KABANATA 8

3193 Words
Kabadong-kabado ako habang iniisip kung bakit ganun na lang ang tuno ng boses ni Kuya. Pilit kong iwinawaksi sa isipan ko ang ideyang nabuo sa isipan ko. Pilit kong pinakalma ang sarili ko lalo na nang huminto ang sinakyan kong taxi sa harap ng gate ng bahay. Pagkababa ko rito, humugot muna ako nang malalim na hininga, para palakasin ang loob ko saka pumasok sa loob. Nadatnan ko si Kuya sa living room. Nakaupo sa sofa at nakayuko habang pinaglalaruan ang nakakuyom niyang kamao. I gulped. “K-Kuya.” Inangat niya ang mukha niya at agad na lumipad saakin ang mga mata niyang mas lalong nagpakaba saakin. Ngayon ko lang siyang nakitang ganito. Para siyang papatay ng tao sa ekspresyong nakikita ko sa mukha niya. Muli akong napalunok sa isipan ko. Kinakabahan man, pinilit kong magsalita, “B-bakit..” Hindi ko na natuloy ang sasabihin nang tumayo siya at inisang hakbang lang ang pagitan namin. Kasabay nun ang paglipad ng palad niya sa pisngi ko. Sa sobrang lakas ng sampal niya, napabaling ako sa kaliwa ko. Agad kong naramdaman ang pamamanhid ng pisngi ko sa sakit ng sampal na natanggap ko sa kanya. Ni halos mabuwal ako sa kinatatayuan ko. Agad namuo ang luha sa mga mata ko. Hindi dahil sa sakit na nararamdaman kong sampal niya. Kundi hindi ako kapaniwala. Hindi ako kapaniwalang pinagbuhatan ng kamay. “K-Kuya,” my voice broke. Sa halip na sumagot, may itinapon siya saakin. Nang tiningnan ko sa sahig, dun ko nakita ang picture ng ultrasound at pregnancy test. Shit! Muli akong napatingin sa kanya. Nanginginig at halos hindi ako makahanap ng salita dahil sa magkahalong kaba at takot na nararamdaman ko ngayon. Nakita ko kung paano niya pakalmahin ang sarili niya bago nagsalita, “Who’s the father of your child?” ramdam na ramdam ko ang pagpipigil niya ng galit. Hindi ako nakasagot. Pumikit siya nang mariin na tila pigil na pigil na muli akong pagbuhatan ng kamay bago muling nagsalita, “I heard you vomited last morning. Actually, that was not the first time I heard you. Maraming beses. Hindi lang ‘yun, napansin ko ang pagbabago mo. Hindi ka naman malakas kumain, e’, pero nitong mga nakaraang araw, pansin kong nagbago ‘yun. You’re always craving with something na hindi mo naman ginagawa dati. That's why I doubt it. Simula nun, pinagmasdan kita nang palihim. Hanggang sa makahanap ako ng ebedensya..” Muli niyang kinuha ang ultrasound picture at pregnancy test sa sahig then he faced me again, glaring and gritting his teeth, “Ito ‘yun.” napamura siya nang malutong at napahilamos sa mukha, “What the f**k is these, Alejah? Is these yours? You’re f*****g pregnant?” Napahagulgol ako, “S-sorry, Kuya.” “I trusted you!” biglang tumaas ang boses niya na ikinapitlag ko sa gulat, “Ni kailanman hindi ko naiisip na magagawa mo ‘to dahil akala ko iba ka sa ibang babae pero bakit, ah? Bakit, Alejah? Bakit mo sinira ang tiwala ko sa‘yo?! You’re just seventeen for Pete’s sake!” “K-Kuya, please, huminahon ka.” Para akong nanghina nang makita kong may nahulog na luha sa pisngi ni Kuya. Kailanman hindi ko siya nakitang umiyak. Kahit nuong mawala si Daddy, hindi siya umiyak. At parang gusto kong suntukin nang paulit-ulit ang sarili ko dahil sa nakikita ko. Kuya Zyrel is crying because of me! Dahil sa kagagahang nagawa ko! Agad niya namang pinalis ‘yun. His eyes are bloodshot when he faced me again, “You were there when I made a promise to Dad before he died that I'll protect you no matter what. I promised to him that I’ll treat and love you the way he did. Kaya ayaw na ayaw ko kapag may lalaking lumalapit sa‘yo. Kaya kapag lalapit palang sila at magtatangkang manligaw sa‘yo, hinaharangan ko na dahil sa pangako ko kay Dad. Pero ngayon, anong ginawa mo? Sinira mo ang pangako ko na ‘yun kay Daddy!” “I’m sorry, Kuya.” humagulgol kong sabi. Nanghihina ako na makita siyang umiiyak nang dahil saakin. Muli niyang pinalis ang luha niya, “Who is the father of your child?” Hindi ako makasagot lalo na’t kita ko ang galit sa mga mata niya. Anong gagawin niya kapag nalaman niyang si JD ang ama ng bata? “I’m gonna kill him.” Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Alam kong hindi siya nagbibiro. Kita ko sa mga mata niya ‘yun. Na-i-imagine ko palang habang binubugbog ni Kuya sa JD hanggang sa mamatay ‘to, naninikip na ang dibdib ko. Hindi ko kaya. Hindi ko kayang mawala si JD at mas lalong hindi ko kayang pumapatay si Kuya nang dahil lang sa kagagahan ko. “Sino, huh, Alejah? Sino ang ama ng dinadala mo?” Wala akong nagawa kundi ang umiling. No. I can’t tell him. Mas lalong dumilim ang mukha niya. Pumikit siya nang mariin para muling pakalmahin ang sarili niya, “I’ll ask you again, Alejah. Sagutin mo ako. Sino. Ang. Ama. Ng. Dinadala mo?” Again, wala akong nagawa kundi ang umiling. Hindi ko kaya. Ayaw kong mapahamak si JD nang dahil saakin. Hindi ko alam ang mangyayari saakin kapag nangyari iyun. Dahil sa hindi ko pagsagot sa tanong ni Kuya, napatili ako nang bigla niyang hawiin ang flower vase na nakapatong sa coffee table dahilan para ito ay mahulog at mabasag. Nanginginig na ako sa takot. “Bakit hindi mo magawang sabihin saakin, ha? Kilala ko ba? Mahal mo ba? Kaya hindi mo gustong gawan ko siya nang masama, ah?!” Umiling-iling ako habang umiiyak, “N-no, Kuya, please. H-hindi ko k-kilala. Hindi ko kilala.” “Hindi mo kilala? I don’t believe you.” umiling siya. “No, K-kuya. That’s the truth. Hindi ko kilala. N-nagising na lang ako na nasa isang kwarto ako at wala na akong kasama. Kaya hindi ko kilala.” ‘yun na lang ang isang paraang naisip ko para hindi mapahamak si JD. Ang magsinungaling. Pagak siyang natawa, “Sa tingin mo, maniniwala ako?” “P-please, K-kuya. I really don’t know. Maniwala ka. N-nagsasabi ako ng totoo. I-I really don’t know him.” Akmang hahawakan ko siya nang umiwas siya saka siya umiling, “No. Alam kong kilala mo kung sino ang ama ng dinadala mo! Kaya sabihin mo, sino?!” umiling ako, “hindi mo sasabihin?” muling akong umiling, “Pwes, I won’t forgive you. Hinding-hindi kita mapapatawad hangga’t hindi mo sinasabi kung sino ang ama niyan. Magkakalimutan na rin tayo.” Mas lalo akong humagulgol sa sinabi niya, “K-Kuya, please, no. ‘Wag mo namang gawin saakin ‘to.” pakiusap ko sa kanya habang ikinikiskis ko pa ang magkadaupang kong palad. Nagmamakaawang huwag niyang gawin saakin ‘to. “Kuya, please. Don’t do this to me. I’m sorry, please. Kuya.” Patuloy akong nagmamakaawa sa kanya. Halos lumuhod na ako sa harapan niya habang humahagulgol. “What is happening here?” Napatingin kami sa pinanggalingan ng boses na ‘yun. Nang makita ko si Mommy agad akong napatakbo papalapit at napayakap sa kanya. “Mommy.” I cried on her shoulder. “Why are you crying?” nang hindi ako sumagot, si Kuya ang binalingan niya, “What happened to her, Zyrel? Did you two fight? Anong ginawa mo sa kanya?” “Why don’t you ask her?” malamig na sabi ni Kuya, umiigting pa ang panga nito. Dahil dun, pilit akong hinarap ni Mommy sa kanya. Pinalis niya ang luha sa pisngi ko. “What happened, Alejah? Please, tell me. I’m worried.” Muli akong napahagulgol, “Mommy, I'm sorry. I'll tell you but please, don’t get mad. Hindi ko na alam ang gagawin ko kung pati ikaw magagalit saakin.” “Ano bang nangyari?” “Mom..” I sobbed, “I-I’m pregnant.” Unti-unting naibaba ni Mommy ang kamay niya sa pisngi ko sa sobrang gulat. Gulat na gulat siya at hindi nagawang maka-react agad. Samantala, wala akong nagawa kundi ang humikbi habang paulit-ulit na humihingi ng tawad sa kanya. “Mommy, I’m sorry.” Pareho lang kaming napatingin ni Mommy sa direksyon ni Kuya nang bigla niyang sipain ang malaking vase na nasa gilid ng hagdanan patungong second floor dahilan para ito ay magkapira-piraso. Matapos yun, lumakad siya paakyat sa hagdan nang hindi ako tinatapunan ng tingin. “Kuya!” Mas lalo akong napaiyak nang hindi na siya lumingon pa. Napatigil lang ako nang makaramdam ako ng panghihilo. Hanggang sa bigla na lang akong nabuwal sa kinatatayuan. Nagising na lang ako sa isang silid. Bumungad saakin ang pamilyar na amoy ng hospital kaya hindi ko na kailangang magtanong kung nasaan ako lalo na’t naalala ko ang nangyari. “Thanks, God, you’re awake.” Napatingin ako kay Mommy na nakaupo sa gilid ko, “‘My, a-anong nangyari?” Nakangiti siya nang tipid habang hinahaplos ang pisngi ko, “Sabi ng doctor, nawalan ka raw ng malay sa sobrang pagod at emosyonal,” bago pa ako makapagtanong tungkol sa baby ko, inunahan na niya ako, “Don’t worry, okay lang ang baby mo. Huwag mo na lang uulitin ‘yun dahil masama sa baby ‘yun, ‘kay?” Tumango ako. Bumuntong-hininga siya, “I still can’t believe that you’re going to be a mommy. Parang kailan lang nung ikaw ‘yung kinakalong-kalong ko sa bisig ko. Umiiyak ka kapag hindi binibigyan ng ice cream...” she chuckled, pero sa kabila nun, alam kong tinatago niya lang ang totoong emosyon niya. Marami pang ikuwenento si Mommy tungkol sa pinaggagawa ko nuong bata palang ako. Wala akong nagawa kundi ang umiyak habang nakikinig sa kuwento niya na agad namang pinupunasan ni Mommy. “Mom, thank you.” sabi ko matapos niyang magkwento. “For what?” “Dahil hindi ka nakagalit saakin nang malaman mong buntis ako.” bahagya akong ngumiti. “Why would I?” bumuntong-hininga siya kapagkuwan, “But I’ll be honest, Alejah. I’m disappointed,” may isang butil ng luhang lumandas sa pisngi niya, “Pero mas disappointed ako sa sarili ko. I’m your mother, Alejah. Dapat inalagaan at binantayan kitang mabuti. You are too young to be a mom. Hindi dapat mangyayari sa’yo ito kung binantayan at inalagaan kitang mabuti.” She wiped my tears and continued, “But it has already happened. Hindi na natin mababalik o mababago ang nangyari. So, wala tayong magagawa kundi tanggapin ang anghel na nabuo sa sinapupunan mo. Isipin na lang natin na blessing ang baby mo.” “A blessing?” My mom nodded. Inilapat pa niya ang kamay niya sa tiyan ko at ngumiti, “Yes, princess. Your baby is a blessing. Tulad mo at ng kuya mo nung ipinanganak ko kayo. You two are blessings to me. Everything happen for a reason ika nga nila, anak. Kaya masakit man, wala akong magagawa kundi tanggapin. Kaya sana ikaw rin.” “Pero... si Kuya.” Ngumiti si Mommy, “Don’t worry about him, hija. Tulad ko, hindi ka rin nun matitiis. He loves you so much. Alam mo ba kanina, alalang-alala rin siya sa‘yo nang bigla kang mawalan ng malay. Siya pa nga ang nagmaneho ng kotse para madala ka rito sa hospital.” Bigla akong nagkaruon ng pag-asa sa sinabi ni Mommy, “He did that?” tumango si Mommy nang nakangiti kaya napangiti na rin ako. Hindi na rin kami nagtagal sa hospital. Kinahapunan na ‘yun, umuwi na rin kami ni Mommy sa bahay. Gusto ko ulit kausapin si Kuya dahil nabigyan ako ng pag-asa sa sinabi ni Mommy, pero hindi ko siya nadatnan. Kinagabihan, tumawag si Shannon kaya sinabi ko sa kanya lahat-lahat ng nangyari ngayong araw. Wala naman talaga kasi akong tinatago sa best friend ko. Parang siya na ‘yung nagiging walking diary ko dahil lahat ng nangyayari sa buhay ko sinasabi ko sa kanya. Matapos ng pag-uusap namin ni Shannon, muli akong lumabas ng room para i-check si Kuya pero wala pa rin siya. Hinintay ko siya nang hinintay hanggang sa nakatulugan ko na lang ang paghihintay sa kanya. Kinaumagahan, nagising ako sa katok ng maid namin. “Ma’am, kakain na raw po sabi ng Mommy niyo.” sabi ng katulong nang pagbuksan ko siya ng kwarto. Tatalikod na sana siya nang tawagin ko siya. “Si Kuya?” “Nasa dining na rin po. Ikaw na lang ‘yung wala.” Dahil sa sinabi niya, muli akong pumasok ng kwarto at dali-daling naghilamos bago tumungo sa baba. Nadatnan ko si Mommy at si Kuya na tahimik na kumakain. Una kong nilapitan si Mommy, “Good morning, Mom.” I kissed her cheek. “Good morning. Oh siya, maupo ka na. Bawal sa buntis ang—” hindi na natuloy ni Mommy ang pagsasalita nang padabog na ibinaba ni Kuya ang kubyertos kaya napabaling kami sa kanya. Tumayo siya at tatalikod na sana nang tawagin siya ni Mommy, “Where are you going, Zyrel? Hindi ka pa tapos kumain.” “I’m already full, Ma. I have to go.” malamig niyang tugon kay Mommy bago lumakad nang hindi man lang ako tinatapunan ng tingin. Ni hindi niya pinansin ang tawag ni Mommy. Araw-araw, ganun ang trato saakin ni Kuya. Hindi niya ako pinapansin. Sa tuwing tatangkain ko siyang kausapin agad siyang tatalikod saakin. Para bang tinatrato niya akong invisible. Nawalan na talaga ako ng pag-asang mapapatawad ako ni Kuya. Naiiyak na lang ako kapag ganun. Sabi ni Shannon at Mommy, ganun daw talaga ‘yun. Nagiging emosyonal kapag buntis. “I heard about what happened to you. Are you okay, niece?” Isang araw bigla akong ni-contact ng bunsong kapatid ni Mommy na si Tita Conny. Nasa ibang bansa ngayon naka-base si Tita. Dahil walang asawa, duon na niya piniling mamalagi. “Okay naman po, Tita. My tummy is getting bigger na po kaya napagdesisyonang kong i-drop out muna lahat ng subjects ko dahil ayoko namang pumasok na malaki ang tiyan.” “How about your brother?” Malungkot akong napangiti, “He still mad at me, Tita. Hindi pa rin niya ako pinapansin.” “That kid. Why so stubborn? Hindi naman siya ‘yung nahihirapan.” nailing-iling na sabi ni Tita, “Bakit ka nga pala napatawag, Tita?” pag-iba ko ng usapan. “Ah about that. I have an offer for you. Actually, napag-usapan na namin ito ni Ate. Sabi niya baka mas nakakabuti nga muna sa’yo ang malayo sa kapatid mo. Lagi ka raw kasing stress diyan. Pero sabi ng Mommy mo, desisyon mo iyun. So, ano, pamangkin? Do you wanna live here with me?” “Y-you want me to go there po?” She nodded as she smiled, “Yes. Kung papayag ka. Don’t worry about your pregnancy. I’ll take care of you and your baby. Hindi ko kayo pababayaan.” Hindi ako nakapagsalita. Ilang araw ko ring pinag-isipan ang pinag-usapan ni Tita. Marami akong iniisip. Una, ayokong umalis nang hindi kami nagkakaayos ni Kuya. Pangalawa, hindi ko alam kung kakayanin kong malayo sa kanila ni Mommy. Humingi ako ng sign sa magiging desisyon ko. Isang gabi, hinintay ko si Kuya. Gusto ko subukan ulit na kausapin siya. Pero naubos lang ang oras sa kahihintay ko kaya bago ako nakatulog nang gabing iyun, nakapagdesisyon na ako. “Ang daya mong babaita ka. Ni hindi mo man lang ako sinabihan? Talagang biglaan?” Natawa ako nang bahagya nang marinig ko ang paghikbi ni Shannon sa kabilang linya. Ilang araw kong tinago sa kanya ang naging desisyon ko. Sinabi ko lang nang nasa airport na ako, kaya minura niya ako nang minura nang sabihin ko sa kanya. “I’m sorry.” sabi ko habang nakatingin sa mga taong aalis din ng bansa tulad ko. “I want to go there but I can’t. May exam kami. Kung hindi lang ‘to importante, pinuntahan na kita riyan.” “Okay lang. Good luck nga pala.” “Good luck mo mukha mo!” Natawa ako, kasabay nun ang paglandas ng luha sa pisngi ko. I’m going to miss her. I’m gonna miss my best friend. “Nga pala. Aalis ka nang hindi mo man lang sinasabi sa ama ng dinadala mo ang tungkol sa pagbubuntis mo?” Sandali akong natigilan sa sinabi niya. Mayamaya, humugot ako nang malalim na hininga. “Nakapagdesisyon na ako, Shannon. Hindi ko na sasabihin sa kanya ang tungkol dito. I'll forget him. Bubuhayin ko mag-isa ang anak ko,” I paused for a moment, “Kaya ipangako mo saakin na walang makakaalam kung sino ang ama ng baby ko, ah? Ayaw ko siyang mapahamak. Ayaw ko masira ang pagkakaibigan nila ni Kuya kaya nakapagdesisyon na akong huwag sabihin sa kanya.” Ilang sandali pa siyang natahimik bago ko narinig ang pagbuntong-hininga niya, “Hindi ko sana ‘to sasabihin sa‘yo pero... alam mo ba nung nakaraang araw, hinanap ka niya saakin. I don’t know why but hindi ko na siya natanong dahil inis ako sa kanya.” Napangiti ako sa kabila ng lungkot na nararamdaman ko. Ang sarap sa pandinig na malamang hinanap niya ako pero alam ko namang hanggang dun lang ‘yun, walang ibig sabihin ‘yun. Kalaunan, nagpaalam na rin si Shannon dahil dumating na raw ang prof nila. Napahawak ako sa tiyan kong may nakaumbok na kahit papaano. “I’ll promise you, baby. Mamahalin kita higit pa sa buhay ko. I love you.” Sa huling pagkakataon, ipinikit ko ang mata ko at inalala ang mukha ng ama niyang mahal na mahal ko bago ko siya kalimutan. "So you're the f*****g reason—" "Woah woah woah sandali!" pagputol ni Shannon sa galit ni Kuya matapos kong magkuwento. Kanina pa masama ang tingin niya kay Shannon habang nagkukuwento ako. Maging si Shannon, kanina pa napapalunok sa masamang titig ni Kuya sa kanya. "Okay, fine!” Shannon continued, “I admit. Siguro nga may kasalanan ako pero narinig mo naman ang kwento niya, 'di ba? I did my best to take care of her." Pinalis ko ang luha ko bago sumali sa kanila, "Shannon is right, Kuya. It wasn't her fault, kasalanan ko. Kung hindi ako naglasing nang gabing 'yun, hindi mangyayari 'yun. But that time, hindi ko alam ang pumapasok sa isip ko. Ni hindi ko nga maalala ang nangyari. I'm just so desperate and so in love with JD back then." Pinalis ko ang panibagong luhang lumabas sa mata ko. Pumikit nang mariin si Kuya. Halatang pilit na pinapakalma ang sarili. Bumuntong-hininga ito mayamaya at nang muli niyang imulat ang mata niya, kita pa rin sa madilim niyang mukha ang pagpipigil ng galit. "I can't believe you did that." Napayuko ako, "I'm sorry." "Bakit mo tinago saakin? Why you didn't tell me, huh? Bakit hindi mo sinabi saaking ‘yung Sanmiego na ‘yun ang ama ng dinadala mo?" "Because I don’t want anything bad happen to him. That day, when you confronted me. You said you’ll gonna kill the father of my child. I was so scared. Ayaw kong may mangyaring masama sa kanya. At higit sa lahat, ayaw kong masira ang pagkakaibigan na meron kayo nang dahil saakin." "f**k that friendship!" napaigtad ako sa gulat dahil sa pagsigaw niya. Frustrated niyang nagulo ang buhok niya at napasuntok sa pader, "Sana talaga noon palang kinompirma ko na ang hinala ko. f**k!" Muli akong napaigtad nang sipain niya ang upuang nasa gilid saka siya padabog na lumabas ng kwartong kinaruruonan namin. "Kuya!" I called him sa kaba dahil sa sinabi niya pero hindi niya ako pinansin. I cried. "Hayaan mo muna siya. Palamigin muna natin ang ulo nun." pagsasalita nang ilang sandali ni Shannon. "Anong gagawin ko? Galit na naman 'yun saakin." ayaw ko nang maulit 'yung dati. Napakahirap pa naman niyang suyuin. "He's not mad. Kung galit man siya, hindi sa‘yo. Trust me. Hindi ka nun matitiis." she assured me. Bahagya akong ngumiti kahit nangangamba pa rin ako. Pero kahit papano, nabawasan na rin ang bigat na nararamdaman ko dahil naikuwento ko na rin kay Kuya ang lahat. Wala na akong itinatago sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD