CHAPTER FOURTEEN

2888 Words
October 13, 2020 Tuesday Dear Jace, Kakagising ko lang at tulog pa ang mga tao sa bahay. Nalasing pala ako kahapon. Hindi ko nga masyadong maalala ang mga pinaggagawa ko, ang alam ko lang nalasing ako. Hindi ko na masyadong matandaan ang mga detalye sa mga nangyari noong araw na iyon. Maaga akong nagising ngayon dahil nagutom ako bigla. Alas tres palang ng madaling araw. Masakit din ang ulo ko at sobrang kati ng katawan ko. May pasa rin ako sa tuhod at amoy suka rin ako. Naka-uniform pa ako noong paggising ko. Hindi man lang ako pinalitan ni mama ng damit. Nakakasama ng loob. Nagulat talaga ako kahapon nung makita kita. Akala ko anong surprise ang ipapakita sa akin ni Raf. Ikaw pala. Medyo bet ko 'yung surprise niya kasi ikaw 'yun. Gusto ko sanang bumaba at kumuha ng pagkain pero baka magising si mama at sermonan na naman ako. Pero curious ako kung paano ako nakauwi. Hindi naman ako pwedeng ihatid ni Raf kasi for sure nalasing din yun ng bongga. Ikaw ba naghatid sa akin Jace? Sana ikaw. ---- Ipinikit ko ng mariin ang mga mata ko. Handa na ako sa sermon ni mama. Kasalukuyan akong nakaupo sa hapagkainan. Nakaramdam ako bigla ng masamang enerhiya kaya alam kung si mama na 'yung nasa likod ko. Nararamdaman ko na rin ang mga matatalim niyang titig na itinatapon sa likod ko. Nakakatakot si mama 'pag galit. Kasalanan ko rin naman. Hindi ko pa rin ibinuka ang mga mata ko, hinihintay ko munang bumuga si mama ng apoy. Hindi ko feel makinig ng mga sermon niya ngayon lalo na't masakit ang ulo ko. Naramdaman kong sinipa ng kapatid ko ang aking paa sa ilalim ng lamesa kaya napadilat ako. Pinandilatana ko siya ng mata and mouthed 'what?' Ginaya niya ang pagpikit ko ng mata na para bang nang-aasar. Kung wala lang si mama kanina ko pa kinutusan 'to e. Inirapan ko na lang siya at nagpatuloy sa pagkain. Tahimik lang akong nakiramdam sa paligid. Hinihintay ko pa rin ang sermon na paparating sa akin. At hindi nga ako nagkakamali dahil the moment na umupo si mama sa harapan ko ay bumuga na siya ng apoy. Napabuntong-hininga na lang ako at napailing. Sasakit na naman ang ulo ko nito. ---- Nasa school na ako at nakapangalumbaba. Inaantok ako at sobrang sakit pa ng ulo ko. Gusto ko sanang um-absent pero galit pa si mama sa akin. Ang tagal ko ngang nakaalis sa bahay dahil sobrang haba ng sermon niya sa akin. Pero nagulat ako noong sinabi niyang hinatid ako rito ng dalawang lalaki gamit ang isang sasakyan. Nagdahilan pa ako kay mama na baka si Raf lang 'yon kahit hindi ako sure. Sabi ko sa kanya na baka si Raf at ang mga kaibigan niya 'yon na mga bakla. Pero ang sabi ni mama hindi raw mga mukhabg bakla ang naghatid sa akin sa bahay. Hindi kaya si Jace 'yon? Pero sino naman 'yung isa? Baka naman isa sa mga kaibigan niya. Or baka mga kaibigan niya anag naghatid sa akin at hindi si Jace. Napakamot naman ako sa kilay ko. Ayoko nang isipin. Sumasakit ang ulo ko. Gusto ko pang matulog. At dahil ako pa lang ang tao sa classroom nagdecide nalang akong mag-nap muna. Kahit hindi ako komportable sa pwesto ko, nakatulog pa rin ako. Naalimpungatan ako dahil sa biglang pagyugyog sa balikat ko. Itinaas ko ang ulo ko at sinamaan ng tingin ang taong nangdisturbo sa aking tulog. "What?" irita kong tanong. Si Joy lang pala. "Puyat ka girl?" natatawa niyang sabi sa akin. Napairap naman ako at tuluyan ng bumangon at nag-inat. "Good morning," sabi ni Joy at binigyan ako ng isang white folder. Tiningnan ko naman siya ng nagtataka. "What's this for?" inaantok kong sabi. Ibinuklat ko ang folder na ibinigay niya at nakita ko ang aking output sa drafting. "Pota," ang agad na lumabas sa bibig ko. Natawa naman si Joy. "Mas lamang ako ng isang punto sa floor plan, inayos mo sana 'yung measurements mo," sabi ni Joy at chineck ang aking output. Ibinigay ko naman sa kanya pabalik ang folder. Siya ang pinapabitbit ko diyan, wala kasi akong envelope para lagyan ng mga gamit. Baka masira sa bag ko. "So, ano nangyari kahapon?" tanong ni Joy at agad na umupo sa aking tabi. Umupo na rin ako sabay kuha sa jacket niyang nakasabit sa likod ng kanyang upuan. Mabango kasi at nilalamig din ako. "Ayun, wala ako masyadong maalala," nakapangalumbaba kong sabi. Tinitigan naman ako ni Joy at bigla siyang natawa. Sinamaan ko naman siya ng tingin. "Tawa tawa ka jan?" napasabunot ako sa buhok ko. Hindi ko maintindihan ang katawan ko ngayon. Para akong gutom na ewan ko. Sobrang gulo. Parang sabog na sabog pa ang utak ko ngayon. Hindi na talaga ako iinom kahit si Jace pa mag-aya. "'Yung mukha mo kasi, parang tanga," sabi ni Joy sabay tawa ng malakas. Napatingin naman sa amin ang iba naming kaklase kaya tinakpan ko ang bibig ni Joy. Iwinakli niya naman agad ang kamay ko at dumura kahit walang laway na lumabas. "s**t, ang baho ng kamay mo," nandidiri niyang sabi. Inamoy ko naman ang kamay ko at nakompirmang mabaho nga. This time, ako naman ang tumawa ng malakas. Dumating na si Raf at hindi kagaya ko, sobrang fresh niyang tingnan. Napanguso naman ako ng makita ko siya at tanging tawa lang ang iginanti niya sa akin. Pumasok na siya sa classroom at lumapit agad sa puwesto namin ni Joy. "Hoi girl, kamustang pakiramdam mo?" tanong agad ni Raf sa akin. Sinamaan ko naman siya ng tingin at tinawanan niya lang ako. "Hindi na ako sasama sa'yo sa inuman I swear," nakanguso kong sabi sa kanya. Tinaas naman ni Raf ang kanan niyang mata at sinabing, "we'll see." I hissed and ignored him. Nagpatuloy naman si Raf sa pagpaaganda habang nag-uusap naman kami ni Joy. " Ay girl, I have a video here kahapon. I watched it kanina and it was you and Jace," sabi no Raf habang naglalagay ng powder sa mukha niya. Nakuha niya naman agad ang atensiyon ko kaya ibinaling ko ang paningin ko sa kanya. "Patingin," nagmamakaawa kong sabi sa kanya. Ngumisi naman si Raf at agad ding kinuha ang kanyang cellphone. "Fore sure after mo makita 'to e sasama ka na sa akin lagi kapag iniinvite kita, baka nga ikaw pa mag-aya sa akin sa susunod sa inu--" hindi na natapos ang sasabihin ni Raf dahil agad kong kinuha sa kanyamg kamay ang cellphone "Akin na, dami mo pang sinasabi," sabi ko at kinalikot ang cellphone niya. Alam ko na ang password nito dahil palagi akong nakikihiram 'pag sobrang bored ko na. Marami kasi siyang laro sa phone niya. "Atat mo girl," natatawa niyang sabi. Kin-lick ko agad ang gallery at hinanap ang videos niya kagabi. Nagulat naman ako dahil sobrang dami ng mga video pati pictures. Mabuti nalang at hindi umaabot ng minuto ang videos dito kaya hindi na ako mahihirapan pang hanapin ang tinutukoy ni Raf. "Akin na, ako na hahanap," sabi ni Raf. Umiling naman ako habang nag-s-scroll sa gallery niya. Tiningnan ko ang mga pictures na kuha niya kagabi. May mga stolen shots ko, kay Jace, selfie nila nung kaibigan niya or ka-chat. Selfie niya. Mukha ko na naman tapos mukha ni Jace. Sobrang daming litrato niya kagabi, pati na rin videos. Sunod ko namang tiningnan ang mga videos. Una kong napanood ay 'yung chi-nug ni Raf 'yung Tanduay. Napangiwi naman ako dahil parang bigla kong naamoy at nalasahan ang kanyang ininom. Narinig ko namang tumawa si Raf at Joy sa naging reaksiyon ko. Sobrang dami ng videos ni Raf na umiinom, may mga videos din siya mga kasama ni Jace kahapon. Mga boomerang. Tapos nakita ko na rin 'yung tinutukoy ni Raf na video namin ni Jace. Nakayuko ako sa dibdib ni Jace. "Fuck..", mahina kong usal tama lamang para marinig ni Raf. Parang naramdaman kong nakatitig si Raf sa akin para tingnan ang reaksiyon ko. Hindi ko masyadong marinig ang sinasabi ko sa video dahil sobrang ingay ng background. Idagdag pa ang tili nina Raf at ng mga kaibigan niya. I can't believe na ginawa ko 'yun. At kay Jace pa! Iba talaga ang epekto ng alak, lumalakas bigla ang loob mo. Inilapit ko ang mukha ko sa screen ng cellphone, hoping na marinig ang sinasabi ko kay Jace. Mabuti naman at hinayaan lang ako ni Jace na sumandal sa dibdib niya. Bigla kong iniangat ang paningin ko kay Jace at ilang minuto ay....bigla akong sumuka! Napasinghap ako at nahulog ko ang cellphone ni Raf dahil tinakpan ko ang aking bibig gamit ang dalawa kong kamay. Naramdaman kong uminit ng husto ang mukha ko at parang uminit ang katawan ko. "What the f**k?!" sigaw ko, wala na akong pakealam kung marinig ng mga kaklase ko ang sigaw ko. Nakakahiya ang ginawa ko! Hindi ko magawang tapusin ang video dahil ayokong malaman ang sumunod na nangyari. Hindi ko na nga kinaya ang ginawa ko sa kanya baka kapag ipinagpatuloy ko pa ang panonood ay himatayin na ako sa sobrang hiya. Pinulot naman ni Raf ang nahulog niyang cellphone at pinagpagan ito. Chineck niya naman ang screen ng cellphone niya at tiningnan kung nag-crack. Hindi ko na magawang i-check kahit gusto ko dahil hindi ko mabitawan ang mga kamay ko sa aking mukha. "Girl, kung makahulog ka ng phone parang lapis lang a," medyo inis na sabi ni Raf. Nagpaumanhin naman ako sa kanya pero parang wala ako sa sarili ko dahil sa nakita ko. "Akin na, patingin," sabi ni Joy. Gusto ko siyang pigilan pero naisipan kong tumayo at pumunta sa cr, ayokong makarinig ng kahit ano sa video na 'yun. Isa iyong bangungot! Ilang minuto akong nag-stay sa cr at pilit na inalala ang mga sinabi ko kay Jace kahapon. Ngunit kahit anong pilit kong gawin ay hindi ko talaga maalala. "Fuck.." mahina kong sabi. Tiningnan ko ang repleksiyon ko sa salamin. Malaki ang salamin dito sa cr. Sobrang sabog ng mukha ko. Pulang-pula ang mukha ko at maitim ang ilalim ng mata ko. Sobrang haggard. Bumalik na ako sa classroom at naabutan kong tumatawa sina Raf at Joy. Umupo na ako sa tabi ni Joy. Tumingin naman si Raf sa akin. May naalala naman ako bigla na itanong kay Raf kaya tinawag ko siya, "Raf, may tanong ako." Napatingin naman si Raf sa akin. "Yes?", sabi niya sabay balik ng kanyang atensyon sa kanyang cellphone. "Sino pala naghatid sa akin sa bahay?" Tumingin si Raf sa akin ng ilang minuto. Nagtaka naman ako. "Sina Jace at Nathere raw," tipid niyang sagot. "Sinong Nathere?" tanong ko dahil wala akong kilalang Nathere. "'Yung ka-chat ko girl, na-amnesia ka agad a," napatango-tango naman ako at biglang nagsink-in sa akin ang sinabi ni Raf. "Si Jace?!" sigaw ko. Nagulat naman si Joy kaya hinampas niya ako. "Aray," sabi ko sabay himas sa balikat kong hinampas niya. "Oo girl, paulit-ulit?" naiiritang sabi ni Raf. Napasapo naman ako sa noo ko. Ba't si Jace na naman?! Okay sana kung hindi ako lasing tas hinatid niya ako, pero hindi e, lasing ako at hinatid pa ako sa bahay. Ngayon, alam na ni Jace kung saan ako nakatira. "OMG," mahina kong sabi sabay paypay sa sarili ko. Kaya pala galit na galit si mama kanina! Kasi mga lalaki naghatid sa akin. Nagulat siguro siya dahil uminom ako at baka iniisip niyang mga lalake ang kasama ko doon, I mean may mga kasama naman kami ni Raf kaya hindi masyadobg awkward kahit andoon si Jace. Come to think of it, I did not properly thankd them. Wait, do I really have to thank them? Pero nakakahiya nang lumapit sa kanila lalo na sa nangyari. Nahihiya na akong lumapit nor magpakita kay Jace. Parang ang laki ng kasalanan ko sa kanya tuloy. Baka nakadikit pa rin 'yung amoy da balat niya. Napatakip ako sa mukha ko sa sobrang hiya. Iniisip ko palang 'yun pero grabe na agad ang reaksiyon ko. Mukhang hindi ko na kayang harapin pa si Jace if ever na magkita kami. What if galit siya sa akin dahil sinukaan ko siya? Sobrang linis niya sa sarili niya tapos susukaan ko lang. Naputol saglit ang iniisip ko dahil dumating na ang adviser namin. Kagaya kahapon, half day lang ulit kami ngayon. Madali lang natapos ang klase dahil na-shorten ang time, nagrecess na kami agad ni Raf. Madamibg tao kaya hindi na ako nakisiksik pa. Si Raf ang isinulong ko doon habang umupo naman ako sa malapit na bench at hinintay siyang makalabas sa canteen. Nakayuko lang ako sa bench, hindi ko dala ang phone ko kaya wala akobg ibang ginagawa kundi ang tingnan ang sapatos ko. Ayoko rin mag-angat ng tingin dahil mainit at sumasakit ang mata ko. Nagulat ako dahil apat na pares ng paa ang nasa harapan ko. Inangat ko naman ang paningin ko at mas lalong nagulat dahil sa nakita ko. Si Jace at 'yung ka-chat ni Raf! Nakatayo sila sa harapan ko na para bang hinaharangan ko sila. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kaya tumayo ako at akmang aalis na sa bench ngunit tinawag ako nung kaibigan ni Raf. "How are you feeling?" magalang niyang tanong. Napamura naman ako sa isipan ko dahil bigla kong naalala na sila pala ang naghatid sa akin sa bahay kahapon. Wait..Now's my time to thank them. Lumingon ako pabalik sa kanila ngunit agad ko ring binawi dahil biglang nagtagpo ang mata namin ni Jace. Naramdaman kong uminit ng husto ang mukha ko. Gusto ko ng umalis, ang tagal ni Raf nakalabas "Hey, are you alright? Mukhang may hangover ka pa a," worried na tanong ng kaibigan ni Raf. Binigyan ko na lang siya ng ngiti at tumango. Sana naman na-gets niya 'yon. Aalis na ulit sana ako kaso may biglang humablot sa kamay ko. Tiningnan ko anv kamay na nanghablot sa akin pagkatapos ay sa kaibigan ni Raf. Tinaasan ko siya ng kilay at ng marealize niya ang ginawa niya ay agad siyang humingi ng tawad. "Sorry, sorry, hindi ko 'yun sinasadya," sabi niya sabay bitaw sa kamay ko. Hindi ako nagsalita, kagaya kanina ay ngumiti lang ako. Mya kinuha siya sa bulsa niya at ibinigay sa akin. Tiningnan ko naman siya ng nagtataka. "Para sa hangover mo," sabi niya ng makita ang reaksiyon sa mukha ko. Ibabalik ko sana sa kanya kaso kailangan ko talaga neto ngayon. Ang bait naman nitong kaibigan nila. "Salamat," mahina kong sabi ngunit tama lang para marinig nila. Ngumiti lamang ang kaibigan ni Raf habang nakatingin lang sa amin si Jace. "At.." napatingin naman silang dalawa sa akin ng maigi ng magsalita pa ako. Na-conscious tuloy ako bigla. Iniwas ko ang paningin ko sa kanila at nagpatuloy sa pagsasalita, "at salamat din sa...kahapon....sa paghatid niyo sa akin," yumuko ako, ayokong makita ang mga reaksiyon nila. May isa pa akong kailangang sabihin. "Jace..ano..sorry about yesterday hindi ko tala--" hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil sumingit agad si Jace, "It's alright," tipid niyang sabi. Para tuloy siyang galit sa akin. Nakatitig lang ako sa kanya ng ilang minuto hanggang sa marealize ko na nakatingin sa akin ang kaibigan ni Raf. I mean, nakatingin siya sa aming dalawa ni Jace. Nagtataka rin siya. Ewan ko pero parang ang mean ng approach ni Jace sa akin. I mean minsan, like noobg isang araw, okay naman siya pero iba siya sa mga 'fans' niya e. Sweet siya sa kanila tapos parang cold siya sa akin tas minsna mabait din pero minsan lang. Hindi niya ata ako gusto bilang isang tao. Ay wow. Natawa naman ako bigla sa naisip ko at hindi ko namalayang natawa rin pala ako sa harapan nila. Natatawang tumingin sa akin ang kaibigan ni Jace kaya napasapo naman ako sa mukha ko at agad na tumalikod para umalis. Narinig ko pang tinawag ako ng kaibigan ni Jace pero hindi na ako lumingon pa at pumasok sa canteen para hanapin si Raf. Nakita ko naman siya kaagad kaya hinatak ko siya ng mabilis at agad na nilisan ang canteen. Tanong ng tanong si Raf sa akib kung ano ang nangyari, sinabihan ko lang siya ng wala pero hindi siya kumbinsido at palaging nangungulit. Nakarating na kami sa fourth floor at sakto naman dahil dumating na si Sir Philo. Umupo kami agad ni Raf at agad nilantakan ang binili namin sa canteen. Hindi naman kami inawat ni Sir, kaya nagpatuloy kami ni Raf. Ilang oras ang lumipas ay natapos na rin ang klase. Kinuha ko na ang bag ko at sinabi kay Joy na sabay kaming umuwi. Ngunit this time, siya naman ang hindi makakasabay dahil may lakad pa raw siya. Napatango naman ako at sinabing 'okay lang'. Hindi rin makakasabay sa akin si Raf dahil may gala rin siya sa mga kaibigan niya kaya uuwi talaga akong mag-isa ngayon. Kinuha ko ang earphones sa bag ko at nagsimula ng maglakad pababa ng building. Malapit lang naman ang bahay sa school pero feel kong maglakad ng mabagal ngayon. Sobrang dami ko pang iisipin, gusto ko sanang tumambay sa 7/11 pero baka mapagalitan na naman ako ni mama. Sobrang lutang akong naglalakad sa daan buti nalang at hindi ako bigla-biglang tumawid. I turned the music off para hindi na magspace out. Nagfocus nalang ako sa paglalakad at nakarating ng buo sa bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD