KABANATA 6

2700 Words
Nagising na lang ako nang marinig ko ang boses ng driver. Kahit gustong-gusto ko pang matulog pinilit kong imulat ang mata ko. "Miss, nandito na tayo. Bumaba ka na." I groaned. Nagawa ko pa siyang bigyan ng pamasahe saka ako bumaba ng taxi. Muntik pa nga akong napasubsob buti na lang agad akong nakabawi. Nang makaalis ang taxi, napatingin ako sa building na nasa harapan ko. Ilang sandali, walang pag-alinlangan akong lumakad papalapit sa building. Nang makapasok ako, agad akong sumakay ng elevator at pinindot ang button kung nasaan ang unit niya. Hindi nagtagal, nakarating narin ako sa floor kung nasan ang unit niya na agad kong pinuntahan. Hanggang sa huminto ako sa tapat ng condo unit niya. Paano ko nalaman ang unit niya? Minsan na kasi akong isinama ni Kuya rito. Pero hindi ko alam kung ba't ako dinala ng mga paa ko rito. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at dito ko naisipang pumunta pero siguro epekto na rin ng alak na nainom ko. Nasapo ko ang noo ko nang maramdaman ko ang pag-ikot ng paningin ko. Napahawak pa ako sa pinto ng condo niya para hindi ako tuluyang mabuwal sa kinatatayuan ko. Nang medyo um-okay na ang paningin ko, tumayo ako nang maayos. Napatingin ako sa doorbell ng condo niya. Hindi ko alam kung ba't bigla na naman akong naging emosyonal nang maalala ko ang tungkol sa kanila ni Cyndie. I cried. May tumulak saakin na pihitin 'yun. Siguro epekto na rin ng alak kaya nagawa kong magsisigaw habang patuloy kong pinipihit ang doorbell. "JD, open this door! I want to talk to you!" Makalipas ang ilang segundo, biglang bumukas ang pinto. "Damn. Who the f**k—Alejah?" Bumungad saakin ang iritadong mukha ng mahal na mahal kong lalaking si JD na halatang galing sa mahimbing na tulog. Pero ang iritadong ekspresyon ng mukha niya ay napalitan ng gulat nang mapagtanto kung sino ang kaharap niya. "Ako nga." tipid akong ngumiti kahit naiiyak ako sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Damn. Bakit ba ako emosyonal? And I can't help it. "W-what are you doing here? May kasama ka ba?" tumingin pa siya sa paligid para tingnan kung may kasama ako pero nang makompirama niyang nag-iisa lang ako, muli niyang ibinalik ang tingin saakin. "Ikaw lang ba mag-isa and.." lumapit siya saakin at inamoy ang bibig ko, "..are you drunk?" "Hindi ako lasing!" I shouted. Napapikit-pikit pa ako sa panghihilong nararamdaman ko pero pinipilit kong imulat ang mata ko. Pinalis ko ang panibagong luhang lumabas sa mata ko. Muli kong nakita sa mga mata niya ang pagkagulat. Mas lalo siyang lumapit saakin at hinawakan niya ang magkabilang balikat ko. Kita ko sa mata niya ang pag-alala. "Why are you crying, Alejah? Bakit ka naglasing? Naglayas ka ba sa inyo? Nag-away ba kayo ng Kuya mo, ha?" sunod-sunod niyang tanong. Panay naman ang iling ko sa kanya. Kumawala ako sa pagkakahawak niya na ikinagulat na naman niya. "Don't act like you're my brother. 'Wag kang mag-alala na parang nag-alala ka lang sa isang nakababata mong kapatid kasi masakit 'e. Masakit." tinuro ko pa ang puso ko. Kumunot ang noo niya. Halatang gulong-gulo siya sa mga pinagsasabi ko. Maging ako naguguluhan. Hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas ng loob para sabihin 'yun sa kanya. "What are you saying, Alejah? Halika na, ihahatid na kita sa inyo. Lasing ka 'e. Kung ano-anong pinagsasabi mo." Akmang hahawakan niya ako nang tabigin ko ang kamay niya. "Ayoko!" malakas kong sigaw na ikinabigla niya. Hindi siya agad nagsalita kaya nagawa kong ilabas lahat ng saloobin ko na hindi ko alam kung saan nanggaling ang lakas ng loob ko. "How dare you hurt me! Bakit hindi na lang ako? Maganda naman ako ah. Look at me! Pero bakit siya pa? Bakit si Cyndie pa? Bakit hindi na lang ako?!" Humikbi ako pero nawalan na ako ng pakialam kung anong itsura ko ngayon. "Alejah..." Pinagsusuntok ko siya sa dibdib niya, "Naiinis ako sa'yo! Gustong-gusto kita pero hindi mo man lang ako magawang tingnan gaya ng ibang babae lalo na ng pagtingin mo kay Cyndie!!" Napatigil lang ako sa pagsuntok sa kanya nang bigla niyang hawakan ang kamay ko. "Alejah! Stop it!" bigla akong napaigtad nang sigawan niya ako. Kalaunan ikinalma rin nito ang sarili niya, "Stay here. Ihahatid kita sa inyo." Binitawan niya ang kamay ko saka siya pumasok sa loob. Pero sa halip na sundin ang sinabi niya, ilang minuto matapos niyang pumasok sa loob, pumasok rin ako sa loob ng condo niya. Hindi ko siya nakita sa sala kaya dumiretso ako sa kwarto niya. Hindi ito naka-lock kaya nagawa kong pumasok nang walang pahintulot. Nadatnan ko siyang nagbibihis habang nakatalikod saakin. Pero nang humarap siya saakin nakita ko ang gulat sa mga mata niya nang makita niya ako. "Alejah, what are you doing here? I told you to stay out—" Hindi na niya natuloy ang sasabihin nang lumapit ako sa kanya. Inilagay ko ang kamay ko sa batok niya. Hindi ko alam kung paano ko siya lakas loob na nahalikan. Mukhang nagulat siya sa ginawa ko kaya hindi siya agad nakareact at pansin ko ang paninigas ng katawan niya. Nang matauhan siya, hinawakan niya ako sa kamay at marahang inilayo sa kanya. "Alejah, please. You're drunk and I made a promised to your brother that..." hindi na niya tinapos ang sasabihin. Ipinilig niya ang ulo niya at napabuga na lang siya nang marahas na hininga. “Please behave, Alejah. Ihahatid kita sa inyo.” sa halip ay sabi niya. Tumalikod siya saakin para kumuha ng jacket, pero dahil sa epekto ng alak, nagawa ko siyang yakapin mula sa likuran. Naramdaman ko ang paninigas ng katawan niya sa ginawa ko, pero binelewala ko iyun. “Bakit hindi mo ako magawang tingnan tulad ng mga babaeng nagugustuhan mo? Ganun na lang ba ako para sa’yo? I’m just your best friend’s sister?” naramdaman ko ang muling paglandas ng luha ko. Unti-unti kong kinalas ang yakap ko sa kanya. Umatras ako nang ilang beses palayo sa kanya. Unti-unti kong binaba ang zipper ng suot kong nagpalaki ng mata niya. “What the f**k, Alejah! What are you doing?” lumapit siya saakin at pinigilan ako sa balak ko, “Are you out of your mind?!” “Oo!” sigaw ko pabalik. His eyes widened, “Sira na ako kasi ipinagpipilitan ko ang sarili ko sa’yo. Nasisiraan na ako sa kakaisip kung bakit hindi mo ako magawang magustuhan tulad ng pagkagusto ko sa’yo. Because you think I’m still a kid? Then, I’ll prove to you that I’m not kid anymore!” Tuluyan ko nang nahubad ang damit ko kaya wala na siyang nagawa. He didn't say anything. He look dumbfounded as he stares at my nakedness. “Tell me, do I still look like a kid to you?” Natauhan siya sa sinabi ko. Malutong siyang nagmura saka niya mabilis na hinablot ang puting kumot na nasa kama niya. Lumapit siya saakin at itinabon sa kahubadan ko. “f**k, Alejah. You're just drunk,” his breathe became rugged, “Don’t make this hard for me, please, baby.” mahina nitong dagdag. I ignored what he said. Tinulak ko siya at tinanggal ang kumot na itinabon niya sa kahubadan ko. “I can be your girl you like, too.” Matapos kong sabihin iyun, lumapit ako sa kanya. I cupped his face and gave him an aggressive kiss. Tulad kanina, hindi na naman siya nakagalaw. Natulos siya sa kinatatayuan habang hinahalikan ako. Nakaramdam ako ng pagkadismaya nang ilayo niya ang mukha ko sa mukha niya nang matauhan siya. I am about to talk but I was surprised when he grabbed my nape and this time, he’s the one who kissed me. At first I was shocked dahil ibang-iba ang halik niya kumpara sa halik ko kanina. Nang matauhan ako, ipinulupot ko ang braso ko sa batok niya, pinikit ang mga mata at buong puso kong tinugon ang halik niya. Iginiya niya ako papalapit sa kama nang hindi tinitigilan ang labi ko. Hanggang sa bumagsak ang katawan ko sa malambot na kama. Agad namang sumunod ang katawan niya. He gave me a peck before he stared me, mix emotions written on his face. “Tell me to stop and I'll stop.” Umiling ako, “No,” pumikit siya nang mariin sa sinabi ko. I cupped his face but his eyes still shut, “Please, even for tonight.” Nagmulat siya ng mata. Nawala na ang halo-halong emosyong nakita ko kanina. Isang emosyon na lang ang nababasa ko sa mga mata niya. Lust. He lowered his face and kissed me again. Kung may natitira pa man siyang pagpipigil ay tuluyan nang nawala dahil sa pagmamakaawa ko. Halos hindi ko masabayan ang agrisebong halik niya. Napadaing ako nang bahagya niyang kagatin ang labi ko saka niya ako tinitigan gamit ang mapupungay niyang mata, "f**k, Alejah. You'll regret this tomorrow for sure. And Zyrel will f*****g kill me if he find out about this but—f**k!” Halos hindi na mag-sink sa isipan ko ang mga pinagsasabi niya dahil lasing na lasing na ako sa halik niya. Hinila ko ang mukha niya at muli siyang hinalikan. Muli siyang nagmura nang malutong saka niya ako tinugon. This time, he deepen the kiss and become rough. The next thing I knew, natagpuan ko na lang ang sarili kong panay ang daing sa bawat haplos at halik niya sa katawan ko. Wala siyang pinalagpas. Halos lahat yata ng parte ng katawan ko nadaanan at nahalikan ng mapangahas niyang labi. At wala akong nagawa kundi ang dumaing. Hindi ko na halos alam ang nangyari matapos nun. Nagising na lang ako kinabuksan. Bahagya akong napaungol nang maramdaman kong parang pinupokpok ng kung anong bagay ang ulo ko sa sakit nito. Damn. Unti-unti kong minulat ang mata ko. Nawala sa sandali sa isipan ko ang sumasakit kong ulo nang mapansin ko ang hindi pamilyar na silid na kinaruruonan ko. I gasped. What happened? Where am I? Whose room is this? And what am I doing here? Pasinghap akong napatingin sa ilalim ng kumot na nakatabon sa katawan ko. Halos maramdaman ko ang panginginig ng kamay ko nang makitang halos wala akong saplot lalo na nang makita ko ang blood stain sa kama. Gusto kong humagulgol. Did I lost my virginity to a stranger? Anong nangyari? Bakit wala akong natandaan? Napatigil lang ang pag-iisip nang biglang bumukas ang pinto ng kwartong kinaruruonan ko. Agad tumuon ang mga mata ko rito. Napasinghap ako nang makita ko ang taong pumasok mula rito. "J-J-JD." halos manginig ang boses ko sa pagkabigla. How did it happen? Blanko ang ekspresyon ng mukha niyang nakatingin saakin, "So, you're awake." "A-anong nangyari? B-bakit..." halos hindi ko matuloy-tuloy ang salita ko sa halo-halong nararamdaman. Pagkabigla, pagkalito at takot. I gulped when he laughed sarcastically, "You didn't remember anything?" 'Yung boses niya kasing lamig ng yelo. Dahan-dahan akong umiling. Hindi ko magawang makapagsalita dahil nanginginig ang labi ko. Kinakabahan sa pwede kong malaman kahit may ideya na ako. Pero hinihiling ko pa rin na sana mali ako. Bumalik lang ang diwa ko nang lumapit saakin si JD. Napalunok ako nang ngayon ko lang mapansin. He just wearing boxer shorts. Agad kong iniwas ang tingin sa katawan niya at nag-angat ng tingin sa mukha niya. Tiningnan niya lang ako na may blankong ekspresyon. "Wear your clothes, Alejah, and go home." Tinalikuran niya ako. Lalakad na sana siya nang pigilan ko siya, "Sandali lang. A-ano bang—" "I know you're not that stupid, Alejah!" nagulat ako sa pagtaas niya ng boses. Madilim ang mukha niyang muli akong binalingan, "I know you already have an idea what happened between us." Naiyak ako. Naiiyak ako sa halo-halong emosyon. Hindi dahil sa iisiping may nangyari saamin kundi sa kalamigang pinapakita niya saakin. Bakit siya galit? May nagawa ba akong kinagagalit niya? Kung may nangyari nga saamin bakit siya nagagalit? Am I not good in bed? ‘Yun ba ‘yun? I didn't satify him? Kaya ba siya nagagalit saakin. I cried. He looked away and spoke again, "Please, wear your clothes, leave and f-forget what happened between us." Tuluyan na akong napahagulgol nang tuluyan na siyang makalabas ng kwarto. God, Alejah! Ano bang nagawa mong katangahan? Humahagulgol akong nag-ayos ng sarili. Pero nang magdesisyon akong lumabas ng kwarto, pinigilan ko muna ang pag-iyak ko. Sinubukan ko pa siyang hanapin sa loob ng condo niya pero hindi ko na makita kahit anino niya. Kaya nang makalabas ako sa condo niya, hinayaan ko ang sarili kong umiyak. "Alejah!" Patakbo akong sinalubong ni Shannon pagkapasok ko ng bahay nila. Dito ko naisipang dumiretso dahil ayaw ko munang umuwi sa bahay. Bukod sa nakokonsensya ako kay Kuya dahil sinuway ko ang bilin niya, baka mapansin niya ang pamumugto ng mata ko. At alam kong marami siyang magiging tanong kung bakit hindi ako nakauwi sa bahay. Muli akong napahikbi nang sinalubong ako ng yakap nang nag-aalalang si Shannon. Hindi nawawala ang pag-aalala niya nang harapin niya ako. "Goodness, Alejah! Where have you been? Bigla ka na lang nawala kagabi! Hindi mo ba alam kung gaano mo ako pinag-alala? Akala ko kung ano nang nangyari sayo! Hinanap kita kung saan-saan. Tinatawagan kita pero hindi ka sumasagot." Mas lalo akong humikbi dahil sa sinabi niya. "B-Bakit ka umiiyak?" nag-aalala niyang tanong, "God! May nangyari ba?" Sa halip na sagutin siya napayakap ako sa kanya at muling humagulgol. Panay ang tanong niya saakin kung anong nangyari pero hindi ko magawang makapagsalita. Nang pinapasok niya ako sa kwarto niya at nang kumalma na ako nagawa ko nang magkwento sa kanya. ‘Yun nga lang, dahil wala akong maalala, hindi ko alam kung paano ko ikukwento sa kanya lahat. Matapos kong magkwento sa kanya, nakitaan ko siya ng iba't ibang ekspresyon sa mata. Galit, pag-alala, konsensya at takot. Pero mas nangingibabaw ang galit niya. "E' napakawalanghiya talaga namang lalaki 'yan, 'e!" nanggagalaiti siya sa galit. "At ikaw naman. Talaga bang wala kang maalala ni isa?" Umiling ako, "W-wala." Frustrated niyang naisuklay ang kamay sa buhok, "Because you were drunk!" napamura pa siya. "Ano ba kasing naisip mo at uminom ka?" Ikwenento ko rin sa kanya ang dahilan. 'Yung narinig kong usapan ng mga babae kagabi. "Dahil lang dun?" tumango ako. Frustrated siyang napahilamos sa mukha niya, "Alejah, naman. Ni hindi mo man lang muna inisip ang bilin sayo ng Kuya mo?" hindi ako nakasagot. Tanging pag-iyak lang ang nagawa ko, "What should we do? Mapapatay ako ng Kuya mo nito." Mangiyak-ngiyak niyang sabi. "S-Sorry." ang tanging nasabi ko. Naiyak na naman ako sa magiging reaksyon ni Kuya kapag nalaman niya ang kagagahang nagawa ko. Umiling siya, "No. Don’t say sorry, Alejah. It has already happened. At isa pa, ako dapat ang magsabi niyan sa’yo. Responsibilidad kita kagabi kaya dapat hindi kita pinabayaan,” napamura ulit siya, “Kung alam ko lang na tatakas ka kagabi, hindi na sana kita iniwan.” Mas lalo akong naiyak sa sinabi niya. I'm so really thankful to have her. Kahit ang tigas ng ulo ko at kasalanan ko, pinagtatakpan niya parin ako. Niyakap niya ako, "It's okay, Alejah. Isa na lang ang dapat mong gawin. Do what Jared wants. Forget what happened between you and him, okay? At please lang, Alejah. Ngayon mas napatunayan mo nang wala talaga siyang kwentang lalaki, kalimutan mo na siya." Umiling ako, at nanginginig ang labing nagsalita, "H-hindi ko kaya. Mahal ko talaga siya." "Hindi ka niya mahal!" Natigilan ako sa sinabi niya. Dismayado siyang umiling, “Look, Alejah. You don't deserve a guy like Jared. Kita mo? Wala man lang siyang pagpapahalaga sa’yo. Because if he does really care about you, kahit katiting lang, he wouldn't did that. Hindi niya pagsasamantalahan ang kalasingan mo. Rerespetuhin ka niya. Kaya wake up, Alejah. Hindi ka niya mahal.” Hindi ako nakasagot. Para akong sinampal nang paulit-ulit sa mga salita ni Shannon. Ganun nga ba ‘yun? Kaya parang wala lang ang nangyari saamin kasi hindi niya ako pinapahalagahan. Wala lang ba talaga ako sa kanya? Napahagulgol ako sa naisip ko. Naramdaman ko na lang ang muling pagyakap saakin ni Shannon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD