sa dalawang taong nasa harap ngayon ng pare. Nakatingin din sila saakin at kita ko rin sa mga mata nila ang pagkagulat kahit punong-puno ng luha ang mata ko.
After five years, ngayon ko lang ulit sila nakita. Lalong-lalo na siya. Hindi ito ang oras para punain siya pero hindi ko mapigilan. Ang laki ng pagbabago niya. Mas lalo siyang tumangkad kesa sa dati. Mas lumaki rin ang katawan niya kumpara sa dati. Bumagay rin sa kanya ang suot niyang tuxedo. Ang gwapo-gwapo niya.
Ilang sandali, dahan-dahan akong naglakad papalapit sa kanila kasabay nun nagsimula naring magbulungan ang mga panahuin but I ignored them. Wala akong pakialam sa kanila.
“Alejah!” narinig kong tawag ni Mommy kung saan pero hindi ko siya pinansin. Nanatili lang akong nakatingin kay JD na nakita ko ang pagtiim bagang niya nang maka-recover na sa gulat.
“Alejah!” salubong saakin ni Kuya kaya sandali akong napahinto dahil humarang siya sa daanan ko. Hinawakan niya ako sa braso, “What the f**k are you doing? Are you out of your mind?” gigil niyang bulong saakin.
“Kuya, kailangan ko si JD!”
Napalakas ang pagkasabi ko nun kaya alam kong narinig ‘yun ng lahat. Mas lalo kong narinig ang mga bulungan ng mga bisita.
“Omg. Is she crazy?”
“God! Anong ginagawa niya?”
“Isa ba siya sa mga desperadang ex ni Jared?”
Wala akong pakialam sa mga iniisip nila. Isipin na nila ang gusto nilang isipin. Ang mahalaga lang saakin ngayon ang kaligtasan ng anak ko. Hindi nila alam ang nararamdaman ko ngayon. Call me desparate dahil iyun naman talaga ang totoo. I’m desparate mother who wants to save my son.
Ramdam kong mas lalong humigpit ang hawak ni Kuya sa braso ko dahil sa mga bulungang naririnif namin, “What the meaning of this, Alejah? Damn. You're embarrassing yourself. Leave now, bago pa ako mapuno sa‘yo. Please, Alejah. Ayoko nang magalit ulit sa’yo.”
Umiling-iling ako habang walang tigil ang pagbuhos ng luha ko, “No, Kuya. Gusto kong makausap si JD. Kailangang-kailangan ko siya ngayon. Kailangan siya ni Caleb!”
“What do you mean?”
Hindi ko na pinansin ang tanong ni Kuya. Nang magawa kong makawala sa kanya, agad akong lumapit kay JD. Akmang hahawakan ko ang kamay niya nang agad niyang iniwas ito.
“J-JD.”
Galit niya akong binalingan, “What are you doing? Are you planning to ruin my wedding, huh?” mahinahon niyang sabi pero kitang-kita ko sa mga mata niya ang pagpipigil ng galit.
Agad akong umiling, “No, please, JD. Hindi ako narito para sirain ang kasal niyo. Nandito ako dahil kailangan ko ng tulong mo. Kailangan ka ni Caleb.”
Biglang hinablot ni Kuya ang braso ko para muli akong iharap sa kanya, “What happened to Caleb? At bakit ka humihingi ng tulong sa kanya?”
“Who the f**k is Caleb?” si JD.
“Kuya, nadisgrasya si Caleb! Nasa panganib ang buhay niya. Kailangan niyang masalenan ng dugo bago mahuli ang lahat.” umiiyak kong paliwanag kay Kuya na ikinagulat niya. Unti-unti niyang nabitawan ang braso ko.
“Alejah!” lumapit na rin saakin si Mommy, “Anong sabi mo? What happened to Caleb?” kita ko sa mata ni Mommy ang kaba.
“Wait,” napatingin ako sa gulong-gulong bride ni JD na si Cyndie,“I don’t get it. Who is Caleb? At bakit ka humihingi ng tulong kay Jared? You know, Miss. Can you please leave na lang? Can’t you see? You're ruining our wedding,” binalingan niya ang tulala kong kapatid. “Zyrel, can you please drag your sister outside? She’s ruining our wedding.”
Pero mukhang hindi siya naririnig ni Kuya dahil nakatulala lang ito kaya siya na mismo ang nagtulak saakin pero hindi ako nagpatinag.
“Cyndie, hindi ako narito para sirain ang kasal niyo, okay? Nandito ako dahil si JD na lang ang pwedeng makaligtas sa anak ko.”
Narinig ko ang pagsinghap ng mga tao sa sinabi ko. May narinig pa akong mahinang halakhak na sa tingin ko isa sa barkada nina Kuya at JD.
“This will be exciting.” narinig ko pang bulong ng isa sa kanila.
“So, anong pakialam ni JD sa anak mo?” Cyndie asked.
Wala talaga dapat akong balak sabihin ‘to sa harap ng mga bisita nila pero mukhang wala na akong choice lalo na’t mukhang hindi nila naiinitidihan kung bakit si JD ang sinasabi kong makakatulong kay Caleb.
I looked at JD that glaring at me. I’m sorry, JD, but I need to do this.
“Because I know, my son, Caleb’s blood type and him are the the same. Caleb’s blood type is AB negative and I know you, too, am I right?”
“You’re right, Jared’s blood type is AB. Kaya nga abnormal ‘yan ‘e.” sagot ng isa sa mga kaibigan nila na nasa bandang likuran ko na humalakhak pa nang mahina pero hindi ko na nilingon para alamin kung sino.
“You two have the same blood type because Caleb is your son!” nakita ko ang unti-unting paglaki ng mata niya dahil sa gulat. Muli akong humagulgol, “I know, I promised to myself that I shouldn't bother you anymore because having Caleb is enough for me. Hindi na dapat ako magpapakita sa‘yo at guguluhin kahit kailan pero nangyari ang hindi ko inaasahan. Caleb is critical now and he need your help. Your son need your help!”
“Jesus!” napatingin ako sa babaeng nasa tabi ko na nasa forty's ang edad. Kung hindi ako nagkakamali, siya ang Mommy ni JD. Kita ko sa mata niya ang gulat, “May anak si Jared sa‘yo?” hindi ako sumagot kaya binalingan niya ang anak niyang tila gulat pa rin. “Is that true, honey?”
“Mom!” pigil niya sa Mommy niya nang maka-recover sa gulat, “‘Wag po kayong maniwala. She’s just lying! She had crush on me before kaya siguro niya ginagawa saakin ‘to.”
Umiling-iling ako sa sinabi niya, “No! Hindi ako nagsisinungaling! Anak mo si Caleb! Please, kailangan ka ng anak mo! Please, JD, I'm begging you, kailangan ka ng anak mo.”
Hinawakan ko pa ang kamay niya sa pagmamakaawa. Hanggang sa tuluyan nang nanlambot ang tuhod ko at napaupo ako sa sahig habang humahagulgol at nagmamakaawa sa kanya.
“Please, iligtas mo ang anak ko. Hindi ko kakayin kapag mawala siya saakin. Please. I’m begging you, please. Save my son.”
“I-Is that true?” gulat na binalingan ni Cyndie si JD na nakatingin lang saakin. Nang hindi nakasagot si JD dito, bigla niya itong sinampal, “How dare you! Kung ganun matagal mo na akong niloloko?!”
“No, Cyndie. That’s not true!”
“Not true? Bakit hindi ka makasagot? Anak mo ba ang Caleb na sinasabi ng babaeng ‘yan?!”
Sa muli, hindi nakasagot si JD kaya muli siyang sinampal ni Cyndie. “You cheated on me! How dare you!” umiling-iling siyang naluluha, “Ayaw ko na. We’re over. Hindi na tuloy ang kasal,” matapos ‘yun inihampas pa niya sa mukha ni JD ang bouquet niya, “Asshole!” saka patakbong lumabas ng simbahan.
Hindi na niya hinabol si Cyndie. Sa halip, ibinaling nito ang atensyon saakin. Madilim ang mukha nito at umiigting pa ang panga. Nagulat na lang ako nang may biglang humablot sa braso niya, kasabay nun ang pagsuntok sa kanya ng taong humablot sa braso niya. Napasinghap at napatili ang ibang bisita dahil sa nangyaring ‘yun. Maging ako nagulat dahil sa lakas ng suntok ni Kuya, nawalan ng balanse si JD at napaupo sa sahig.
Gulat akong napatingin kay Kuya. Nag-aalab ang galit sa mga mata niyang nakatingin kay JD.
“So, it was you? Ikaw ‘yung walanghiyang nakabuntis sa kapatid ko? Gago ka! I trusted you! Alam mo, noon palang may ideya na akong ikaw ang walang hiyang bumuntis sa kapatid ko pero isinawalang bahala ko na lang dahil kaibigan kita. Dahil alam kong hindi mo magagawa ‘yun dahil pinagkatiwalaan kita at may usapan tayo na layuan mo siya. Dahil alam nating pareho na may gusto siya sa’yo pero f**k! Hindi mo lang sinira ang pangako mong lalayuan mo siya, binustis mo pa! ”
Ako naman ang nagulat sa sinabi ni Kuya. Kung ganun, una palang alam nilang pareho na may gusto ako kay JD?
“I will kill you, bastard!”
Akmang susuntukin ulit ni Kuya si JD nang pigilan siya ng tatlo nilang barkada. ‘Yung dalawa pa, inalalayang tumayo si JD. Napatayo rin ako at tumulong sa kanila.
“f**k! Let me go!” panay ang piglas niya sa tatlong barkada niyang nakahawak sa kanya pero hindi nila ito hinahayaan.
Humalakhak pa ang isa sa kanila na sa pagkakantanda ko, Every ang pangalan, “Bro, easy. Mamaya mo na siya bugbugin. Remember, kailangan pa siya ng pamangkin mo. Kapag pinatay mo ‘yan, wala nang magiging donor ang pamangkin mo.”
Natawa rin ang iba pa nilang barkada. Hindi ko nga alam kung paano nila nagagawang biro ang nangyayari pero naging dahilan ‘yun para unti-unting kumalma si Kuya. Nang binitawan siya ng mga ito, lumapit siya kay JD na salubong ang kilay. Halatang galit sa mga nangyayari pero hindi na siya nagsasalita.
Akala ko susuntukin siya ulit ni Kuya pero hinawakan niya ito sa braso at bigla niyang hinila na ikinagulat ko.
“Sumama ka saaking hayop ka.”
“Kuya!” agad ko silang sinundan.
Natatakot ako sa balak niyang gawin kay JD. Akala ko gagawan niya nang masama ito pero pagdating namin sa naka-park niyang kotse, pinagbuksan niya ito at patulak niyang ipinasok sa loob si JD na wala namang sinasabi. Nanatili lang nakasalubong ang kilay nito at katulad ng kapatid kong hindi humuhupa ang galit, umiigting din ang panga nito.
Madilim ang mukhang binalingan ako ni Kuya, “Get in. At sabihin mo saakin kung saang hospital dinala si Caleb.”
Dahil sa sinabi niya, agad akong sumakay ng sasakyan niya, maging siya. Nasa likuran naman namin si JD na hindi nagsasalita. Nakokonsensya ako sa nangyari sa kanila ni Cyndie pero wala na akong choice.
Habang nasa byahe, sinubukan ko siyang kausapin, “I’m sorry for what happened. Wala akong balak—”
“Please, just shut up,” he cut me off, “I don't wanna hear anything from you.” masyadong kalmado ang boses niya pero halatang-halata sa paraan ng paghinga niya na kanina pa niya ako gustong bulyawan. Halata iyun sa nanatiling nakaigting niyang panga. Ni hindi niya ako binalingan. Nanatili ang tingin niya sa labas ng bintana.
“I’m sorry.” ang tanging nasabi ko at napayuko na lang ako.
Pagdating namin sa tapat ng hospital, agad akong bumaba at pumasok sa hospital. Sumunod saakin si Kuya na hila-hila si JD na nagpatinuod na lang.
Nang malapit na kami sa emergency room,q nakita ko si Shannon na panay ang lakad paparuon at paparito. Hindi mapakali sa tapat ng nakasaradong pinto ng emergency room. Pero nang makita niya ako, agad niya akong sinalubong.
“Bakit ngayon ka lang?”
“S-Shannon, k-kamusta ang anak ko? Okay na ba siya?”
Umiling siya kaya napapikit ako para pigilan ang paghagulgol ko, “Ang sabi ng doctor mas lalong humina ang heartbeat ni Caleb. Bakit ngayon ka lang? Nagawa mo bang —”
Hindi na niya natuloy ang sasabihin dahil sa taong nakita niya sa likuran ko. Nakita ko pa ang pagbuka ng bibig niya ng salitang 'Oh my God.’ dahil sa gulat. Napalingon ako sa likuran ko at dun ko na-realized na hindi lang pala si Kuya at JD ang nakita niya. Maging ang limang barkada nila na pasekreto pang nagsisikuhan saka ang Mommy at Daddy ni JD at panghuli si Mommy na lumapit saakin at agad akong niyakap habang umiiyak kaya mas lalo akong napaiyak.
“M-Mommy, si Caleb. ‘Yung anak ko.” humagulgol kong sabi.
Hinarap ako ni Mommy. Tipid niya akong nginitian kahit maging siya naiiyak, “It’s okay, Princess. Caleb will be fine, hmm?”
Napatingin lang kaming lahat sa pinto ng emergency room nang bigla itong bumukas. Bumungad saamin ang doctor na kausap ko kanina. Nakita ko sa mukha niya ang pagkagulat pero kalaunan tumikhim din siya.
Lumapit ako sa kanya, “Kamusta ‘yung anak ko, Doc?”
“Your son is still unconscious, Misis. Nag-seizure rin siya kanina for the second time at bahagyang humina ang heartbeat ng bata buti na nga lang at nagawa pa namin siyang i-revive. Buti na lang din at mukhang lumalaban ang anak niyo. But we need a blood donor as soon as possible bago pa maulit ang nangyari kanina at baka hindi na namin siya maisalba.”
Dahil sa sinabi ng doctor agad akong napatingin kay JD. Gulat siyang nakatingin sa doctor pero nang bumaling siya saakin biglang nagsalubong ang kilay niya.
Bahagya akong nagulat nang itulak siya ni Kuya papalapit sa doctor. Nakita ko ang pag-igting ng panga niya dahil sa ginawa ni Kuya pero wala siyang nasabi.
“Him. He’s the blood donor. Kahit ubusin niyo pa ang dugo ng hayop na ‘yan, mailigtas niyo lang ang buhay pamangkin ko.”
Narinig ko ang mahinang halakhak ng mga barkada nina Kuya. Napalunok naman ang doctor sa sinabi ni Kuya.
“You’re...?” tanong ng doctor kay JD.
“I’m..” Sandali siyang huminto. Tila hirap na hirap siyang sabihin ang gustong sabihin. Ilang sandali huminga muna siya nang malalim saka diretsong tumingin sa mata ng doctor, “I’m the father of the patient. We have the same blood type and I’m willing to be his blood donor. ”
Sa kabila nang pag-alala ko kay Caleb, nagawa ko pa ring ngumiti. May saya pa rin akong naramdaman sa puso ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam na mas masaya pala talaga kapag kikilanin niyang anak si Caleb.
Bahagyang ngumiti ang doctor sa kanya. “Good to hear that.”
Kalaunan, pinasuot muna ng hospital gown at mask si JD bago nito dinala sa loob. Ilang minuto matapos makapasok nina JD sa loob, lumapit saakin si Kuya. Madilim ang mukha nito.
“Ikaw naman. I want to talk to you. I want to know everything. Kung paano at kailan nagsimula.”
“K-Kuya.”
Nagtiim bagang siya, “Tell me everything—”
Bago pa niya matapos ang sasabihin, bigla na akong nabuwal mula sa kinatatayuan ko dahil siguro sa magkahalong pagod, panghihina at pag-alala. Agad naman akong nasalo ni Kuya. Tipid akong napangiti nang makitang napalitan ng pag-alala ang galit niyang mukha kanina.
“Can I rest for a while, Kuya? I promise I'll tell you everything about what happened five years ago when I wake up.”
Mahina lang ang pagkasabi ko nun sakto lang para marinig niya saka ko unti-unting ipinikit ang mga mata ko.
Please, God. Please save my son because I don’t know what will happen to me if he die.