CHAPTER SIXTEEN

2857 Words
MoNakarating na kami kina Leigh. Sobrang dami ng tao. Nakaupo kami ni Jen kasama ang mga highschool classmates namin. Marami rin akong nakitang mga mukha na pamilyar. Posibleng nakita ko na sa school. May mga pulis din. May 11mga kapitbahay ko rin akong nakita. Tinanguan ko lang sila at ibinalik ang atensyon ko sa mga kaklase ko noon. “Hoi, how are you?” sabi ni Leslie, kaklase ko siya noong grade 7 at grade 8 pa ako. I smiled at her and said, “I’m good, medyo stressed sa acads pero nakakamanage rin naman, ikaw?” Nagchi-chika lang kami ni Leslie about sa acads kaya sumali na rin ‘yung ibang mga kaklase ko noong babae na matagal ko ng hindi nakikita. May ibang mga mundo naman ang mga lalake, nagyoyosi lang sila sa gilid. “Sy, bili tayo ng tubig,” kalabit ni Lucy sa akin. Tumayo na rin ako dahil baka uhawin ako mamaya at wala pa akong dalang tubig. Bibili nalang ako. Nahirapan pa kami ni Lucy makaalis sa pwesto namin dahil sa sobrang dami ng tao. Tagumpay din naman kaming nakaalis kaya naghanap na kami ni Lucy ng tindahan para makabili ng tubig. Medyo natagalan pa kami sa paghahanap dahil maraming sasakyan ang nakaharang at nahihirapan kami ni Lucy lumusot. Nakakita rin naman kami ng sari-sari store malapit sa isang ospital. Bumili na kami ni Lucy ng mineral water pati na rin biscuits. Hindi muna kami umalis sa sari-sari store. Tumambay muna kami saglit ni Lucy habang kumakain. “Unexpected talaga ‘yung nangyayari ano? Kanina nga pagdating ko kina Leigh hinanap ko siya, nag-eexpect pa rin ako na nandito pa siya sa atin,” malungkot na saad ni Lucy. Tumango naman ako. “Oo, when I first heard the news nga na she was…murdered, I really had a hard time believing it.” Napatingin naman ako sa kabuuan ng ospital na nasa harap lang namin. I wish you were here, Leigh. Marami ng nakaka-miss sa’yo. Pero, we have to move on. Alam kong iyan din ang gusto mo para sa amin. I’m sorry if I failed you. Hindi ko mabigyan ng hustisya ang pagkamatay mo. I am weak….and stupid. “Pero kelan kaya nila malalaman kung sino ang pumatay? Meron na silang persons of interest pero up until bow wala pa ring progress ang case dahil na rin siguro sa sunod sunod na murder,” sabi ni Lucy habang kumakain ng Piatos. May person of interest na pala ang mga pulis. Pero kahit ano’ng gawin nilang pag-iimbestiga, kung hindi kabilang si Jace sa person of interest nila, wala ring saysay ang case. Baka nga isang inosenteng tao pa ang ma-frame sa krimen ni Jace. Pero I can’t tell them. I mean, I won’t tell them the truth. They don’t have to know. I’m sorry Leigh. “Hoi, umiiyak ka! ‘Wag ka umiyak, naiiyak ako!” Tiningnan ko si Lucy at natawa ang ng slight dahil nakaiyak na siya. “Gaga, umiiyak ka na,” natatawa kong sabi sabay pahid ng luha ko. “Ba’t ka ba sumabay?” natatawa kong tanong kay Lucy, “Eh ikaw kasi e! Naiiyak ako sa’yo!” sabi niya sabay pahid ng luha niya. “Pero as in, wala na si bunso..We have so many plans pa para sa college,” sabi ni Missy sabay pahid sa luha niya. I think it was her time to die. And Jace was the instrument. Tama. Iyon dapat ang isipin ko. Less guilty. Nagdecide kami ni Lucy na bumalik na kina Leigh. Pagdating namin sa bahay nila, mas domoble ang dami ng tao. Hindi na namin mahagilap sa pwesto namin kanina sina Jen. “Hala, asan na sila?” Palinga-linga si Lucy sa paligid habang ako naman ay hinanap pa rin sila sa pwesto namin kanina. Baka kasi natabunan lang sa sobrang dami ng tao. Marami kasing nakatayo sa harapan namin kaya medyo mahirap sila hanapin. Tamo Leigh, dami mong bisita tas ikaw jan nakahiga. “Hanapin natin sila doon,” nagtungo naman kami agad sa itinuro ni Lucy at nandoon nga sina Jen. “Bakit kayo andito?” I asked her. Kinuha niya sa kamay ko ang mineral water at uminom. Papalag sana ako kaso nainom na niya kaya hinayaan ko nalang. Tinuro naman ni Jen ang mga bagong nagdadatingan na mga sasakyan. Parang walang katapusan ang pagdating nila a, “eh kasi, naubusan na ng upuan, ibinigay nalang namin doon sa iba ang mga upuan namin,” sabi ni Jen sabay balik ng mineral water sa akin. Nakatayo lang ang halos sa amin dahil naubusan na ng upuan. Gusto sana naming pumasok na doon kina Leigh pero sobrang daming tao pa sa loob. Nagsisiksikan pa. Kaya hinintay nalang namin na mabawasan ang mga tao, tutal whole night naman kami rito. Kinalabit ako bigla ni Lucy. “Bakit?” I asked her. “Lakad muna tayo.” Tumango naman ako at nagpaalam kay Jen. “Do you want to come?” tanong ko sa kanya sabay kuha sa bag kong nakasabit sa likod niya. “Sa’n kayo pupunta?” tanong niya sa akin sabay alis ng bag. Nasabit kasi sa buhok niya ang bag ko. “Maglalakad lang, pupunta rin siguro kami sa malapit na palengke jan, baka may mga tindahan bibili na rin kami ng pagkain para mamaya,” sabi ko sa kanya. Umiling naman si Jen at sinabing, “hindi na, magpapaiwan na ako rito, kasama ko naman mga kaklase ko.” Tinanguan ko si Jen at lumisan na kami ni Lucy. Marami pa ring sasakyan sa paligid at parehas pa kami ni Lucy na hindi marunong tumawid. Wala pa namang traffic enforcer kaya walang magtatawid sa amin. Medyo malayo ang pedestrian lane pero naisipan pa rin namin ni Lucy na tumawid kahit mukhang mangsasagasa pa rin ang mga driver ng mga sasakyan sa tuwing may tatawid. Nakarating na kami sa pedestrian lane at sabay pa kami ni Lucy huminga ng malalim, nagkatinginan kami at biglang natawa. “Mag-ingat tayo sa pagtawid baka tayo ang sunod paglalamayan nito,” natatawang sabi ni Lucy. Hinintay muna namin makadaan ang mga sasakyan at tsumiempo para makatawid na. Nagtatakbo kaming dalawa ni Lucy habang magkahawak ang kamay at tagumpay namang nakatawid sa kabila. Narinig pa nga naming pinagtatawanan kami ng mga tao doon pero mas lalo lang kaming natawa ni Lucy dahil sa katangahan namin. “Magpa-practice na talaga ako next time,” natatawang sabi ni Lucy. “You know, I’ve always wanted to experience this. Kaso mali ‘yung timing, na-experience ko pa talaga sa mismong lamay ng bestfriend natin,” malungkot na saad ni Lucy. Napaisip naman ako sa sinabi niya. Oo nga, gustong-gusto ni Leigh ang maglakad sa gabi, nawawala raw stress niya sa acads, lalo na kapag nakikita niya ang buwan at ang mga bituin.’Yung mga happy memories namin together tsaka lang bumalik sa mga alala ko. We’ve been through a lot since highschool. Ang dami naming pictures pero halos nakatakip lang ako sa mukha ko. Ngayon, nagsisisi ako dahil kokonti lang ang pictures namin ni Leigh na magkasama. Pero it doesn’t matter as long as she’s in my mind and in my heart. Malapit na kaming makarating sa palengke, nakadaan pa kami ng isang bakery store pero sinisirado na ng mga tindera. Nakarating na kami sa palengke ngunit nadismaya dahil halos lahat ng tindahan doon ay sirado na. Sirado na rin ang palengke kaya umikot kami ni Lucy para na rin makapaglakad. “Lakad muna tayo saglit, sobrang dami pa ng tao doon tsaka wala tayong mauupuan,” sabi ko kay Lucy at kinuha ang cellphone na nasa bag ko. Madilim na kasi ang paligid. May mga ilaw naman pero sobrang dim, maraming bato kasi sa nilalakaran namin Lucy. Naglalakad lang kami ni Lucy, may nadadaanan kaming nagmo-motor pero walang naglalakad. Mukhang kami lang ata ang trip na maglakad ngayon. Umikot lang kami sa palengke at bumalik na kina Leigh, marami pa ring mga tao. May mga pamilyar na mukha kaming nakikita, may kumalabit nga sa akin kanina. Again, nahirapan ulit kami ni Lucy na hanapin sina Jen. Pinuntahan namin sila doon sa pwesto nila kanina pero wala na sila doon. Nagpatuloy kami ni Lucy sa paglalakad ngunit hindi talaga namin sila makita. “Baka nasa loob na,” sabi ni Lucy habang kinakagat ang kuko niya. “I don’t think so,” sabi ko habang iniikot ang paningin sa paligid, “kasi diba sabi nina Keeneth kanina na mamaya pa sila papasok ‘pag wala na masyadong tao.” Sobrang hirap nilang hagilapin dahil waala masyadong ilaw. Tanging streetlights lang ang nandito sa pwesto namin at dumi-dim ang ilaw dahil walang sasakyan na dumadaan. “Hala ang hirap na nila hagilapin,” sabi ni Lucy ngunit tumataas na ang leeg niya kakahanap sa kanila. Asan ba kasi ang mga iyon? Ilang minuto ang lumipas hindi pa rin namin mahagilap ang mga kasama namin kaya naghanap nalang kami ni Lucy ng pwesto. Hihintayin naming mabawasan ang mga tao saka kami susulong doon. Ang hirap kasing lumusot sa sobrang dami ng tao. “Dito muna tayo,” sabi ko kay Lucy. Tiningnan naman niya ang kabuuan ng pwesto ko. Nakaupo kasi kami sa isabg tricycle. Wala na kasing upuan at napagod kami ni Lucy kakalakad kanina kaya kailangan naming umupo. Ibinigay ko kay Lucy ang tubig, kinuha niya naman ito at agad na ininom. “Umupo ka na rito, ‘wag ka nang maarte girl, wala tayong mauupuan kaya it’s either tatayo ka jan or uupo ka rito,” natatawa kong sabi sa kanya. Napairap naman siya, “it’s not like that, baka kasi pagalitan tayo ng may-ari dahil naupo tayo rito,” medyo worried na sabi ni Lucy. This time ako naman ang napairap. “Ano ba ‘yan Lucy, mamaya ka na mag-alala jan kapag nandito na ‘yung driver, for now mah-chill muna tayo rito,” sabi ko at kinuha ang sobrang biscuit na binili namin kanina. Ngumuso naman si Lucy at tumingin sa paligid, pagkatapos ay tumabi na rin siya sa akin at may kinuha sa bag niya. “Eto, kainin natin,” sabi niya sabay bukas ng eggnog. Agad ko naman itong kinuha sa kamay niya. Natawa naman siya pero hindi binawi ang pagkain. Alam niyang favorite ko ang eggnog e. “Sabi na hahablutin mo e,” natatawa niyang sabi. Natawa na rin ako. Wala masyadong tao rito sa pwesto namin kaya nakakapag-ingay kami ni Lucy. Sobrang dami ng dumating sa lamay ni Leigh, I doubt na kilala niya ang iba rito. Hindi nga ata kilala ng magulang niya ang mga ‘to. Pero atleast na-acknowledge nila ‘yung existence ni Leigh. Marami pa naman kaming remaining time para mamaya, we’ll wait for our turn. “Sobrang dami ng tao a.” Napatingin naman ako kay Lucy. “Oo nga.” After nun ay tahimik ulit kaming kumakain. Nagce-cellphone lang siya kaya kinuha ko na rin ang cellphone ko para maglaro. Mabuti nalang at hindi ko pa ‘to dinelete. Isang oras ang lumipas, lumabas ako sa tricycle at nag-inat. Medyo nabawasn na ang nga tao. Tiningnan ko ang oras sa cellphone ko, Ten pm na. Tiningnan ko si Lucy, busy pa rin siya sa cellphone niya. “Lucy,” tawag ko sa kanya. Bahagya niyang inilingon ang ulo niya sa akin pero nasa cellphone pa rin nakatingin ang mga mata niya. “Ano?” nakataas kilay niyang tanong sa akin. “Halika na, hanapin na natin sila isang oras na tayong nakaupo jan girl,” sabi ko sabay unat. Medyo sumakit na rin ang pwet ko kakaupo. Ibinaling naman ni Lucy ang paningin sa paligid. “Anong oras na ba?” tanong niya sa akin ngunit nasagot niya rin agad ang tanong niya dahil tiningnan niya ang oras sa cellphone niya. “Ten na pala.” Tumayo na rin si Lucy at nag-stretch. “Tara?” sabi ko sa kanya, tumayl naman siya kaya nagsimula na kaming maglakad para hanapin sina Jen. Ilang minuto rin kaming naghanap ni Lucy ngunit hindi talaga namin sila mahagilap. Naisip ko tuloy bigla na baka umuwi na sila. Pero that’s impossible, kaya nagtyaga kami ni Lucy na hanapin nalang sila. “hoi!” nagulat ako dahil may biglang kumalabit sa akin, patinsi Lucy ay nagulat din. Tiningnan ko ang nanggulat sa amin ngunit nagulat ako dahil si Jen pala ito. Kasama niya si Diana, kaklase nola ni Lucy. “Hoi, kanina pa kami naghahanap,” sabi ko kay Jen. Tinanguan ko lang si Diana, hindi naman kami masyadong close dahil grade 7 lang kami naging magkaklase. “Kami nga rin e, akala nga namin umuwi na kayo,” sabi ni Jen sabay kamot sa ulo niya. Napakamot nalang din ako. “San ba kayo Hinanap namin kayo doon sa pwesto niyo kanina pero wala na kayo,” nakasimangot kong tanong kay Jen. “Eh lumipat kami kasi may mga umalis na kanina kaya umupo kami doon, mahirap nga lang kami makita dahil maraming nakatayo sa likod namin tas nakaupo lang kami,” sabi naman ni Jen. Napatango natawa kami ni Lucy. “May bakante pa bang upuan doon” tanong ko kay Jen. Tumango naman si Jen. Tutungo na sana kami sa pwesto nila pero biglang may humila kay Jen kaya napahinto kaming lahat. Nahawakan ko naman agad ang kamay ni Jen kaya napigilan ko ang akmang paghila sa kanya. “What the—” hindi natuloy ang sasabihin ko dahil nakita kong si Kris lang pala ang humila kay Jen. Kaklase niya rin. “Grabe ka te,” pabaklang sabi ni Kris. Natawa naman ako at humingi ng pasensya. “Sorry din, nagulat ata kita,” sabi niya sabay tawa. I told him na okay lang ‘yun. Hinayaan ko muna silang mag-usap ni Jen saglit. Ilang minuto ang lumipas ay lumapit si Jen sa akin. “Ano?” tanong ko kay Jen. "Kakain daw kasi sila doon, may hindi pa kasi nagdi-dinner nagugutom na ata. Sasama ba raw kayo?" I'm pretty sure they didn't invited me, pero I still nodded and told Jen na sasama kami ni Lucy. Hindi naman ako mao-op doon dahil nandoon naman sina Jen at Lucy. Medyo close ko rin ang mga kaklase nila Jen at Lucy. "Ilan ba tayo?" tanong ko kay Jen pero nag-shrug lang siya. Hinintay namin ang iba pang sasama at nang makompleto na ay saka nagsimulang maglakad. Pero I noticed something, itong isang kasama namin, I noticed him noong una kong punta kina Leigh after niya...mamatay. He was there as well, nanotice ko siya dahil lagi siyang nakatitig sa akin, and now he's here as well, nakatitig ulit. The f**k's wrong with this guy? I gave him a weird look at nauna nang maglakad. Sumabay naman sa akin sina Lucy at Angelo. "Taray mo girl, kala mo 'di ko nakita 'yun a," pabirang sabi ni Angelo sabay sundot sa tagiliran ko. Hinampas ko naman siya ng malakas kaya napa-aray siya. Narinig kong tumawa sila sa likod. "Edi ikaw na, makipagtitigan don, ang creepy tumitig," naiiritang sabi ko. Hindi naman ako ganito ka-taray pero I really don't like the guy. Sana naman ma-notice niyang ayaw ko sa mga titig niya. "Ano ka ba, obviously may crush 'yan sayo no," natatwang sabi ni Lucy, "at tsaka, cute naman e, ganyan naman ata mga bet mo sa lalake e," dagdag pa ni Angelo. Bumuntong-hininga ako. "Oopsies," sabi ni Lucy, natawa naman si Angelo at inakbayan ako. Isa pa 'tong may crush sa akin noon e. Tsansing. Nagpatuloy lang kami sa paglalakad siempre hinaharot ako ni Angelo. Bakla talaga. Sa 7/11 sana kami kaso halos sa amin ay hindi kaya ang budget sa 7/11 kaya nagstreet foods nalang kami. Mabuti nalang at may nagtitinda pa ritong streetfoods. May nagtitinda rin ng kanin. Halos bukas pa ang mga paninda rito pero nakapagtatakang close na ang palengke. Maaga ba dapat mag-close 'yon? "Kakain ka rin ba Missy?" tanong ni Grace sa akin. Umiling naman ako. "Hindi na, nagdinner na ako kanina," I said and smiled at her. Nakikita ko pa ring nakatitig 'yung lalaki kaya kinuha ko ang cellphone ko at yumuko. Natatawa na kasi ako dahil sa titig niya. Tinakpan ko ang bibig ko gamit ang kamay ko. Nakita naman ito ni Jen, "ba't ka natatawa?" nagtatakang sabi ni Jen. Umiling naman ako at mas ipinokus ang atensyon ko sa cellphone ko. Hindi pa sila kumakain dahil nagpapaluto pa sila ng barbeque. Kami naman nina Lucy ay naglalaro sa cellphone namin, malas nga lang dahil umupo sa harapan ko 'yung lalaki. Nakikita ko pang nagsisikuhan sila nung kaibigan niya na kaklase nina Jen. Nag-angat naman ako ng paningin at tiningnan sila. Nag-smile naman 'yung kaklase ni Jen. "Bibili ka rin ba Missy?" tanong niya. I forgot his name. Umiling lang ako at ibinalik ang paningin ko sa aking cellphone. Wala ako sa mood na kausapin sil, we're not close, I don't know them kaya wala naman siguro kaming dapat na pag-usapan. At isa pa, hindi ako interesadong kausapin sila. Wala akong pakealam kung sasabihin nilang snob ako. Pakealam ko sa kanila?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD