CHAPTER FIFTEEN

2935 Words
Alas kuwatro na ng hapon, kakagising ko lang dahil nanggaling ako sa pagtulog. Sobrang napagod ang katawan ko at pagdating ko sa bahay kanina ay nakatulog agad ako sa kama. Hindi na ako nagawa pang pagalitan ulit ni mama. May continuation pa kasi 'ying sermon niya kaninang umaga sa akin, buti nalang ay maaga akong nakauwi ngayon. 'Yun nga lang, natagalan naman ako sa paggising. Lagot ako nito. Bumangon na ako at nagbihis. Nakasuot pa rin kasi ako ng uniform. Hindi pa nga ako nakapag lunch e. Sobrang taas ng tulog ko. Plano ko sanang gumising agad dahil manonood pa ako ng anime, pero sobra atang napagod ang katawan ko ngayon. Naramdaman kong biglang nag-vibrate ang cellphone ko na nakalagay sa kama. Hindi naman naka-on ang wifi sa cellphone ko kaya baka text message ang nareceive ko ngayon. Kinuha ko ang cellphone ko at binuksan ang text message na nanggaling kay Jen. Jen: Last vigil na raw ni Leigh mamaya, punta tayo. Napasapo ako sa noo ko. "f**k!" Nakalimutan kong itanong sa pamilya ni Leigh kubg kelan ang last vigil niya. Mabuti nalang at nag-text si Jen. Masyado akong nadidistract kay Jace nagawa ko ng kalimutan ang bestfriend ko. I texted her back and told her na pupunta ako mamaya. Lumabas na ako ng kwarto dahil nagugutom na ako. Magpapaalam din ako kay mama na pupunta ako kina Leigh ngayon. Papayag naman siya dahil para kay Leigh 'yun. Kilala na niya kasi si Leigh kaya ganun. Paglabas ko ng kwarto nagtaka agad ako sa bumungad sa akin. Sobrang tahimik ng sala. Usually 'pag ganitong oras nasa sala si mama at nanonood ng k-drama e. Himala naman at hindi naka-on ang tv ngayon. Nagkibit-balikat nalang ako at nagtungo sa kusina. Mamaya ko nalang hahanapin si mama, nagugutom na talaga ako. Pumwesto na kaagad ako sa lamesa at nagsimula ng kumain. Chi-neck ko muna ulit ang phone ko dahil baka may bagong text na naman galing kay Jen. Nang wala akong makitang text ay pinagpatuloy ko ang pagkain. Mamaya ko nalang hahanapin si mama, kakain muna ako at iti-tiempo na nasa good mood siya. Mahirap magpaalam kapag bad mood siya, lalo na sa nangyari kanina. Hindi pa kasi siya natapos sa sermon niya. Natapos na agad akong kumain at hinugasan na ang pinagkainan. Ngunit ilang minuto ang lumipas ay wala pa rin akong marinig na kahit anong boses maliban sa akin dito sa bahay namin. Which is very unusual. Pagkatapos kong maghugas ay nagtungo ulit ako sa kusina para i-check. Ngunit wala pa rin. Napakunot naman ang noo ko. Lumabas ako ng bahay, inikot ko pa ngunit wala talaga. Wala rin ang kapatid ko, pati si mama. Nasaan kaya ang nga 'yon? "Baka naman nag-grocery," bigla kong sabi. Sa isip ko lang dapat iyon sasabihin e pero mukhang medyo napalakas. Bumalik ako sa loob ng bahay ay in-on ang tv. Manonood nalang siguro ako ng random videos sa tv habang hinihintay sila. Perfect 'to dahil solo ko ang bahay ngayon. Walang magulo. Humiga na ako sa couch at naghanap ng movie sa netflix. Gusto ko sanang manood ng horror pero nagbago rin agad ang isip ko dahil ako lang mag-isa sa bahay. Tapos bigla kong naalala 'yubg pinanood namin ni Leigh noong highschool pa kami. La Llonora ata ang title nong movie. Ilang araw din akong hindi maayos naligo noon dahil lagi kong naalala ang mukha ng aswang don. Tapos naalala ko rin 'yung time na nanalamin ako noong Grade 10 palang ako. Sobrang liit lang ng mirror tapos ang dami namin nakikigamit doon. Tapos na akong mag-lunch noon tapos sinusuklayan ko ang buhok ko sa harap ng salamin. Nagulat ako dahil biglabg may tapmong nakangisi sa likod ko. Sobrang puti ng mukha niya at malaki ang mga mata niya. Hindi ko nga namalayan noon na umiyak pala ako dahil sa takot. Nagalit ako kay Leugh ng ilang minuto pero natawa rin kami agad dahil sa kaduwagan ko. Ewan ko pero parang bigla akong natakot. Sobrang paranoid ko pa naman. Naghahanap lang ako ng movie sa netflix ngunit wala pa rin akong mahanap na magugustuhan ko. Pumunta nalang ako sa youtube at nanood ng random videos. Mamayang 6 nalang ako pupunta kina Leigh. Maaga pa naman, marami pa akong oras para magprepare. Hihintayin ko pa rin sina mama para magpaalam. Ilang minuto ang lumipas ay narinig kong bumukas ang gate. Bumangon na ako sa pagkakahiga at sinalubong sina mama. Mukhang nag-grocery nga silang dalawa ni Andy. Pero tinanong ko pa rin sila kung saan sila galing. "San kayo galing, ma?" sabi ko sabay kuha ng plastic na nasa kamay ni mama. Nagmano na rin ako at naunang pumasok sa loob, sumunod din naman agad sila. "Nag-grocery kami ni Andy, isasama ka sana namin kaso tulog ka." Inilagay ni mama sa kusina ang mga pinamili nila. Tinitigan ko muna siya ng ilang minuto at nakiramdam kung galit pa rin ba siya. Mukhang hindi na. Napaayos ako ng tayo dahil nahuli ako ni mama na nakatitig sa kanya ng may paghihinala. "Problema mo?" Naiinis niyang tanong. Ayaw niya kasing tinititigan. Napatikhim naman ako at agad nag-iwas ng paningin. "Wala po, akala ko lang kasi may bago kang nunanl sa mata," sabi ko at kinuha ang mga grocery na nakalagay sa plastic. Halos mga pagkain lamang ang binili nila. Sabagay, maraning baboy sa bahay kaya normal lang na puro pagkain ang binili ni mama. Pagkatapos naming magligpit ng mga grocery ay nakiramdam uli ako sa presensya ni mama. Baka kasi galit pa rin siya sa akin. Sobrang risky magpaalam lalo na't galit pa sa'yo ang nanay mo. Kailangan ko ng tiempo. Pumunta si mama sa sala kaya sumunod naman ako. Buti nalang at hindi siya nagtanong kung bakit ako sunod ng sunod. In-on niya ang tv kaya umupo na rin ako sa couch at nakinood din. Sugurado akong k-drama ang papanoorin ni mama. At hindi nga ako nagkamali dahil pinagpatuloy niya ang panonood ng k-drama niyang naudlot ata niyang panoorin kaninang umaga. Nakinood nalang ako at nagfocus. Siempre nakiramdam din ako kay mama. Alam ko namang papayag 'yan kapag kina Leigh lang talaga ako. Baka nga sasama pa 'yan sa akin e. Pero kailangan ko pa ring magpaalam ng maayos para naman mabawasbawasan ang kasalanan ko sa kanya. Nakita kong natatawa na si mama sa pinapanood niya kaya ibinuka ko ang mga bibig ko at nagsimula ng magsalita. Siempre nagpractice na ako kanina sa utak ko kung ano ang sasabihin ko sa kanya. "Mama," sabi ko ng sobrang hina ngunit sakto lang para marinig niya. Napatingin naman si mama sa akin habang nakataas ang kanang kilay. "Last vigil na ni Leigh ngayon. Pupunta ako mamaya tapos bukas ng umaga ako uuwi," sabi ko and gave her a guilty look. Tinitigan naman ako ni mama ng ilang segundo at tumango. Napa-yes naman ako sa isipan ko. "Doon ka magbibihis o magpapasundo ka sa papa mo doon?" tanong ni mama habang patuloy na nakatuon ang mga mata sa harap ng tv. "magpapasundo ako ma, dito lang ako magbibihis tapos deretso na agad sa bahay nina Leigh," tumango naman si mama at sinabihan akong maligo na dahil malapit ng mag alas singko ng hapon. Napatingin naman ako sa orasan at tumayo na para tumungo sa banyo at maligo. Hindi naman ako natagalan sa banyo. Hindi ako mahilig magtagal sa banyo dahil matatakutin ako. Kahit ano-anong bagay ang na-iimagine ko sa banyo sa tuwing nakapikit ako. Pumunta na ako agad sa kwarto at naghanap ng damit na susuotin. Pagkatapos kong makabihis ay kinuha ko ang jacket na nasa hanger. Malamig mamayang madaling araw kaya kakailangan ko ito. Lumabas na ako ng kwarto at naabutan ko pa rin si mama sa sala. Nagpaalam ako sa kanya na kukuha ako ng pera sa wallet niya, um-oo naman siya habang nakatingin pa rin ang mga mata sa tv. Kina Jen muna ako tatambay. Sabay nalang kaming pupunta kina Leigh. Nakaligo na rin naman ako at 5:30 palang ng hapon. Pumara ako ng tricycle dahil medyo may distansya ang bahay ko at ang bahay ni Jen. Pwede naman siyang lakarin pero hindi ko trip maglakad ngayon. Nakakita naman agad ako ng tricycle at pumara na. Huminto naman ito sa harapan ko at tinanong kung saan ako pupunta. Sinabi ko kay kuya ang address at pinaandar na niya ang tricycle. Ilang minuto ay nakarating din ako kina Jen. Nagbayad na ako sa tricycle driver at nagsimulang pindutin ang doorbell nina Jen. Pang-ilang beses kong pinindot ang doorbell pero wala man lang response. Pinindot ko ulit ng ilang beses hanggang sa makarinig ako ng pagbukas at pagsara ng pinto sa loob. Napangisi naman ako ng bumukas ang pinto ng kanilang bahay at bumungad sa akin ang hindi maetsurang si Jen. Napangiwi naman ako ng maamoy siya. "Kadiri ka, 'di ka pa naliligo no?" sabi ko sabay pabirong takip sa ilong ko. Napasimangot naman siya at akmang susuntukin ako. Natawa naman kaming dalawa. Pinagbuksan niya ako ng gate kaya nauna akong pumasok sa loob dahil sinasara pa niya ang gate nila. Umupo agad ako sa couch. Sobrang feel at home ako rito. Always ako rito nakatambay high school palang ako. Dito nga kami tumatambay sa tuwing nagka-cutting kaming apat ni Jen, Leigh, Sam at ako. Okay, here's a side story. Originally, si Jen at Leigh lang talaga friends. Tapos ako, loner ako lagi, si Sam naman maraming ibang friends. Tapos ayun, bigla akong na-join kina Jen at Leigh dahil bet na bet ako ni Jen maging kaibigan noon. Pinagselosan nga ako ni Leigh dahil ako lang daw laging bukambibig ni Jen. Tapos biglang sumama sa grupo namin si Sam. Hindi ko alam bakit. Pero I never liked her before. As in, I hated her. Kababata ko siya and classmate since elementary so alam na alam ko kung ano ang ugali niya. I even warned Leigh and Jen about her and for a moment they hated her as well. Pero na-guilty ako dahil I noticed na parang naging against na halos ang lahat ng kaklase ko kay Sam. So ayun, we adopted her. Many tried to ruin our friendship. Inungkat nila ang dating issue ni Sam. 'Yung pagka-attitude niya and whatever. Pero we defender and explained ourselves to Same. Umiyak nga kami ni Leigh noon dah sobrang naging close na kaming apat. Pero we managed to fix the issue naman. Pero ngayon, iba na. May iba ng kaibigan si Sam. Wala na si Leigh. Kami nalang ni Jen. I miss those old times na naglalaro lang kami nina Leigh sa bahay ni Jen ng cards or 'yung mga sleepover namin. I miss those times when they surprised me for my 16th birthday. Si Leigh pa talaga nagpakulo nuon. She even invited two of my crushes. I was so happy and so was Leigh. Pero things happened ngayon. I wanted to turn back time na nandito pa siya. I still can't accept it to be honest. Aamin ako, minsa oo, nadidistract ako kay Jace. Kahit na siya ata ang pumatay kay Leigh. Gusto kong magalit sa kanya. Gusto kong gumanti sa ginawa niya kay Leigh. Ganyan ang naramdaman ko noong una kong malaman na siya anag pumatay kay Leigh. Pero hindi ko na maintindihan ang sarili ko ngayon. Hindi ko na maramdaman ang galit ko kay Jace. Nakakafrustrate rin. Pinipilit ko ang sarili ko these past few days na magalit sa kanya for what he did. Pero the more I tried the harder it gets to be mad sa kanya. I was mad at him at first. I loathed him bigla noong nasaksihan ko 'yon. I even had nightmares about it. Bumuntong-hininga nalang ako. Hindi ko namalayan na nasa gili ko pala si Jen at nagce-cellphone, namalayan ko lang ang presensiya niya dahil bigla niya akong kinalabit. Napagawi naman ang paningin ko sa kanya. “ano?” Nakabihis na si Jen at nakaipit ang buhok. Kinuha ko naman ang pantali niya dahil sobrang higpit nito at basa pa ang buhok niya. Sigurado akobg sasakit iyon mamaya. Napangiwi naman si Jen sa pagkakahila ko sa panali niya. “Aray, aray! Dahan-dahan naman, kung makahila ka para kang may galit sa akin a!” naiiyak ana tanong ni Jen. Pagkatapos kong makuha ang pantali niya ay agad kong kinuha ang suklay na nasa lamesa lang. Sinuklayan ko ang basang buhok ni Jen. Tahimik lang kaming dalawa. Nagce-cellphone rin siya kaya hindi na ako nakipag-usap pa. Alam kung sobrang affected si Jen sa nangyari. Siempre, silang dalawa ni Leigh ang mas close. “Ano kayang ginagawa niya ngayon?” biglang tanong ni Jen sa akin. Napaisip naman ako. Oo nga, ano na kaya ang ginagawa ni Leigh? Is she alright? Is she happy? Wherever she is right now, I hope na she’s happy. Kasi she knows, everyone will get through this. Napaiyak nga ako nung nagpasalamat si Nanay niya sa Diyos dahil pinahiram sa kanya si Leigh. Kahit na maagang kinuha si Leigh, naging masaya naman si Nanay dahil dumating sa kanya si Leigh. Nanay at Tatay ang tawag namin sa mga mga magulang ni Leigh. “magdinner muna tayo bago pumunta sa kanila,” sabi ni Jen at tumayo na para magtungo sa kusina. Sumunod naman ako sa kanya. Makikikain na lang din ako. Tinulungan ko si Jen na magprepare sa lamesa at nagsimula na kaming kumain. Hindi kami masyadong nagka-converse dahil busy siya sa laptop niya. May tinatapos kasi siyang assignment. Ewan ko sa kanya ba’t ngayon niya lang ginagawa, ayan tuloy, nagka-cram. Napailing nalang ako habang nakatingin sa kanya. Pagkatapos naming kumain ay ako na ang nag-offer na magligpit at maghugas dahil nakikikain lang ako, at isa pa busy siya sa assignment niya. “Ako na diyan,” sabi ni Jen habang nakatingin pa rin sa laptop niya. “Hindi ako na, tapusin mo muna ‘yan wala rin naman akong ginagawa,” sabi ko habang pinupunasan ang lamesa. Hindi na umimik si Jen at seryosong nakatitig sa monitor ng laptop niya. Natapos na ako sa paghuhugas ngunit hindi pa rin tapos si Jen. Sumilip nalang ako kung ano ang ginagawa niya, may quiz pala. “Online quiz niyo?” tanong ko sa kanya. Tumango naman si Jen habang nagta-type. “Parehas lang ata tayo ng teacher nito, mas nauna lang kami sa lessons.” Napatango naman ako dahil alam ko kung sino ang tinutukoy niya. “Malapit na ‘to, umupo ka muna doon, tapos aalis na rin tayo namaya,” sambit ni Jen. Bumalik ako sa sala at naglaro nalang sa cellphone ko. Ilang months ng nasa phone ko ang larong ito. Mukhang itong laro lang ata ang nagtagal sa akin. Nakailang kulay na ako sa laro ng biglang lumabas si Jen sa kusina at pinuntahan ako sa sala. “O? Tapos na?” Tumango naman si Jen sabay unat. Tumayo na ako at nagsuklay ng buhok ko. Inayos ko na rin ang nagusot kong damit at humarap sa salamin. Pumasok si Jen sa kwarto niya para siguro kumuha ng pera. Ng lumabas siya sa kwarto niya ay nauna akong lumabas sa bahay nila at nagtungo sa gate. Sumunod din naman siya sa akin at isinara niya ang pinto. Lumabas na kami ng gate at nag-abang ng masasakyan. Malapit lang naman ang bahay nina Leigh sa bahay ni Jen ngunit hindi namin feel maglakad lalo na’t alas sais na. Nakahanap din naman kami agad ng masasakyan. Nakarating na kami kina Leigh at sobrang nagulat kami dahil sa dami ng tao. Nasa gilid lang naman ang bahay nina Leigh kaya medyo na-traffic dito banda dahil sobrang dami ng sasakyan na naka-park. Idagdag pa ang mga motor, bike, pati tricycle. Nagdadalawang-isip pa kami ni Jen na magpatuloy kina Leigh sa sobrang dami ng tao sa labas. Nakakita ako ng kumakaway kaya isiningkit ko ang mga mata ko para makita kung sino ito. “Is that…..Keeneth?” tanong ko kay Jen. “Asan?” Nagpalinga-linga naman si Jen at hinanap ang kumakaway. Itinuro ko naman ito sa kanya ngunit hindi niya pa rin ito nakita. Hinatak ko nalang siya papalapit doon sa kumakaway namin para kumpirmahin kung si Keeneth ba iyon o hindi. Confirmed, si Keeneth nga. “Hala…” Napatingin naman ako kay Jen. “ Napano ka jan?” nagtataka kong tanong. “Ang dami nating highschool classmates dito,” amazed na sabi ni Jen. Napatingin naman ako sa pwesto nina Keeneth. Oo nga. Halos mga highschool classmates namin ang kasama ni Keeneth. I can’t believe na magkikita kami ulit, pero sobrang pangit naman dahil sa ganitong sitwasyon pa. Lumapit kami sa kanila ngunit pagdating namin ni Jen doon ay walang upuan. Nagpalinga-linga naman ako para maghanap ng bakanteng upuan. Natigil ako sa paghahanap dahil biglang may kumalabit sa akin. Si Joaquin..? Teka, ba’t kulot? “hala mukha kang Santo Niño,” natatawa kong sabi. E kasi naman sobrang kinis ng mukha niya tapos ‘yung buhok niya itim tas sobrang kulot. Para siyang Santo Niño. Hinamapas niya naman ang balikat ko. Bakla pa rin. “Gago ka,” natatawa niyang sabi. We hugged each other tightly. I looked at everyone. Nakatingin din sila sa akin. I smiled at them and then suddenly without words lumapit silang lahat sa amin ni Jen at tsaka nag-hug. Nagulat ako pero sunod-sunod na tumulo ang mga luha ko. Parang matagal ng tinataguan na luha dahil sa sobrang dami. I can’t believe I’d cry this hard. I miss her so much. Parang sa tanang buhay ko ay ngayon lang ako nakaiyak ng ganito. Hindi ko alam kung kelan ko siya ulit makikita. Pero sana, kapag nagkita kami ay magiging okay na ang lahat. Sana..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD