Nagising ako na nasa isang kwarto na ako. Nakahiga sa isang kama. Nang maalala ko si Caleb, agad akong napaupo. Bahagya pa akong napadaing nang maramdaman ko ang kunting kirot ng ulo ko dahil sa biglaan kong pag-upo.
“Alejah!” napatingin ako kay Shannon na nasa tabi ko na ngayon. Nakahinga siya nang maluwag at tipid na ngumiti, “Thanks, God, you’re already awake. Akala ko kung ano nang nangyari sa‘yo. Pero sabi ng doctor, over fatigue lang daw kaya ka nawalan ng malay.”
“Gusto kong makita si Caleb. K-kamusta na siya?” hindi pa rin maalis sa isip ko ang kaba.
Nginitian niya ako kaya kahit hindi ko pa man naririnig ang sasabihin niya nakahinga na ako nang maluwag. “My inaanak is fine now. Wala pa siyang malay pero the doctor assure that he’ll be fine. Hintayin na lang daw natin siyang magising.”
“Really?” naluha ako. Hindi dahil sa kalungkutan at takot, kundi sa saya, “I want to see him.”
Akmang baba ako ng higaan nang biglang magsalita si Kuya na hindi ko namalayang nandito rin pala.
“No.” napatingin ako sa kanya. Nakahalukipkip siya habang nakasandal sa pinto ng kwartong kinaruruonan namin. Seryoso ang ekspresyon ng mukha niyang lumapit saakin, “Hindi mo makikita si Caleb hangga't hindi mo sinasabi saakin ang lahat.”
“Pero, Ku—”
“You promised me, Alejandra. You promised me that you’ll tell me everything about what happened five years ago.”
Hindi na ako nakasagot. Naalala ko kasi na pinangako ko sa kanya bago ako mawalan ng malay na sasabihin ko sa kanya ang lahat kapag nagising ako. At ngayong gising na ako, mukhang wala na akong magagawa lalo na’t mukhang seryoso siya na hindi niya hahayaang makita ang anak ko hangga’t hindi ko sinasabi ang lahat.
Huminga ako nang malalim at dahan-dahang tumango, “Okay. I’ll tell you everything,” muli akong huminga nang malalim, “Since highschool, gusto ko na si JD.”
“I know that part.”
Hindi na ako nagulat na alam niya dahil narinig ko na ‘yun sa kanya kanina. Ang ipinagtataka ko lang, “Paano?”
Pagak siyang natawa na parang ang tanga ko para itanong pa iyun, “You’re too obvious. Kilos at galaw mo madaling basahin at tsaka kapatid kita kaya alam na alam ko. Lagi kang nauutal kapag kinakausap mo siya. Lagi mo rin siyang tinititigan kapag hindi siya nakatingin sa‘yo and one day, nakita kitang palihim mo siyang kinukuhanan ng picture. Kaya noon palang pinagdudahan na kita. Maging si Sanmiego, pansin na iyun.”
Bigla akong namula sa sinabi ni Kuya. Napaiwas ako ng tingin sa kanya. Kung ganun, noon palang alam na ni JD na palihim ko siyang kinukuhanan ng picture? Nakakahiya.
“Mas lalo kong napatunayan na gusto mo nga si Sanmiego nung time you asked me about him and Cyndie. Nakita ko sa mga mata mo ang sakit nung malaman mong sila na nga. Pansin ko ang pagbabago mo. Lagi kang nakasimangot,” muli siyang nagtiim bagang, “Pero hindi ‘yan ang gusto kong marinig mula sa‘yo. Ang gusto kong marinig, paano kayo nagkaanak dalawa?”
Dahil sa sinabi niya, muli akong napatingin sa kanya. Salubong pa rin ang kilay niya na nakatingin saakin. Kalaunan tumaas ang kilay niya nang hindi pa ako nagsasalita.
Muli akong huminga nang malalim at sinimulan ko nang ikwento sa kanya ang lahat.
Matapos ngang malaman ko na sina JD at Cyndie na, naging tahimik at minsan bigla na lang akong napapaiyak. Mabuti na nga lang at nasa tabi ko lagi si Shannon.
“Umiyak ka na naman. Is that Jared again?”
“What should I do? Ang sakit pa rin talaga, ‘e.”
“Ano ka ba. Kalimutan mo na nga ang lalaking ‘yan. Ah alam ko na!” tumayo siya sa harapan ko, “Sumama ka na lang saakin mamaya. Birthday kasi ng pinsan ko. Marami akong kilalang mas gwapo pa sa Jared na ‘yan na a-attend mamaya. Malay mo, isa sa kanila magustuhan mo.”
Naiiyak ako na natatawa sa sinabi niya, “Ayoko nga. You know that I don’t like party.”
Umingos siya, “E’ paano mo magugustuhan, e’ never ka pa naman nakapunta sa party. Napaka-antisocial mo talaga kahit kailan.”
Pinilit niya pa ako nang pinilit kahit ayaw ko. Sa huli, nagawa rin niya akong mapapayag dahil ayoko naman siyang magtampo saakin. Siya na lang ang isang taong nakakaintindi saakin kaya hindi ko gustong maging siya magtampo rin saakin.
Kinagabihan nun, inayusan niya ako sa mismong kwarto ko. Nagulat ako nang halos hindi ko na makilala ang mukha ko dahil sa ayos ko. Tinanggal niya kasi ang salamin sa mata ko at pinalitan niya lang ng contact lenses para kahit papano hindi lumabo ang mata ko. Inayos niya ang dating may kakapalan kong kilay na ngayon ay manipis na at maganda pa ang hugis. Kinulot niya rin ang dulo ng mahaba at bagsak kong buhok na bumagay sa tube dress ko na kulay black na hanggang legs lang ang haba. Mas lalo akong namangha sa sarili ko dahil sa make up na nilagay niya sa mukha ko.
Ang ganda-ganda ko!
“Omg. Ang ganda-ganda mo!” masayang sabi ni Shannon habang pareho kaming nakatingin sa repleksyon ko sa salamin.
Nang may maalala ko, malungkot akong napangiti, “Kung naging ganito ba ako kaganda noon, magugustuhan din kaya ako ni JD?”
Unti-unti siyang sumimangot, “JD na naman?” napatalak siya, “Remember, hindi kita inayusan para sa Jared na ‘yun. Inayusan kita dahil may pupuntahan tayong party at maghahanap nang mas nararapat pa sa Jared na ‘yan.”
Tipid lang akong ngumiti kahit hindi ko magawang hindi isipin. Iniisip ko pa rin na kung paano kung nakita ako ni JD sa ganitong ayos?Magugustuhan din kaya niya ako?
Sa huli, nagpasya na kami ni Shannon na umalis. Pero nasa hagdan palang kami, pareho kaming napahinto nang makita namin si Kuya na nakahalukipkip at nakasalubong ang kilay habang nakatingin saamin. Nasa dulo ito ng hagdanan.
“Where are you two going?”
Napalunok ako sa seryosong boses niya.
Biglang tumawa si Shannon. ‘Yung tawang kinakabahan, “H-Hi, Zyrel. Pwede ko bang hiramin sandali ang kapatid mo? May dadaluhan lang kaming party.”
“No,” walang pag-alinlangan na sagot ni Kuya nang hindi man lang sinusulyapan si Shannon. Nanatili itong nakatingin saakin nang seryoso.
“Pigilan mo ako, Alejah. Sumusobra na ‘yang pagiging over protective ng Kuya mo.” bulong saakin ni Shannon na halata ang pagtitimpi.
“K-Kuya, please..” sa wakas nagawa ko nang makapagsalita. “Sasamahan ko lang naman si Shannon, ‘e. Hindi naman ako iinom ng alak.”
“Oo nga! Hindi ko naman siya hahayaang uminom, ‘no! Duh! ” Shannon rolled her eyes, “At tsaka gusto ko lang naman dalhin si Alejah kasi alam kong nabuburyo na siya rito sa bahay niyo. Why so over protective to her? Hindi ka ba naawa sa kapatid mo? Sa bahay at school lang umiikot ang mundo niya?”
“Kuya, please.”
Pinilit pa namin nang pinilit si Kuya. Pinigilan ko lang nga na matawa nang halos lumuhod na si Shannon sa harap ni Kuya na nginiwan naman ni Kuya. Sa huli, napabuntong-hininga siya at nagawa rin namin siyang napapayag. Halos magbunyi tuloy si Shannon dahil sa pagpayag ni Kuya.
“Thank you, Kuya!” napayakap ako sa kanya. “The best ka talaga.” narinig ko siyang umismid kaya nakanguso akong hinarap siya.
Seryoso niyang hinarap si Shannon, “But remember this Legaspi. Oras na may nangyaring masama sa kapatid ko, ikaw ang unang-unang malalagot saakin.”
“Yes, boss!” nagsalute pa siya kay Kuya na mukhang hindi man lang kinabahan sa banta nito. Umismid lang si Kuya at ako naman ang binalingan nito.
“Keep your promise. No wine and boys. Get it?”
Napalunok ako pero tumango rin kalaunan, dahil hindi naman mahirap ang bilin niya. Sa huli, nagpaalam narin kami ni Shannon sa kanya.
Mahigit kalahating oras din ang ni-byahe namin bago kami huminto sa isang malaking bahay. Hindi ito kaming laki ng bahay namin pero malaki pa rin talaga ito kumpara sa mga pangkaraniwang bahay.
Nang makababa kami ng taxing sinakyan namin ni Shannon, agad siyang pumasok sa gate ng bahay. Agad naman akong sumunod. Nang makapasok kami sa loob ng bahay, bigla akong nailang nang nadatnan namin ang ibang bisita sa living room. Limang babae at anim na lalaki. Lalo na nang napatigil sila sa pinag-uusapan nila at napatingin saamin ni Shannon.
“Hello, guys!” masayang bati ni Shannon sa kanila. Nakapagbeso pa siya rito dahil mukhang makilala niya.
“Shannon, buti nakarating ka.” sabi nung lalaki kay Shannon pero saakin nakadirekta ang mata niya. Dahil sa pagkailang ko naiwas ko ang tingin sa kanya. Maging ang iba pa niyang kasama ramdam kong saakin nakatingin.
Palihim akong napabuga ng hininga. This is so awkward.
Hindi ko alam kong matutuwa ako sa atensyong ibinibigay nila saakin. Parang gusto ko na lang tuloy umuwi. Inabala ko na lang ang sarili ko sa paggala ng tingin sa loob ng bahay para mawala ang pagkailang na nararamdaman ko.
Narinig kong natawa si Shannon, “Pwede ba ‘yun? Anyway, where is he?”
“Nasa pool nila. Inaasekaso ang iba pa niyang mga bisita.”
“Ganun ba? Okay, thank you, John. Sige ah. Pupuntahan ko muna siya. Ibibigay ko lang itong gift ko sa kanya.” binalingan ako ni Shannon, “Tara na?”
I just nodded.
Akmang lalakad na kami ni Shannon muling magsalita ang isa sa kanila, “Wait. Bakit hindi mo muna ipakilala saamin ‘yung kasama mo?”
Palihim akong kinindatan ni Shannon bago niya nakangiting hinarap iyun, “Oh! I'm sorry I almost forgot.”
Napapikit na lang ako lalo na nang iharap nila ako sa kanila. Kita ko ang ngingiti-ngiting mga lalaki na nanatiling nakaupo sa sofa. Maliban sa sa lalaking nakatayo at seryosong nakatitig saakin.
“This is Alejah nga pala, guys. Best friend ko. And Alejah, this is..” isa-isa niyang binanggit ang mga pangalan ng mga naruruon. Huli niyang pinakilala saakin ‘yung lalaking nagngangalang Miguel na hindi inaalis ang tingin saakin. “Tropa sila ng pinsan kong may birthday ngayon.”
“Hi, Alejah. Nice to meet you.”
Isa-isa nila akong binati. Tipid ko lang silang nginitian dahil naiilang ako sa tingin nila lalo na ang tingin ni Miguel. Naiilang na talaga ako sa titig niya. Mayamaya, ngumuso ito nang mapansin siguro ang pagkailang ko. Bigla tuloy akong pinamulahan ng mukha.
“Sorry, guys. Kung balak niyo siyang pormahan ngayon palang sinasabi ko sa inyo, back off. Mapapatay ako ng Kuya niya kapag nagkataon.”
Nakahinga akong nang maluwag sa sinabi ni Shannon. Buti na lang at naisipan niyang sabihin ‘yun. Kita ko ang panghihinayang dun sa mukha ng mga lalaki, pero si Miguel, hindi ko man lang siya nakitaan ng reaksyon, nanatili itong nakanguso. Hindi nagtagal, tuluyan narin kaming nagpaalam sa kanila.
Nang makalayo kami sa kanila, tawa nang tawa si Shannon, “Omg! Nakita mo ‘yung reaksyon nila nang sabihin kong hindi ka nila pwedeng pormahan? Damn. Ang epic. Gusto kong matawa kanina. And that guy named Miguel. Remember? The way he stare you, my gosh! I think he likes you!”
“Tumigil ka nga, Shannon.”
“No. Alam na alam ko ang mga titig ng mga lalaki. Kung minamanyak o kung gusto niya talaga ang isang babae. Alam ko ang kaibahan. And I think he really likes you!”
Napabuga ako ng hininga, “Hindi naman siguro.”
Umismid siya, “Tss. Ang hina mo talaga. Anyway, what do you think about him? Gwapo ba siya?”
Kunwari akong napaisip kahit hindi ko naman talaga kailangang pag-isipan ang sagot ko. Aaminin ko kasing gwapo talaga si Miguel. Mas matangkad at mas malaki ang katawan niya kaysa kay JD kahit mukhang magkaedad lang sila pero hanggang dun lang ‘yun. Hindi ko alam kung bakit kahit mas lamang siya kay JD, hindi ko pa rin maintindihan ang sarili ko kung bakit si JD pa rin.
“O-Oo.”
“Talaga?” parang tuwang-tuwa si Shannon sa sagot ko, “Himala ‘ata. Dati-rati, ang hirap mong paaminin dati na nagagwapuhan ka sa isang tao. Dahil sa paningin mo, ang Kuya mo lang at si JD ang gwapo para sa‘yo. Ngayon... Omg. Ibig sabihin sabihin, may chance na magkagusto ka kay Miguel?”
Hindi ko alam. Hindi. Siguro. Ewan? Hindi ko talaga alam. At bakit ba niya ako pinagpipilitan sa Miguel na iyun?
“Alam mo, sayang. Kung hindi ko lang talaga nakita ang ilang mong ekspresyon kanina, naireto na sana kita sa kanya.”
Hindi na ako kinulit pa ni Shannon nang hindi na ako sumagot. Pagdating namin sa likod ng bahay kung nasaan ang pool area, dun ko na-realized na mas marami pa pala ang bisita. ‘Yung ibang babae naka-swimsuit lang, ‘yung ibang mga lalaki, topless. Mas lalo yata akong nakaramdam ng pagkailang dito kesa dun sa loob kanina. Mas dumami kasi ‘yung nakatingin saakin. Mas gugustuhin ko na lang pumasok ulit sa loob. At least dun, si Miguel lang at ang mga kaibigan nito ang nakatingin saakin.
Nang makita namin ang pinsang lalaki ni Shannon ngayon na nagbi-birthday, agad namin itong nilapitan. Binati at yinakap ito ni Shannon. Matapos niyang iabot ang gift dito pinakilala niya ako.
“Kuya, ito pala ‘yung sinasabi ko sa‘yong best friend ko.”
Napatingin ‘yung pinsan ni Shannon saakin. Ngumiti siya saakin. ‘Yung ngiting hindi nakakailang tulad ng ibang lalaking nginingitian ako kanina pa kaya nginitian ko rin siya pabalik.
“Hello. Happy birthday.” I greeted him.
“Hi. So it’s you. Ako nga pala si Simon.” inilahad niya ang kamay niya na agad ko namang tinaggap. Nagshake hand kami. “Lagi kang kenukwento saakin ni Shannon. And I didn’t expect that you’re that beautiful. Ang layo kasi ng kinukwento ni Shannon saakin.”
“Kuya, siyempre. Ako nag-ayos sa kanya, ‘e.” pagmamalaki ni Shannon. Nakangiti namang ginulo ni Simon ang buhok ni Shannon na ikinasimangot nito.
Napangiti ako habang tinitingnan silang dalawa. Halata kasing close na close silang magpinsan. Naalala ko tuloy si Kuya. Ganyan na ganyan din kami ka-close ni Kuya. Sobra pa. Sa sobrang close, grabe na rin pagiging over protective niya saakin. Kita mo? Pati pagbo-boyfriend pinagbabawal niya saakin.
Hindi nagtagal nagpaalam na rin saamin si Simon dahil aasekasuhin pa raw niya ang iba pa niyang bisita.
“Enjoy the party, Alejah. Eat what you want. Mag-ingat ka lang sa ibang lalaking bisita, ah. Ako na nagsasabing hindi sila makakapagtiwalaan. Ang ganda mo pa naman.” humalakhak pa siya nang mahina matapos ng biro niya. Nakangiti naman akong tumango.
Tapos si Shannon naman ang binalingan niya, “Take care of your best friend, Shan.” tinapik niya pa sa balikat si Shannon na nanatiling nakasimangot sa kanya bago tuluyang umalis.
“Nakakatuwa ‘yung pinsan mo.” sabi ko habang nakangiting sinusundan ng tingin si Simon.
“Nakakatuwa ba ‘yun? Tingnan mo nga ang ginawa niya sa buhok ko,” nakasimangot niyang sabi. “Haist. Pinaghirapan ko pa naman ‘tong plantsahin tapos guguluhin lang niya! Kainis talaga ang higanting ‘yun!”
Natawa na lang ako sa tinawag ni Shannon sa pinsan niya. Nasa six footer kasi si Simon kaya sobrang taas talaga nito kumpara saamin ni Shannon.
Ginawa ko ang sinabi ni Simon. Kumain lang ako nang kumain habang pinapanuod ang nagkakatuwaang bisita niya. Samantala, si Shannon, paminsan-minsan umaalis siya sa tabi ko dahil may nakikita siyang kakilalang bisita. Gusto nga rin niya sana akong isama para ipakilala pero humindi na ako kaya heto nakaupo lang ako sa tabi habang kumakain.
Paminsan-minsan may lumalapit din saakin at inayaya akong sumayaw pero agad akong tinatangihan. May umalok din saakin ng inumin pero hinihindian ko rin. Umi-echo kasi sa isipan ko ang bilin ni Kuya. No wine, no boys. At saka, hindi naman talaga ako umiinom.
“Hi, Miss. You're pretty.”
Napabaling ako sa lalaking lumapit saakin. Palihim akong napangiwi nang mapansin ang ngiti niya. Ngiting hindi makakapagtiwalaan.
“Shall we dance?”
Tulad ng ginagawa ko kanina pa sa mga sumusubok magyaya saakin, inilingan ko siya. “Sorry, Kuya, pero hindi po ako sumasayaw.”
Magsasalita pa sana siya pero iniwan ko na siya. Tulad kanina, naghanap ako ng panibagong pwesto. Nakahanap ako ng bakante malapit sa grupo ng mga babaeng puro naka-swimsuit. Ipinatong ko ang pinggan kong may pagkain sa mesa saka ako umupo sa upuan.
Isusubo ko na sana ang barbeque nang marinig ko ang usapan ng mga babaeng nasa gilid ko.
“Narinig niyo na ba? Si Cyndie at Jared na raw!”
“Who’s Jared?”
“Omg! You don’t know him, guys? Isa lang naman siya sa mga lalaking pinagkakaguluhan sa REU.. Look ito siya oh!”
“Omg! Ang gwapo nga!”
“How did you know him? E’ sa San Rafael College ka nag-aaral.”
“Naging ex siya ng pinsan ko, duh!”
Binitawan ko ang barbeque na hawak ko. Bigla akong nawalan ng gana dahil sa narinig ko. Tiningnan ko ‘yung mga grupo ng mga babaeng pinagkaguguluhan parin ang picture ni JD sa phone nung babaeng nagsabi na naging boyfriend ng pinsan niya si JD.
Napasimangot ako.
Alam ko namang bago si Cyndie marami pang naging ex si JD pero kahit ganun siya.. Mahal ko parin talaga siya.
Oh, shut up, Alejah. Isinama ka ni Shannon dito para makalimutan panandalian si JD.
Hindi ko alam ang pumasok sa isip ko. Nang may nakita akong lalaki na may dalang tray ng inumin, tinawag ko siya. Agad naman siyang lumapit saakin nang nakangiti.
“Can I have some one?”
“Oh, sure!”
Binigyan niya ako ng isang alak na hindi ko alam ang tawag. Basta kulay blue siya. Agad ko naman iyung kinuha. Nilagok ko ‘yun nang walang pag-alinlangan. Nang maubos ko na ‘yun, nakangiwi kong binaba ang baso.
God! Ganun pala ‘yung lasa ng alak? Ang pait, sobra. Pero nang tumagal na hindi ko na nararamdaman ‘yung pait.
Napatingin ako sa lalaking may dalang tray ng inumin na gulat na nakatingin saakin. Kalaunan, ngumiti rin siya at muli niya akong inalok. “You want some more?”
Sa muli, hindi ko alam ang pumasok sa isipan ko. Tinanggap ko ang inalok niyang isang baso ng inumin na agad kong nilagok. Muli akong napangiwi nang maubos ko na ang laman nun.
Hindi nagtagal, hindi ko na alam kung ilang baso na ng alak ang nainom ko. Kalaunan, hindi ko na alam ang mga pinaggagawa ko. Namalayan ko na lang ang sarili ko na sumasayaw narin kasabay ng mga bisita. Para bang dahil sa alak biglang nawala ang hiyang nararamdaman ko.
“Whoooooooooo!!!”
Sigaw nang sigaw rin ako gaya ng ginagawa ng ibang bisita. Napatigil lang ako nang biglang may humablot sa kamay ko. Nang mapagtanto kong si Shannon lang pala, kahit umiikot ang paningin ko, nagawa ko siyang ngitian.
“Shannon, my best friend. Halika, sayaw tayo.” humagikhik ako.
Gusto ko sanang sumayaw kaso pinigilan niya ako, “Omg. Sinong nagpainom sayo?” frustrated niyang naihilamos ang kamay sa mukha niya, “Lagot ako nito kay Zyrel.” bulong-bulong pa nito habang mukha siyang frustrated na hinihilamos ang kamay sa mukha niya.
Hindi ko na nauunawan sinasabi niya. Galaw lang ako nang galaw pero hindi ako makasayaw nang maayos dahil hawak niya ang braso ko.
“Halika na, umuwi na tayo. Lasing ka na.”
“Uwi?” umiling-iling ako. “Ayoko! Gusto ko pang sumayaw!” humagikhik ako, “Halika, Shannon! Let's dance!”
Pero hindi ko na alam ang sunod na nangyari. Kung bakit nasa loob na kami ng bahay nina Simon at kausap na nito si Shannon. Hindi ko maintindihan ang sinasabi nila. Umiikot ang paningin ko. Namalayan ko na lang na muli akong hinila ni Shannon paakyat sa hagdan.
“U-uwi na tayo?” I asked Shannon.
“No! Hindi ka uuwi. Dito ka matutulog. Lagot ako sa Kuya mo kapag inuwi kitang lasing.. God! Ayoko pang mamatay, ‘no? I don’t wanna die virgin.. Naku naman!”
Humagikhik ako kahit hindi ko naman talaga naintindihan ang sinasabi niya. Umiikot ang paningin ko. Ano ba ‘to?
Namalayan ko na lang na ipinasok ako ni Shannon sa isang silid. Ibinagsak ako ni Shannon sa malambot na kama. Humagikhik ako pero hindi ko alam kung ba’t bigla na lang akong napaiyak hanggang sa tuluyan na lang akong napahagulgol.
“Ang daya-daya niya! Maganda naman ako ah! Pero bakit.. bakit hindi niya ako magawang mahalin?” humagulgol kong sabi pero maging ako hindi ko na alam kung anong mga lumalabas sa bibig ko.
“Omg. What should I do?.. Wait, stay here, Alejah, ah. ‘Wag kang aalis may kukunin lang ako sa baba. Behave here, okay? Huwag kang gagawa ng kahit na ano.”
Napapikit ako dahil sa umiikot kong paningin. Narinig ko na lang ang pagsara ng pinto. Nang imulat ko ang mata ko, bigla akong napaupo nang biglang bumaligtad ang sikmura ko. Agad akong napatakbo sa isang pinto na napagtanto kong CR. Agad akong umupo at yumuko sa toilet bowl at sinuka ko lahat ng kinain ko.
“A-anong nangyayari? Ba’t umiikot ang paningin ko?” wala sa sarili kong tanong saka ko pinukpok ang ulo ko dahil nakaramdam ako ng panghihilo.
Nang medyo um-okay na ang pakiramdam ko,lumabas na ako ng CR, “S-Shannon, uwi na ako.” pero walang Shannon na sumagot kaya lumabas na ako ng silid kahit papikit-pikit na ako.
Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa labas nang walang nakakapansin saakin. Naghanap pa ako ng taxi at agad naman akong nakahanap. Pagsakay na pagsakay ko rito, agad kong isinandal ang ulo ko sa backrest ng upuan at ipinikit ko ang mga mata ko sa sobrang hilong nararamdaman.
“Miss, saan kita ihahatid? Lasing na lasing kayo. Mukhang naparami inom niyo ah.”
Napahagikhik ako, “Manong, iuwi niyo ako.” napasinok pa ako.
“Ha? Miss, paano ko kayo maiuuwi sa inyo kung hindi niyo sinasabi saakin ang address ng bahay niyo.”
Napahagikhik ako sa sinabi ng driver. “Oo nga, ‘no?” matapos ‘yun sinabi ko sa kanya ang kailangan niya, “Dalhin mo ako sa lalaking dahilan kung bakit ako nasasaktan ngayon!” muli akong humagikhik.
Bumulong-bulong pa siya bago niya pinaandar ang taxi niya. Hinayaan ko na lang muna ang sarili ko na matulog dahil sa panghihilo ko.