KABANATA 7

4125 Words
Napakurap ako mula sa pagkatulala ko nang marinig ko ang malakas na pagtikhim ni Shannon. Napabaling ako sa kanya. “Don’t look at them, you’ll just get hurt.” I apologetically smiled, “Sorry.” Bumaling siya kung saan ako nakatulalang nakatingin kanina. Nakita ko kung paano humigpit ang hawak niya sa kutsara at tinidor na hawak. “Nakakagigil. Sarap saksakin ng kutsara. He even managed to smile after what he did, huh.” she even gritting her teeth in so much annoyance. Mula kinauupuan namin ni Shannon, nakikita ko si JD, kasama si Cyndie na parang may sariling mundo. Sinusubuan pa ni Cyndie ng pagkain na agad namang tinatanggap ni JD. I sighed. Mag-iisang buwan na rin mula nang nangyari saamin. Ginawa ko ang sinabi ni Shannon at ganun din ang gusto ni JD. Pinilit kong kalimutan ang nangyari sa pagitan namin. Pero sa totoo lang, hindi naman ganun kadali iyun. Lalo na’t walang araw na tulad nito, hindi ko nakikita si JD. Pero gusto ko talagang kalimutan ang nangyari dahil tama si Shannon, hindi ako mahalaga kay JD. Wala lang sa kanya ang nangyaring iyun. Pinipilit ko rin ang sarili kong iwasan siya hangga’t maari. May pagkakataon ngang pumupunta sila sa bahay, nagkakukulong na lang ako sa kwarto at hindi nagpapakita sa kanila. “At ikaw naman...” Naputol ang pag-iisip ko nang ibaling saakin ni Shannon ang masamang titig. “‘Di ba sinabi ko sa’yo to stop being so obsessed with that guy. He’s not healthy for you.” I sighed, “Ginagawa ko naman ang lahat, Shannon. Alam mo ‘yan.” Unti-unting napawi ang iritasyon sa mukha niya. Napalitan ito ng pagkahabag. “Alejah, you really —Hey, what’s happening to you?” napatayo siya nang bigla akong napahawak sa ulo ko. Tiningala ko siya, “S-Shannon, nahihilo ako...” I stopped talking for a moment when I felt the sudden flipping of my stomach, “I think I’m going to puke.” Tumakbo ako palabas ng cafeteria dahil naramdaman kong hindi ko na kakayanin ang pagduduwal ko. Dumiretso ako sa restroom at duon ko hinayaan ang sarili kong ilabas lahat ng kinain ko. Halos maiyak ako sa dami ng naisuka ko. Nailabas ko yata lahat ng kinain ko dahil wala na akong mailabas, tubig na lang, kaya halos manghina ako. “Alejah!” Narinig ko ang pagkalampag ni Shannon sa pinto ng cubicle na kinaruruonan ko. “Alejah, are you there?” Huminga ako nang malalim at pilit kong tumayo kahit nanghihina ako sa pagduduwal ko. Pinagbuksan ko ang nag-aalalang si Shannon. “A-ayos lang ako, Shannon.” “Ayos? Tingnan mo nga ang sarili mo, namumutla ka. May sakit ka ba?” she even put her palm in my forehead. Natawa ako saka ko pinalis ang kamay niya, “Ayos lang talaga ako, Shannon. May pagkain lang siguro akong nakaing hindi kinaya ng sikmura ko.” She is still not convinced of what I said but I smiled again to assure her that I’m really okay bago ko siya nilagpasan. “Did Jared use protection when you two do it?” Napahinto ako sa paghakbang dahil sa tanong ni Shannon. Kunot ang noo ko siyang hinarap. Nakaharap na rin siya saakin, tila malalim ang iniisip. “What?” Frustrated niyang naisuklay ang kamay sa buhok niya, “Gumamit ba siya ng protection ng ginawa niyong dalawa iyun. Like condom!” “I don’t know. I-I can't remember,” hanggang ngayon hindi ko pa rin maalala ang eksaktong nangyaring iyun saamin ni JD, “Bakit mo tinatanong saakin —” Naputol ang pagsasalita ko nang mapagtanto ko kung bakit tinatanong ni Shannon ang bagay na iyun saakin. Nanigas ako sa kinatatayuan. Naramdaman ko rin ang panlalamig ng kamay ko sa ideyang pumasok sa isipan ko. “Kailan ka huling dinatnan?” Shannon continued asking. Hindi pa. Dapat ng isang linggo pa, pero hindi ako dinantan. Naalala kong hindi rin ito ang unang beses akong nakaramdam ng panghihilo at pagsusuka. At ngayon ko lang napagtagpi-tagpi ang lahat. Napahagulgol ako, “S-Shannon.” “My God!” Lumapit saakin si Shannon at yinakap ako. Napahagulgol ako sa balikat niya, “Shannon, anong gagawin ko?” Hinarap ako ni Shannon sa kanya. Sinapo niya ang pisngi ko. At tulad ko umiiyak din siya. Pinalis niya ang luhang lumandas sa pisngi niya. “Ssh. Tahan na. Hindi pa naman sigurado. Ipagdasal lang natin na sana mali ang iniisip natin, hmm?” Matapos niyang sabihin iyun, muli niya akong yinakap. Hinayaan niya akong humagulgol sa balikat niya. Narinig ko na lang ang sunod-sunod niyang pagmumura. Paano nga kung buntis ako? Si Kuya? Si Mommy? Ano na lang ang sasabihin nila? Madi-disappoint ba sila? Magagalit? At si JD? Si JD! Anong magiging reaksyon ni JD? Magagalit ba siya? Matutuwa? Tatanggapin ba niya ang magiging anak namin kung sakali? Paano kung hindi? Paano kung oo? Kung anu-anong tanong na nabubuo sa isipan ko habang hinihintay ang resulta ng pregnancy test na hawak ko. Shannon gave this to me. Para raw makompirma kung tama nga ang hinala namin o hindi. Kinakabahan at natatakot ako. Hindi ko alam kung anong kahihinatnan nito kapag totoong buntis nga ako. Kaya halos hindi ko magawang tingnan ang resulta ng pregnancy test na hawak ko. “Alejah..” Napapitlag lang ako sa gulat nang biglang kumatok si Shannon sa labas ng bathroom na kinaruruonan ko. Matapos nang nangyari kanina sa school, pinagpaalam niya ako kay Kuya at Mommy na dito muna sa bahay nila ako matutulog. Halos hindi ko matignan si Mommy at Kuya kanina dahil guilting-guilty ako at hindi ko alam ang mukhang maihaharap ko sa kanila. Kaya mas pinili kong sumama kay Shannon. Ni hindi ko nga alam kung paano napapayag ni Shannon si Kuya. Hindi naman big deal kay Mommy ang pag-sleep over ko kela Shannon. Si Kuya lang talaga ang mahirap pakiusapan. Duda akong nagkasagutan na naman ang dalawa bago napapayag ni Shannon si Kuya. “Alejah,” muling kinatok ni Shannon ang bathroom, “Mag-iisang oras ka na riyan. Okay ka lang ba? How’s the result?” Bumuntong-hininga ako at napatingin sa pregnancy test na hawak ko. Pumikit ako nang mariin saka humugot nang malalim na hininga bago nagmulat nang muli. Unti-unti kong inalis ang daliri ko sa pregnancy test at nang tuluyan ko nang makita ang resulta, agad kong naramdaman ang pamumuo ng luha ko. “Alejah, papasok ako, ha?” Hindi ako sumagot. Napapikit ako para pigilan ang paghikbi ko. Narinig ko na lang ang pagbukas ng pinto ng bathroom at pagpasok ni Shannon. Umupo siya sa harapan ko. Kinuha niya ang pregnancy test saakin para tingnan ang resulta. “s**t!” she nagged after she saw the two line, “Buwesit! Buwesit na Jared na ‘yan! Did he just even think that this could be happen? Argh!” Napasalampak siya sa tiles ng bathroom. Nang matauhan siya, muli siyang humarap saakin. Sinapo niya ang pisngi ko. “Alejah, listen. You should stop crying. Buntis ka, Alejah. May bata sa sinapupunan mo. Makakasama sa bata ang pag-iyak mo.” I shook my head, “Hindi ko na alam ang gagawin ko, Shannon.” I cried. Puno ng simpatya akong pinagmasdan ni Shannon, “I’m here, Alejah. Hindi kita papabayaan.” Hagulgol lang ang naisagot ko kay Shannon kaya sa halip na magsalita pa, yinakap na lang niya ako at hinayaang umiyak. Hindi ko alam kung ilang minuto pa kaming nanatili sa loob ng bathroom ni Shannon. Basta, hinayaan niya lang akong umiyak duon. Nang maubos ang luha ko, inalalayan niya akong lumabas ng bathroom. Pati paghiga ko, nakaalalay siya. Iniwan niya ako sandali. Pagbalik niya, may dala na siyang isang baso ng gatas na agad niyang pinainom saakin. “Anong plano mo, Alejah?” tanong niya mayamaya matapos kong inumin ang gatas. Umiling ako. Gusto kong umiyak pero naubos na yata ang luha ko kaya hindi ko na magawa. Nakatulala na lang ako. “Hindi ko alam.” Frustrated siyang napahilamos sa mukha niya, “You don't know? Do you have plan on telling him about your pregnancy? You are carrying Jared’s child, Alejah. And even if I don’t like him for you, he should be responsible for what happened to you.” Sandali akong hindi nakasagot. JD's child! Wala sa sarili akong napahawak sa tiyan ko, “I’m carrying JD’s child.” halos ngayon lang nag-sink in sa utak ko ang lahat “Yes, Alejah. Magkakaanak kayo ni Jared,” she paused for a moment, “So, what's your plan? Are you going to tell him?” Tumingin ako sa mga mata ni Shannon, “Oo. Sasabihin ko sa kanya.” “Are you ready for the consequences?” nagtataka ko siyang tiningnan sa tanong niya kaya bumuntong-hininga siya, “Alejah. You are pregnant. Hindi maliit na bagay ang pagbubuntis mo. Marami ang posibleng mangyari. Like, will Jared take the responsibility on that or nah. Tatanggapin mo ba kung hindi tatanggapin ni Jared ang bata? How about your mom? Your brother?” napatayo siya nang mabanggit ang kapatid ko, “My God, Alejah! Your brother! He might kill Jared because of that. What will you do if your brother find out about that? Diyos ko. Mukhang hindi lang si Jared ang mapapatay ni Zyrel kapag nagkataon.” Problemadong-problemado si Shannon sa gagawin ni Kuya. Samantala ako, kinakabahan sa magiging reaksyon ni JD kapag sinabi ko. Will he accept it? He’ll accept it or not, I still want to tell him about it. Pero habang lumilipas ang araw, mas lalo naman akong naduduwag na sabihin sa kanya lalo na’t tuwing nakikita ko silang magkasama ni Cyndie. “Look, baby. Your daddy is happy with his girl. Ako dapat ‘yun, baby. Ako dapat ‘yun.” wala sa sarili kong sabi habang nakahawak sa tiyan ko at pinapanuod ko si JD kasama si Cyndie. They’re eat their lunch together. “Hey!” Napakurap lang ako nang marinig ko ang boses ni Shannon kaya napabaling ako sa kanya. Kunot noo niyang sinundan ang kanina ko pa tinitingnan bago siya tumingin saakin, kunot ang noo at nakatiim bagang. Galit na naman siya, hindi saakin, kundi sa nakitang eksena. Bumuntong-hininga siya kapagkuwan, "Isang buwan na matapos nating malaman ang tungkol sa pagbubuntis mo.." napatigil pa siya sandali at tiningnan ang katabing mesa para tingnan kung may nakarinig sa sinabi niya. Pero abala ito sa pagkukwentuhan at isa pa mahina lang naman 'yung pagkasabi niya sakto lang para ako lang ang makarinig, "..pero hanggang ngayon hindi mo pa rin sinasabi sa unghang na 'yan. Akala ko ba..." "N-natatakot ako." bahagya akong napayuko para hindi niya makita ang ekspresyon ng mukha ko, "Paano kung ayaw niya sa bata?" Napailing siya, "Ikaw na rin ang nagsabi na tatanggapin mo ang magiging desisyon niya, 'di ba? Kaya go on, sabihin mo na," hindi ako nakasagot, "But wait, how about Zyrel? Hindi pa ba siya naghihinala sa‘yo?" Umiling ako. Mukhang hindi pa naman naghihinala si Kuya tungkol sa pagbubuntis ko. Pero naguguilty ako sa tuwing nagkakausap at nakikita ko siya. Pakiramdam ko ang sama-sama kong kapatid para magtago ng sekreto sa kanya. At tsaka, natatakot ako sa kung anong magiging reaksyon niya kapag nalaman niya ang tungkol sa pagbubuntis ko. Mas natatakot pa yata ako sa magiging reaksyon niya kaysa kay Mommy. "Kalimutan mo na nga muna 'yan. Stop stressing yourself. Masama raw sa buntis 'yun. Ang mabuti pa, kumain ka nang marami.. Ah wait!" may kinuha niya sa plastic bag na dala niya at inilagay sa harapan ko na nagpalaki ng mata ko, "Tadahh!" Napangiti ako nang malaki sa duriang nasa harapan ko. Nito kasing mga nakaraan, madalas akong maghanap ng mga pagkaing hindi ko naman nuon kinakain. It’s part of my pregnancy, I think. Mas tumakaw rin ako. Marami ngang nakakapansin na tumataba raw ako. “Fresh from Davao ‘yan. Pinabili ko pa talaga ‘yan kay Kuya Sy dahil hindi kita matiis, ‘e, at siyempre ‘yang baby sa tummy mo.” Ngumiti ako habang ngumunguya ng durian, “Salamat. At pakisabi kay Kuya Simon, salamat din.” She smiled, “Bilisan mo, may pupuntahan pa tayo mamaya.” Kumunot ang noo ko, “Ha? Saan naman?” “Basta.” Hindi na ako nagtanong pa dahil mukhang wala talaga siyang balak sabihin. Dahil tuwang-tuwa ako sa amoy at masarap na duriang nasa harapan ko, hindi ko na pinansin ang nagmamay-ari ng matang ramdam kong kanina pa nakatitig saakin. “Tita, this is my friend, Alejah,” pagpapakilala ni Shannon saakin sa Tita niyang OB gyne. Dito niya ako dinala matapos kong lantakan ang duriang binigay niya saakin. The doctor smiled at me, “You may sit, hija.” Sinunod ko ang sinabi nito. Umupo ako visitor chair, at ganun din naman si Shannon sa kabila. “You are best friend of my niece? And I assumed you are just eighteen? Seventeen?” “I’m turning eighteen on this coming August po.” Bigo ako nitong tiningnan, “Shannon told me already about your situation, hija. You are too young to be a Mommy,” sandali nitong tiningnan ang form na hawak bago muling ibinalik ang mga mata saakin, “Did your parents already know about this?” Dahan-dahan akong umiling. Nailing na lang ang doctor. Marami siyang bagay na tinanong saakin. Tulad ng kung anong nararamdaman ko tuwing umaga. Anong pinaglilihian ko at kung ano pa. Matapos niya akong interview-hin, binigyan niya ulit ako ng pregnancy test para makasigurado. Nang hindi nagbago ang resulta, pinagbihis ng hospital robe saka niya ako pinahiga. May isang maliit na bagay siyang pinasok sa loob ko. “Look at the screen, hija.” Nawala ang atensyon ko sa bagay na ipinasok nito sa loob ko nang marinig ko ang pagsasalita ng doctor. Tumingin ako sa monitor na nasa gilid ko tulad ng sinabi niya. Nagulat ako sa nakita ko mula rito. “Can you see that thing inside your womb?” tumango ako, hindi kapaniwala, “That’s your baby. Hindi pa siya buo dahil six weeks ka palang buntis.” Agad namuo ang luha sa mga mata ko sa sinabi niya, “That’s my baby?” the doctor nodded, smiling. Masaya ngunit naluluha kong nilingon si Shannon, “Shannon, look. May baby na ako.” Nakangiting lumapit saakin si Shannon at hinaplos ang buhok ko, “Ninang ako ah.” Nagtawanan kami. Pati ang doctor nakitawa saamin. Matapos ‘yun, pinaalalahanan ako ng doctor sa bawal at puwede kong gawin para hindi mapahamak ang dinadala ko. Bago kami umalis ni Shannon, tuwang-tuwa akong tinanggap ‘yung picture ng ultrasound kung nasaan ang baby ko na kinagabihan, paulit-ulit kong nakangiting pinagmasdan. Halos hindi ko na ‘yun binibitawan. Nagdesisyon lang ako na bitawan ‘yun nang maalala kong hindi pa pala ako nakainom ng gatas kaya lumabas ako ng kwarto. Nawala sa isip ko na may bisita nga pala si Kuya. Sina JD. Aatras pa sana ako kaso huli na ang lahat, napatingin sila saakin dahil sa ingay ng paglakad ko. Sa isang tao lang tumuon ang mata ko, kay JD, na nakatingin din saakin pero. Mayamaya umiwas din ito ng tingin. Naiwas ko lang din ang tingin sa kaya nang binati ako ng barkada nila ni Kuya. Binati ko rin naman sila pabalik. Samantala si Kuya, tinanong ako kung anong gagawin ko. Sinagot ko rin naman siya nang maayos bago tumungong kusina. Habang nasa kusina ako at nagtitimpla ng gatas, iniisip ko kung paano ko sasabihin kay JD ang tungkol sa pagdadalang-tao ko. Gustong-gusto kong sabihin sa kanya pero ang daming negative thoughts ang pumapasok sa isipan ko. Sa gitna ng pag-iisip ko, napaigtad ako sa gulat nang marinig ko ang pagsara ng refrigerator. Napalingon ako rito at nanlaki ang mata ko sa taong nakita ko. Si JD. I saw a glimpse of smile on him habang nakatingin sa gatas na tinitimpla ko. Sa kahihiyan ko, pasimple kong itinago ‘yun sa likuran ko. “How are you, Alejah?” “Uhm,” Halos hindi ako makabuo ng salita. Nagulat akong kinakausap niya ako ngayon. Samantala, nitong nakaraang buwan naman napapansin kong iniiwasan niya ako. “F-fine,” mahina kong sabi nang makahanap ng salita. Nagbaba ako ng tingin dahil hindi ko makayanan ang titig niya. “You’re getting bigger.” sabi niya. Sinundan niya pa ito nang marahang halakhak. I didn’t react nor look up. “Why are you doing this to me?” hindi ko na napigilan. Nag-angat ako ng tingin sa kanya, “Why are you acting like nothing happen between us?” hindi ko alam kung saan ko hinugot ang lakas ng loob para magtanong. Napawi ang ngiting naka-plaster sa labi niya. Mayamaya, umiwas siya ng tingin. Napansin ko ang pag-igting ng panga niya. Nang muli niyang ibalik ang tingin saakin, naging kasing lamig na ng kamay ko ang titig niya. “‘Di ba sinabi ko sa‘yo kalimutan mo na kung ano mang nangyari saatin?” and his voice, too. Napayuko ako at umiling. Naramdaman ko ang pamumuo ng luha ko, “I’m sorry, ginawa ko ang sinabi mo pero hindi ko kaya.” lalo na ngayong magkaka-baby na tayo. Naingat ko ang mukha ko ang hawakan niya ang magkabilang braso ko. Nagulat ako sa lapit ng mukha namin sa isa’t isa. Tinitigan niya ako sa mga mata, “Please, Alejah, forget what happened. Kung gusto mo ibalik ang trato ko sa‘yo gaya dati, kalimutan mo na ‘yun. Nangako ako sa kapatid mo na iiwasan kita kahit ang hirap-hirap kasi... damn!” ipinikit niya nang mariin ang mata niya saka niya ipinatong niya ang noo niya sa balikat ko habang mahinang nagmumura nang paulit-ulit. Bahagyang kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Hindi ko siya maintindihan. Anong ibig niyang sabihin dun? Parang napapaso niyang inilayo ang sarili niya saakin nang may biglang pumasok sa kusina. Hindi pa namin namalayan ‘yun kung hindi ito tumikhim. Gulat kaming napatingin dito. Nakita namin ang takang-takang mukha ni Ares, isa sa kaibigan nila ni Kuya. Pero ilang sandali, isinawalang bahala niya ang naabutan niya na ikinahinga ko nang maluwag. Ares chuckled, “What are you doing here, Sanmiego? Kanina ka pa hinahanap ni Fuentes. Akala niya umuwi ka na.” binigyan niya nang makahulugang tingin si JD. “Asshole.” matapos sabihin ‘yun ni JD, kinuha niya ang beer na inilagay niya kanina sa counter bago lumabas nang walang paalam sa kusina. Naiwan kami ni Ares na natatawang kumukuha ng inumin sa may ref. Nang makuha na niya ‘yun, humarap siya saakin. Binuksan niya ang beer niya gamit ang ngipin niya. Nang makainom niya nang kaunti, sandali niya akong tinitigan kaya umiwas ako ng tingin. “What happened, Ale? Did you cry?” Nagulat ako sa tanong niya pero umiling din ako kalaunan, “H-hindi. Napuwing lang ako.” sabi ko habang nagkukunwaring tinitimpla ang gatas. “Kaya ba ganun kalapit si Sanmiego sa‘yo kanina?” I can see he’s smirking. Nagulat ako sa sinabi niya pero, “O-Oo. H-hinipan niya kasi ang mata ko.” kinagat ko ang labi ko dahil sa pagkautal ko. “Okay.” Ilang segundo pa siyang nanatiling tahimik bago nagpaalam. Nakahinga ako nang maluwag nang tuluyan na siyang mawala sa paningin ko. Ilang minuto pa akong nanatili sa kusina matapos kong inumin ang gatas bago nagdesisyon na bumalik sa kwarto. Hindi ko na sila pinansin nang dumaan ako sa tabi nila kahit ramdam ko ang mga matang nakatingin saakin. Mabilis ang paglipas ng mga araw. Habang tumatagal, lagi kong nararamdaman ang 'morning sickness' na natural lang naman sa babaeng buntis. Mas dumadami ang pagkain na kini-crave ko. Mahirap na masaya na nakakakaba at nakakatakot. Bukod sa hindi ko pa rin alam hanggang ngayon kung paano ko sasabihin kay Kuya at Mommy ang tungkol dito, hindi ko rin alam kung paano ba ako maging ina. “Anong balak mong gawin ngayon, Alejah?” Napatigil ako sa malalim na pag-iisip dahil sa boses ni Shannon. Kahit papaano, masaya akong hindi niya ako iniiwan. Lagi siyang nandiyan para saakin. Hindi niya ako pinapabayaan. “A-anong ibig mong sabihin?” She sighed and rolled her eyes, “Mag-to-two months na ‘yang dinadala mo pero hindi mo pa rin sinasabi sa lintik na Jared na ‘yan ang pagbubuntis mo. Akala ko ba sasabihin mo sa kanya.” Panandalian akong natahimik saka bumuntong-hininga, “Natatakot ako.” “Natatakot?” pagak siyang natawa, “So, kailan mo balak sabihin sa kanya? Kapag malaki na ang tiyan mo?” Awtomatiko akong napatingin at napahawak sa tiyan ko. Kapag titingnan, hindi pa naman halata dahil sa maluwag kong uniform pero kapag hahawakan, ramdam kong may kaunting umbok na sa tiyan ko. “Alam mo, kapag hindi mo pa talaga ‘yan sinabi sa Jared na ‘yan, sasabihin ko na sa Kuya mo. Wala na akong pakialam kung mapatay niya ako, basta mapatay lang niya si Jared.” Nagulat ako sa sinabi niya, “Don’t!” nakahalukipkip niya lang akong tinaasan ng kilay. Napalunok ako, “S-sasabihin ko na. I-I promise, sasabihin ko na kay JD ang tungkol dito.” “Promise is a promise, Alejah.” Tumango ako bilang pagsang-ayon kahit kabadong-kabado ako sa gagawin ko. As I promised to Shannon, kinabukasan na ‘yun, nilakasan ko na ang loob ko. Tanaw ko ang mga kaibigan nila ni Kuya na nagtatawanan sa loob ng canteen. Wala si Kuya at ganun din si JD kaya naisipan kong magtanong sa kanila. Nanlalamig ang kamay kong lumapit sa kanila. Kabadong-kabado ako lalo na’t wala si Shannon sa tabi ko. May exam kasi sila ngayon. “Uhm,” I deeply sighed and continued, “E-excuse me.” Napatigil sila sa pag-uusap at napatingin saakin. Binati nila ako kaya binati ko rin sila pabalik. “Are you looking for your brother?” Every, one of his friend, asked, “If yes, sorry to say but we don’t know where he is. Hindi siya pumasok.” Ilang akong ngumiti at umiling, “Hindi.” Kumunot ang noo nila saakin. Pansin ko namang nakataas ang sulok ng labi ni Ares habang nakatingin sa librong binabasa. Hindi ko alam kung nakikinig siya saamin or may nabasa lang siyang katawa-tawa sa librong hawak. “Kung ganun... anong kailangan mo?” Harvey, another friend of him, curiously asked. “Uhm..” Tatanungin ko lang naman, ‘di ba? At tsaka, hindi naman nila alam ang nararamdaman ko para sa kaibigan nila. “I’m looking for JD, I mean, J-Jared.” Nagkatinginan sila na parehong nakabuka ang mga bibig nila. Para silang gulat na ewan. Mas lalo tuloy akong kinabahan. Maya-maya tumikhim si Frances, “We don’t know where—” “Nasa room siya, Ale.” biglang sagot ni Ares habang sa libro nakatutok pero mayamaya, isinara niya ‘yun at tumingin saakin habang nakataas ang sulok ng labi nito. Hindi niya pinansin ang masamang tingin ng mga katabi at mahinang mura nito sa kanya. Tipid ko siyang nginitian, “T-thanks.” “Nah,” he lazily threw his hand up in the air, “Small thing.” Hindi nagtagal nagpaalam na rin ako sa kanila. Dumiretso ako kung saan naroon ang classroom nina JD. Habang papalapit nang papalapit ako sa room nila, mas lalo ko ring naramdamang lumalakas ang t***k ng puso ko sa sobrang kaba. Wala akong nagawa kundi ang paglaruan ang nanginginig at nanlalamig kong kamay. Nang huminto ako sa tapat ng nakasarang pinto, mas lalo kong naramdaman ang t***k ng puso ko. Halos marinig ko na nga ito sa sobrang lakas. Sandali akong napahawak sa tiyan ko. “Baby, give your mom strength to tell your dad about you, please.” pagkausap ko sa kanya. Makailang beses pa akong bumuntong-hininga saka ko hinawakan ang doorknob ng pinto. Bubuksan ko na sana ‘yun nang makarinig ako ng boses ng babae at lalaki. “Jared, please, pumunta na tayo sa canteen. I’m already hungry.” “Please, Cyndie. Leave me alone. Wala ako sa mood.” It was JD at Cyndie. Nanghina ako. Kalaunan, napangiti ako nang mapait na may kasamang luha. Kahit masakit nilakasan ko ang loob kong buksan ang pinto nang tama lang para makita sila. Nakita ko si JD na nakaupo habang nakasandal sa backrest ng upuan, nakahalukikip, nakapikit habang nakatingala. Samantala si Cyndie kinakausap niya ito pero hindi niya man lang ito pinapansin o tinatapunan ng tingin. “I’m your girlfriend, Jared! And when I say I wanna eat with you, you should do it!” Hindi pa rin pinansin ni JD ang sinabi ni Cyndie. Nanatili ito sa ganuong posisyon. Kaya naman naiinis na nagmartsa si Cyndie palabas ng classroom kaya bahagya akong tumabi. Nang makalapit sa banda ko si Cyndie, huminto siya nang makita ako. Kabadong-kabado ako dahil akala ko may sasabihin siya pero umismid lang siya saakin saka niya ako nilagpasan. Inilabas ko ang hiningang kanina ko pa pinipigilan saka ko muling sinilip si JD sa loob. Hindi pa rin nagbabago ang posisyon niya. Nanatili siyang nakahalukipkip at pikit ang mga mata habang nakatingala. Humugot ako nang malalim na hininga saka ko napagdesisyonang pumasok para makausap. Pero hindi rin natuloy ang gagawin ko nang biglang tumunog ang cellphone kong nagpapitglag saakin sa gulat. Bago pa ako malingon ni JD, mabilis na akong tumakbo papalayo ruon. Nang makalayo ako, saka ako tumigil. Pinakalma ko muna ang sarili ko bago ko inilabas ang phone ko. Napakunot ang noo ko nang makitang si Kuya ang tumatawag. Why is he calling? Tumikhim ako bago ko sinagot iyun, “Hello, Kuya?” “In. Our. House. Now.” Apat na salita. Apat na salita at kasing lamig ng yelo na boses ni Kuya na agad nagpakaba saakin. Ngayon ko lang narinig na ganito kalamig ang boses niya. Hindi kaya.. Hindi kaya.. No! No! It can’t be!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD